webnovel

SWEET GESTURE

Pabagsak na isinara ni Samarra ang pintuan. Napipikon na siya sa ginagawang pang-aasar ni Zachary sa kaniya.

Oh, my goodness! Samarra. What did you do? Why did you let Zachary do what he wanted to you? He'll probably tease you.

Naiiling na nasapo ni Samarra ang ulo parang video clip na nagpi-play sa kaniyang utak ang nangyari sa labas. "Stop thinking, Samarra!" saway niya sa sarili.

Ibinunton na lang ni Samarra ang lahat ng kaniyang inis sa pagkain na dala ni Zachary sa kaniya. Kaya imbes na kalahati lang ang kakainin niyang fried rice. Pero dahil sa inis na nararamdaman niya. Naubos niya ang lahat ng pagkain. Feeling niya tuloy tumaba na agad siya, sa dami ng kaniyang kinain.

Habang inililigpit ang pinagkainan, nakarinig siya ng pag-ring ng kaniyang cellphone. Kaya mabilis niyang tiningnan at sinagot nang makitang si Ezekiel ang tumatawag sa kaniya.

"Hel-"

"Samarra, fix yourself. We're leaving at one hour." Mabilis na nawala sa kabilang linya si Ezekiel. Ni, hindi man lang, nagpaalam ng maayos. Tsk, Naiiling si Samarra na inilapag ang cellphone sa ibabaw ng kama at tinungo ang CR. Mabilisan lang ang ginawa niyang paliligo.

Impit ang kaniyang pagtili pagkalabas niya sa CR, nadatnan niya si Zachary na prenteng nakahiga sa kanilang kama. Nagtama ang kanilang mga mata. Hindi niya alam kung gaano sila katagal nagkatitigan. Nang makabawi siya sa pagkabigla.

"What are you doing here?"

Bigla niyang naisip na itali ang kaniyang bathrobe. Nang mapansin niya, na dumako ang tingin ni Zachary sa kaniya. Ang bilis talagang mag-fiesta ng mata nito, kitang-kita niya ang pasimpleng paglunok ni Zachary at umahon ito sa pagkakahiga.

"Ara, can you please stop asking me. What I am doing here. Let me remind you. In case you forgot. We have been married three weeks ago. We're together on the same roof and same room. So, makikita at makikita mo ako kahit saan. Dito sa kuwarto, CR, swimming pool, kitchen at...? Basta kahit saan."

Napakunot-noo siya sa haba ng litanya ni Zachary parang nagtatanong lang naman siya. Bakit napaka-big deal naman ata? Tsk, bahala na siya sa buhay niya. Tinalikuran niya ito at pumunta sa closet para pumili ng isang oversize t-shirt white, na may printed animal. At high waist black cycling. Pumili rin siya ng isang bull cap na black. At, malaking shades, gaya nang nakasanayan niya pag-umaalis sa Australia. Pinarisan na rin niya ng white sneakers.

Nang makapili ng maisusuot ay agad niyang tinanggal ang bathrobe dahil naka-underwear at bra na naman siya. Nakarinig siya ng pagsinghap kaya nilingon niya si Zachary na namumula ang mukha habang nakatingin sa kaniya. Problema niya? Pinandilatan niya ng mata ito. Ang mata talaga nito kahit kailan. Ang bilis mag-fiesta sa buong katawan niya.

"Aalis ka ba?" tanong ni Zachary habang pinapanood siyang magbihis. Bagaman nakakaramdam siya ng pagkailang. Ipinagpatuloy niya na lang, ang pagbibihis sa harapan nito. Tumango lang siya at isinuot ang t-shirt.

"Saan ang punta mo n'yan?"

Natigilan siya nang akmang isusuot na niya ng high waist black cycling niya na hanggang hita ang haba. Tiningnan niya ito. Hindi niya tuloy alam kung sasagutin niya ba ang tanong nito o hindi. Pero dahil mabait siya, nanaig ang huli.

"I'm just buying, some stuff." Tinanggal na niya ang towel sa buhok at isinampay sa upuan na malapit sa kaniya.

"Sa mall?" tanong nito.

"Yes, sa mall,"

"Mga anong oras ka naman uuwi?"

"Evening," sagot niya na hindi lumilingon kay Zachary abala siyang nakayuko habang kinukuha ang blower at umupo sa tapat ng vanity dresser.

Matagal silang nagkatinginan ni Zachary sa salamin. Nakita niyang nakatayo na ito na nakapamulsa habang seryoso ang mukha. "Who's with you?" hindi niya malaman kung sasagutin niya ba ang tanong o hindi.

"Si Kuya ba?" Tumango siya at ngumiti ng tipid.

Tumango-tango ito at inabot ang atm sa kaniya. "Yan na gamitin mong pambili. Ang pin n'yan araw ng kasal natin." Napakunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi ni Zachary. Ano ba akala nito wala siyang pera?

"No need. I have my own." Tanggi niya at binalik ang atm nito.

"Ara, please. Don't be stubborn."

Binalik sa kaniya ang atm at rinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Kaya naman kahit ayaw niya tinanggap na lang niya para walang problema.

"Thank you."

Tumango lang si Zachary at kinuha ang blower sa kamay niya. Gulat niyang tiningnan ito sa salamin. Pero, ngumiti lang ito ng tipid at sinimulan na ni Zachary na suklayin. At, i-blower ang kaniyang mahabang buhok. Napaawang ang kaniyang bibig habang nakatingin sa salamin.

Seriously? Siya ba talaga magbo-blower ng buhok ko? WTF! Amusement was written all over her face. Hindi siya makapaniwala na may ganitong side si Zachary. It's a sweet gesture.

"Kung may gusto kang bilhin. 'Yan na ang gamitin mo."

Hindi alam ni Samarra kung gaano na niya katagal tiningnan si Zachary sa salamin. Habang seryoso at focus sa pag-blower ng kaniyang buhok. Pigil ang kaniyang paghinga ng biglang lumakas ang tibok ng kaniyang puso.

"Baka matunaw na ako, sa tingin mo."

Napapahiyang nagbaba siya ng tingin. "Can you, come home early?" wika ni Zachary habang patuloy ang pag-brush at pag-blower ng kaniyang buhok.

"I'm not sure. But I'll try to get home early." Ngumiti si Zachary at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Hmm, may gusto ka bang ipabili?" tanong niya habang nakatingin sa salamin kay Zachary pero umiling lang ito.

Nang matapos i-blower ang kaniyang buhok. Ay, nagsuot na siya ng medyas at sapatos. Nakita niya ang bahagyang pagsimangot ni Zachary nang pasadahan siya ng tingin.

"Why? Panget ba?" kuryosong tanong niya kay Zachary.

"It's suit you." Hinawakan ni Zachary ang kaniyang baywang at hinapit.

"Parang kahit ano ata isuot mo, bagay sa'yo." Napalunok si Samarra nang maramdaman niyang sadyang sumayad ang labi ni Zachary sa kaniyang earlobe.

Akmang hahagkan ang kaniyang labi nang makarinig sila ng pag-ring ng cellphone. Mabilis siyang napalingon sa kaniyang cellphone na nasa ibabaw ng kama. At, tumingin kay Zachary. Bakas sa mukha nito ang pagkainis at pagkabitin. Kita niyang napahilamos ito ng mukha.

"Sige, sagutin mo na 'yong tawag, baka aalis na kayo."

"He-"

"Bumaba ka na." Napasimangot siya ng biglang nawala sa kabilang linya si Ezekiel. Kahit kailan napaka-bossy. Gigil niyang isinilid ang cellphone at atm sa kaniyang maliit na bag pack.

"Si kuya na ba 'yon?" Tumango siya kay Zachary bilang pagtugon sa tanong nito. Kanina pa siya, naninibago kay Zachary. Masyado itong mabait at sweet sa kaniya. Hindi kaya may gagawin ito na masama? Ipinilig niya ang kaniyang ulo para iwaksi ang masamang iniisip.

Napapitlag pa siya nang umakbay si Zachary sa kaniya. Napatingala siya rito, pero huli na para magbawi ng tingin. Dahil mataman siya nitong tinitingnan. Napilitin siyang ngumiti at ipinulupot niya rin. Ang mga braso sa baywang nito. Katulad niya kanina, ramdam niya napapitlag din si Zachary sa ginawa niya. Ngunit, hindi lang ito umimik. Bagkus ay hinapit pa siya, nang husto habang binabaybay nila ang staircase pababa.

Malayo pa lang natanaw na niya si Ezekiel na may hawak ng cellphone habang bahagyang nakaupo sa hood ng kotse nito. Pinagmasdan niya ito habang naglalakad sila palapit sa kinaroroonan nito. Nakasuot ito ng black khaki short at white t-shirt ang buhok nito ay sadyang inilugay na lampas balikat. Katulad din niya naka-white sneaker din ito. Wow! What a coincidence. Lihim siyang napangiti sa kaniyang naiisip tila bang mukhang couple sila ni Ezekiel ngayon.

Ang kaniyang ngiti ay, unting-unti na nauwi sa pagngiwi. Nang makaramdam siya ng sakit sa ginawang pagpisil nang madiin ni Zachary sa kaniyang balikat. Mabilis niya itong tiningnan ng masama.

"Problema mo?" gigil niyang tanong na sapat lang na marinig nito.

Kitang-kita niya ang pagngangalit ng panga nito. Tsk, problema naman ng isang ito?

Hindi ito umimik at diretso lang ang tingin. Napasimangot siya sa inaasta ni Zachary. Damn! Dinaig pa ata ang babae na may monthly period.

"Kuya," nakangiting bati ni Zachary kay Ezekiel. Mabilis siyang napaangat ng tingin kay Zachary. Wow! Nakangiti agad. In one second. Tss. Inis na napairap siya.

"Zach, kumusta ka na?" bungad na tanong ni Ezekiel sa kapatid nito.

"Okay, lang ako Kuya."

Tumatango-tango si Ezekiel at pagkuwan ay binalingan siya nito. "Ready ka na ba Miel? Baka may nakalimutan ka pang dalhin?"

"Ah, wala na."

"O, paano Zach, aalis na kami. May gusto ka bang ipabili?" baling na tanong ni Ezekiel kay Zachary.

Umiling lang ito at inalis na nito ang braso sa pagkakaakbay sa kaniya. Bago pa siya tuluyang makalayo. Mabilis siya nitong hinila at hinapit sa baywang. Ano mang pagtututol na gagawin niya ay nabalewala nang lumapat ang bibig ni Zachary sa kaniyang labi.