webnovel

Chapter 17

Chapter 17: Booth Making (3)

June 8, 2019

JEA's POV

Nandito ako ngayon sa daan.

May tatlo akong hawak na payong. Nagmessage kasi sakin si Mr. de Delon sa GC ng mga Authors and Cartoonist na sumali sa camp.

Habang naglalakad ako ay nag-iisip-isip narin ako kung ano 'yung kakantahin ko sa welcoming program ng bagong principal.

Hindi ko na napansin na nasa tapat na pala ako ng gate. Pumasok na ako sa loob. Nakita ko sila. Yung lima nakaupo pero yung dalawa nakatayo.

Si Ry and Ashi 'yung nakatayo at sisigawan.

Tumayo sina Gian, Celeztin, Dylan, Rhys, Jiann and Aubrey nang mapansin nila na nandito na ako.

Sa kabilang banda naman ay hindi pa rin matapos ang bangayan ng dalawa.

"Hoy tumigil na nga kayo diyan. " sita ko sa kanila.

"Siya kasi eh! " nagtuturuan pa nga!

( __ __ )

"Eto payong oh. Ashi dito ka sa akin. " abot ko sa kanila. Bale ganito kami; Ako at si Ashi, Ry and Dylan, Gian and Rhys tapos CJ and Guian

"Tara na. " naglalakad na kami. Hanggang ngayon ay nagpaparinig pa rin ang dalawa.

"Hoy! Ikaw lalaki! Hindi porket presidente ka ng SPG ay ganyan ka na! Napakahangin mo, pangit naman. " si Ashi.

"Ano?! " bulyaw ni Ry. Tsk! Sakit kaya sa tenga!

"Hindi porket president ka ay ganyan ka na! Napakahangin mo, pangit naman! " sabi ulit nito.

"Bakit mo inulit? Ginagalit mo talaga ako eh 'no? " nanggigigil na sabi pa niya.

"Eh. Stupid karin naman pala eh! You told me to repeat what I said then magagalit ka kung inulit ko! " tumigil ako. Nasa bahay na kami eh.

"Bakit ka tumigil. " nakapout na sabi niya.

(>^<) <— siya

"Nasa bahay niya na tayo. " sabi naman ni Ry.

Walang pasabi ay tumakbo na sila sa loob para sumilong. Aba!

"Pakilagay ng sapatos diyan sa shoe rack. " sabi ko na sinunod naman nila.

Bago kasi pumasok sa mismong pinto ng bahay ay may shoe rack. Umupo sila pagkatapos.

"Ek-ek-ehem! JEA ang sakit ng lalamunan ko. I think it's because of the rain. " naka-pout ulit siya.

"Muka kang pato, alam mo 'yon? At saka, JEA ako rin masakit din po. " tila bata na nawalan ng candy na sabi ni Ry.

"Tsk. Sige magtitimpla nalang ako ng ng warm water with lemon and honey. " sabi ko at akmang tatayo na pero may pumigil sakin.

Hinarap ko siya.

(-_-)

"Ayaw ko ng lemon! Masiyadong maasim. Hmm? Calamansi nalang! " sabi ni Ashi.

"Ako din! " sang-ayon nila maliban kay Rhys.

"Lemon parin akin. " taas kamay na sabi niya.

Ipinagtimpla ko na sila. Tama naman ang init nito para mainom nila iyon. Hindi pa ako nakakapag-umpisa ng pagtitimpla sa bagong cup ay may tumawag sa akin.

"JEA! Magbibihis muna kami at basa rin yung damit namin! Lahat naman kami may extra shirt! " sigaw ng kung sino lang.

"Go. " pagpapaubaya ko sa kanila. Ang mga lalaki ay ginamit ang CR pero ang mga babae ay sa kuwarto ko nalang. Si Rydien at Dylan na ang nag-accompany sa kanila since nakapunta narin naman sila dito dati pa.

Saktong papalabas na ako ng makita ko sila na papalabas na. Nakabihis na silang lahat at majority na kulay na suot nila ay black.

"Oh! " nilapag ko na ang tray sa mesa na may laman na mga baso.

"Galet ka? " si Ashi. Umiling ako.

"Bakit ka nagdadabog? "

-._-.

"Wala lang. " ako.

Kinuha na nila ang mga cup at uminom.

Mayamaya ay matulis na tumingin sakin si Ashi.

"Ano na naman?! " singhal ko.

"Wala namang lasa eh! " nag-pout siya.

"Baka hindi mo hinalo… " si Ry. Naghahagikgikan naman yung iba.

"Kanina ka pa ah! " si Ashi.

"Manahimik nga kayo. " ako.

"Wait lang, last question. Tapos na kayo sa first painting niyo? " I nodded.

"Oowws. Mamaya na lang natin tapusin ang pang dalawa, kain muna tayo. " si Ashi.

"Okay. May pagkain ba kayo? " tanong ko.

"Oo naman! Bawal ako magutom 'no!! " si Ashi na nakasimangot.

(>_<)

"Paano 'yon eh lagi kang gutom?! "

"Edi maraming foods! " si Ashi.

Hayst! Nakakapang-init ng ulo ang dalawang ito!!

"Geh. Maghahanda na kayo ng foods niyo. I-prepare niyo na sa lamesa. " I said. Magpapalit ako ng damit dahil hindi ko pa pinapalitan kanina nung makadating ako.

'Pag kalabas ko, nakita ko sila na nasa lapag.

"Ano 'yan? " tinuro ko pa ang sahig.

"Sahig. " si Rhys.

'Walanjo!'

"Ahh. Okay, ngayon lang kasi ako nakakita niyan. " sarkastikong sabi ko.

"So dito kayo kakain? " ako.

"Sinong may sabing kami lang?! Pati ikaw syempre. " si Gian nakangisi.

0_0?

"Okay ka lang? "

"Oo. Ang unfair naman. Tsaka, para mas madali makapag daldalan. HAHAHA! " tawa niya pa.

"Okay. " kumuha ako ng plato. Nagpalagay ng rice kay Ry at kumuha ng sabaw ng sinigang na hipon. Hehe. Favorite.

"Kumuha na rin kayo ng sabaw. Wala namang lason 'yan. " pagpapaubaya ko. Kumuha na silang lahat ng sabaw at tig-isang hipon.

Nakain na ako pero ka-pansin pansin na hirap na hirap mag balat si Ashi ng hipon.

:|

"J-JEA huhu. Hindi ako marunong magbalat. "

:< - si Ashi.

"Akin na nga! " kinuha ko ang hipon at pinakita sa kanya kung paano mag balat. "Alam mo ba na favorite ko mag balat nito? Kasi feeling ko, yung taong kinagagalitgalitan ko ang binabalatan ko at binabalian ko. " I smirk.

(- -,)

"Kung magbabalat ka.. unahin mo ito. " tinuro ko pa ang ulo ng hipon. "At handa ka magmurder ng kakainin mo. " oo murder talaga. Hehe.

"Sunod mo itong buntot dahil hindi mo naman iyan kakainin. At, ganito ang tamang way para putulin ang buntot niya. " inikot ko muna ang dulo at binalibali ang buntot. Nakita ko na lumunok-lunok pa si Ashi habang nakatingin sa hipon. Haha.

"Tapos, para maayos mong matanggal to, " tinuro ko pa ang nasa taas na part ng shell ng shrimp. "Unahin mo yung mga paa. " tinangagal ko iyon. Walang tira. Malinis ang pagkakagawa.

"Pag natanggal mo na ang mga paa niya, try mong ibuka 'to at makikita mo na natatanggal na ang shell niya. Ayan tapos na. " ibinalik ko sa kanya iyon ay nanginginig pa ang mga kamay na kinuha niya sa akin iyon. " habang nagpupunas ako ng kamay gamit ang panyong puti ay may umiyak.

"Huwaaa! JEA! *sniff* *snift* Bakit mo siya binalatannnnn?!! "

>_<??

"P-para kainin mo malamang! " pasinghal na sagot ko. Ngayon ay naiyak na talaga siya.

"Bakit kasi kailangan mo pa isama ang balat sa pagluluto?! Pwede mo naman na tanggalin na!! Tapos, minurder mo pa sa harap ko! Huhu.. "

"Ashi, it adds flavor kasi add prevents overcooking.. " panglulusot ko. Totoo naman eh!

"Hmp! Basta! Itong kangkong nalang kakainin ko! Bad ka! Animal abuse! " natawa naman ako. Haha.

Natapos na kami sa pagkain at naghugas na ako. Oo ako lang. Grabe. Kakain na nga lang ang tatamad pa.

"O, nagsisimula na pala kayo eh. Teka bat di pa kayo tapos sa isa? " tanong ko habang nagpupunas ng kamay.

"Hindi ko kasi bati si art eh. Hehe. "

"Tinatamad lang ako eh. "

"Bakit ba? "

Mga pangangatwiran pa nila.

"K. "

Kinuha ko ang isa pang canvas. Nilagyan ko ng masking tape sa gilid para maayos tignan. Susunod kong ipipinta? Hmm.. I dunno.

"Nga pala JEA. Nabanggit samin nitong si Rhys na magkakilala kayo. Hehe. Kelan pa? " si Dylan habang dinadawdaw sa tubig ang brush niya.

"Ah. Yun ba? Nakasama ko lang siya sa camping eh. Bale parang writer's and cartoonist's camp. Ganun ba. Actually, wala akong balak na makipagkilala sa kahit sino sa kanila. Pero makulit siya eh. Pinilit pa na ako ang gumawa ng badge para sa sinusulat niya. "

"W-wow. " si Ry, Dylan, Aubrey, at CJ.

"Bakit? May nasabi ba akong masama. "

"W-wala. " at bumalik na sila sa pagpipinta nila.

"Nga pala ulit. HAHA! Kanina, nasabi ni Ry saakin na mangaka ka tapos novelist naman to, " turo niya kay Rhys na napatingin narin sa kaniya.

"Oh tapos? " si Rhys.

"Ano mas mahirap? Pagiging writer or mangaka? " tanong niya.

"Hmm.. Walang mas mahirap kasi pantay lang. " si Rhys ang unang sumagot. Napatingin ako sa kanya pero seryoso siyang nakatingin sa canvas niya.

"Paano mo naman nasabi eh hindi ka pa naman nagiging mangaka. " si Aubrey.

Sumabat na ako. Hehe.

"Ganito kasi 'yan. Mahirap sa aming mga mangaka kasi mas marami kaming gagawin. Kumbaga, hindi simpleng pagta-type lang or pagsusulat ang gagawin mo kasi marami kang draft na gagawin muna bago ka makagawa ng pinakai-pu-publish mo talaga. " sabi ko. Napatingin sila sakin.

"Tapos sa writers? " si CJ.

"Sa writers naman, mahirap talaga. Kasi, hindi man sila mahihirapan magpasa ng mga drafts, oo minsan napapagod magtype, pero mahirap yung part na mas kailanagn nila na gamitin ang mga salita lamang para maipa-imagine ang mga nangyayari sa kanila. " mukang hindi nila na-gets.

"Hinde ko gets. " sabay sabay na sabi nila.

"Ganito.. Mahirap sa amin kasi mas marami kaming gagawin, pero madali lang naman namin ipapaintindi kasi nakikita na agad nila kung anong mangyayari. Pero sa mga katulad nila, " tinuro ko pa siya. "Mahirap rin kasi kahit nga hindi sila ganun na papagod pero hindi din madaling i paintindi yung scene na yun. "

"Ahh.. gets ko na. " silang lahat ulit. Nagpatuloy na kami at natapos ko na ang pangalawa ko.

"Wait lang ha. " pumunta ako sa kuwarto ko at bumaba. Hehe. May underground pa ito. Bale, sa lahat ng nasa helera na ito meron.

Nilagay ko ang canvas na napintahan ko na doon para hindi siya magalaw. Umakyat ang nagsimula na ulit.

"Pangatlo na rin pala kayo eh. " ako.

"Oo eh, nasipagan. HAHA! " si Gian.

Di kalaunan ay natapos na kami. Ilang posisyon rin ang nagpalipatlipat para lang maging kumportable kami. Mga 2 o' clock na kami natapos.

"Dito muna kame hehe. " silang lahat ulit liban kay Rhys na nakatingin sa paintings sa taas ng bookshelf.

"Upo kaya tayo no? " si Ry.

"Walang tayo. " sumama ang tingin niya sa sinabi ko.

"Si JEA ang lakas mang-asar! Akala mo hindi ko nalilimutan ang ginawa niyo sa akin?! " nakatiro ang mga daliri niya sa amin ni Rhys. Natatawa parin ako kapag naiisip ko iyon.

HAHAHA! Natawa ako. Mga sampu. Haha.

~FLASHBACK~

Kinalat namin ni Rhys ang mga papers pero tiniyak namin na walang confidential paper ang mailalabas. Bale parang scratches lang.

Tinanggal ko rin ang wiring ng aircon sa kuryente at inilabas ang upuan na aking ginamit para hindi niya magamit once na nilock namin. HAHAHA!

Si Rhys? Ayun! Nagpipigil ang tawang ginuguhitan ang mukha ni Ry gamit ang marker. Hindi naman namin ginamit ang permanent para magkupas siya! HAHAHAHAHA!

Naglagay rin ako ng note na nagsasabing;

Ayusin mo muna yung office natin ha? By the way, nasira yung aircon. Aayusin nalang daw mamaya kapag wala ng klase. Pinatawag kasi kami eh. Dapat daw nandun na kame. Tapos sabi ni Miss TIC ay kapag daw hindi mo inayos iyan, may punishment ka.

Ayun! Hehe. Nixlock ko rin ang pinto at tatawa-tawa kaming bumaba ng hagdan.

~END OF THE FLASHBACK~

"Ha, ayun b-ba?! BWAHAHAHAHAHAHAHA!.. " sabay pa kami tumawa sa kalokohan namin.

"A-at sabay pa kayong natawa?! Masama yon alam mo ba?! Kung hindi ko pa punasan ang mukha ko at hindi nakita ang salamin ay malang lumabas ako na parang naglinis ng poso! " natawa parin kami. Namumula na ang mga pisngi niya at ang mga tenga dahil sa asar. HAHA.

"Oyy. Wag niyo na asarin si Rydien kasi baka maging isa sa siya mga dragon ni Recca oh! " asar pa ni Ashi. Natawa na kaming lahat dahil nagkasundo-sundo kami ng trip sa pang-aasar sa kanya.

Nung matigil kami ay naoansin namin na mamasamasa na ang mga pisngi ni Ry hindi dahil sa naasar siya at umiyak, kundi dahil natawa narin siya.

Hindi ko alam na, kaya ko pa palang tumama at sumaya. Sana magtuloy-tuloy na. Sana makaalis na ako sa sitwasyon na 'to.

To be continued…

Next chapter