webnovel

MY SUPER B

Kita ang pigil na inis sa mukha ni Enzo ng harangan sila papasok sa roof deck ng Buenavista Hotel. May date siya ngayon, si Katarina Smith. Isang sikat na runaway model na kaibigan ng girlfriend ni Zach na si Claudel.

"Bro, I'm Lorenzo Stieford," pagpapakilala niya sa staff na humarang sa kanila. Inabot pa niya ang kaniyang VIP id para malaman ng mga ito na VIP siya sa hotel na 'yon. Lahat ng Hotties Brotherhood ay ganoong uri ng id. Pinasadya 'yon sa kanila ni Tito Calvin ang ama ni Zach para sa kanila. At mayroon din silang tag-iisang room sa Hotel.

Lalong napakunot ang noo niya nang magtinginan ang staff sa isa't isa, animo'y hindi talaga sila papasukin sa loob ng roof deck. Napabuga siya sa hangin. Ngayon lang siya nakaramdam ng inis at pagkapahiya.

Nilingon niya ang kasama niyang babae, na ngayon ay matalim na nakatingin sa dalawang staff. Huminga siya nang malalim para pilit kumalma. Nahagip ng kaniyang peripheral view si Ms. Lyn palapit sa kanila.

"Sir Enzo. Pasensya na po, pero naka-reserve po ang buong roof deck ngayon." Yumuko pa ito sa kanila tanda ng paghingi ng paumanhin.

Napakunot ang kaniyang noo sa narinig. "Ahh, ganoon po ba Ms. Lyn, maaari ko bang malaman kung sino ang nagpa-reserve ng buong roof deck?" mahinahon niyang tanong.

"Si Sir Calvin po, ang nagpa-close ng buong roof deck until matapos po ang dinner ng nasa loob po," malumanay na paliwanag ni Ms. Lyn.

Tumatango-tango siya at bahagya niyang inihaba ang kaniyang leeg upang makita kung sino ang nasa loob ng roof deck. Ganoon na lang kaba ng naramdaman niya na isang pamilyar na babae ang tumayo mula sa pagkakaupo nito.

"Damn! My super B," he murmured.

Mabilis na lumingon ang kaniyang kasama na babae. "My...what?" Nakakunot na tanong nito.

"Pardon?" ani niya. Kahit alam naman niya ang ibig tukuyin nito.

Umiling-iling ito. "Ohh! Nothing, I thought you we're saying something?" Sumilay ang puti at pantay-pantay nitong ngipin.

Mabilis na niyang hinila ang kamay ng kasama niyang babae. Nang mapansin niya na nagsimula na itong maglalakad patungo sa kanila direksyon. Bigla siyang nakaramdam ng kaba.

"Sir Enzo, after po-" hindi na natapos ni Ms. Lyn ang sasabihin sa kaniya. Nang lingunin na niya ito at nag-sign ng approved. Para malaman nito na okay lang sa kaniya na hindi sila nakapasok sa roof deck.

"Where are we going?" malambing na tanong ni Katarina sa kaniya at hinaplos ang kaniyang braso. Alam na niya ang gusto nito. Aggressive huh! Playboy siya pero hindi siya Fuck boy.

"I've got a better idea; I think you should just come with me to the bar," pag-aaya niya rito.

Napangisi siya ng makita niya ang disappoint sa mukha ni Katarina. Marahil hindi nito inaasahan ang mabilis niyang pagtanggi. Naiiling siya habang panabay silang naglalakad sa hallway.

Nakaharap si Ezekiel sa malaking glass wall ng kaniyang opisina. Kitang-kita niya ang buong San Carlos at mga katabing building ng Buenavista Corporation. Tiningnan niya ang oras sa kaniyang Rolex submariner na gold black, its fifteen minutes before eight o' clock.

Napabuntong-hininga siya. At napaupo sa swivel chair at ipinikit ang mata. Marahil sa mga oras ngayon nagdi-diner na sina Miel at Zach. Nangingiti siya habang iniisip kung anong itsura ng dalawa ngayon, baka mga sandaling 'yon nagbabangayan na sila.

Nang makalabas siya ng kaniyang penthouse kung saan niya iniwan si Miel ay agad siyang bumalik sa kaniyang opisina.

"What are you doing here?" tanong niya kay Zachary na prenteng nakaupo sa kaniyang sofa na mukhang kanina pa ito naghihintay sa kaniya.

Napalunok ito bago pilit na ngumiti sa kaniya. "Kuya, I'm begging you, help me please, I'm not yet ready to get married."

Napakunot ang kaniyang noo sa pakiusap nito sa kaniya, hindi ba nito alam kung gaano siya kasuwerte na si Miel ang pakakasalan nito.

Napabuntong-hininga siya at umupo sa swivel chair. "Look Zach, kaya ka hindi nagsundo sa airport para makapag-isip ng ganitong bagay."

"Kuya-" hindi na nito nagawang tapusin ang sasabihin ng tumunog ang kaniyang intercom. May meeting siya sa isang supplier ng alak, na magsu-supply sa kanilang Hotel at sa kaniyang bar. Mabilis siyang tumayo at tinapik sa balikat ni Zach bago tuluyang lumabas ng opisina.

Nang makalabas ng opisina hindi niya maiwasang mapailing habang naglalakad sa hallway, napakaswerte ni Zach. Bukod sa sampung beses ang lamang ng kayamanan ni Miel sa kanila, mabait at maganda ito. May isa nga lang ugali ito, sa inosenteng ngiti nito may kaakibat na Samarra's evil moves ito. 'Yong akala mo okay lang ang lahat tapos bubulagain ka ng sampal at sipa.

Naalala niya noong minsan na inasar niya si Samarra nasa swimming pool sila, sa sobrang pikon nito sa kaniya, nilapitan siyang nakangiti na akala mo walang gagawing masama. Bigla siyang sinampal nang malakas at sinipa ang tagiliran niya kaya nahulog siya sa swimming pool.

Her innocent smile was the most dangerous of all.

"Sir," tinig na pumukaw sa kaniyang diwa mabilis siyang napadilat at tumingin sa pinanggagalingan ng tinig.

Kunot noo niya itong tiningnan. "Yes," maikling tugon ni Ezekiel.

Tumayo ito ng tuwid. "Sir, may ipapagawa pa po ba kayo? May I go now?" magalang na tanong ng kaniyang sekretarya na si Diana Ventura.

Umiling na si Ezekiel at bahagyang ngumiti. "You may go now."

Sinundan ng tingin ni Ezekiel ang papalabas na si Secretary Diana bago napagpasyahang tumayo. Nang matingnan niya ang suot na relo eight thirty in the evening. Napailing at napagpasyahan na niyang dumaan saglit sa kaniyang pub para makapag-inventory na rin ng mga alak.

Ozem Pub Club isa itong high class bar sa may San Carlos, halos lahat ng mga pumupunta rito ay mga anak ng bilyonaryo.

Papasok pa lang ang sasakyan ni Ezekiel halos mapahinto ang mga tao sa harap ng bar, inaantay ang paglabas ng nagmamay-ari ng Jaguar cx75 na orange.

Paglabas pa lang ni Ezekiel sa kaniyang sasakyan parang huminto ang mundo ng mga kababaihan na nandoon ang mga bibig nakaawang at sumusunod ang tingin sa kaniya.

"Ohh!! My gosh! Is that Ezekiel?" anang ng isang babae na animo'y model.

"Buti na lang maaga akong pumunta ngayon," kinikilig na tinig ng isang babae na nakapulang dress. Halos lahat ng kababaihan ay sinusundan ng tingin si Ezekiel na punong-puno ng paghanga.

Napalingon si Ezekiel at huminto sa lalake na tumawag sa kaniya.

"Oh! Aga mo naman," anang niya kay Enzo. Dahil alas nueve pa lang ng gabi nasa bar na ito at mukhang naka-inom na rin.

Kaibigan ito ng kaniyang kapatid na si Zachary, at madalas magpunta ang mga ito sa kaniyang bar. Bagay ipinagpapasalamat niya halos malaki ang sales ng bar 'pag nandito ang mga hotties brotherhoods.

Napamulsa si Enzo habang nakatingin sa kaniya. "Napaaga kasi ako ng dating kuya Zeke ayaw kong sumagot ng billed namin mamaya." Tumawa pa ito.

Inilibot ni Ezekiel ang kaniyang mata ng mahagip ang kasama nitong babae, kilala niya 'yon isa itong international model.

Napangisi siya. "Mukhang napaaga ang pagbunot mo ng palay, Enzo." pagbibiro niya kay Enzo na agad naman nitong na gets ang gusto niyang sabihin.

Napakamot sa batok si Enzo sa sinabi niya. "Kuya Zeke, wala pa akong palay na binunot masyado pang maaga."

Napailing at napangisi si Ezekiel sa sagot ni Enzo. "Basta ingat, sa pagtatanim at pagbubunot mo nang palay," matalinhagang sabi niya kay Enzo at tinapik sa balikat bago nagtungo sa opisina sa itaas ng bar.