16 Stranger in a mask

[R-18] This chapter has explicit content not suitable for young readers

-----------------------------------------

ISANG MALAKAS na kalabog ang nagpatigil sa apat na lalaki. Sabay-sabay na pumihit ang ulo ng mga ito sa pinanggalingan niyon. Nawasak ang pintuan na diretsong bumagsak sa sahig. Sa likod niyon nakatayo ang isang matangkad na binata na may suot na itim na eye mask.

"What the—hey, you! Get out! `Wag kang makialam dito!" lukot ang mukha na sigaw ni Cristoff.

"I'm bored outside, mukhang mas masaya rito," nakangisi niyang sagot. He crossed his arms and settled his back on the door frame. His face was a canvas of a lazy Sunday afternoon.

Nagtigas ang bagang ni Cristoff. Gamit ang tingin ay mabilis nitong sinenyasan ang mga kaibigan na agad naman sumugod sa estrangherong binata. Mabilis ang sumunod na kaganapan. Kasing tulin ng hangin na naiwasan niya ang bawat suntok at sipa na pinapakawalan ng tatlong lalaki. Nagtapon ng suntok si Trevor na agad niyang nahuli, pinilipit niya ang braso nito.

"AAAAHHHH!" hiyaw ni Trevor. Sinipa niya ito sa tagiliran. Agad tumilapon si Trevor palabas ng pinto. Diretso itong nahulog sa first floor. Umugong ang malakas na hiyawan ng mga bisita mula sa labas.

Halos malaglag ang buong panga ni Cristoff sa sahig. Tumaas ang sulok ng bibig ng estrangherong binata. Ginalaw-galaw niya ang hintuturo at ini-enganyong sumugod ang dalawa pang natitira. Dali-daling sumugod si Luis mula sa likuran at sinakal siya gamit ang dalawang braso nito. Para itong unggoy na lumingkis sa sanga ng puno. Hinablot niya ang buhok ni Luis at hinagis ito palayo na parang nagpasa lang siya ng ballpen. Tumama si Luis sa isang cabinet na nasa gilid ng kwarto; nawasak iyon, diretso itong bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

Ang natitirang si Jacko ay dumampot ng nakakalat na baseball bat sa korner ng silid. "T*ngina ka!" Sunud-sunud nitong hinumpas ang hawak na armas. Pero tila nakikipaglaro lang siya ng patintero habang umiiwas sa bawat sugod at pag-atake ng huli.

Inangat ng estrangherong binata ang kaliwang kamay niya na binabalot ng asul na liwanag. Agad na-paralyze si Jacko. `Di nagtagal at nangisay ang buong katawan nito. He slowly closed his palm as if he's squishing a sponge and the tiny veins in Jacko's face popped out. Jacko's eyes rolled up until his pupils disappeared. The stranger tilted his face to the side as he enjoyed the view in front of him. The visible pain in Jacko's face excites him as though he's watching his favorite NBA game.

Hinumpas pakaliwa ng binata ang umiilaw niyang palad at isang malakas na invisible force ang humagis kay Jacko patungo sa pader. Diri-diretso itong lumusot sa kabilang kwarto.

Kumaripas nang takbo si Cristoff patungo sa sulok ng silid. "Please! Please, man. Have mercy on me! Hindi ako lalaban," pagsusumamo nito na halos lumuhod sa kanyang harapan.

The stranger's lips stretched to a sort of smile that has placed everyone in the pits of hell. Mercy? That word didn't belong to his dictionary. Hinablot niya ang kwelyo ng damit ni Cristoff at malakas itong binalibag sa pader. Umangat ang mga paa nito mula sa sahig. Nilapit ng binata ang mukha rito. Dinukot niya ang cellphone sa bulsa ni Cristoff. I-ni-scan niya ang mukha nito sa face ID, na-unlock ang screen at agad niyang pinindot ang Facebook app.

"What the hell, man!"

"Shut up or I'd crush your goddamn balls," nanggigigil niyang turan. Walang nagawa si Cristoff kundi ang manahimik. Ipinagpatuloy ng binata ang pagdutdot sa screen. Nang makita ang hinahanap ay napangisi siya nang malaki. Tinapat niya ang front camera sa mukha ni Cristoff. He turned on his facebook live. Now everyone in the party is watching.

"Tell everyone how tiny is your fucking d*ck."

Halos lumuwa ang mga mata ni Cristoff at panay ang pag-iling. Binalibag niya ito sa pader at halos umiyak na ito sa panlulumo. "You'll open your mouth or I'll cut your stupid d*ck into pieces and make you chew it. Choose." Mabilis ang pag-iling nito. "Now. Talk."

Labag man sa loob ay humarap si Cristoff sa camera at nagsimulang magsalita. "M-my... my... d-di—"

Muli niya itong dinikdik sa pader. "My d-d*ck is... s-small."

"Tell them na kasing liit ng vienna sausage."

"Huh?"

"Tell them," mariin niyang ulit.

"My d*ck is small. Kasing liit ng v-vienna sausage."

"Now tell them that you're a rapist."

"I'm a r-rapist." Nagsimula na itong humagulgol.

"Good, boy." Marahan niya itong tinampal ng dalawang beses sa pisngi. Hinagis niya ang cellphone nito at inilapit ang nagdidilim na mukha kay Cristoff. Tama nang laro. It's time for the real punishment. "Do you know what pisses me off the most aside from a boy with a d*ck as tiny as his brain?"

Mabilis na umiling si Cristoff. Naliligo na `to sa pawis at nilubayan nang kulay ang mukha nito. Kulang na lang ay maihi na ito sa salawal. Muli niya itong binalibag nang malakas sa pader; nag-crack iyon.

"I don't like anyone touching what's mine." He gritted his teeth. "You messed up with the wrong girl, kid. Now you need to pay," he growled like a monster.

Walang pagdadalawang isip na hinagis niya si Cristoff sa labas ng bintana. Sumigaw ito hanggang sa bumagsak ang katawan nito sa swimming pool. Napuno ang buong lugar ng iyak at sigawan.

avataravatar
Next chapter