17 He’s Back

HINDI MAKAPANIWALA si Lexine sa mga karumal-dumal na bagay na kanyang nasaksihan. Everything happened so fast her mind wasn't able to follow. Lumilipad ang mga katawan, walang tigil na sigawan, nabasag ang salamin at lumiliwanag na kamay. Ngunit hindi siya sigurado kung totoo ba ang lahat ng iyon o dulot lang ng droga. Is she hallucinating?

Hindi niya alam kung ligtas na ba siya dahil sa biglang pagdating ng lalaking naka-itim na maskara, bagkus, mas lalong gumapang ang matinding kilabot sa buo niyang katawan.

Pumihit ang estranghero sa kanyang direksyon. "Don't you d-dare touch me," aniya sa nanginginig na boses.

Bigla tuloy nawala ang lahat ng hilo niya at tuluyang naggising. Daig niya pa ang nag-dive sa dagat ng Antarctica sa walang tigil na panginginig ng kanyang katawan. Siniksik niya ang sarili sa ilalim ng kumot habang pilit na itinatago ang kahubaran.

"Is that what I'd get after saving you, cupcake? What a nice way of saying thank you."

Mas dinikit ni Lexine ang likuran sa headboard ng kama. "Don't call me cupcake, and don't get near me you freak!" Hindi niya alam kung saan pa siya humuhugot ng lakas ng loob sa kabila ng matinding takot na nararamdaman.

The stranger chuckled as though her hateful words were amusing. "Freak? Such a nice endearment."

Sa isang kurap ay nasa harapan na ni Lexine ang binata. Lumindol ang buong kama. Pinagigitnaan siya ng dalawang braso nito. Napigil niya ang paghinga. Ramdam ni Lexine ang tila nagbabagang apoy na hininga nito na humahalik sa balat ng kanyang mukha. Gumapang ang init niyon hanggang sa dulo ng mga daliri niya sa paa. Bahagya pang tinagilid ng estranghero ang ulo nito na tila ba isa siyang abstract painting na kinahuhumalingan nitong pagmasdan.

"You grew a lot." His deep voice sounded like a whisper of a provoking sin.

A pair of brown eyes—like two alluring orbs—lingered on hers and made her entire body feel fervent. It was beautiful, but at the same time, it shows a sort of threat that you should never dare to provoke. The stranger's eyes felt inexplicably familiar to her.

He lowered his hot gaze on her trembling lips and traces them with his thumb. He does it extremely slowly—as if he has all the time in the world—without taking his eyes off her flushing face. Lexine caught her breath. Electricity suddenly crawled from her scalp to the tips of her toes. Gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa kabila ng takot na nararamdaman niya sa kaharap ay nagagawa pa talagang maging abnormal ng katawan niya.

Mabilis na pinasadahan ni Lexine ng tingin ang kabuuan nito. Kahit nakatago ang mukha ng binata dahil sa maskara, hindi `yon nakabawas sa kakisigan nito. Maputi at makinis ang balat nito kahit pa tadtad `yon ng tattoos; meron ito sa leeg, dibdib at braso. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon uri ng mga simbolo. They're all dark cursive lines, stars, triangles, eyes, and odd figures that she can't understand.

Hindi rin maitatago ang napaka-leaned nitong muscles. Tama lang ang hubog ng biceps nito habang may maliliit na mga ugat ang lumilitaw sa magkabila nitong braso. It made him more appealing and annoyingly sexy. Higit sa lahat, kikilabutan ka nang husto sa kung paano tumitig ang tsokolate nitong mga mata. `Yong klase ng titig na para kang hinuhubaran pero magugustuhan mo rin naman.

This guy is unbelievably hot! Pinilig niya ang ulo. Lexine, stay sane. He's obviously dangerous. Ayusin mo ang sarili mo bruha ka!

Lexine hardly swallowed and asked in a weak voice, "Who are you?"

Ngumuso ang binata. "Ang bilis mo naman makalimot, nakakatampo."

Hindi napigilan ni Lexine ang sarili na pagmasdan naman ang labi nito. Natural na mapupula iyon, mukha ring malambot. Gusto na talaga niyang iuntog ang ulo sa pader `pag hindi pa siya tumigil sa mga kagagahang naiisip niya.

Oh God! Ganito ba maging sabog? Nakaka... horny? Nanuyot ang lalamunan niya.

"After all that we've shared that night, basta-basta mo na lang `ko kakalimutan? I didn't know you're a heartbreaker."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "I don't know what the hell you're talking about."

Magaan na pinadausdos ng binata ang likod ng dalawang daliri nito sa pisngi ni Lexine, sumunod sa baba niya. Muling dumaloy ang bolta-boltaheng kuryente sa buong katawan niya. Daig pa ata ng lalaking ito ang Meralco!

"The kiss we've shared... it's my most unforgettable kiss my sweet little cupcake." Mula sa baba niya gumapang ang daliri nito sa kanyang leeg, dahan-dahan pababa sa kanyang dibdib. He touched the scar on her upper right chest––the mark she got when she's sixteen. Biglang napaso si Lexine. Napasinghap siya nang malakas. What the hell was that?

Hinawi ng binata ang mga nakakalat na hibla ng buhok sa kanyang mukha. "I'm here for my price."

Nilapit nito ang bibig sa kanyang noo at nag-iwan roon ng isang halik na kasing gaan ng alikabok. Lexine closed her eyes as the feeling of his lips lingered on her skin like a drop of wax from the melted candle. Literal na tumigil sa pagtibok ang kanyang puso.

Pinagdikit nito ang kanilang noo. "I'll see you again."

Pagdilat ni Lexine ay nawala nang estranghero. Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Kanina niya pa pinipigilan ang hangin sa dibdib.

Anung nangyari? Bakit ganun na lang ang epekto ng lalaking `yun sa'kin? At anung kiss ang pinagsasabi niya?

What the freaking hell is going on!?

Pumailanlang ang mabibigat at nagmamadaling mga yabag. Naalertong siniksik ni Lexine ang sarili sa ilalim ng kumot at tumingin sa sirang pintuan. Humihingal na pumasok sa loob ng kwarto si Ansell. Nanlaki ang mga mata nito nang masilayan ang kanyang itsura. "Alexine!"

Mabilis na dumalo sa kanya ang kaibigan at agad niya itong sinalubong ng mahigpit na yakap. Saka niya lang nagawang ilabas ang mga luhang kanina niya pa gustong pakawalan.

"Narito na `ko, Alexine. Patawad at nahuli ako ng pagdating."

Mas hinigpitan ni Lexine ang kapit sa leeg nito at mariing pumikit. Pansamantala ay nakaramdam siya ng kaligtasan sa mga bisig nito.

avataravatar
Next chapter