webnovel

STRAWBERRY

Nagpupuyos ang damdamin ni Samarra habang patungo sa Elevator. Hanggang ngayon ay hindi niya maiwasang manginig sa galit, kapag naaalala niya ang pinagsasabi ni Zachary sa kaniya.

"He needs to make me look like he doesn't want to marry me. Duh?! Why? Did he ask me if I wanted to marry him? Excuse me! I am Samarra Miel O'Harra, a famous 'Ms. Oh,' a queen of drag racing. Only Princess of the O' Harra Clan. A daughter of a multi-billionaire," gigil na bulong ni Samarra habang palakad-lakad sa pasilyo at naghihintay ng elevator.

"Fuck!" she cursed.

Sabay pukpok sa pintuan ng elevator na tila sumasabay pa sa kaniyang inis dahil sa ilang minuto na siyang nakatayo na naghihintay.

"Inhale... Exhale... Inhale... Exhale... Think Samarra, he just wants to annoy you. Don't let him know that you were the loser earlier." she murmured.

Napasapo siya sa kaniyang noo habang ang isang kamay nakalagay sa gilid ng kaniyang baywang. Ipinikit niya ang mata at sumandal sa wall. Saktong pagdilat niya ay ang pagbukas ng elevator. Nakita niya ang isang magandang babae sa loob na maraming bitbit na paper bag. Simple lang ang suot nito pero malakas ang dating. Ngumiti ito sa kan'ya kaya nginitian niya rin ito pabalik.

Habang paakyat ang elevator napapikit siya pilit iwinawaksi ang mga nangyari. Nang nasa thirtieth floor ay huminto ang elevator, agad siyang lumabas at sumakay ng private elevator patungo sa mismong penthouse ni Kiel na nasa forty-fifth floor.

Paglabas niya agad siyang dumiretso sa kwarto at tinanggal ang kaniyang mga saplot sa katawan. Hinayaan niya na magkalat ang mga 'yon at nagpalakad- lakad siya habang nakahubad sa kuwarto.

Kampante naman siya dahil naka-double lock ang main door, nang may narinig siyang doorbell sa pinto.

Napaisip siya na baka si Kiel ang nasa pintuan, ang alam niya may sarili itong susi 'pag naka-lock sa loob. Mabilis siyang pumasok sa bathroom at hinila ang bathrobe na puti, dali-dali niyang isinuot at binuksan ang pinto.

Nanlaki ang mata ni Samarra sa lalake na kaharap niya, kung nagulat siya mas mukha pa itong nagulat sa kaniya dahil ilang beses niya itong napansin na lumunok.

"What are you doing here?" bungad niyang tanong.

Pagkatapos buhusan ni Samarra ay napaupo si Zachary ng ilang minuto, bago niya napagpasyahan na tumayo at umalis. Pero bigla niyang naisipan magpunta sa penthouse ng kaniyang Kuya Zeke. Alam niya nasa penthouse si Samarra.

Naiiling na binabaybay niya ang pasilyo. "Humanda ka sa akin ngayon Samarra."

Nang nasa tapat na siyang ng penthouse hindi gumagana ang kaniyang finger prints sa silid ni Kuya Zeke.

Napabuntong-hininga siya bago napagpasyahan na mag-doorbell sa pintuan. Nakarinig siya ng lagatik tanda na nagbukas na ang pinto. Agad niyang iniharang ang isang paa, kung saka-sakaling pagsaraduhan siya ng pintuan ni Samarra.

"What are you doing here?" mataray na bungad na tanong sa kaniya ni Samarra habang nakataas ang mga kilay na animo'y teacher na may pinagagalitan na bata.

Pinasadahan niya ng tingin si Samarra, biglang siyang napalunok nang tiningnan niya si Samarra nakasuot ito ng bathrobe na puti. Hindi maayos ang pagkakasuot nito kaya naman kitang-kita niya ang mayayaman na dibdib nito, na bahagya lang natatakpan at tingin niya wala ito ni-isang suot na kahit ano sa loob nito.

"See this?! Basa ang suot ko, sa tingin mo pwede akong umalis ng ganito ang suot?" asik niya para mapagtakpan ang kaniyang pagkatulala.

Hindi nakaimik si Samarra at niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan. Nauna na siyang pumasok sa loob at dumiretso sa loob ng kuwarto.

Ganoon na lang ang kaniyang pagkunot ng noo, nang makita niya ang mga damit na nakakalat sa sahig. "Napakaburara ng babaeng ito, paano kung si Kuya Zeke ang na pumunta rito at ganito ang nakita." Naiiling na isa-isa niyang kinuha ang mga damit nito sa sahig.

Lumawak ang kaniyang pagkakangisi nang makita ang isang kapirasong tela na kulay itim. Itinaas niya sa ere at iniladlad isang black bikini undies na may print sa likod.

"At her age, she's wearing like this, a Winnie the Pooh."

"What are you doing??" Narinig niyang sita sa kaniyang mula sa likuran mabilis niyang ikinuyom ang kapirasong tela sa kaniyang palad.

Lumawak ang kaniyang pagkakangisi nang mapansin niyang nakahalukipkip ito na nakasandal sa may pintuan habang ang mga kilay nakataas. Ewan niya lang kung makakapagtaray pa ito sa kaniya. Napangisi siya sa kaniyang naiisip.

"I didn't think that you were wearing like this?"

Dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay at iniladlad sa harapan ang underwear sa harapan nito. Aliw na aliw siya nang makita niya ang paniningkit ng mga mata nito at pamumula ng mukha.

"How dare you? Give that to me!"

Pagalit na naglakad si Samarra sa kaniyang kinatatayuan. Bago pa ito nakalapit sa kaniya ay may naisip siyang kalokohan. It's showtime. Pumikit siya at inamoy niya ang underwear na hinubad nito.

"Oh, what a fucking smell…?" binitin niya ang kaniyang sasabihin at tiningnan ang reaksyon ni Samarra. Satisfied! 'Yon ang kaniyang pakiramdam. Dahil kitang-kita niya na umuwang ang bibig nito. At tila na-estatwa sa pagkakatayo.

"Oh, smell like a fucking strawberry."

Napangisi siya sa kaniyang nakikita. Hindi niya aakalain na madali lang pala inisin si Samarra. Pulang-pula ang mukha nito at tila sasabog na ito sa sobrang pagkainis sa kaniya.

"Give me that to me," galit na wika ni Samarra.

"Oh, finders, keepers. Love."

Mabibigat ang paa ni Samarra na humakbang palapit sa kaniya. Nangingiti siyang itinaas ang isang kamay para hindi nito maabot ang kaniyang hawak. Napahalakhak siya ng magsimula na itong tumalon-talon.

"Give me that or else?"

Naaaliw siyang tingnan si Samarra ng huminto na ito sa pagtalon. Habol ang paghinga nito. At sinamaan siya ng tingin. That's exactly what he really wants. Ang makaganti kay Samarra. Mission accomplished.

"Or else what?"

May gumapang na kilabot sa kaniyang katawan. Nang may pilyang ngiti na naglalaro sa labi ni Samarra, habang dahan-dahan itong lumapit sa kaniya.

Napapikit ang mata ni Zachary halos mamanhid ang kaniyang pisngi sa ginawang pagsampal ni Samarra. Hindi niya napaghandaan 'yon. Kulang na lang umikot ang kaniyang ulo sa lakas ng pagkakasampal na binigay ni Samarra sa kaniya.

"Ikaw kasi, hindi mo pa ibinigay agad. Ayan tuloy." Sabay kuha nito ng underwear sa kamay niya.

"Sorry," paghingi kunwari nito sa kaniya ng paumanhin. Pero halata naman sa tono ng boses nito na hindi naman talaga totoong nagso-sorry.

Nagmamadaling tumalikod si Samarra sa kaniya. Rinig niya ang malakas na halakhak nito habang papalabas ng silid. Damn! Bakit ba hindi niya nahulaan ang gagawin nito. Sapo niya ang pisngi. Nangangalit ang kaniyang panga at mabilis niyang sinundan si Samarra sa labas. Hinawakan ang magkabilang gilid ng baywang nito at walang sabi-sabi na isinampay sa kaniyang balikat.

"Put me down," malakas na sigaw ni Samarra at sabay pukpok sa kaniyang likod.

Napatigil siya sa bukana ng pintuan. Nang maramdaman niya ang dibdib nito na nakalapat sa kaniyang likod. Kahit pa nakasuot pa siya ng kaniyang polo shirt, ramdam niya ang pagkabuhay ng kaniyang kaibigan.

Fuck!! Peter, not now.

Mabilis niyang inihagis sa kama si Samarra kaya ang suot nitong bathrobe ay napalihis sa gilid humantad ang makinis nitong hita at mas lalo pang lumuwang ang sa itaas, kitang-kita niya ang dibdib nito. Hindi na mabilang ni Zachary kung ilang beses na siyang napalunok ng kaniyang laway.

"Ouch!!!" reklamo ni Samarra habang hinihimas ang pang-upo. Sinamaan siya ng tingin at inayos ang suot nito.

Biglang na-blangko ang isip ni Zachary. Basta hinila niya ang dalawang paa ni Samarra kaya napahiga ulit ito at mabilis na dinaganan.

"What are you going to do?" kinakabahan na tanong ni Samarra.

"Ohh! Now, you're scared. My wife," gigil niyang bulong kay Samarra habang pinipilit na pakalmahin ang kaniyang kaibigan sa ibaba. Halos gahibla na lang ang kaniyang pagtitimpi. Ramdam niya ang pamumukol ng kaniyang kaibigan. Peter, behave.

Napaigik siya ng kagatin ni Samarra kaniyang balikat. Kaya naman napasiksik siya sa leeg nito. Amoy niya ang natural scent ni Samarra. Sa panggigigil mabilis na hinuli ni Zachary ang dalawang kamay ni Samarra at itinaas sa ulunan nito. Kaya bahagya pang napaliyad si Samarra. Na lalo pang nakadagdag ng intensidad sa mga nangyayari sa kanila. Hindi na napigilan ni Zachary ang kaniyang sarili mabilis na inilapit niya ang labi, sa labi ni Samarra. Na tila bang nahulaan naman ng dalaga ang kaniyang gagawin, mabilis itong naibaling sa kanan ang ulo. Sa inis niya inisang kamay niya, ang pagkakahawak sa dalawang kamay nito. Habang ang isa naman ay inihawak niya sa baba ni Samarra.

He kissed Samarra aggressively. Marahas at madiin hindi niya tinigilan hangga't hindi sila napangapusan ng hininga.

Nakapikit si Samarra nang mariin at rinig ni Zachary ang malakas na tibok ng puso nito. Habol-habol ang kanilang paghinga. Pero hindi makontento si Zachary na hanggang doon lang 'yon, matatapos. Mabilis na hinalikan muli ang labi ni Samarra parang may gusto siyang tuklasin mula rito. To his surprise, Samarra let him do, what he wanted to do. Hindi ito nanlalaban ngayon, nakapikit lang ang mga mata. Kaya dahan-dahan na niyang inalis ang pagkakahawak ng isa niyang kamay sa kamay nito.

Samarra's lips were tempting and addictive, her scent and breath were a mixture of sweet strawberry and mint. He kissed Samarra again in full of admiration.

"Kiss me back, Love," paanas niyang bulong sa tainga ni Samarra.

Agad naman tumugon si Samarra sa kung paanong paraan lang na alam nito na lalong nagpawala sa kaniyang katinuan niya. Habol-habol ang kanilang paghinga. Nang makabawi ay muling lumapat ang kaniyang labi at sinakop ang labi ni Samarra. Ang kaniyang isang kamay masuyong dinama ang mayamang dibdib ng dalaga.

Napaliyad ito. "Ohh...Cadden." Parang naging hudyat kay Zachary. Nang marinig niya ang pagtawag sa kaniyang pangalan. Unti-unting bumaba ang kaniyang labi sa leeg nito habang ang isang kamay minamasahe ang isang dibdib.

"Ohh!! Don't-?!!!" Pagpigil nito sa kaniyang ulo na akmang baba sa dibdib nito.

"Please!! I want to taste it," nahihirapan na niyang bulong. Dahil sa mga sandaling 'yon ayaw niyang huminto. Nang makita niyang bahagyang tumango si Samarra. Sinakop na ng kaniyang labi ang kabilang dibdib nito. Pinagsawa niya ang sarili. Halos mapaliyad si Samarra sa kaniyang ginagawa. Ang kamay niya ay gumapang na sa ibabang parte ni Samarra.

"Ohh!!! Please!!!! Stop!!!" nagmamakaawang tinig nito.

Bigla siyang napahinto nang makita niya si Samarra na nanatiling nakapikit ang mga mata habang may dumadaloy na luha. Huminga siya nang malalim pilit na pinapahupa ang kanilang nararamdaman nakadagan pa rin siya sa maliit na katawan ni Samarra na tila bang kayang-kaya ang kaniyang bigat. Nagsumiksik siya sa leeg nito habol pa rin nila ang kanilang paghinga. Mga ilang minuto ay tumabi siyang humiga kay Samarra na mabilis naman itong tumagilid patalikod sa kaniya. Hinila niya ito palapit sa kaniya ramdam niya ang papitlag nito nang hawakan.

Fuck!! Zachary, what did you do?

Mas hinapit niya ng husto si Samarra, hindi ito umiimik at nagsasalita nakapikit lang ang mga mata nito.

"I'm sorry," bulong niya kay Samarra habang hinahalikan niya ang ulo nito. Iniangat niya ang ulo ni Samarra para ipaunan ang kaniyang braso habang ang isa naman niyang braso nakayakap sa baywang nito. Matagal rin nasa ganoong ayos sila nang maramdaman niya na pantay ang hinga nito. Nakatulog na pala ito, dahan-dahan niyang hinarap si Samarra sa kaniya. Hinawakan niya ang mukha nito at dahan-dahan niyang hinalikan ang labi nito bago tuluyan inayos ang pagkakahiga nito. Nang masiguro na niyang maayos ito ay agad siyang lumabas at kinuha ang keycard nito.