webnovel

Immortal Destroyer: Green Valley [Volume 5]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
94 Chs

Chapter 40

Mabilis na napalundag ng mataas ang nasabing lider ng kriminal nang maramdaman nito ang panganib na nagbabadya sa kaniyang direksyon. Hindi nga siya nagkakamali dahil sa iglap lamang ay nakita niyang sumabog ang lupang tinatapakan niya kani-kanina lamang.

BANG!

Halos tumalsik sa direksyon niya ang medyo mainit-init pa na mga lupa. By just waving his hand, tumalbog ang mga lupa sa ibang direksyon. Medyo malapit lang rin kasi ang nilipatan niyang pwesto.

"Magpakita ka kung sino ka mang hayop ka!" Gigil na wika ng lider ng mga kriminal halatang hindi ito natutuwa sa pangyayaring ito. Sino ba naman kasing tanga ang aatakihin siya ng talikuran, hindi rin ito magandang biro para sa kaniya.

Whoosh! Whoosh! Whoosh!

Mabilis na lumitaw ang isang pigura sa hindi kalayuan. Makikitang hindi ito ang inaasahan niyang nilalang na makaharap sa mga oras na ito even in his wildest dream.

"I-ikaw? Pa-paanong nangyari ito? Hi-hindi ba nailigaw ka namin kanina?!" Nagkandautal-utal na pagkakasambit ng lider ng grupo ng kriminal na siyang nakasagupa kani-kanina lamang ng batang si Li Xiaolong. Hindi talaga nito inaasahan ang mabilis na pagkakasunod ng nakalaban nila kanina sa kanila. Idagdag pang nagulat talaga siya sa kaniyang sariling nasaksihan lalo pa at wala talaga sa isipan niya na makakasunod ito sa kanila.

Swamp Dungeon are very desolate at napakatricky ng mga lugar rito na kung hindi ka maalam sa direksyon ay talagang manganganib ang buhay mo dahil mangangapa ka talaga ng direksyon. Kahit nga sila ay ganoon din. Sino ba kasi ang mag-aakalang masusundan sila kaagad. Nakalayo-layo na sila noh.

"Nagulat ka ba sa aking presensya ngayon? Hindi ko aakalaing nauutal ka sa sinasabi mo hehehe, takot ka bang mamatay sa mga kamay ko?!" Nakangising sambit ng batang si Li Xiaolong habang tila hindi kakikitaan ng pagiging bata ang tinig at tindig nito. This is really a good thing lalo na at hindi siya matutuklasan ng ibang naririto even a Purple Blood Realm Expert ay mahihirapang tukuyin ang pagkakakilanlan niya. Gusto niyang mangyaring matakot itong nilalang na nasa harapan niya.

Pansin din niyang nag-iisa lamang ito habang nakita niyang may tatlong rutang nasa unahan lamang ng tumatayong lider na ito.

"Ako, mamamatay sa mga kamay mo? Dream on! Talagang ang kapal ng apog mong pagbantaan ako?! You are really pathetic!" Puno ng pagkairitang turan ng nasabing lider ng grupong unti-unting nababawasan dahil sa presensya ng nakalaban nila.

"Hindi iyon isang pagbabanta. Ang ayoko lang sa lahat ay ang ginugulangan ako at pinagmumukhang tanga at walang kalaban-laban. Do you really think na palalampasin ko ang ginawa niyong katarantaduhan?! Ilang inosenteng nilalang na ba ang napaslang mo?!" Inis na pagkakasabi ng batang si Li Xiaolong nang makitang mukhang hindi talaga nadadala ang lider ng grupo ng kriminal sa pagiging mayabang nito.

"Wala akong paki sa pinagsasabi mo. Isa akong kriminal, natural lamang na nanggugulang ako at may mapaslang ako lalo na ang mga pakialamerong katulad mo!" Puno ng panggigigil na pagkakawika ng lider ng kriminal.

"Alam kong kriminal ka ngunit ano matatawag mo sa aking pumapatay ng mga kriminal na katulad mo. Paborito ko talagang paslangin ang matatabil ang dila na mga kriminal!" Makahulugang sambit ng batang si Li Xiaolong habang hindi nito ipinagkakaila ang ginagawa niyang pagpaslang sa mga ito kahit ang totoo ay piling kriminal lamang ang pinapaslang niya.

Mistulang nagulat naman ang lider ng mga kriminal ng grupong ito. Talagang naalala niya pa ang alagad niyang walang iba kundi ang black robe man na siyang pinabalik niya at mas lalong ang binalikan nitong sugatan na nilalang na kasamahan nila.

Nalalaki naman ang mata nitong nakatingin sa kinaroroonan ng kalaban nila.

"Ano'ng ginawa mo sa mga alagad ko? Huwag mong sabihing pinaslang mo sila?!" Seryosong tanong ng lalaking lider na siyang nagpipigil lamang sa sarili bitong sumabog sa inis at pagkagalit. Gusto niyang kunpirmahin kung tama nga ba ang hinala niya.

"Alagad mo pala iyon? Sorry, kumakati kasi kamay ko kaya hindi ko mapigilang mapaslang ang mga mahihina mong alagad hehehe!" Malademonyong sambit ng batang si Li Xiaolong habang mahihimigan ang kasiyahan sa tono ng pananalita nito. Kung tutuusin ay hindi talaga nito ugaling maging kontrabida sa buhay ng iba but this kind of criminals ay mahirap dapuan ng takot kaya gusto niyang subukan ang emosyon ng mga ito.

Gaya ng inaasahan ng batang si Li Xiaolong ay nakita niya kung paano malademonyong ngumisi ang nasabing lider ng mga kriminal.

"Hehehe... Mabuti naman at pinaslang mo ang dalawang inutil na mga nilalang na iyon. Walang kwenta rin ang buhay nila at masyado na rin silang pabigat sa akin. Kapag nakuha ko ang ipinunta namin dito ay mapapalitan ko rin sila hehehe!" Malademonyong sambit ng lider ng mga kriminal. Hindi na niya itinago ang masama at kagaspangan ng ugaling kriminal niya. Alam niya kasi ang kalakaran dito. At the end of the day, kalaban niya pa rin ang kapwa kriminal niya.

"Oh? Talaga ba? Kaya pala bumalik ang pesteng alagad mo para puntahan ang iniwan niyong basura. Mukhang alam ko na kung bakit hahaha!" Nang-iinsultong turan ng batang si Li Xiaolong sa nasabing lider ng grupo ng mga kriminal na siyang umatake sa kaniya matapos niyang makalapit na sa lugar kung saan siya tumungo. Kung hindi siya nagkakamali ay gusto din siyang i-ambush ng mga ito ngunit malas lamang nila dahil mali ang kinalaban nila. Mas tuso siya sa mga ito at mas mautak siya kung tutuusin. talagang hindi niya lang tlaaga nagustuhan ang pagiging traydor ng mga ito.

Hindi naman nabigo ang batang si Li Xiaolong na inisin ang lider ng mga kriminal lalo na at kitang-kita niya kung paano nandilim ang paningin nito habang nakakuyom ang mga kamao nito.

"Hmmp! Isa kang talampasang hayop ka, kung binalak mong galitin ako. Congrats, nagawa mo na!" Puno ng pagkasuklam na wika ng lider habang inaamin nitong talagang ginagalit na talaga siya nito.

Mabilis na lumitaw ang pambihirang pana nito at mabilis na nagsagawa ng pambihirang skill nito.

<Martial Skill: Deadly Arrows!>

bigla niyang pinaulanan ng palaso ang kinaroroonan ng kalaban nitong si Li Xiaolong. Hindi nito mapigilang makaramdam ng panggigigil habang iniisip niyang nakitlan niya ng buhay ang pesteng pakialamerong nilalang na ito na hindi nila mapaslang-paslang kani-kanina pa. Kahit sino naman talaga ay manggigigil naman talaga.

Bago pa matamaan ang batang si Li Xiaolong nang mga nagtatalasan at nabibilisang mga palaso na bumubulusok sa kaniya ay mabilis na nagmaterialize ang latigong ginamit niya kanina.