webnovel

Chapter 18

Chapter 18: The Performance

June 10, 2019

Guian's POV

Hello. I am Guian! Ang Dakilang Conyo ng tropa!

Nasa school na kami ng kapatid ko. Our dad is the one who hatid us kasi. Ako lang ang nasa Grade School.

:‹

I make my way na to the schools. Pagpasok ko sa room ay serious si Sir..

Uhh?..

"Hi. " maliit na boses na sabi ko.

"Come in. I'm going to discuss your performance. "

Pumasok na ako.

"What's happening ba, Nice? " I ask.

"I dunno. Kakarating ko lang rin. " sabi niya..

Huhuhu. What's happening?

:\

Dylan's POV

Kakapasok lang ni Guian. Alam kong nacu-curious siya sa inakto ni Serr. Si Sir naman kasi eh. May pa-serious serious epek pa!

Nung ma-complete na kami ay nagconduct kami ng Ceremony sa room lang. Bale, prayer, panunumpa, hymn at anthem lang.

"So, nabasa niyo naman siguro ang email ko sa inyo hindi ba? " 'paktay..'

Kinakabahan akoooo!!

"Opoooo.." matamlay na sagot namin.

"Alam niyo naman na ngayon tayo magpe-perform hindi ba? "

(>_<)

"Opoooo.." kinakabahan rin na sagot nila.

"Bubunot ako ng names tapos magpe-perform kayo. Okay? " dahan dahan na kaming nagsitanguan.

Jahe! Ang performance kasi na sabi ni Sir ay ang gagawin namin ngayon! Bale, isang day lang! Oo! Ganyan ang Pilot! Advance!!

Tapos ang topic ay hinanakit! Sabi kasi ni Sir sa email ay gusto niya na hindi puro good sides ang nakikita namin sa isat-isa kaya ayan.

Paano makakatakas sa pagsasabi o pagpe-perform ng kanilang hinanakit? Sumama ka sa iba.

Magkakasama kami nina Ry, JP, Laster, Louiceris, Juvy at Zedrick. At alam mo yung isa pang malupit? Sasayaw kami. Nasaan yung hinanakit? Yung music. Yung music kasi parang hirap na hirap na kami maging gwapo.

Cool hindi ba?

Mahirap naman kasi talaga maging gwapo eh.

Paano kami nag-practice.

Nag-send lang si Ry ng video ng sayaw tapos yung formation ay by height.

Bumunot na si Sir. Nagtinginan pa kaming magkaka-group. Walang takasan to.

"Rydien. " tumayo si Rydien. Una pa nga!!

"Serr may kasama ako. Hehe. Sina Dylan, Laster, Louiceris, JP, Laster, Juvy at Zedrick. "

Si-net up na nila JP ang bluetooth speaker. Tumingin muna ako sa mga classmate namin.

Aba! Hindi late si CJ!

(- -,)

Nagsimula na kaming pumorma ng dalawang line muna tapos naghatian ulit. Bale tigdadalawa sa apat.

Naririnig ko ang mga hagikhikan at bulungan nila.

"Tsk. Tsk. Tsk. Hindi ito maganda. "

"Alam natin na puro kalokohan to. Pfftt. "

"Oo, pfftt. "

Nagsimula na ang music.

Slow muna ito. Hehehe.

"Sabi na nga ba eh. "

"Loko-loko talaga. "

"Mister Swabe pa nga. "

Tinignan ko si JEA, nandidiri ang tingin niya sa amin. Bahagyan magkadikit ang mga kilay na para bang sinasabihan kami ng 'are you out of your mind?! '.

Nagsimula na ang tugtog na… Mister Swabe. ~

JEA's POV

"JEA sana pumayag ka. Nasa kabila kasing performance si JP eh. Kaya hindi ko siya makakasama. "

"Sige. "

"Talaga?! "

"Oo. Bigay mo nalang sakin ang copy ng sasabihin mo para tugma ang ipe-perform ko. "

"Hmm. "

Nasayaw parin sina Rydien. Actually, magaling naman sila sumayaw lahat pero nandidiri lang ako.

Hindi ko na sila pinanood pa kasi tinatamad ako. Nag-iisip lang ako kung anong kanta ang maganda.

Sa tagal ng aking pag-iisip ay hindi ko namalayan na tapos na sila ay kasalukuyan na na kinakausap si Sir.

"Bakit ayun? " si Sir ang nauna. Sina Ry naman ay nagsama sama at bumuo ng pa curve na line.

"Ako na sasagot. " si Ry na sinangayunan ng mga kagrupo nito.

"Serr, kaya po iyon ay dahil nahihirapan na po kami maging super gwapo. " nagtawana naman sila. Pati si Sir ay natawa na.

"Tsk. Edi maging panget na kayo. "

(0_0) ?

'Gaya gaya. '

Sabay pa kami ni Rhys na nagsalita. Ang akin kasi ay tama lang ang lakas pero siya ay pabulong pero naririnig parin kahit papaano.

"Yiieeeeeee!.. " si Ry na sinundan ng iba.

Tinignan ko sila. Yung pamatay pa.

Ayun tiklop. Hehe.

"Okay. Next na tayo. " paninimula ni Serr at.. "Aedj. Ikaw na. "

"Hmm. "

"Mag-isa ka lang ba? "

Tumango lamang si Aedj.

Siya si Aedj Fajardo. Ang dakilang muted girl ng klase. Kung ako ay cold na at nakakausap parin naman, siya ay parang mauubusan agad ng laway kapag nagsalita. Bookworm, boyish at kung kami ni Ry ang naglalaban sa first and second rank, siya naman din ang kaaway ko sa second. Bale, most of the time ay third siya.

Napakaseryo niya rin when it comes to studies, napakagaling when it comes to leadership pero hindi madaling i-approach.

Lagi siyang nakasalamin at parang mag-isa lang. Seryoso at parang walang balak na makipag-usap kahit kanino. Isa rin siya sa Five Star ng MILES.

Kahit kaylan ay hindi ko pa siya nakitang tumawa. Pero hindi mo maiaalis ang punto na maganda ang tinig niya. Napakaganda.

Pumwesto na siya sa upuan na nakatalaga para sa mga kakanta, maggigitara o gagamit ng ukulele.

Nagsimula na siya.

(0_0)

Nagulat ako.

Siya ba to?

Ang dating blankong mga mata niya ay napuno ng pagkalungkot.

"Loving and fighting. Accusing, denying. I can't imagine a world with you gone. The joy and the chaos, the demons were made of. I'd be so lost if you left me me alone. You locked yourself in the bathroom. Lying on the floor when I breakthrough. I pull you in to feel your heartbeat. Can you hear me screaming 'Please don't leave me'? "

Kanta niya pa. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Sobrang lungkot na para bang iiyak na siya. Bagaman hindi ito nakakaapekto sa kanyang pagkanta ay nadadagdagan ng matinding emosyon ang mensaheng pinaparating niya.

"Hold on, I still need you. Come back, I still want you. "

Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

'Si Marie. '

"Let me take your hand, I'll make it right. I swear to love you, all my life. Hold on, I still need you. " tuloy niya pa.

Si Marie. Ang best friend niya before. Naaalala ko ang sinasabi sakin nina Ry nung bago palang ako dito.

It is about Aedj and her best friend, Marie.

Aedj's POV

Habang nakanta ako. Bumalik ang mga nangyari, 3 years ago.

•FLASHBACK•

"[Aedj, hija, pwede ka bang pumunta dito? Kaylangan ko ng tulong mo. Ayaw lumabas ni Marie sa kuwarto niya. ]" sabi ni Tita. Mama ni Marie.

"Sige po. " pagsang-ayon ko at ibinaba na ang telepono. Lalabas na sana ako ng mapansin kong naulan pala. Pumasok ulit ako at kinuha ang payong.

Pumunta na ako sa kanila. Hindi naman gaano kalayo ang bahay nila sa amin.

Dala-dala ang basang payong, pumasok ako sa loob ng gate nila. Welcome namana ko dito eh.

"Hija, mabuti nalang at dumating ka. Nasa taas siya. Nung papasok sana ako kanina gamit ang susi ay nasigawan niya na lamang ako. " nanghihinayang na sabi ni Tita habang inaalalayan ako papasok.

"Sige po. Ako nalang bahala dito. " ngumiti pa ako.

"Ahh. Teka lang. " hinawakan niya pa ako sa balikat.

"Bakit po? "

"S-si Marie. K-kagabi. Umuwi siya ng umiiyak at gutay gutay na ang damit. H-hindi niya sinabi sa amin kung anong nangyari. "

Kinabahan man ako sa narinig ko ay nagawa ko paring tumango. Hindi maganda ang kutob ko. Ibinigay na niya sa akin ang susi sa kuwarto ni Marie.

Umakyat ako sa sumunod na floor kung saan mo makikita ang kuwarto ni Marie.

Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay akmang ipapasok ko na ang dulo ng susi sa doorknob ng gumalaw ito.

Nagkaroon ng maliit na siwang at ingay ang mabagal na pagbukas nito. Sapat na ang siwang para makita ko ang kama ni Marie.

'Wala siya. '

Tuluyan na akong pumasok. Narinig ko ang mga tulo ng tubig na nagmumula sa bathroom. Tila ulan na nag-uunahan sa pagpatak.

Pumasok na ako at nakita siyang nakahiga sa bathtub na… walang malay. Maraming laslas sa braso malapit sa palapulsuhan niya. Halos ang mga labi niya ay maging sing kulay na ng balat niya sa putla. Ang ibang mga dugo rin mula sa laslas ay humalo na sa tubig.

'A-ano ito? '

Hindi makain ng sistema ko ang nakikita ko. Masiyadong masakit ang mga nakikita ko.Unti-unti ng nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahapon lang ay sabay pa kaming umuwi? Ano na ito? Bakit kaylangan na mangyari sa kaniya to? Napakaraming tanong ang tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko na magawang makapag-isip ng maayos.

Kaybigan niya ako. Oo. P-pero, bakit parang wala akong kayang gawin? Bakit wala akong alam? A-ako ba ang may kasalanan nito?

Kahit na hindi parin pumapasok ng maayos ang mga nangyari sa sistema ko ay inilabas ko siya. Nanlalalbo na ang aking mga mata dahil sa luha na nagbabagyang tumulong muli.

Inilabas ko siya at kahit na ako ay basa narin ay tuluyan ko siyang niyakap.

"Ma-Marie. Gising k-ka na oh. H-hindi mo naman sinabi sa akin na g-gusto mo palang m-magswiming. " basag na ang boses ko pero pinipilit ko paring mag-biro. Umaasa ako na buhay pa siya. Na hindi totoo ang mga imaheng natutuklasan ko. Ngunit wala akong natanggap na tugon.

Hindi parin ako sumuko. Niyugyog ko parin siya ng niyugyog. Ng biglang bumukas ng kaunti ang mga mata niya.

"Marie? Marie!! " niyugyog ko pa siya. Nasilayan ko ang unti-unting pag-ngiti niya. Tila ba nakakita siya ng bagay na lubos na nagpapasaya sa kanya.

"A-Aedj. " hinawakan niya pa ang pisngi ko. Inipit ko iyon ng bahagya. Umaasang hindi niya iyon bibitawan pa. Na mananatili siya.

"Aedj. Pa-pagod na ako. I-I just wa-wanna rest. " hirap na hirap pang ani niya.

"No-nooo. Rie. No. Don't say those words. " mas lalo pa akong umiyak.

"So-sorry. " she smiled sweetly. "P-pero, kapag wa-wala na ako. S-sana maging o-*cough*kay ka parin. S-salamat kasi *cough* *cough* naging ma-mabuti kang kaybigan sakin. " maging siya ay naiyak narin. Nakita ko ang luha niyang unti-unting dumaloy mula sa gilid ng mga mata niya, pababasa mga pisngi niya.

"La-gi kang nadiyan para sakin. Hindi mo ako iniwan. Ti-tinulungan mo ako *cough* *cough* sa la-lahat lahat ng mga bagay na kina-kinakaharap ko. " umiling-iling ako.

"Paalam, Aedj. " huli niyang sambit at tuluyan ng bumaba ang talukap ng mga mata niya. Inalog-alog ko pa siya. Ng hindi na talaga siya gumalaw ay napasigaw na lamang ako sa sakit.

"MARIIEEEE!! " lahat ng sakit at lakas ay inipon ko na. Hindi ko kaya. Napakasakit na sa harap ko pa mismo makikita ang huli paghinga niya.

Nagambala sina Tita kaya napapunta sila dito. Nadatnan nila kami na basang basa. Nasapo ni Tita ang bibig niya. Nakita ko rin ang pagtulo ng mga luha ng papa ni Marie.

Hindi ko mawari bakit. Bakit sa lahat ng tao ay siya pa. Napakabait niyang kaibigan.! Pero ito ako. Wala man lang magawang kahit ano para maibalik ang oras at malaman ko kung anong problema niya.

Kinuha ni Tito si Marie. Inilabas sa kuwarto niya at tumungo sa sasakyan nila.

"T-tito, pwede po b-ba akong sumama? " maging sa pagsasalita ay nahihirapan na ako. Hindi ako makahinga ng ayos dahil sa matinding pag-iyak.

Tumango na lamang siya. Umupo si Tita sa unahan, tabi ni Tito. Habang ako ay nakayakap sa aking matalik na kaybigan.

'Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala ka. Bumalik ka na. Kaylangan pa kita. '

Akin na lamang naisip. Pumikit ako. 'Kung panaginip man ito, pakigising na ako. '

Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng Hospital. Binuhat ni Tito si Marie habang si Tita naman ay nagtatawag ng mga nurse.

Agad naman silang tumugon at inayos si Marie.

Sinundan ko pa sila hanggang makapasok pa sila sa mismong looban ng Hospital. Susunod na sana kami sa kanila sa kanila doon pinaka-loob ng isang pinto ng may pumigil sa amin na isang babaeng naka-uniporme.

"T-tita. Sorry po. " nakatungong sabi ko. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat. Na ako ang dahilan bakit nangyari ito.

"Shh.. Don't say that. Pareparehas tayong walang alam. " at saka niya ako niyakap.

Samut-saring ingay ang aking naririnig. Idagdag mo pa ang mga ulang napakalas ng buhos. Mga taong nagmamadali sa pagkilos para lang isalba ang mga nangangaylangan.

Umupo muna kami sa hilera ng mga upuan malapit sa pintuan kung saan dinala si Marie.

'Sana maayos siya. Dahil hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari kay Marie. '

Maya-maya pa ay may lumabas na lalaking nakasuot ng puting coat.

"Kayo ba ang mga magulang ng pasyente? " tanong nito. Tumango lamang sina Tito at Tita.

"Doc. An-anong pong nangyari? " si Tito.

Pumikit ako at itinukod ang mga siko sa hita ko. Ang mga kamay ay nakalapat sa aking mukha. 'Sana… sana okay na siya. '

Lalong lumakas ang ulan pero nagawa ko paring pakinggan ang sinasabi ng Doctor.

"I'm sorry Mr. and Mrs. Santos. Wala na po ang pasyente. "

Tumigil ang pagtibok ng aking puso. Nablangko ang aking pag-iisip. Bumigat ang aking paghinga.

'Bakit?! '

Napahilamos na lamang ako ng aking mukha. Tinignan ko si Tita na ngayon ay yakap yakap ni Tito habang naiyak.

Nakita kong nakabukas ang mga kurtina ng maliit na salamin ng kuwarto ni Marie.

Tumayo ako. At dahan dahang tinungo ang pinto.

Nakita ko siya. Para lang siyang natutulog. Napaka-aya tignan. Mala-anghel.

'Pero bakit kaylangan mong umalis? '

Nanghina ang mga tuhod ko kaya napaluhod ako. Umiyak ng umiyak pero hindi parin sila maubos.

Hinatid muna ako ni Tito sa bahay makalipas ang dalawang oras. Sabi niya ay babalitaan niya na lamang daw ako.

ILANG ARAW rin ang lumipas ay nalaman ko na na…

Na-rape siya bago ang araw ng pagkamatay niya.

Dahilan para ma-frustrate siya. At… magpakamatay.

ISANG LINGGO narin ang makalipas matapos ang pagpapalibing namin kay Marie. Halos isang linggo rin akong hindi natulog kaiiyak.

Ngayon ay balak ko ulit na puntahan ang puntod niya. Pero hindi para tanungin siya.

Nagpahatid ako kay Daddy at sinabi na pumunta muna sila nina Mommy sa malapit ng mall at sunduin nalang ako.

Naglalakad ako papunta sa pinakapuntod niya. Dala-dala ang bulaklak na binili ko kanina lang.

Ng makita ko ang puntod niya ay umupo ako sa tabi nito. Nilagay ang bulaklak na binili ko at pinipigilan ang sarili ko na maiyak.

'Hindi ako iiyak. '

Nasabi ko na lamang sa aking sarili.

"Hi, Marie. Ako 'to si Aedj. Yung bestfriend mo. Matagal-tagal narin nung magkahiwalay tayo. " ngumiti ako. Tinignan ko ang mga ibon na malayang nalipad sa kalangitan.

"Alam mo ba? Ang daming araw na umiyak ako simula nung mawala ka. At ngayon okay na ako. " huminga ako ng malalim

"Simula ngayon, nangangako ako na hindi na ako iiyak dahil alam kong nasasaktan ka rin. Mula rin ngayon ay nangangako ako na magiging okay ako kahit wala ka sa tabi ko. "

Inalala ko ang mga araw na tinutungan niya ako. Sa totoo lang, hindi ko ginusto ang pagkanta noon, at pawang mga libro lang ang kaharap ko. Pero ng dahil sa kanya, humusay ako.

Kahit na hindi kami magkasama sa club, dahil siya ay kasapi sa Koro ng school at ako naman ay sa Debate Society, madalas kaming nagkakasama dahil magkasama kami sa iisang squad. Nakakatuwang isipin na nabulabog rin iyon dahil sa pgakamatay niya. Na nagdulot para manganib ang pag-akyat ko sa stage.

"Basta, ipangako mo na kapag naging lawyer ka, dun ka lagi sa tama. Dun ka lagi sa nangangaylangan. At dun ka lagi sa may puso. " nagbalik sa ala ala ko ang sinabi niya noon.

"Marie. Nangangako ako, na ipaghihiganti kita. At ipagtatanggol ang mga nangangailangan. "

At sa huling pagkakataon ay tumulo ang luha ko.

•END OF THE FLASHBACK•

Natapos na ako sa pag-pe-perform ko. Hindi na ako tinanong pa ni Sir bakit ayun ang performance ko.

Bumunot na naman siya at sina Nice, Caitlyn, at Cassey ang nabunot.

To be continued...