webnovel

SINGAPORE

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Ezekiel kay Samarra habang nagmamaneho ng sasakyan.

Nilingon niya si Ezekiel habang hawak ang baba. "So, weird," hindi niya maiwasan isatinig.

Naguguluhan na napalingon sa kaniya si Ezekiel. "Weird?"

"Do you have any idea what Cadden did?"

"What he did to you?"

Ikinuwento niya mula sa pagluluto ni Zachary ng agahan hanggang sa pag-blower ng kaniyang buhok.

"Really? Did he do that?" amused na tanong ni Ezekiel sa kaniya na tila aliw na aliw sa mga kinuwento niya.

"Yes." At tumango-tango pa si Samarra habang iniisip ang nangyari kanina. S'yempre hindi na niya ikinuwento ang ibang ginawa sa kaniya ni Zachary.

"Baka may ginawa kaya naging mabait,"

"What?" Taka niyang tiningnan si Ezekiel dahil hindi niya ma-gets ang sinabi nito.

"Oh, never mind," bawi nito sa sinabi.

"Ano nga 'yon?" pangungulit niya kay Ezekiel.

"Wala." At itinuon ang tingin sa minamanehong sasakyan.

Sinamaan na lang ng tingin ni Samarra si Ezekiel. Alam niyang wala siyang mapapala na sagot mula rito. Kilala na niya ito 'pag sinabing wala. End discussion na agad. Kahit anong pamimilit niya rito, hindi na niya ito mapipilit magsalita. Sa inis na kaniyang nararamdaman minabuti niyang ibaling ang ulo sa gilid ng bintana ng sasakyan. Isinandal at ipinikit ang mata.

Hindi alam ni Samarra kung gaano siya katagal nakaidlip naramdaman na lang niya na may mahihinang tumatapik sa kaniyang pisngi.

"Hmmph," ungol niya at ipinaling pakabila ang ulo.

"Get up! Sleepy head, or else we'll be late to our flight." Boses ni Ezekiel ang kaniyang naririnig habang tinatapik ang kaniyang pisngi.

Pumupungas-pungas siyang iminulat ang mata. Napakunot-noo agad siya ng makita si Ezekiel na nakatayo sa kaniyang harap nakapamulsa. Mabilis niyang iginala ang mata ganoon na lang ang pagkagitla niya ng makita si Eros. Ang private jet na pagmamay-ari ng kaniyang ama na si Daddy Frost O' Harra. Disoriented siya sa nangyayari. Hindi niya alam bakit nandoon si Eros basta alam niya mukhang aalis sila. Dahan-dahan siyang bumaba ng sasakyan may sampung tao na nakayuko paglabas niya pa lang ng sasakyan.

"Good afternoon, Lady O' Harra!" sabay-sabay na bati ang bumungad sa kaniya.

Clueless siya sa nangyayari at hindi niya kilala ang mga tao na nasa harapan niya ngayon. Takang tingnan niya si Ezekiel na nasa gilid niya.

"Who are they?" mahinang bulong ni Samarra kay Ezekiel.

Bahagya siyang niyuko ni Ezekiel at inilapit ang mukha sa kaniyang punong tainga.

"Your father's men," maiksing sagot ni Ezekiel at inakay na siya patungo sa naghihintay na private jet.

"Where are we going?" takang tanong niya kay Ezekiel dahil ang sabi nito ay pupunta lang sila sa mall para mamili ng gagamitin niya sa school at mga damit na rin. Pero hindi nito sinabi na kinontak nito ang kaniyang ama. Dahil kilala niya ang kaniyang Daddy Frost hindi ito basta-basta nagpapahiram ng private jet at kasama ang ibang tauhan. Pauuwiin na kaya siya sa Australia?

"Miel," untag ni Ezekiel na may pagtataka sa mukha.

"Ayokong bumalik sa Australia," mabilis niyang apila kay Ezekiel na ikinatawa nito.

"I mean... where are we going ba? You said, we're just going to the mall?"

Tumango-tango si Ezekiel at pagkuwan ay inakbayan na siya paakyat ng private jet. "Yes, at Orchard,"

Nanlalaki ang kaniyang mata na kinapitan ang braso ni Ezekiel. "You mean at Singapore?"

Nakangising tumango sa kaniya si Ezekiel at umupo sila sa pinakadulo. Habang ang ibang tauhan ng kaniyang ama ay nasa gawing harapan lamang. Halos anim lang ang kasama nila ang iba ay naiwan. Ayon kay Ezekiel may mga tauhan din ang kaniyang ama na magsusundo sa kanila sa Singapore.

Kung sa Singapore sila pupunta ang magiging biyahe nila ay three hours ang forty minutes kung normal plane ang kanilang gagamitin. Pero dahil private jet ang gamit nila. Binilang niya sa kaniyang mga daliri kung ilang oras lang sila mananatili sa Singapore. Dahil nakapangako siya kay Zachary na uuwi siya ng maaga ngayon.

Takang binalingan siya ni Ezekiel habang ang noo nito ay nakakunot. "What are you doing?" naguguluhan na tanong ni Ezekiel habang nakatingin sa mga daliri niya na nagbibilang.

"I'm just thinking."

Tinanggal ni Ezekiel ang shades at nilingon siya na may pagtataka sa mukha. "Thinking of what?"

"Kung ilang oras lang tayo mamasyal."

Naiiling na nakangisi si Ezekiel sa kaniya. "Hindi tayo mamasyal doon, mamimili lang tayo ng gagamitin mo para sa eskwelahan. At isa pa, sandali lang tayo, dahil ang flight natin pabalik mamaya ay eight o'clock."

Nakaramdam siya ng relief sa sinabi ni Ezekiel. At least hindi na niya kailangan magpaliwanag kung bakit kailangan niyang umuwi ng maaga.

"Okay," aniya at ipinikit ang mata.

"Miel," untag ni Ezekiel.

"Hmmph," anya na hindi nagmumulat ng mata.

"I'm just thinking,"

Iminulat niya ang mata at nilingon si Ezekiel na mataman na nakatingin sa kaniya. napakaseryoso ng mukha nito na tila may gustong sabihin. Kaya umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at inaantay ang sasabihin sa kaniya ni Ezekiel.

"We can stay here at least two days. If you want?"

Magandang suggestion ni Ezekiel sa kaniya. Maaari silang makapag-enjoy tutal may dalawang araw pa siya bago ang pasukan. Pero nakapag-promise siya kay Zachary na uuwi siya ng maaga at ayaw naman niyang sirain ang naipangako niya. Hayyy, ang hirap naman kung kailan na may chance makapamasyal saka naman hindi puwede. 'Di bale. Babalik siya uli ng Singapore at sa pagbabalik niya sisiguraduhin niyang maiikot niya ang lahat ng tourist spot.

"Maybe next time. I promised Cadden that, I would return home early."

Tumango-tango si Ezekiel sa kaniya at hindi na umimik. Kaya hindi na rin siya nagsalita pa at ipinikit na lang ang mata para may sapat na lakas sa gagawin niyang pamimili mamaya.

Nagising siya ng tapikin siya ni Ezekiel sa balikat. "Let's go," anito at inalalayan siyang tumayo. Panabay silang naglakad palabas ng private jet. Pagbaba pa lang nila sinalubong na silang ng tatlong sasakyan at lampas sa sampung katao ang nakatayo sa baba na tila naghihintay sa kanila.

"Hi! Lady Summer."

Nanlaki ang kaniyang mata at hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ang lalaking lumapit at bumati sa kaniya.

"OMG! Jameson, how are you?" gulat niyang tanong kay Jameson Serrano. Assistant at bodyguard niya ang binata. Hindi niya aakalain na sa Singapore niya ito makikita. Noong last na nakita niya ito sa Australia. Ito ang namahala sa kaniyang branch sa Australia.

Napakamot ito ng batok ng humiwalay siya sa pagkakayakap niya. "Lady Summer, alam mo naman kahit saan po kayo magpunta. Nandoon ako, nakatanaw mula sa malayo."

Tumango-tango na lang siya. "Salamat," aniya.

Ngumiti ng tipid si Jameson at binalingan si Ezekiel. "Sir," bati nito na tinanguan lang ni Ezekiel.

Sabay-sabay silang pumasok sa isang sasakyan. Ang iba nakasunod lang sa kanila.

"James, did you bring your laptop?" tanong niya para maumpisahan na niya ang pagpapa-reserve sa online para pick-up na lang gagawin nila pagdating sa Orchard.

Inilabas na nito ang laptop at inabot sa kaniya. Tumingin-tingin na siya na maaari niyang bilhin at binayaran na rin niya thru online payment. Halos nabili na niya sa online ang mga damit at shoes. Kaya mismong gamit na lang sa eskwelahan niya ang pupuntahan nila sa mga bookstore.

Pagkadating nila sa Orchard. Isa-isa nilang dinaanan ang mga binilhan niya sa online at pinick-up lahat.