webnovel

Chapter 3

Chapter 3

SAMANTHA'S POV

Pagkauwi sa bahay 'agad na binalita ko kila Mama ang pagkakatanggap ko sa trabaho. Kagaya ng inaasahan ko ay proud na proud at masayang masaya sila sa akin. Ngunit ang pinakamarami talaga sa aking magtanong ay si Liv.

"Liv, tantanan mo nga muna ang Ate Sam mo. Kita mong di pa nga 'yan nakakapagmeryenda! Ito puro crush crush na naman ang inaatupag. Maghugas ka na nga ng mga pinagkainan niyo do'n." sita sa kanya ni Mama. Kaya napapakamot naman ito sa ulo niya bago dumiretso sa kusina.

"Ma, naman kalmahan niyo lang. 'Di naman ako gano'n kapagod." Syempre 'di ba? Umuwi na nga akong tanggap sa trabaho may bonus pang kindat ni Harvin.

Jusmee, favorite ata ako ni Lord kasi nang dahil kay Harvin kaya ginusto kong mag-apply sa kumpanya nila. Nang dahil kay Harvin kaya rin ako natanggap sa trabaho. Lucky charm ko na ata ang poging 'yon!

"Ate, nginingiti mo sobra na 'yong gatas ng champorado mo!" naalarma ako sa sigaw ni Yowana.

At tama nga siya, umapaw na ang evaporada sa mangkok ko. Sakto ring kabababa lang ni Ate Winter, bagong ligo. Natatawa itong umiiling sa 'kin bago umupo sa tabi ni Yowana.

"Sis, ano na 'yan? Aftershock pa rin ba nang pagkikita niyo ni Harvin?" tawa ni Ate Winter pagkatapos sumubo ng champorado.

Umalis muna ako para kumuha ng pamunas sa kusina. Agad rin naman akong nakahingi dahil binigyan ako ni Livana. Si Mama ay wala na rito dahil pinuntahan niya si Papa sa talyer. Paniguradong dinalhan nito si Papa ng meryenda. Ang sweet talaga nila sa isa't isa. Sana all, when kaya tayo Harvin 'no?

"ATE SAM!" parang timang na tili na naman ni Liv papunta sa gawi namin.

"Ano?"

"Tingnan mo 'to! Nagv-live ang OT7s. Waaaaah"

"Ano ba 'yan Ate Liv, akala ko naman kung may ahas na sa kusina. Ang ingay talaga." yamot na saad ni Yowana tsaka binitbit na ang mangkok papuntang kusina.

"Naman mga crush ko e. Ikaw nga parang 'di kinikilig kay c--" pinutol na siya ni Yowana.

"Weyy, tigil na Tyler." Agad namang tumahimik si Liv at umirap na lang kay Yowana. Si Tyler kasi ang dating crush ni Liv at ayaw niyang marinig na nasasali ito sa usapan.

"Uy, sino 'yan na nasa gitna? Hala, gwapo 'yan oh! Iyan rin, iyong isa pa. Anong pangalan niyan?" nagulat kami ni Liv nang nakidungaw si Ate Winter habang nanonood kami ng v-live.

"Alin Ate Winter Levity Meneces? Hmm, pakituro nga ulit baka magmula sa araw na 'to OTceans ka na rin." galak na galak na ani ni Liv kay Ate.

"Psh, sabi ko lang gwapo sila. Loyal ako kay V, noh? Army lang ito." buong kumpyansang saad pa nito sa 'min.

"Talaga? Sabi ng babae na nagtatanong ng mga pangalan sa OT7s." ngumisi ako matapos sabihin iyon.

"E-Eh kasi, basta ba't ba kasi ayaw niyong sabihin mga pangalan nila! Ang big deal sige pa-mine na rin ako do'n sa nagugustuhan ko."

"Ayieee, sabi na e. Si Ate talaga halata namang may gusto rin sa OT7s" tinusok ni Liv ang tagiliran ni Ate Winter. Pero nang titigan siya nito ng masama ay tinigil niya rin.

"Welcome to the fandom, Ate Winter!" saad ko sabay finger heart sa harap niya. Tumawa naman siya sa akin.

"Baliw!" aniya.

Kaya isa-isa naman naming pinakilala ni Liv sa kanya ang bawat miyembro ng OT7s. Pito rin ang miyembro ng OT7s kagaya ng BTS na inii-stan ni Ate Winter. Si Riley Yang ang leader nila sa kabila ng pagiging bata nito. Riley Yang is only 18 years old, he got a cute smile, face, cat eyes and his hollow dimples at his right cheek is one of his assets. He is the lead dancer. His full name was John Riley Yang, on stage he's called Wonwin Yang or Yang Wonwin. Second, Harvin Ethan Lee. He is the oldest in the group. He is 21 years old. His stage name is Harvin Lee, he is my bias. The main vocal of the group, all rounder and does ace on everything.

Harvin's got a beautiful doe eyes, a voice that would instantly make everyone fall in love. And a precious, captivating smile. Kasi iyon ang nangyari sa akin, bakit ba? Basta he's so pogi for me. Boyfriend and very husband material!

Third, Jay Xavier Park. He is a sweet tooth member. He loves everything that is sweet, that there won't be a day that you'll not see him eating sweets. He also loves to eat corns, boiled ones in a stick. He once lived abroad at America that's why he's quite fluent in speaking English. His stage name is Xavier Park. Xavier's asset is his sharp jawline, it highlighted his features. He is one of Liv's bias.

Fourth member, Jake Matteo Sim. He was born and raised at Australia but as he grew older he auditioned and become a trainee of Vybe Labels. He's known for his unique australian accent. He's a sporty type of person, soft-hearted, dog lover and naughty member. Matteo has an eyes resembling a wolf and it suits him well. Siya iyong isa do'n sa mga itinuturo ni Ate Winter na nagagwapuhan siya. Bias niya na ata.

Fifth, Frosh William Park. He is a loud introvert and his bestfriend is Matteo. His stage name is Frosh Park. And yes, he is related to Xavier Park, they are cousins. Frosh has got a beautiful chinky eyes and doesn't need a vampire teeth to be called as a vampire. Because he's got a natural canine teeth and it suited him when he smiles. OTceans often tell that he is the main visual of the group. Frosh, Matteo and Xavier are 20 years old.

Si Frosh ang sa tingin kong pinakanagugustuhan ni Ate Winter. Pakiramdam ko lang.

Sixth, Kenzo Reign Park. He is the sunshine king who is born to reign and brighten up one's day. He's the most cheerful in the group. OTceans who attended OT7s fanmeeting said that Kenzo was very approachable. But yes, all of them naman. Kenzo Park was his stage name. And yes, he is also a cousin of Xavier and Frosh's little brother. He is just 19 years old. He is also dubbed as the king of duality for he can be cute and handsome after a while. Siya talaga ang pinakacrush ni Livana sa lahat ng bias niya sa OT7s.

Seventh, Night Dale Serpanza. He is the main dancer of the group. He is the same age as Riley, 18 years old. But he was the maknae, because he was younger on months to Riley. His stage name is Night Serpanza.

Above all, OT7s a group that comprises of humble, good looking and talented people.

"So Ate Winter who is/are your bias/es?" tanong ko sa kanya.

"Edi iyong tatlo. Si Frosh, Matteo at Riley!" Sabi na nga ba at nandyan si Frosh palibhasa kasing edad niya.

"Aba, Ate child abuse ka ata kay Wonwin! 18 years old lang 'yon kasing edad na ni Ate Sam. Ano ka na!" kantyaw ni Liv kay Ate.

"Tao! Na nagkagusto sa ka-cute-an ni Wonwin cutiepie!"

"Hala siya nabaliw ka na Ate!" saad ko naman.

"Oo, baliw kay Frosh. Iyon 'yon pati kay Matteo. Sorry muna V, liko lang ako ng konti sa OT7s hehe."

"Yay, hindi loyal si Ate Winter! Ipabura na 'yan sa Earth!" humahalakhak na ani ko pa.

"Hoy, loka! Ang tawag do'n multifan, I stan a variety of idols."

"Wow. Huli si Ate Winter pero lusot. Iba talaga ang Winter Meneces!"

"Of course." Taas noong pahayag ni Ate kaya tumawa na lang kami.

"One of the fans asked if there is some special meaning on Harvin's IG story recently?" Riley asked while reading the live comments.

Kita namin kung paano nila sabay sabay na tinitigan si Harvin sa gilid. Panaka naka nga itong tumitingin sa phone niya habang malapad ang ngiti. Parang wala sa sarili at malayo ang nililipad ng isipan pero masaya naman siya.

"What?" takang tanong niya sa kasama.

"Can you answer the question of one of the OTceans, Harvin-hyung?"

"Yes, what is it?"

Ibinigay naman kay Harvin ang Ipad at ilang segundo rin niyang binasa iyon. Bago siya ngumiti na naman ngunit iwinasiwas niya ang kamay sa harap ng camera.

"Oh, it was nothing. That's just a random IG story that I find adorable." Pero kita naman sa screen ang nanunudyong tinginan nila Riley.

Hanggang bumalik na ulit sila sa pag-uusap ng ibang topic. Nagsagot na rin ng ibang tanong sa ibang members.

"Taray, ano kaya 'yong in-story ni Harvin at ganoon na lang ang ingay ng OTceans?" komento ni Ate Winter.

Nagkibit balikat na lang kami ni Liv kasi hindi naman kami ganoong ka-active sa Instagram. Madalas kasi ay sa Twitter, Facebook tsaka Weverse kami nakikibalita sa OTceans. Maging sa pagsubaybay sa updates tsaka pictures.

Akala ko tapos na sila sa live kasi nagpapaalam na si Riley dahil siya ang leader. Nagpapasalamat na rin si Kenzo at Xavier. Kaya halos mabasag na naman ang eardrums namin sa tili ni Livana. Kung hindi ko lang siya kapatid ay malamang iisipin ko nang naputulan na ito ng ugat sa lalamunan kakasigaw.

"Harvin-hyung, OTceans still can't get over om your IG story. They are convinced that the photo has got a meaning. What can you say?" tanong ni Kenzo nang nakangiti. Halos hindi na makita ang mata niya kundi ang chubby cheeks niya na lang. Ang cute, siopao!

"Spill, hyung. Is there a meaning behind it?" nanunudyo namang dagdag ni Frosh dito.

"Your story is just a rose, roses rather in a form of a letter S. And you added beautiful as a caption. Does this really have no meaning at all, hyung?" may pagdidiin na sabat naman ni Matteo.

Kawawa naman ang Harvin ko mukhang pinagkakaisahan na nila! Pero may meaning kaya 'yon? S? Sino naman ang S sa buhay niya?

Oh my gosh, baka pangalan iyon ng girlfriend niya? What if si Harvin talaga may jowa sa kanila sa totoong buhay? Awww, iiyak talaga ako.

"Alright, yes it did have a meaning. Guess, I couldn't lie in front of OTceans. They sensed already that it's someone precious to me." Mahabagin, ang linaw sa pandinig ko ng maganda niyang tawa.

Masaya ang puso ko pero naiiyak rin. Someone precious daw sa kanya iyong S. Huhu, grabe na 'to pero malay mo nanay pala niya? Okay, think positive self!

"OTceans have an additional question related to you, Harvin-hyung. They asked if it's a family or someone special?"

Ito na nga ba sinasabi ko. Hinahanap talaga ng mga OTceans ang sakit 'no? Pwede namang huwag tanungin lahat, hinay hinay lang sana sa sakit. Nakakasakit din naman sa puso naming Harvin stan!

"It's a special someone. I may sound like a teenage boy but I think I have a crush on her."

Ako lang ba? Pero ang cute niyang tingnan habang kumakamot siya sa tainga nang sabihin niya iyon. Namula pa nga iyon. Ang cute ni Harvin mahiya. Shutaaa.

"Ang swerte naman ng girl na 'yon. Isang Harvin Lee pa talaga nagkagusto! 'Di ba Ate Sam?" siniko pa ako ni Livana.

Hindi ako kumibo. Masama ang loob ko. Kung sino man iyang si Miss S sana mahalin niya rin si Harvin. Ayaw kong nalulungkot iyon e.

"Bilis, Liv i-type mo kung pwede ba natin malaman hint sa name ng girl. Dali bago mag end ang live!"

Sa kasamaang palad…

"Cut!" saad ni Night sa harap ng camera.

–—inkcyantist—–