webnovel

Prologue

Prologue

I was full of sweat when I managed to sit on a bench near the bus stop. I looked at my resume, kamuntik ko nang malukot. Ano ba naman kasi 'yan pangatlong kumpanya na iyon! Ni isa wala sa 'king tumanggap! Argh, excuse me, I've got a good credentials too.

But I guess this is life. It is always tough and so? I'm way tougher from it.

Kaya mo 'yan, Samantha! Mahina lang ang umaatras, 'pag malakas dapat laging lumalaban. Yes, that's it. Fighting!

Bumuntong hininga ako at handa na sanang sumakay sa humintong bus nang maagaw ang atensyon ko sa lumipad na flyer. Ayoko na sanang usisahin kung anong mayroon do'n. Ngunit may kung anong pwersa ang nag-udyok sa 'king buklatin at basahin iyon.

Vybe Labels Entertainment's rising boy group, Only Treasure of the Seven Seas (OT7s) is looking for an additional make-up artist and hair stylist. If you are interested, kindly visit the company and look for Mclaine Miranda. The following are the requirements and qualifications:

- Must be 18 years and above.

- Has or have had a job experience on the said position.

- College graduate with good credentials.

- Is professional and competent.

Totoo ba itong nabasa ko? Nagha-hire ngayon ng stylist ang Vybe Labels? Para sa OT7s? Waaaah, joke ba 'to?! Wengya pakigising ako! Si Harvin Lee, ang isa sa crush at bias ko sa OT7s. Kapag pumasa ako, ibigsabihin may tsansa akong makasama siya?!

Napatingin ako sa langit sabay ngiti. Ang lakas ko talaga sa 'yo, Lord! Thank you dito, sisiguraduhin kong matatanggap ako.

"Miss, sasakay ka pa ba o hindi?" iritadong saad ng driver ng bus sa 'kin.

—inkcyantist—