webnovel

Immortal Destroyer [Volume 6]

Long time ago, Four Kingdoms continues to fight to seek for a higher power and dominance with each other. They even kill mercilessly inorder to survive the chaos being held in the co-kingdoms. Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom and Wind Fury Kingdom, these kingdoms never ever back down to their feet and will never ever makes themselves look into the ground. It is said that the appearance of Dou City who brings peace to these lands in up to this days due to the Treaty of these four kingdoms. But how long could be a treaty will be effective or how could this piece of contract could longer sustain the upcoming wars would be plotted by each kingdoms to the other Kingdoms they held grudges? At the age of six, young Li Xiaolong realized the hardship of their lives caused by the bad and cruel treatment of the Sky Flame Kingdom that covered their clan which is the Li Clan. This is rumoured that their Li Clan in the past does make Sky Flame Kingdom enraged to them and until now it remains unsolved resulting to some devastating and misfortune of Li Clan in the hands of this kingdom. Li Clan considered to be a progressive clan in the past . Having some great achievement and foundation in those lands residing in those progressive clans but now they are being dumped in the barren lands in the Green Valley where they have to start to live again and continue with their own living. What used to be said to be in a prosperous life is now entrenched in the kingdom. Could they really survive in the hands of those high ranking officials of Sky Flame Kingdom if they are getting bolder and bolder each passing days and making some evil tricks up to their sleeves?! Besides that, they even recruit those martial artists who have a decent talent in their ceremony. There are double-faced people wants to get those martial artists of Li Clan but what is the benefits for them? There's none and peace will never go on like this between these two parties.

Jilib480_Jilib480 · Fantasy
Not enough ratings
40 Chs

Chapter 6

Naririto ngayon sa tapat ng malaking tindahan ang batang si Li Xiaolong ng Golden Martial Shop. Kakarating niya lamang habnag nakakubli na rin ang sarili niya sa makapal na robang suot niya at ang katauhan niya mula sa paningin ng nakararami.

Abala ang lahat lalo na at may mahalagang aktibidad ata sa loob ng Sky Flame Kingdom na alam na alam niya kung ano ito. Nakaugalian naman siguro ito lalo na at papasok na naman ang panibagong klima na siyang taglamig. Halos lahat ay mag-iimbak na naman ng pagkain at gagawa ng paraan upang malagpasan ang taglamig na ito ng ialng buwan bago magbago ang klima o bumali ang lahat sa dati. Medyo ilang linggo o buwan din siyang nawala kaya ganito na lamang niya nakaligtaan ang oras kung saan ang naghihirap na angkan niya maging ang buong Green Valley ay lubos ding mahihirapan sa pag-iba ng klimang ito.

Ang klima ng Sky Ice Kingdom sa mga buwang ito ay lubos na nag-aapekto sa tatlong kaharian lalo na ang Sky Flame Kingdom. Sa oras na ito, Sky Flame Kingdom undergoes a same climate as Sky Ice Kingdom. Hindi kagaya ng ibang kaharian ng Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom na sobrang layo pa ng land boundary ng mga ito na nasa hilaga at timugang bahagi ng direksyon.

Isinawalang bahala na naman ito ni Li Xiaolong dahil normal naman ito kung tutuusin. Hindi talaga ito maiiwasan lalo na at ang natural na sistema ng kapaligiran na mismo ang gumawa nito at hindi na ito mababali pa.

Sa kabilang banda, Mabilis man kung tutuusin ang naging paglalakbay niya sa pamamagitan ng paglipad sa himpapawid ay masasabi pa ring nakakapagod pa rin ang nasabing paglalakbay. Ang isang araw sanang normal na pagbabalik ay naging kalahating araw na lamang ito ay dahil sa naging advantage ng isang Xiantian Realm Expert na may natural na kakayahang lumipad. Having such tough journey in his early age can be said to be not normal for a small place he is living.

Sa nakuha niyang memorya o mga alaalang galing sa mga nangamatay na magigiting na mga manlalakbay na siyang soul fragments na lamang ang natira sa mga ito ay masasabi niyang ang kakayahang ito ay normal lamang. In his age, having a breakthrough to a boundary of Xiantian Realm is not a trivial matter. Normal pa ito sa normal lalo na at sa memoryang nakuha niya ay higit siyang nanliliit sa sarili niya. Tama ang misteryosong babaeng walang pangalan na nagsakripisyo alang-alang sa kaligtasan niya upang bigyan ng oras upang masupress ang nagbabagang init ng apoy galing sa Evil Fire Crow.

Sinubukan niyang manghalukay ng memoryang nakuha niya kani-kanina lamang at labis ang gulat maging ang manghang naramdaman niya.

Nakita niya sa alaalang galing sa mga soul fragments ang malabong imahe ng mga batang halos kaedaran niya ngunit nakatungtong na sa Xiantian Realm Expert, Purple Blood Realm Expert at higit sa lahat ay nakayang makaabot sa Purple Heart Realm gamit ang sarili nilang kakayahan lamang upang makapagbreakthrough ng walang iniinom na isang breakthrough pellet. Ganon katalentado ang mga batang martial arts experts noong kapanahunang buhay pa ang mga nagmamay-ari ng memoryang ito.

Pero imposibleng magawa niya iyon dahil ang pinakawala siya sa kasalukuyan ay ang napakaraming mga cultivation resources na naaayon sa edad maging sa kasalukuyang lebel ng cultivation boundary niya. Isa pa ay hindi normal ang cultivation level niya sa apat na kaharian at maikokonsidera lamang na above average lamang ang lebel ng cultivation niya sa loob ng Dou City.

Still, magkakaroon ng pagdududa ang lahat ng mga martial arts experts sa malaking progress niya kapag  kakalkalin ng publiko o ng mga awtoridad ang impormasyon patungkol sa kaniyang pagkatao. Inaasahan niyang hindi maganda ang mangyayari sa oras na mangyari iyon. Magiging nakaw-atensyon na naman ang Li Clan o ang buong Green Valley dahil sa kaniya na hindi niya hahayaang mangyari sa kasalukuyan. Maybe he could be successful for a while but after that, hahabulin na naman siya ng napakaraming problema maging ang pagtangkang paslangin siya ay mamamarapating gagawin o isasagawa ng mga gusto siyang burahin sa mundong ito.

Ganito kalala ang umiiral na kalakalan sa maliit na mundong ito. Those who have a great power and background will be safe but he, from a normal yet poorest clan to be exact cannot have an equal standings to those who want him dead. Magiging banta siya sa apat na kaharian at maituturing na kakaiba sa lahat ng batang henerasyon sa Sky Flame Kingdom, Hollow Earth Kingdom, Sky Ice Kingdom at lalong-lalo na sa Wind Fury Kingdom. He maybe secretive about his identity but this is what he thinks a temporary solution to his problem. Sa oras na mabuko ang pagkatao niya, Green Valley will be wipe out in a blink of an eye.

Habang naglalakbay siya kanina ay binasa niya na ang nakasulat na impormasyong sa piraso ng papel galing mismo sa Feathers Guild.  Hindi niya aakalaing sobrang lala na pala ng sitwasyon ng apat na kaharian yet no one is informing this to the public. Hindi na stable ang lagay ng treaty na nagsisilbing bagay na nagpapanatili ng kaayusan lalo na at lihim na ring gumagalaw ang tatlo pang kaharian upang hanapin ang salarin sa lahat ng problemang kinakaharap ng lugar na ito. Malaking problema ito pag nagkataon.

Alam na ng lahat ng kaharian ang existence ng miyembro ng Blood Skull Alliance. Namataan ng awtoridad ng mga nasa Dou City ang pagpasok ng iilang mga estrangherong mga grupo maging ang limang pagala-galang nilalang sa mga parte ng lugar na sakop ng malaking siyudad na ito.

Maging ang Sky Ice Kingdom maging ang mga karatig-kaharian nito na Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom ay alam na rin ang impormasyong ukol rito ngunit limitado lamang ang nakakaalam ng impormasyong ito. Liban sa Feathers Guild ay wala ng nakakaalam sa malaking suliraning itinatago ng mga awtoridad o sangkot sa problemang ito sa mata ng publiko.

Pinoproblema niya pa kung ano ang mangyayari kung sakaling malaman ng lahat kung sino ang pangunahing salarin sa pagkapasok o pag-infiltrate ng masasamang miyembro ng organisasyong ito? Sa suliraning ito ay alam niyang damay-damay silang lahat laban mismo sa galit ng tatlong kaharian and this time, siguradong mangingialam na ang Dou City sa malaking sigalot na ito na siyang dulot mismo ng mismong Crowned Prince ng Sky Flame Kingdom.

"Magandang araw Ginoong Long, andito pala kayo. Bakit di kayo pumasok sa loob ng Golden Martial Shop nang makapag-usap naman po tayo." Nakangiting sambit ng magandang babaeng walang iba kundi si Binibining Bái Shu na siyang namamahala ng Golden Martial Shop.

Nagulat naman ang batang si Li Xiaolong sa biglaang pagsulpot ng pamilyar na imahe ng babaeng si Binibining Bái Shu ng Golden Martial Shop. Ngunit mabilis niyang iniayos ang sarili niya at tumango na lamang bilang pagsang-ayon. Isa pa ay napagod siya sa mahabang paglalakbay niya at marami pa siyang gustong gawin bago siya tuluyang umuwi sa Green Valley kung saan naroroon ang mga mahal niya sa buhay. Hindi biro ang suliraning sangkot ang mismong Sky Flame Kingdom at damay silang lahat na naririto sa oras na lumabas ang katotohanan sa publiko.