webnovel

Ikaw ang GHOST-2 Ko

SecretSuperstar · Fantasy
Not enough ratings
56 Chs

Chapter 22: Bangayan

LUNA'S POV

P.E 3 CLASS.

"Good morning, class!" si sir Andrew.

"Good morning, sir!" bati naming lahat.

"Sariwa pa naman siguro sa inyo 'yong nangyari no'ng friday, class." Tahimik lang kaming lahat at nakikinig sa kaniya.

Naalala ko na naman 'yong nangyari no'ng araw na 'yon. Hindi ko na nga nagawang dumalaw pa sa kaniya kasi balita ko dumalaw raw sina sir Andrew doon, mga faculties at students.

"Hindi natin naituloy 'yong game kaya walang declared na panalo."

"Sir, itutuloy po ba natin?" tanong ni Cedric.

"Hindi na natin itutuloy dahil hindi naman 'yon international competition para tapusin pa. About sa grade niyo ako na ang bahala do'n. 'Wag kayo'ng mag-alala dahil makakatanggap kayo'ng lahat ng matataas na grade." Bakas ang tuwa sa kanilang lahat.

"Alam ko'ng naghirap kayo sa game at nag-focus. Pinaglaban niyo ang program ninyo at pinagtibay ang inyo'ng samahan. Masaya na malungkot ako sa naging outcome. Anyway, you did a good job, everyone! Palakpakan niyo ang mga sarili niyo." Nagsipalakpakan kami.

"Si Liezel kumusta na nga pala?" Maya-maya-y tanong ni sir ulit.

"Sir, nagpapagaling pa rin ho siya pero baka sa thursday pumasok na rin po 'yon. Namamaga pa rin po kasi hanggang ngayon 'yong paa niya." si Glydel.

"Sabihin mo'ng 'wag siya'ng mag-apura at magpagaling lang. Alam naman na siguro ng ibang professor ang condition niya, di ba?  I-infom niyo na lang siya sa mga lessons and activities."

"Yes, sir." sagot namin.

"Hindi na ako magkaklase kasi tapos naman na tayo sa mga lessons. Wala na rin naman kayo'ng final exam sa akin eh. Class dismiss!"

"Bye, sir!" Paalam namin.

"Ah, siya nga pala," napabaling ulit siya sa amin.

"Luna, puntahan mo ako sa faculty office bago ka umuwi."

"Yes, sir!" Nangunot ang noo ko. Nagbulong-bulungan din sila.

"Bakit kaya?" si Je na nagtataka rin.

"Luna, baka may kasalanan ka kay sir Andrew." Pang-aasar ni Cedric.

"Kung tungkol sa kasalanan ikaw ang ipapatawag ni sir do'n at hindi si Luna. Ha-ha-ha!"

Malakas ang pagkakasabi ni Jedda kaya narinig ng lahat. Nagsitawanan din sila. Napasimangot si Cedric.

"Boooo!" Pang-aasar na naman ni Aldrin sa kaibigan. Tinapig pa ni Ced ang kamay nito na ibinabalandra pa sa mukha niya.

"Bakit ba palagi mo na lang ako'ng binabara? Siguro crush mo ako, ano? Umamin ka na, Je." Napatawa ng malakas si Je. Inasar naman sila ng mga kaklase namin kasama na ako.

"Hindi nga kaya, Jedda?" sabat ko. Tiningnan niya ako na nakabusangot ang mukha.

"Isa ka pa, Luna. Huy!" Si Ced naman ang binalingan niya.

"'Wag ka nga'ng assuming diyan! Sino'ng magkaka-crush sa 'yo? Assuming!"

"Bakit defensive ka? Ha-ha-ha!" Hindi na natigil ang asaran nila.

May biglang sumagi lang sa isip ko.

FLASHBACK

"B-Bakit, may dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nagagwapuhan ka sa'kin, ano?"

"Assuming."

"Eh, bakit mo nga ako tinititigan?"

************

"Miss na miss mo na talaga ako, 'no?"

"Assuming ka din pala, ano? Hindi ikaw ang gusto ko'ng makita."

"Eh, sino pala?"

"For your information, hindi kita hinihintay at hindi ako nagdi-deny, okay? Assuming!"

"Eh, di hindi na kung hindi bakit defensive ka?"

PRESENT

Napangiti ako sa naisip ko. Hay! Sobrang busy na nga niya. Gaano kaya karami'ng kaluluwa ang sinusundo niya? Nakakalungkot.

"Luna. Huy, Luna!" Napatingin ako kay Je.

"Bakit?"

"Sino'ng nginingitian mo dyan?"

"W-Wala naman."

"Baliw ko'ng friend. Sibat na tayo, lunch na eh."

"Sige." Inayos ko na ang mga gamit ko at tumayo na.

SCHOOL CANTEEN. Naka-order na kami at kumakain na.

"May klase pa kayo'ng dalawa?" tanong ni Paulo.

"Dalawa pa," sagot ni Je.

"Maaga pala kayo'ng makakauwi, eh. Hanggang ano'ng oras ba?"

"3 PM."

"Kainggit kayo aga niyo palagi'ng umuwi."

"Ngayon nga lang eh." Sumubo muna si Je bago magsalita ulit.

"Paula, ito'ng si Luna pinapatawag ni sir Andrew sa office niya after ng class namin."

Napatingin ako sa dalawa. Nakatingin din sila sa akin. Kumakain lang naman ako.

"Bakit daw?"

"Hindi nga namin alam eh."

"'Wag nga kayo'ng mag-isip ng kung anu-ano. Palagi naman ako'ng pinapatawag no'n eh."

"Oo nga, ano?" si Je. Nagsikain na lang kami.

Maya-maya nag-ring ang cellphone ko na nasa bag. Ibinaba ko na muna ang kutsara at kinuha ang cellphone.

Unregistered number. Sinagot ko na lang.

"Hello?"

{ "Ms. Maria Luna Del Mundo?" } sabi ng nasa kabilang linya.

"Ako nga ho. Sino ho sila?" Napatingin sa akin 'yong dalawa.

{ "Si Chief Roger Atanacio ito ng Marinduque Provincial Police Station." }.

"Chief, kayo ho pala. Bakit ho kayo napatawag?"

{ "May update na sa kaso ni Ana Linda Mangante. Right after ng mga statement mo kanina pinahanap ko kaagad ang file case niya at muling binuksan ang kaso." }

"Ano po ang update Chief?"

{ "Hindi nga basta aksidente ang nangyari kay Linda no'ng araw na 'yon. May witness na lumabas nang magsiyasat si SPO2 Cardenas sa lugar kanina. Nag-file ako ng baging case at sa kasalukuyan ay nagpadala na ako ng mga pulis sa bahay ng mga Lim para i-inform ang pamilya sa totoong dahilan." }

"Ano ho'ng mangyayari ngayong patay na si Mr. Lim?"

{ "Hindi na natin siya masasampahan ng kaso gayong patay na siya. Pero ang mas mainam niyan nabigyan natin ng hustisya ang biktima. Nalaman natin ang totoong nangyari sa bata. Sana nga ay matahimik na ang kaluluwa niya ngayon." }

"Sigurado ho 'yan. Salamat po, Chief."

{ "Sa ngayon, cased closed na ulit ang kaso ni Ana Linda Mangante. Maraming salamat sa iyong kooperasyon, Ms. Del Mundo." }

"Wala'ng anuman, Chief. Sige ho." Binabaan ko na siya. Napangiti ako.

Matutuwa si Linda. Sana makita ko ulit siya.

"Si Chief ba 'yon, Luna? About ba 'yan sa sinabi mo kanina?" si Paulo.

"Oo. Closed case na ulit ang kaso. May witness daw na lumabas at nagpatunay na hindi aksidente ang nangyari kay Linda."

"Mabuti naman pala."

"Ano 'yon? Sino 'yang mga tinutukoy niyo?" Napatingin kami kay Je at sabay napatawa.

"Kumain ka na lang, bakla." si Paulo na sinubuan pa si Je.

Nag-take lang kami ng two subjects at 3: 30 PM na kami na-dismiss dahil nag-extend ng half our 'yong last professor. Naglalakad na kami ni Je papunta sa faculty office para nga i-meet si sir Andrew.

"Ano kaya'ng sasabihin sa 'yo ni sir Andrew?" tanong ni Je. Nangungunot-ngunot pa ang noo.

"Malalaman natin 'yan mamaya kaya 'wag ka ng manghula." Tinawanan ko pa siya.

"Sabagay. Curious lang kasi talaga ako eh."

Mabilis naman kami'ng nakarating at ngayon ay nasa may pintuan na kami.

"Pasok ka na."

"Samahan mo 'ko sa loob."

Nginisihan ako ni Je. "Kinakabahan ka rin, ano?" Napatango na lang ako.

"Ayst! Kaya mo 'yan, Luna. Ikaw lang ang pinapatawag ni sir kaya hindi kita pwede'ng samahan sa loob. Go na, Luna. Fighting!" Napanguso na lang ako.

"Hintayin mo ako diyan, ah."

"Opo! Go." Saka ako pumasok na sa loob.

Hinanap ng paningin ko si Sir Andrew pero hindi ko siya nakita.

"Excuse me po, ma'am." tawag-pansin ko sa isang teacher na busy sa pagsusulat.

"Yes?"

"Si sir Andrew ho nasaan po kaya?"

"Nasa banyo si sir. May kailangan ka sa kaniya?"

"May sasabihin daw po siya sa akin eh."

"Sige, hintayin mo na lang siya diyan sa table niya."

"Salamat po." Nagpunta ako sa table ni sir Andrew at naupo. Hinintay ko na lang siya na bumalik.

Napatayo ako maya-maya ng makita ko si sir Andrew na papalapit na sa akin.

"Oh, Ms. Del Mundo, kanina ka pa?"

"Kadarating ko lang din po, sir."

"Maupo ka." Naupo ako gano'n din ito sa bangko niya. Tiningnan niya ako.

"Sir, bakit niyo nga po pala ako pinapunta dito?"

"Ah, tungkol diyan nga pala. Eh, kasi nakita ko 'yong performance mo no'ng naglaro tayo ng volleyball. May potential ka sa paglalaro, dati ka na ba'ng player?"

"Opo, sir. Nakahiligan ko na ho kasi ang paglalaro ng volleyball simula elementary hanggang senior."

"Gano'n ba? Kaya pala magaling ka maglaro at mag-coach." Napangiti ako ng bahagya.

"Hindi naman po gano'n kagaling, sir."

"Anyway, pinatawag kita dito kasi gusto kita'ng kuning player sa team namin. Magandang opportunity 'to para sa 'yo para naman mas maging active ka pa sa mga clubs. Are you willing to grab the opportunity, Ms. Del Mundo?" Napaisip ako sandali.

"Pumayag ka na, Luna. We will treat you well. Masaya sa team namin."

"Thank you, sir dahil nakitaan niyo ako ng potential pero kasi pwede ho ba'ng pag-isipan ko muna ang tungko dito?"

"Hmm... sige pag-isipan mo muna. Sabihan mo na lang ako kapag nakapag-decide ka na. Pero mas masaya ako kung susubukan mo muna ang inaalok ko."

"Sige ho."

"Siya sige. Salamat sa oras mo, Luna."

"Walang anuman ho." Napatayo na ako.

"Mauna na ho ako, sir Andrew."

"Sige. Pag-isipan mo'ng mabuti, huh?"

"Opo." Tinalikuran ko na siya at lumabas. Nabungaran ko si Jedda.

"Ano? Ano'ng sabi ni sir Andrew? Ano raw nagawa mo'ng kasalanan? Huh? Bakit hindi ka nagsasalita? Luna?" Napatawa ako sa reaksyon ni Je. Nagsimula na ako'ng maglakad habang nakasunod siya at naghihintay sa sasabihin ko.

"Ano nga, Luna? Ano'ng sinabi ni sir Andrew?"

"Gusto niya ako'ng kuning player sa volleyball team niya."

"WHAT?" Napahinto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako dahil nakakabit siya sa akin. Hinarap ko siya.

"Seryoso ba 'yan." Napatango lang ako.

"Oh my God! Luna, baka hindi mo alam si Maxine Panganiban ang varsity player ng volleyball."

"Bakit ganyan reaksyon mo?" Nagsimula na kami'ng maglakad.

"Naku, kung hindi ko pa napapansin nagpapanggap lang 'yon na makipag-close sa 'yo. Hindi mo ba napansin no'ng game natin no'ng friday?" Napatingin ako kay Je.

"Ang alin?"

"Ang sama kaya ng tingin niya sa 'yo kasi napapansin niya siguro na magaling ka'ng maglaro." Nangunot ang noo ko.

"Talaga?"

"Oo kaya. Wala ako'ng tiwala sa babaeng 'yon. Tingnan mo lalabas din ang totoong ugali no'n at masasabi mo'ng tama nga ako."

"Hindi naman siguro.

"Hmm? Tingnan natin. So, paano 'yan? Tatanggapin mo?"

"Hindi ko pa alam."

SAINT MARIS DORMITORY. Kumakain kami ng dinner. Panay ang kwento nila pero tahimik lang naman ako dahil iniisip ko pa rin ang alok ni sir Andrew.

"Luna," Napatingin ako kay Elay.

"Balita namin napa-trouble ka kanina? Totoo ba?" Napatingin sila'ng lahat sa akin.

"Sapat na ba'ng patunay 'tong putok na labi niya?" Pang-aasar ni Paulo na inismiran ko lang at nagpatuloy sa pagkain.

"Bakit ka nga pala napa-away?" si Aliya.

"Baka napag-trip-an lang nila ako," sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Kilala mo ba kung sino sila? Resbakan natin!" Natawa kami kay Chendy. Hindi ko alam na ganito siya katapang.

"Salamat na lang Chendy pero kaya ko na 'to. Saka madadala na 'yong mga 'yon dahil sa parusa ni Dean."

"Ano'ng parusa ni Dean? Strikto ba siya?"

"One week lang naman sila'ng maglilinis ng field." Napamaang sila.

"Grabe si Dean. Natatakot tuloy ako'ng madala sa Dean's Office." si Paulo.

Kumain na lang ako. Si Elay ang toka sa paghuhugas kaya pumanhik na ako sa kwarto. Si Paulo naman ay may tinatapos pa'ng report kaya nauna na ako. Nabungaran ko kaagad ang bulaklak kaya napangiti ako. Lumapit ako at naupo saka ito pinagmasdan.

Ano kaya'ng nangyari sa paglilitis? Sana naging successful naman. Nangalumbaba ako sa harap ng bulaklak.

Nasa'n kaya si Azine ngayon? Nagsusundo kaya siya ng mga kaluluwa? Azine. Azine. Azi--

"Huy!"

"Ay Azine'ng wala'ng paa!" Napatayo ako at tiningnan ang salarin na gumulat sa akin.

"Ano? Sino'ng walang paa?" Inis ko siya'ng nilapitan.

"Ikaw! Bakit ka ba nanggugulat? Balak mo yata ako'ng patayin, ano, para may masundo ka'ng kaluluwa?"

"Crazy!" Tiningnan niya ako ng diretso.

"B-Bakit ganyan ka makatingin?"

Hinawakan ko pa ang aking mukha dahil baka may dumi pero wala naman. Naramdaman ko na lang ang malamig na kamay ni Azine sa may labi ko.

"Ano'ng nangyari dito? Buong araw lang ako'ng nawala nagkaputok ka na agad sa labi."

Tinabig ko ang kamay niya. Parang yelo ang mga daliri niya.

"Nauntog lang ako sa banyo."

"Talaga? Kailan pa lumabo ang mga mata mo?"

Mas lumapit pa siya sa mukha ko. Nakakailang!

"A-Ano ba'ng pakialam mo?"

Sinubukan ko'ng tumalikod pero bigla niya ako'ng hinarap ulit sa kaniya. M-Mas malapit pa lalo kumpara kanina.

Azine, ido-double dead kita! Hindi, triple pala. Bigla siya'ng napangisi.

Naririnig ba niya ang iniisip ko?

"Oo." Napamulagat ako.

"Sinabi ko na sa 'yo na talented ako'ng multo, di ba?"

Iniunat niya ang kaliwang braso ko.

"Ano ba?"

Seryoso ba'ng nahahawakan niya ako? Iba'ng klase naman ang story na 'to. Ayst! 'Wag na ako mag-isip dahil naririnig lang niya.

"Bitaw sabi!"

Hindi siya kumibo at nakatingin lang ng diretso sa akin. Maya-maya gumawi ang tingin niya sa may balikat ko. Nagulat ako no'ng lilisin niya ang damit sa may balikat ko.

"Azine!" Binalik niya ang tingin sa akin.

"Saan mo nakuha 'tong pasà?" Nangunot ang noo ko.

Tiningnan ko ang tinutukoy niya at may pasà nga ako sa may ibabang balikat. May pasa pala ako dito? Mga bullies na 'yon!

"Sino'ng nang-bully sa 'yo? Si Arif Zamora ba? Sinabi ko na nga ba at wala talaga'ng magawang maganda ang lalaki'ng 'yon eh. Humanda siya sa akin!"

"Ano ba'ng sinasabi mo?" Hinila ko ang braso ko sa kaniya.

"Bakit si Arif na lang ang palagi mo'ng pinagbibintangan?"

"Pinagtatanggol mo siya? Hmm? Kayo na siguro, ano?"

"Hindi, 'no! Nagpunta ka ba dito para bwisitin lang ako?"

Napabalik na lang ako ng upo. Nakakainis! Hindi naman alam ang nangyari mag-iisip agad ng kung anu-ano.

"Tumigil ka na nga sa kadadaldal! Ingay!"

"Hindi naman ako nagsasalita ah nag-iisip lang ho ako." Sarkastiko ko'ng sabi. Napanguso siya. Natahimik naman kami sandali.

Hinarap ko ang bulaklak at kinalma ang sarili.

"May naghahanap nga pala sa 'yo." Maya-maya'y sabi niya. Napatingin ako sa kaniya.

"Sino? Multo na naman? Ayoko!"

"Seriously?"

"Oo, ayoko! Mamaya kung ano pa ang itsura niyan eh manginig na naman 'tong tuhod ko."

"Okay. Nagmalasakit pa naman ako na tulungan ka'ng makita at makausap ulit sina Aling Emilda at Linda tapos ayaw mo na pala sila'ng makita. Kung gano'n aalis na ako." Tinalikuran niya na ako.

Agad-agad ako'ng tumayo at hinarangan si Azine.

"Bakit hindi mo kaagad sinabi na sina Aling Emilda pala?" Napangiti ako ng maluwang. "Nasa'n sila?"

Nginitian din ako ng maluwang ni Azine.

"Hindi ba at sinabi mo'ng ayaw mo sila'ng makita?" Bigla siya'ng sumeryoso. "Nagbago na ang isip ko. Aalis na ako at ihahatid ko na sila." Napatalikod siya sa akin at nag-cross arm.

Lumipat agad ako sa harapan niya.

"Sige na naman gusto ko sila'ng makita." Nag-isip siya.

"Say please." Napairap ako.

"Please." Wala'ng buhay ko'ng sabi habang nakatingin sa iba'ng direksyon.

"'Yong sincere. Say it again."

"Pinagti-trip-an mo ba ako?" Naiinis ko pa'ng tanong.

"Ayaw mo yata eh."

Akmang aalis na naman siya. "Sandali."

Bumuntong-hininga muna ako. "Please!" Medyo sincere.

"Hmm? 'Yong may kunting sweetness."

"Azi-"

"Ayaw?" Ngumiti ako ng sobrang laki.

"Please? Gusto ko'ng makausap si Aling Emilda at si Linda kaya sige na, please? Huh? Azine, please?" Napangiti siya ng maluwang.

Devil!

"Okay." Napangiti ako sa sobrang tuwa. Naupo muna si Azine sa kama saka ulit nagsalita.

"Aling Emilda, lumabas na ho kayo."

"Ate Luna!"

Napaharap ako sa kanila dahil nakatalikod ako. Nasa may tapat sila ng study table ko.

"Aling Emilda! Linda!" Agad ko sila'ng nilapitan.

Maluwang sila'ng nakangiti sa akin.

"Nanalo kayo sa paglilitis?"

Tumango si Aling Emilda. "Oo, Luna."

"Salamat naman ho at nagkasama na rin po kayo'ng dalawa.

"Kung hindi dahil sa tulong mo hindi ito mangyayari kaya ako ang dapat na magpasalamat sa 'yo, ija."

"Wala lang ho 'yon."

"Ate Luna." Lumapit sa akin si Linda at niyakap ako.

"Ate Luna, sorry pala kasi dahil sa akin pati ikaw ay muntik ng mapahamak."

"Okay lang 'yon." Naupo ako at pinantayan siya.

"Siya nga pala, Linda, nalaman na ng mga pulis na  hindi aksidente ang nangyari sa 'yo. Nabigyan ka na nila ng hustisya." Napangiti siya ng maluwang.

"Salamat, Ate Luna. Masaya na rin ako'ng aakyat lalo na at kasama ko si Inay." Niyakap ko na lang ulit siya.

Kumawala din naman ito sa akin at bumalik kay Aling Emilda. Napatayo na ako.

"Luna, sana marami mo pa'ng matulungan na kaluluwang ligaw. Ikaw ang pag-asa nila."

"Gagawin ko ho 'yan."

"Luna, kailangan na naming umalis ni Linda. Sandali lang ang oras na binigay sa amin eh. Kailangan na naming umalis." Nalungkot ako sandali pero napangiti na rin.

"Mami-miss ko ho kayo lalo ka na Linda."

"Mami-miss ka rin namin, Ate Luna. Huwag ka'ng mag-alala dahil babantayan ka naman namin ni Inay mula sa langit."

"Kailangan na nating umalis." Napatingin kami kay Azine na napatayo na rin. Lumapit siya kay na Aling Emilda.

"Bye, Ate Luna!"

"Paalam, Luna." Nginitian ko lang sila. Nag-wave na lang ako.

"Ikaw!" Nangungunot ako'ng napatingin kay Azine.

"Lagyan mo ng gamot 'yang pasà mo, okay? Pasaway!"

"Aba't-"

"Don't say anything." Hindi na niya ako binigyan ng chance na sumagot.

Ilang sandali pa at naglaho na sila'ng tatlo. Masaya na rin ako para kay Aling Emilda at Linda.

Tiningnan ko ang pasà sa braso ko at bahagyang napangiti. Inayos ko na lang ang kama ko at sumampa na. Bago ako mahiga tiningnan ko muna ang bulaklak.

"Goodnight!"

______________________________________

Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙

Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.

Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.

MARAMING SALAMAT! ☺️

OTHER STORY:

Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]