AZINE'S POV
Binalikan ko si Luna dito sa kwarto niya at mahimbing na siyang natutulog. Hinanap ko si Paulo pero wala naman ito dito. Lumapit ako kay Luna at tiningnan 'yong pasà niya.
"Kailan pa siya naging palaaway?" Napailing na lang ako. Hinawi ko 'yong buhok na tumabon sa pisngi niya.
Pinagmasdan ko lang si Luna na matulog. Napatingin ako sa bulaklak at saka napangiti.
"Goodnight, Luna!"
LUNA'S POV
KINABUKASAN. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko 'yong iba na abala sa pag-aayos ng mga sarili nila. Maaga siguro ang pasok nila ngayon. Ako kasi mamayang 1 PM pa.
"Si Paulo?" tanong ko kay Allan na siya'ng nasa may malapit sa akin.
"Pumasok na, Luna. Hindi ka na nga pala ginising kasi tulog-mantika ka raw." Inismiran ko siya.
"Ang aga mang-asar, ah." Tinawanan ko na lang.
"Bakit dito sa study area natulog si Paulo kagabi?"
"Diyan siya natulog?"
"Oo."
Pwede naman kasi talaga'ng matulog dito sa may salas kasi malalapad 'yong bangko pinagdidikit na lang. Kapag mainit sa kwarto dito kami natutulog ni Paulo. Share ko lang.
"Kaya pala pakiramdam ko wala ako'ng katabi kagabi." Nagtuloy na lang ako sa lababo at naghilamos.
"Luna," napatingin ako ulit kay Allan na nagsasapatos na.
"Pinagluto ka ni Paulo andyan sa mesa." Napangiti ako.
Ang bait talaga naman ni Paulo.
Matapos magmumog ay naupo na ako at tiningnan kung ano 'yong niluto ni Paulo.
Sinangag, hotdog at ginisang century. Sarap! Nagsimula na ako'ng kumain.
"Hi, Luna!" Pagtingin ko sa nagsalita si Aliya pala.
"Aliya, kain na.
"Sige, tapos na ako."
"Sa'n ka galing?"
"Sa school may nakalimutan lang ako'ng gamit."
"Ahh."
"Sige kain ka lang diyan." Tinanguan ko lang siya.
Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Aliya sa kwarto niya dala ang file case.
"Alis na ako, Luna."
"Sige."
Pinigilan ko kaagad si Aliya nang maalala ko na may kailangan nga pala ako sa kaniya.
"Bakit?"
"Pahiram nga ako ng oinment mo may gagamutin lang ako."
"Kunin mo na lang sa kwarto sa may drawer ko."
"Sige, salamat."
"Alis na ako."
"Sige." Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Matapos ay naghugas lang ako at kinuha na sa drawer ni Aliya 'yong ointment saka ako bumalik sa kwarto ko.
"Good morning, Azine!" bati ko sa bulaklak.
Naupo ako. Paano niya kaya nalaman na may pasà ako dito? Talented na multo? Ha-ha!
Nililis ko 'yong laylay ng damit sa braso ko kasi lalagyan ko ng ointment 'tong pasà pero nagulat ako no'ng hindi ko na nakita.
"Nasa'n na 'yong pasà?" Tiningnan ko ulit pero wala na talaga ako'ng nakita.
"Imposible namang bigla na lang nawala 'yon dahil sa pagtulog ko?" Napailing na lang ako saka tumayo na at ibinalik ang ointment sa drawer ni Aliya.
Pagkabalik ko sa kwarto ko napasalampak ako ng higa sa kama. Ano'ng gagawin ko ngayon? Nag-isip lang ako.
"Luna." Napatingin ako sa nagsalita.
"Princess." Napabangon na ako at nilapitan siya.
"Ano'ng ginawa mo dito? May problema ba?"
"Wala naman, Luna. Ano kasi..." Feeling ko may gusto siya'ng sabihin.
"Kasi?"
"Luna,"
"Teka! Ikaw naman ang tutulungan ko'ng maka-akyat sa langit. Pero paano ba kita matutulungan?"
Parang medyo nalungkot ang mukha ni Princess. May hindi siya sinasabi sa akin. Napatalikod siya sa akin.
"'Wag na lang muna ako, Luna."
"Bakit? Ayaw mo pa'ng umakyat? Hindi ba at 'yon ang gusto mo?" Hinarap niya na ako.
"Noong una kita'ng nakita masayang-masaya ako dahil may tutulong na sa amin na makaalis dito sa lupa kaya lang... nitong nakaraan may natuklasan ako'ng hindi maganda kaya... siguro 'wag mo na lang ako'ng tulungan."
"Ano'ng ibig mo'ng sabihin? Ano 'yong natuklasan mo? Sabihin mo sa akin dahil tutulungan kita."
"Luna, nitong nakaraan may sumusumod sa aking masamang espirito. Gusto niya'ng patayin ang kaluluwa ko kaya ngayon ay nagtatago ako."
Kaya pala hindi ko siya madalas makita. Masamang espirito? Kinikilabutan ako.
"Bakit gusto ka niya'ng patayin? Saka sino ang masamang espirito na 'yon?"
Nagpabaling-baling siya na parang natatakot din. 'Yong multo nga natatakot din eh ano pa kaya ako? Wala naman ako'ng powers eh. Kaibiganin ko kaya si Darna.
"Ang masamang espirito na sinasabi ko sa 'yo ay ang matalik ko'ng kaibigan na si Shaina, Luna."
"Huh? Gusto ka'ng patayin ng matalik mo'ng kaibigan? Sa ano'ng dahilan?"
Pilit niya'ng kinalma ang sarili. Hinarap ako ng maayos.
"Akala niya kasi ako ang pumatay sa boyfriend niya'ng si Joe noon. Ang hindi niya alam nagka-raid at nasaksak ito. Dumating ako sa lugar dahil may usapan kami kaya lang naabutan ko na lang na patay na siya. Ako ang sinisi ni Shaina sa pagkamatay nito akala niya kasi sinadya ko ang nangyari para mawala sa kaniya si Joe."
"Bakit gano'n ang inisip niya? M-May gusto ka rin ba sa Joe na 'yon?" Napangiti siya ng bahagya.
"Oo, Luna. Ang totoo niyan ako talaga ang gusto ni Joe pero kinausap ko siya at sinabi ko'ng si Shaina na lang ang mahalin niya. Nagkaroon kami ng deal at pumayag naman siya kahit labag na labag sa loob niya. Mahal na mahal kasi siya ni Shaina at para sa bestfriend ko gagawin ko rin ang lahat. Pinili ko si Shaina kaysa sa lalaki'ng pinakamamahal ko. Kaya lang ako pa rin ang sinisi niya sa pagkamatay nito."
God! Hindi ko yata kaya 'yon. Hindi kaagad ako nakasagot.
"B-Bakit hindi ka magpaliwanag sa kaniya? Sabihin mo ang totoo na wala ka'ng kinalaman sa nangyari."
"Maraming beses na ako'ng nagpaliwanag sa kaniya pero hindi niya ako pinakinggan. Namatay ako na galit na galit pa rin siya sa akin. Hindi niya ako kayang patawarin, Luna. Sumumpa siya na susundan niya ako hanggang sa kamatayan para maghiganti. At ngayon nga ay nandito na siya para gantihan ako."
Kinilabutan na ako sa mga sinasabi niya. Hindi pa ako nakaka-encounter ng mga mababagsik na multo. Ayoko na yata.
Napatalon ako ng biglang may kumatok sa pinto. Biglang naglaho na si Princess.
"Luna, andyan ka ba? Papasok na ako, huh?" Si Paulo.
Nagbukas ang pinto at bumungad sa akin si Paulo. Nangungunot ang noo niya na lumapit sa akin.
"Ano'ng nangyari sa 'yo para ka'ng nakakita ng multo?" Nasapo niya ang sarili'ng noo.
"Nakakakita ka nga pala ng multo. Naabala ko ba kayo?" Luminga-linga siya sa paligid.
"Sorry po may kukunin lang po ako'ng gamit."
Natawa ako sa kaniya. Lumapit ako kay Paulo at niyakap siya.
"Bakla, hindi tayo talo kilabutan ka nga." Binitawan ko na rin siya.
"Thank you."
"Para sa'n?"
"Sa breakfast." Nginisihan ko siya. Napairap naman ito sa akin.
"Hay yo'n lang pala. Kahit araw araw pa kita'ng ipagluto okay lang." Napangiti ulit ako. "Balik din ako agad sa school kukunin ko lang 'yong flashdrive ko." Tinalikuran niya na ako at hinanap ang flashdrive niya.
"Mukhang mali-late ako ng uwi kasi 1 PM pa ang dismiss namin. Sa labas ka na lang kumain o kaya magluto ka ng instant noodles."
"Okay, ako na bahala." Hinarap niya ako.
"Luna, alis na ako may report pa ako eh."
"Sige."
"Babush!"
Lumabas na siya ng kwarto. Kinuha ko ang cellphone ko at maaga pa pala. Saktong tumawag naman si Jedda kaya sinagot ko na.
{ "May ginagawa ka ba?" }
"Wala naman."
{ "Labas tayo bilis." }
"Sige kanina pa ako naiinip eh."
{ "That's great! Baba ka na nasa tapat na ako ng dorm niyo." }
"Sige, palit lang ako."
Binabaan ko na siya at naghanap ng masusuot. Nakapangtulog pa kasi ako. Nag-maong short na lang ako at t-shirt. Sinukbit ko ang shoulder bag ko at bumaba na.
Nabungaran ko kaagad si Je na kumakaway sa akin. Naka-uniform?
"Let's go!" sabi niya ng makalapit ako.
"Bakit naka-uniform ka na agad?"
"Balak mo ba'ng pauwiin pa ako?" Napangisi ako. Oo nga pala malayo bahay niya.
"Tara?" Nagpatianod na lang ako sa kaniya.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang sakayan.
"Saan pa eh di sa dating tambayan."
"Sa Plaza?"
"Yep!"
Bumaba na kami ng tricycle at nagsimula ng maglakad papuntang Plaza. As usual ang dami na namang naglipanang estudyante dito at ano pa nga rin ba kung hindi mga multo.
'Wag niyo ko'ng lalapitan kung hindi iti-triple dead ko kayo'ng lahat.
"Dami'ng tambay ngayon, ah. Hindi na yata pumapasok ang mga 'to."
Mostly, mga taga-ESTI ang mga tambay ngayon. Gaya ng dati bumili muna kami ng makakain at naghanap ng pwesto dito sa may basketball court.
"May maglalaro yata, ah." napaangat ako ng tingin kay Je at saka sa court.
May mga nagkatipon sa gitna at mukhang nag-uusap pa. Baka pustahan? Bahala sila. Naupo na lang kami sa nakita naming bakante at nagsimula ako'ng kumain ng piatos. Hindi ko na lang pinansin ang paligid. Hirap palang magkaroon ng third eye.
Maya-maya napatingin ako kay Je dahil sa pagsagi niya sa braso ko. Hindi naman siya nakatingin sa akin.
"Bakit?"
"Ayon oh." Nangunot ang noo ko at sinundan na lang ang tinitingnan niya.
Si Arif? Mukhang maglalaro yata siya. Kasama niya ang mga barkada niya.
"Si Arif Zamora ba 'yon?" Nakatingin pa rin siya kay Arif. Napabalik na ako sa pagkain ng chips.
"Ano'ng ginagawa niya dito?" Naramdaman ko'ng napabaling na siya sa akin.
"Si Arif talaga 'yon?"
Parang hindi pa siya makapaniwala. Kasi naman hindi napapadpad dito si Arif kaya siguro gulat ang expression nitong si Je.
"Oo." Patuloy pa rin ako sa pagkain.
"Sinundan niya ba tayo?" Napatawa na lang ako.
"Assuming ka!" Napatawa din siya.
"Bilis, tayo ka diya."
"Bakit?" Sinukbit niya ang bag at dinampot 'yong ibinaba niya kaninang pagkain namin at juice.
"Do'n tayo sa may gitna para mai-cheer naman natin siya." Nakapwesto kasi kami dito sa dulo.
"Huh?"
"Halika na, bilis."
Napasunod na lang ako sa kaniya dahil nauna na ito'ng maglakad. Si Je talaga. Naupo kami sa may gitna nga. Masyado na tuloy kami'ng na-expose ngayon. Uminom muna ako ng juice at kumain ulit ng chips. Si Je naman ay naririnig ko'ng kinikilig. Mga gwapo din kasi ang mga barkada nito'ng si Arif. Kunti lang pala ang mga taga-MSU na narito.
"Luna. Luna." Sinagi pa niya ako.
"Bakit?"
"Tingnan mo nakatingin sa 'tin sina Arif. Tingnan mo bilis."
Binalingan ko si Arif na may hawak na bola at nakatingin nga sa may pwesto namin. Ngumiti siya ng maluwang pero hindi ko alam kung sino ang nginingitian niya kaya napabaling ako sa likod pero wala naman ako'ng iba'ng tao na nakita.
"Ehhh! Luna, nginingitian ka ni Arif. How sweet!" Napabalik na lang ako sa pagkain.
Maya-maya nagsimula na sila'ng maglaro. Mga marine student pala ang kalaban nila Arif. Umingay na ngayon dito sa court dahil sa mga nagchi-cheer. Dumami na rin ang nanonood. Si Je naman ay nakikisigaw na rin at chini-cheer ang team ni Arif.
"GO, ARIF! WHOAAA! ARIF! ARIF! ARIF!" si Je. Napatabon na lang ako ng tainga.
Grabe ang ingay na at mas dumami na rin ang nanonood.
Tinigil ko na ang pagkain. Uminom ako ng juice at nag-focus muna sa panonood. Seryoso'ng seryoso kasi sila sa paglalaro.
Magaling pala'ng maglaro 'tong si Arif? Kaya siguro marami nito'ng fans sa campus. Now I know.
Nagi-enjoy ako'ng manood. Hawak ni Arif ang bola ngayon. Lahat ay nakatingin sa kaniya at chini-cheer siya. Kahit ako ay nakatingin lang kay Arif. Ang astig niya'ng tingnan. Parang biglang nag-slowmo ang paningin ko.
Ano ba 'tong iniisip ko?
Napailing ako kaagad at ibinaling sa ibang direksyon ang paningin. Nagulat ako nang matamaan ng paningin ko si Azine na nakatayo sa may poste di kalayuan. Nakatingin lang siya sa akin.
Si Azine ba talaga 'yon?
"Luna. Luna!"
"Huh? Bakit?" Napatingin ako kay Je.
"Natulala ka na diyan. I-cheer mo si Arif."
Hindi ko siya sinagot at binalikan ng tingin si Azine. Hindi ko na siya nakita kaya nagpalinga-linga ako sa paligid. Umalis na siguro. O baka namalikmata lang ako? Baka nga. Nanood na lang ako ulit pero hindi na ako nakapag-focus. Kumain na lang ako ulit.
"Oh? Ang daya naman no'n." dinig ko'ng sabi ni Je.
Napatingin ako sa kaniya. "Bakit?"
"'Yong lalaki'ng naka-red ng jersey tinulak niya si Arif." Tiningnan ko ang sinasabi niya. Naglalaro pa rin sila pero parang nagkakainitan yata. Ang seryoso naman nila'ng maglaro.
"Baka naman hindi sinasadya."
"Parang hindi. Kita'ng kita ko ang pagtulak ng lalaki'ng 'yon kay Arif. Ang daya ng isa'ng 'yon, ah."
Ilang sandali pa'ng tumagal ang laban at sina Arif ang nanalo. Sa wakas natapos din kasi nakakaba ang game na 'to.
"Luna, parang papalapit sa 'yo si Arif, oh."
Napatingin ako sa tinitingnan ni Je at nakita ko nga si Arif na papalapit sa amin. Nag-deadma-deadmahan na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Hi, girls!" si Arif na nakalapit na sa amin.
"Hi, Arif!" bati ni Jedda dito.
"Hi! Kilala mo na ako?"
"Sino ba ang hindi nakakakilala sa 'yo? I'm Luna's bestfriend, Jedda." Nag-shake hands pa yata ang dalawa.
"Kaya pala palagi kayo'ng magkasama."
"Yep!" Nagkatawanan pa sila'ng dalawa.
"Hi, Luna!"
Dahan-dahan ako'ng napaangat ng tingin sa kaniya. Nakangiti siya sa akin kaya napangiti na rin ako ng bahagya.
"Hi!" naiilang ko pa'ng bati.
Nagulat ako no'ng sumampa siya sa may baitang at naupo sa may tabi ko. Ang upuan kasi dito ay semento at may two layers tapos dito kami sa taas nakaupo. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Je pero hindi ko siya tiningnan dahil alam ko'ng mang-aasar lang siya. Hindi ko rin matingnan si Arif dahil naiilang ako. Bakit kasi siya naupo dito?
"Arif, ang galing mo'ng maglaro. Nag-cheer ako sa inyo." Tatawa-tawa'ng puri ni Je dito.
"Thanks! Narinig nga kita." Nagakatawan ulit sila.
Bakit para'ng bigla ako'ng nawalan ng boses? Napansin ko kasi'ng nakatingin sa amin ang mga babae'ng nandito kaya nakakailang. Narinig ko'ng tumighim si Arif kaya napatingin ako sa kaniya.
Pawis na pawis siya.
"Uwi na tayo, Je."
"Agad?"
Napatigil ako sa paghakbang sana ng maramdaman ko ang kamay ni Arif na nakahawak na sa braso ko. Napatingin ako sa kaniya. Maluwang naman ito'ng nakangiti sa akin. Kung ibang babae lang baka sinagot na kaagad 'to kahit hindi naman nanliligaw.
Napatayo siya habang sa akin pa rin nakatingin. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Mas inilapit pa ni Arif ang mukha sa akin kaya mas nailang ako. Wala ako'ng magawa kundi mapababa na lang ng tingin.
"You owed me a bottle of water, Ms. Del Mundo. Buy me one, please?"
Saka ako napatingin ulit sa kaniya. Ito naman ay inilayo na ang mukha sa akin at muling naupo.
AZINE'S POV
Napa-smirk na lang ako ng makita ko sina Luna at ang nakakainis na Arif na 'yon. Tss! Hindi man lang ako nilapitan ni Luna no'ng nakita niya ako kanina.
I saw everything! The way she looked at him. Wala daw gusto, huh?
Ang lapit niya kay Luna at may pahawak pa. Tss! Epal! Pasalamat siya kaluluwa pa lang ako dahil kung hindi baka nailampaso ko siya sa basketball. MVP kaya ako ng basketball sa university na pinasukan ko sa Canada.
Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Tss! Bahala na siya sa buhay niya. Binalingan ko ito'ng kaluluwang sinundo ko.
"Sumunod ka na sa 'kin."
______________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️
OTHER STORY:
Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]