LUNA'S POV
"Good morning, MSU!" sigaw ni Paulo dito sa harap ng gate. Hinila ko siya papalapit sa akin.
"Huy! Ang ingay mo naman grabe ka. Wala ka talagang kahihiya."
"Ano ka ba pangpa-good vibes lang saka pampa-attract ng swerte."
"Ang daming alam talaga. Lika na nga."
"Okay, let's go!"
"Ms. Maria Luna Del Mundo?" Napatingin ako sa dalawang guard. Sila 'yong guards na humuli sa akin kahapon.
"Yes po kuya guard?" Halatang naiilang sila sa akin.
"Pasensya ka na nga pala ma'am sa nangyari kahapon. Hindi namin alam ang nangyari tapos hinuli ka kaagad namin."
"Sorry ma'am, ah." ito'ng isa.
"Wala na ho sa akin 'yon, 'wag na ho kayong mag-alala."
"Salamat, ma'am. Good morning po sa inyo."
"Sige po."
Pagpasok namin napatigil kami ni Paulo sa harap ng SBM Department. Hinarap ko siya.
"Alam kaagad nila na abswelto na ako?" Nagtataka ko'ng tanong kay Paulo.
"Hindi ka ba nakatanggap?"
"Ng ano?"
"Text message from Dean's Office. Nakalagay do'n na wala ka'ng kasalanan sa pagkamatay ni Mr. Lim. Nakatanggap lahat ang mga estudyante no'n. Maliban do'n nasa webpage na natin ang information ng kaso galing sa police station at 'yong statement ng pag-amin ni Mrs. Lim."
"Kaya naman pala. Okay, mag-split na tayo. Ba-bye!" Hinila niya ako pabalik.
"Why?"
"Ihahatid na kita."
"Huh?"
"Ihahatid na po kita kamahalan." Napatawa ako sa kaniya.
"Hindi na kailangan, okay? Ginagawa mo naman ako'ng bata niyan."
"Hindi kita ginagawang bata kamahalan iniingatan lang kita. Sandali, tingnan mo sila."
"Sino?"
"Lahat ng estudyanteng dumaraan. Parang walang nangyari kahapon, ano? Parang normal lang ang lahat. Mas nakakakaba."
"Bakit ano ba ang nangyari kahapon?" Napatingin sa akin si Paulo.
"Nakalimutan mo agad?"
"Ikaw na ang nagsabi di ba na na- spread na ang information about sa nangyari. Siguro nakalimutan na kaagad nila, mas mabuti nga 'yon eh."
"Oo nga, ano?"
"Hay naku! Alis na ako mali-late na ako. See you later." Umalis na ako ng tuluyan.
"Luna!" Hindi ko na pinansin si Paulo.
Dito ko na naisip dumaan sa Educ building tutal palagi naman ako dito dumadaan mas malapit kasi at mas prefer ko.
Napapitlag ako nang biglang may maghagis ng garbage bin sa daraanan ko. Nandito na ako sa may tapat ng cr. Napatingin ako sa limang babaeng humarang sa akin at humilira sa harap ko. Base sa suot nilang uniform mga educ student sila. Ngayon na-block na nila ang daraanan ko sana. Masasama ang tingin nila'ng lahat sa akin. Nakakapagtaka dahil walang ibang student dito maliban sa amin.
Ano naman ang nagawa ko sa mga 'to?
"Ang kapal naman ng mukha mo at naisip mo pa'ng dumaan dito sa building namin." Mataray na sabi nitong isang babae na nasa gitna. Mukhang leader siya ng grupo.
"Hindi ba at ikaw si Maria Luna Del Mundo? 'Yong nakakakita raw ng multo?" Sabay-sabay sila'ng nagtawanan sa sinabi nitong nasa pinakagilid sa kanan.
"Ang cheap, huh," dagdag pa niya at nagkatawanan ulit.
"Guys, 'wag naman kayo'ng masyadong harsh sa kaniya," sabi nitong katabi ng nasa gitna na nasa kanan.
Mabait naman pala ang isang 'to eh. Bet ko siya.
"Para mas magmukha tayo'ng mabait tawagin na lang natin siya'ng killer."
Nagkamali pala ako ng pinuri. Siguro hindi sila nakatanggap ng message. Saka sila nagtawanan ulit. Umalis 'yong nasa gitna sa pwesto niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya 'yong necktie ko at inayos. Tiningnan niya ako.
"Paano ka kaagad nakalaya? Ang swerte mo naman pala talaga gaya ng bali-balita ko." Binitawan niya na ang necktie ko pero nakatingin pa rin siya sa akin ng may pang-aasar.
"Totoo ba'ng nilalandi mo rin si Arif Zamora, huh? Akala mo yata dahil pinapansin ka niya eh may gusto na 'yong tao sa 'yon. FYI, pinaglalaruan ka lang niya nadala ka naman." Nagtawanan na naman sila.
'Yong totoo mga bangag ba 'to?
Bumalik na siya sa tabi ng mga kasama.
"Mukhang umatras na yata ang dila dahil sa atin," sabi naman nitong nasa kabilang gilid.
"Mukha nga." 'yong huling hindi pa nagsasalita. Nagtawanan na naman ang mga luka-luka.
"Magsalita ka!" sigaw na nitong leader nila at mukhang naiinis na. Napangisi lang ako.
"Kailan pa nabuo ang grupo niyo? May bullies pala dito sa MSU? Ha-ha! Akala ko hindi uso dito ang bully-bully na 'yan eh. Siguro mahilig kayo'ng manood ng k-dramas, ano? Anyway, ang astig niyo'ng lima." Napapalakpak pa ako habang nakangiti.
"Approved!" sabi ko na may kasama pa'ng thumbs up.
"Stupid! Are you seing this as a joke?" ang leader nila.
"Syempre alam ko'ng hindi kayo nagjo-joke pero kasi talagang nakakatawa kayo'ng lahat eh. Alam niyo kung nakikita niyo ang sarili niyo matatawa din siguro kayo. Ha-ha! Ha-ha-ha!"
"Don't laugh! Stupid!"
"Pwede ba umalis na kayo sa daraanan ko kasi mali-late na ako eh."
Sinubukan ko'ng dumaan pero tinulak lang ako ng leader nila. Sinubukan ko pa ring maging kalmado. Napapikit ako at huminga ng malalim.
"Ano ba'ng gusto niyo mga trying hard?" Umusok yata ang ilong nila'ng lahat sa sinabi ko.
"Ano'ng sabi mo, trying hard?" Si leader na lumapit na sa akin at inis na inis na. Tinulak niya ako ulit. Hinayaan ko lang naman.
"Talaga naman palang ang lakas ng loob mo, ano? Hindi mo ba kami kilala, huh?"
"Hindi! Hindi naman kasi kayo nagpakilala eh. Hindi naman ako manghuhula." Tinawanan ko pa sila para mas mainis lalo.
"You fool! Ahhhhhh!" Dinubog ako no'ng leader at hindi ko naman siya iniwasan. Syempre palaban din ako.
"Ano ba'ng problema niyo?"
"Ikaw ang problema namin masyado ka kasing atribida." Sinugod na rin ako no'ng iba. Kahit marami sila hindi pa rin ako nagpatalo.
GUIDANCE OFFICE. Napapitlag kami sa malakas na paghampas ni Dean Alberto Fuentes sa table niya. Siya 'yong bagong Dean. Hindi ko na nasabi sa inyo na naipakilala na siya sa ami'ng lahat.
Alam ko'ng nakakatuwa ang itsura namin ngayon kasi gulo-gulo ang buhok namin tapos may mga pasa pa sa mukha. Mabuti sa akin sa may labi lang. Pumutok yata labi ko kasi kumikirot. Bwisit kasing mga bullies na 'to eh.
"Ano'ng pumasok sa mga isip ninyo at nagkarambolan kayo'ng anim? Kayong lima hindi na kayo nahiya mga Educ student pa naman kayo. Mas bagay siguro kung nag-criminology na lang kayo eh. Sino'ng nag-umpisa?"
"Dean-"
"Hulaan ko," putol ni Dean sa anumang sasabihin ng leader nila.
"Kayong lima na naman ang nagsimula nito, ano? Lagi na lang ba kayo'ng manggugulo dito sa campus? Kapag hindi pa kayo tumino ipapa-spell ko talaga kayo." Napatungo na lang sila at hindi na nakaimik.
"Ms. Del Mundo, pagpasensyahan mo na ang nangyari at pati ikaw ay pinagdiskitahan pa ng mga ito."
"Ayos lang ho, Dean."
Bakit ang nice niya sa akin?
"Kayong lima maglinis kayo ng field simula mamaya. One week niyo'ng gagawin 'yan, okay? Ayoko'ng makakita ng basura do'n naiintindihan niyo?" Napaangat sila ng tingin kay Dean at sabay-sabay na nag-react.
"Nagrereklamo kayo? Gusto niyo yata ng expulsion eh."
"No, Dean. Hindi naman po kami nagri-reklamo eh."
"Good. Dismiss na kayong lima. Ms. Del Mundo, maiwan ka sandali."
"Yes, Dean."
Nagsitayuan na ang lima at tiningnan pa ako ng masama bago tuluyang lumabas. Inayos ko ang buhok ko.
"Ms. Del Mundo."
"Dean?"
"Teka, masakit ba 'yang labi mo mukhang pumutok yata." Napahawak ako sa labi ko.
"Ayos lang, Dean."
"Magpapatawag ako ng nurse-"
"Hindi na po, Dean, mamaya ko na lang ho gagamutin."
"Ikaw bahala. Uhm... Ms. Del Mundo, nabalitaan ko na wala ka naman pala talagang kasalanan sa nangyari kahapon. Pasensya ka na kung nahusgahan ka kaagad ng ilang mga estudyante, faculties at outsiders."
"Ayos lang ho 'yon, Dean, ang mahalaga nalinis na ho ang pangalan ko."
"Salamat sa pang-unawa mo."
"Walang anuman ho."
"Gaano ba katotoo 'yong balita na nakakakita ka raw ng multo?"
"101% legit, Dean." Napatawa pa siya.
"Hindi rin po kayo naniniwala?"
"Hindi naman sa hindi naniniwala, ija. Hmm... Sabagay totoo namang may mga taong may third eye. Nakakaya mo naman ba ang mga... multo?"
"Minsan hindi ho kasi sobrang nakakatakot po talaga ang itsura nila. Walang sinumang normal na tao ang gugustuhing makita sila."
"Naku, change topic na nga kasi kinikilabutan na ako dito." Nagkatawanan lang kami ni Dean.
"Ngayon ko lang nalaman na anak ka pala ni Major Zacharias Del Mundo? Kapatid mo pa si Von, 'yong sikat na doctor."
"Oho, Dean. Paano niyo ho pala nalaman?"
"Tumawag kasi ang papa mo sa akin gano'n din ang kuya mo. Dumaan din dito ang mama mo kahapong tanghali."
"Ho?"
"Ija, close kami ng papa mo kasi nagkasama kami noon sa Army. Ngayon ko lang nalaman na dito pala nag-aaral ang anak niya."
"Close po pala kayo ni papa?"
"Oo, ija. Uhm... salamat nga pala sa pagtitiwala sa school namin."
"Mataas din naman po kasi ang standards ng school na ito, Dean. Hindi ho ako nagsisisi na dito ako nag-aral."
"Gano'n ba?"
"Oho. Ah, Dean, kailangan ko na po'ng umalis naalala ko may gagawin pa nga po pala ako."
"Sige. Pasensya ka na ulit sa nangyari ngayon."
"Walang anuman ho." Napatayo na ako gano'n din si Dean.
"Sige ho alis na ho ako"
"Oh, siya sige, ija." Kinuha ko na ang bag ko at lumabas.
PAULO'S POV
Naramdaman ko'ng may nagbubukas na ng pinto at nang tuluyan ito'ng lumabas ay si Luna ang nakita ko. Kanina pa ako dito sa labas ng office ni Dean right after na malaman ko ang nangyari kay Luna. Bakit ba kasi napakalapitin ng trouble nitong friend ko na 'to eh.
"Luna!"
"Paulo. May klase ka ba 'lika samahan mo muna ako may pupuntahan tayo." Ngumalngal na ako ng bongga. Niyakap ko na lang si Luna.
"Okay ka lang?"
"Sinabi ko naman sa 'yo na ihahatid kita eh ayaw mo pa pumayag, bakla ka! Shushugiin mo talaga ako sa nerbyos, hindi mo ba alam na halos lumipad na ako para lang makarating dito? Bakla ka!"
"Okay naman ako, ah. Maliban sa putok na labi at pasa eh wala na ako'ng natamo mula sa mga trying hard bullies na 'yon." Kumawala na ako sa pagkakayakap kay Luna. Pinunasa ko na lang muna ang luha ko.
"Kahit na, ano'ng sasabihin ko kay Tita Yvonne kapag binisita ka niya mamaya at makita niya 'yang putok sa nguso mo?"
"Ako na bahala do'n."
"Ikaw bahala ako kawawa. Teka, sino'ng trying hard bullies?"
"Hay, hindi ko sila mga kilala. Tara samahan mo na ako." Hinila na ako ni Luna palabas.
LUNA'S POV
POLICE STATION.
"Chief, magandang umaga ho."
"Oh, Ms. Del Mundo, napasyal ka ulit? Maupo muna kayo'ng dalawa."
"Salamat ho."
"Malinis na ang pangalan mo, ija, nagbigay na rin kami ng report sa school na pinapasukan mo."
"Salamat po. Chief, si Mr. Lim ho..."
"Si Mr. Lim nakaburol na ngayon sa kanila. Gusto nga palang humingi ng pasensya sa 'yo si Mrs. Lim dahil sa hindi niya agad pag-amin na wala kang kasalanan sa nangyari bagkus ay tumutulong ka lang."
"Tinatanggap ko ho. Chief, kasi may gusto ho ako'ng i-report sa inyo."
"Ano 'yon, ija?"
"Hindi po ba kayo din ang humawak sa kaso sa nangyaring aksidente noon sa may tapat ng simbahan 3 years ago?"
"Aksidente sa may simbahan?" Inisip niya ang tinutukoy ko.
"Ah, 'yon ba? Oo, ako nga ang humawak ng kaso na 'yon. Closed case na 'yon, ija, bakit mo natanong?"
"Kasi Chief," sinabi ko sa kaniya ang lahat ng nalaman ko kay Aling Emilda tungkol sa totoong nangyari kay Linda noon. Mataman naman siyang nakikinig at inililista bawat mahahalagang sinasabi ko.
"Chief, sana buksan niyo ho ulit ang kaso. Oo nga ho at patay na si Mr. Lim pero ang mag-ina ay hindi pa rin natatahimik higit-lalo si Linda. Sumisigaw ho sila ng hustisya."
"'Wag ka'ng mag-alala dahil bubuksan ko ulit ang kaso. Iiwan mo ang number mo ija para ma-update kita."
"Salamat ho, Chief." Iniwanan ko siya ng numero ko at umalis na. Matutuwa sina Aling Emilda at Linda nito.
"Cardenas."
"Yes, Chief?"
"Hanapin mo 'yong kaso ni Ana Linda Mangante 3 years ago. 'Yong nangyaring aksidente do'n sa tapat ng simbahan. Bubuksan natin ulit ang kaso."
"Bakit, Chief? Hindi ba at closed case na 'yon?"
"Hindi pa. Kailangan ko 'yon ngayon na."
"Right away, Chief."
LUNA'S POV
Bumalik na kami ni Paulo sa school. Inihatid niya na talaga ako sa klase ko.
"Sakto lang balik natin wala ka'ng professor."
Sinilip ni Paulo ang loob ng classroom. Nandito pa rin kasi kami sa labas. Nag-wave siya kay Jedda na napatayo na sa kinauupuan at lumapit sa amin. Sinuri niya akong mabuti. Hinawakan niya ang baba ko at pinabaling-baling.
"Ano'ng nangyari sa labi nito?"
"Hay naku, kaloka ka na-ambushed ang ating friend."
"ANO?" Napatabon kami ng tenga ni Paulo. Lakas ng bibig niya.
"Hinaan mo nga boses mo, 'day."
"Akala ko naman a-absent ka lang. Hindi na kita tinawagan kasi naisip ko na baka rest mode ka taoos malaman ko na na-ambushed ka pala. Sino'ng may gawa niyan sa 'yo, huh? Susugurin ko sila." Tinalikuran na kami ni Je at akmang susugod na nga ng hilahin ni Paulo ang kwelyo niya pabalik sa amin.
"Grabe, lakas mo'ng maka-Magellan, Je. Baklang 'to ni hindi mo nga alam kung sino susugurin mo eh."
"Eh, di sabihin mo sa akin, Paula."
"Hindi ko nga rin kilala eh."
"Tumigil na nga kayo'ng dalawa." Binalingan ko si Paulo.
"Balik ka na sa klase mo."
"Okay! Uy, Jedda, 'wag mo maiwan-iwan 'tong si Luna, huh? Kahit isang segundo 'wag mo'ng aalisan ng tingin. Baka mamaya bukol naman abutin niyan. Sige na babush, alis na me. See you later."
"Bye, Paula." Inihatid na lang namin siya ng tingin at pumasok na rin sa loob. Wala pala sila'ng kaalam-alam sa nangyari kanina? Mabuti naman.
"Hi, Luna." Salubong sa akin ni Cedric. Nangunot ang noo niya ng makita ang putok ko'ng labi.
"Hi, Ced." si Je. Napasimangot ito kay Je.
"Ano'ng nangyari sa labi mo, Luna? May nanghalik ba sa 'yo?" Natawa ako kay Cedric.
"Huy, Cedric, kapag ba may sugat sa labi ibig sabihin na no'n eh may nanghalik agad? Siguro ganyan ka kung manghalik sa girlfriend mo, ano? Nag-iiwan ng sugat?" Sinabayan pa ng pagtawa ni Je ang pang-aasar kay Cedric.
"Boooo!" si Aldrin na tinawanan pa ang kaibigan. Natawa lang ako sa kanila.
Hinanap ng paningin ko si Liezel pero hindi pa rin pala siya pumapasok.
"Luna, maupo ka na do'n hahanapan kita ng ointment."
"Sige."
"Guys, sino may ointment sa inyo?"
MINI FOREST.
"Aray!" daing ko. Ginagamot ni Je ang labi ko ngayon.
"Masakit?"
"Oo diniin mo eh."
"Nge! Sorry." Nilagyan pa niya ng kunting ointment.
"Ayan, okay na. May dala ka'ng tubig?"
"Wala." Napatayo na siya.
"Sa'n ka?"
"Bili lang ako ng tubig at sandwich sa canteen. Dyan ka lang ah 'wag ka'ng aalis." Paalis na siya ng lingunin ulit ako.
"Sama ka na kaya sa akin."
"Bumili ka na."
"'Wag ka'ng aalis dyan, huh?"
"Oo na." Saka siya tuluyang umalis.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko at inabala ang sarili. Nakita ko na may 1 massage kaya binuksan ko. 'Yong text from Dean's Office na sinasabi ni Paulo.
"Luna." Napaangat ako ng tingin.
"Arif." Nginitian niya ako.
"Hi! Are you alone?"
"Kasama ko 'yong kaibigan ko may binibili lang sa canteen."
"I see. Uhm... pwede ba'ng maupo?"
"Huh? Ah... S-Sure. For all students naman 'to eh." Natawa pa siya. Gwapo pala talaga siya.
Tiningnan niya ako at napansin niya yata ang labi ko.
"Ano'ng nangyari sa... sa lips mo?"
"N-Napa-trouble lang." Naiilang ko pa'ng sagot.
"Mukhang napaka-troublesome mo pala yata talaga."
"Hindi naman masyado." Nagkatawanan kami.
"By the way, nabalitaan ko 'yong nangyari kahapon sa 'yo. Natanaw kita dito kaya naglakas loob na ako'ng lapitan ka para kumustahin. Okay ka na ba?" Na-touch ako. Kidding!
"Okay naman ako, salamat."
"Good for you, Luna." Nginitian ko lang siya. Naiilang ako hindi dahil kay Arif kundi sa mga matang nakatingin sa amin. Daig pa namin ang artista.
"Siya nga pala, nabalitaan ko na may third eye ka raw pala? Totoo ba 'yon?"
"Naniniwala ka ba sa mga multo?" Parang nag-isip siya saka ako tiningnan.
"Oo naman."
"Talaga? Nakakita ka na ba ng multo?"
"Uhm..." Parang bigla siya'ng nailang sa tanong ko at hindi kaagad siya nakasagot.
"Oo?"
"Huh? Talaga? Pero bakit parang tanong 'yong sagot mo?"
Napatawa siya ng bahagya. "Kasi guni-guni ko lang siguro 'yon. Ha-ha! Anyway, wala ka na ba'ng klase?"
Halatang iniiba niya ang usapan. Hindi lang siguro siya fan ng mga ghost. Talaw kaya 'to? Parang wala naman sa personality niya.
"Wala pa pero mamaya meron."
"I see."
"Luna." Napatingin kami sa dumating na si Jedda. Tiningnan naman niya si Arif.
"Hi!"
"Hello!" Binalingan ako ni Arif.
"Nandito na pala ang friend mo, Luna. Alis na ako, huh? Enjoy!" Tumayo na si Arif.
"Aalis ka na kaagad, Arif?" tanong ni Je.
"Oo, may klase pa kasi ako eh."
"Gano'n ba? Sige, ba-bye!"
"Bye! Bye, Luna." Nginitian ko lang siya at umalis na.
Naupo naman na si Je.
"Oh, uminom ka ng tubig." Inabot ko ang bottled water.
"Kanina pa kayo mag-kausap?" Uminom muna ako.
"Saglit lang."
"Ano'ng napag-usapan niyo?" Nagsimula na siya'ng kumain ng sandwich.
"Tungkol sa mga multo."
"Talaga? Kailan pa naging curious sa mga multo si Arif Zamora?"
"Mukhang hindi nga 'yon interesado sa mga multo eh. Biglang binago 'yong usapan kanina."
"Bakit kaya?"
"Ewan. Naisip ko baka hindi lang talaga siya interesado sa mga multo." Kinuha ko 'yong isang sandwich at kumain.
"Siguro nga."
Naalala ko 'yong sinabi ni Azine dati tungkol kay Arif.
FLASHBACK
"Ayoko kasi sa lalaking 'yon."
"Kung makaayaw ka naman parang ikaw ang nagugustuhan ni Arif."
"Siguro gusto mo talaga siya ano, umamin ka?"
"Wala ka na do'n."
"Huy!"
"Huy? Luna ang pangalan ko."
"Whatever. Basta, kung siya lang din ang magugustuhan mo 'wag na lang. Okay lang na maging single ka na forever."
"Ang sama mo sa love life ko, huh."
"Seryoso nga. May kakaiba kasi sa lalaking 'yon eh, sa ngayon hindi ko lang masabi kung ano. Tingin ko gusto ka ng lalaki'ng 'yon pero 'wag siya ang gawin mong boyfriend huh."
PRESENT
Ano kaya 'yong kakaiba na nakikita ni Azine kay Arif? Wala naman ako'ng nakikita. O baka nagsiselos lang siya do'n dahil malapit si Arif kay Max? 'Yon nga siguro ang dahilan kaya pati ako eh dinadamay pa.
Teka, nasaan nga pala si Azine at hindi pa rin nagpapakita sa akin? Ano kaya'ng nangyari sa paglilitis?
__________________________________________________
Thank you so much, guys. Love ya'll 💙💙💙
Anyways,' wag ninyong kalimutan na mag-FAN sa' kin, VOTE, and SPREAD THE STORY.
Please, mahalaga po ang VOTE niyong lahat.
MARAMING SALAMAT! ☺️
OTHER STORY:
Ang Teacher Kong Heartthrob Pero Terror [ https://www.wattpad.com/story/210888996?utm_medium=link&utm_source=android&utm_content=share_writing ]