webnovel

Immortal Destroyer [Volume 6]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
40 Chs

Chapter 7

Sa loob ng Golden Martial Shop....

Pansin niya kanina sa paglalakad nila ang walang pagbabago sa loob ng nasabing imprastraktura ng Golden Martial Shop maging ang nakahilerang mga binebentang cultivation items ng nasabing shop liban na lamang sa mga items na nagbabago depende sa kagustuhan ng namamahala ng shop na ito o sa demand ng customers.

Kasalukuyan silang nakaupo sa magkaibang upuan sina Li Xiaolong at ni Binibining Bái Shu ng Golden Martial Shop. Iniiwasan ng batang si Li Xiaolong na mabuko sa kaniyang huwad na panlabas na anyo sa mga oras na ito.

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa Ginoo Long, nais ko lang na magpasalamat sa naging tulong mo sa Golden Martial Shop simula nang magkakilala tayo." Nakangiting sambit ni Binibining Bái Shu habang nakatingin kay Ginoong Long.

Napansin naman ng batang si Li Xiaolong ang tila kakaibang tingin ng nasabing branch manager ng Golden Martial Shop na si Binibining Bái Shu. Parang bang mayroon itong gustong sabihin sa kaniya ngunit tila iba ang lumalabas sa bibig nito.

"Walang anuman binibini. Ngunit mukhang may iba ka pa atang gustong sabihin sa akin na ayaw mong sabihin sa akin. Huwag mong sabihin na tungkol ito sa mensaheng ipinadala ng Feathers Guild sa akin?!" Direktang saad ni Ginoong Long habang nakatingin ito sa direksyon ng nasabing branch manager.

Tila nagulat naman si Binibining Bái Shu sa naging pahayag ng matandang lalaki na si Ginoong Long.

Sa uri pa lamang ng reaksyon ng nasabing Branch Manager ay masasabi ng batang si Li Xiaolong na tama nga siya ng hinala. Mayroon ng alam si Binibining Bái Shu sa kasalukuyang naging sigalot na kinakaharap ng apat na kaharian at ng Dou City.

Napayuko na lamang si Binibining Bái Shu sa naging direktang tanong ng matanda habang mabilis itong nagwika.

"Tama po kayo Ginoong Long, malaki ang magiging impact nito sa Golden Martial Shop kung sakaling sumiklab ang kaguluhan. Ang rason kung bakit ko kayo pinapatawag ngayon ay dahil mayroon pa akong nakalap na masamang balita mula sa mga kasosyo ng Golden Martial Shop sa karatig-kaharian." Seryosong saad ni Binibining Bái Shu habang nakayuko pa rin ito. Tola ba problemado din ito sa kasalukuyang nangyayari sa paligid.

Nakaramdam naman ng kaba ang batang si Li Xiaolong sa sinabing ito ng nasabing Branch Manager ng Golden Martial Shop. Alam niyang una talagang maaapektuhan ay ang mga negosyo kung sakaling sumiklab ang kaguluhan o sigalot. Nakaramdam ng lungkot ang batang si Li Xiaolong sa sitwasyon ng dalaga habang mayroong kuryusidad siya kung anong klaseng impormasyon ang nalaman ni Binibining Bái Shu.

"Ano'ng masamang balita iyan binibini? Sabihin mo ang impormasyong iyong nalalaman, malay mo ay may solusyon tayong maisip kung sakaling problema nga talaga ang maaaring dulot nito." Seryosong saad ni Ginoong Long habang makikita ang sinseridad sa tono ng pananalita nito.

"Nalaman na ng Dou City ang illegal na kilos ng Blood Skull Alliance. Hinahanap pa ang sanhi maging ang pinakaugat ng alyansang ito. Isa pa sa tinitingnan nilang malaking problema ay tila pagkawala bigla ng ilan sa mga kalalakihan sa iba't-ibang parte ng Sky Flame Kingdom. Palagay nila ay may kinalaman ang Sky Flame Kingdom sa nangyayaring gulong ito. Kung mapapatunayan, maaaring mabura ang Sky Flame Kingdom sa mapa." Seryosong saad ni Binibining Bái Shu habang hindi nito mapigilang mapaluha. Kitang-kita ng batang si Li Xiaolong ang labis na lungkot na ikinukubli ng mapupungay na mga mata ng magandang dalaga.

Hindi mapigilang mapatayo ng batang si Li Xiaolong sa kaniyang kinauupuan. Maski siya ay nagulat sa sinabi ng branch manager na si Bái Shu ng Golden Martial Shop. Sino ba ang hindi magugulat. He really don't know how this things messed up like this. Hindi siya tanga upang hindi malaman ang gustong ipahiwatig ng dalagang si Binibining Bái Shu.

Without a title of a kingdom, they will be prone to aggressive attacks from three kingdoms. Mag-aagawan ng lupang sasakupin na siyang paglalabanan ng tatlong kaharian ng Hollow Earth Kingdom, Sky Ice Kingdom at ng Wind Fury Kingdom.

Kung mangyari man ang masamang balitang ito sa reyalidad ay tiyak na hindi na babangon muli ang Sky Flame Kingdom mula sa pagkalugmok na ito magpakailanman. Wala na ring silbi kung sakaling kahit sino pa ang maupo sa trono dahil wala rin namang kapangyarihan ang susunod na hari kung sakaling sumiklab ang kaguluhan. Matinding panganib at madugong labanan ang sasapitin ng sinumang manlalaban.

Li Xiaolong came up to a realization. Ginusto niya mang mangyari ito but it doesn't mean it is too early.

"Kung gayon ay alam na rin ng ibang kaharian at ng Dou City na malala na ang kondisyon ng kasalukuyang hari kaya gusto na ng tatlong kaharian na gumawa ng hakbang upang kamkamin ang lupaing sakop ng Sky Flame Kingdom ganon ba?!" Tila may inis na saad ni Ginoong Long habang makikitang kinokontrol lamang nitong maglabas ng galit na siyang nararamdaman nito. Li Xiaolong find it unreasonable lalo na at walang puso lamang ang gagawa nito.

"Parang ganon na nga ang kalalabasan kaya nga parsng nagbubunyi ang tatlong kaharian sa desisyon ng Dou City na makisawsaw sa malaking sigalot na ito. Isa pa ay parang ginawang rason na lamang ang Blood Skull Alliance upang magapi nila ang papahina na kaharian ng Sky Flame Kingdom na siyang sakop ng lugar na ito." Malungkot na saad ng Golden Martial Shop Branch Manager na si Bái Shu. Kahit siya ay alam niyang sobrang unfair ito ngunit parang ginagatungan ng tatlong kaharian ang pag-dissolve sa Sky Flame Kingdom para ano? Para kamkamin nila ang pwede nila kamkamin? Kahit siya ay masasabi niyang napaka-unfair nito lalo na sa katulad niyang nasa hanay ng mga negosyanteng nagbebenta. Without people buying their items, they are just useless merchants.

Ikinalma na lamang ng batang si Li Xiaolong ang sarili niya dahil hindi maaaring magpadaig lamang siya sa inis o kaya galit na nararamdaman niya. Hindi niya aakalaing pagkatapos ng nagawa niya ay parang iba pa ang nakinabang sa binabalak niyang plano at mukhang siya pa ang mapipinsala dahil sa kagagawan ng Crowned Prince at ng Blood Skull Alliance na nagsasagawa ng Demonic Cultivation para lumakas.

Napangisi na lamang ang batang si Li Xiaolong nang may naisip siyang ideya para mapigilan ang mga pesteng nilalang sa likod ng tatlong kahariang gustong pabagsakin ang Sky Flame Kingdom.

"Wag kang mag-alala Binibining Bái Shu, hindi ko hahayaang mabura ang Sky Flame Kingdom mula sa kamay ng mga ganid sa kapangyarihan na mga nilalang na gustong angkinin ang mga lupain ng Sky Flame Kingdom. Gagawa ako ng paraan ukol dito. Nakalimutan mo atang magkasosyo tayo." Masayang sambit ni Ginoong Long habang sinasabi ang mga katagang ito. Hindi niya hahayaang mawala sa kasalukuyang mapa ang Sky Flame Kingdom at iyon ang gagawin niya. Mukhang nilalabas na ng tatlong kaharian ang mga pangil nila habang nakakalimutan ata nila ang existence ng isang pinaniniwalaang malakas na organisasyong nakatayo sa sentral na bahagi ng Sky Flame Kingdom, ang FEATHERS GUILD.

Tila nagulat naman ang magandang babaeng si Binibining Bái Shu sa sinabing ito ng matandang lalaki na si Ginoong Long. Mas bumilis pa ang agos ng luha nito nang unti-unting mag-sink in sa kaniya ang sinabing ito ni Ginoong Long. Tila nawala lahat ng hiya at inhibition niya sa sarili noong malaman niya ang masamang sasapitin ng Sky Flame Kingdom kung sakaling magkatotoo nga ang nalalapit na pagkabura nito sa mapa.