webnovel

Chapter 30

Pagdating nila sa bahay ay nagulat si Dani ng madatnan ang kanyang ama't ina at ang mga magulang ni Axel.

"Mom, Dad, ano pong ginagawa ninyo dito?" Takang tanong ni Dani. "Ok ka lang ba iha? Walang masakit sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Esther sa kanyang anak. "Mom, ok lang po. Nabanlian lang naman ako, nothing serious happened." Sagot ni Dani.

"Axel." Tawag ni Arthur sa binata at lumabas sila kasama si Benjamin. Nagtatakang tiningnan ni Dani ang tatlong lalaki na palabas sa garden. Nakita din niya na lumapit si Dalton sa kanyang ama.

"Mom, may problema ba?" Tanong ni Dani sa ina. "Hindi ko din alam, anak. Basta ang sabi ni Daddy mo ay may mahalaga silang pag-uusapan." Sagot ni Esther. "Tara na mare at mag-ayos na tayo ng makakain. Mukhang matagal ang usapan na iyan. Huwag kang mag-alala, iha, tiyak naman sasabihin sa iyo ni Axel kung anuman ang napag-usapan nila." Sabi ni Eleonor. Nagpunta na sa kusina ang magkaibigan pagkatapos nilang ihatid sa kwarto si Dani para makapagpahinga.

"Sir, ayon po sa security ng hotel ay hindi masyado nakilala ang suspect pero sa tingin po nila ay babae ang gumawa." Sabi ni Dalton. "Pero wala naman akong alam na nakaaway ni Dani dahil tahimik siyang namuhay noon. Wala naman akong nabalitaan mula kila Aubrey at Cleo na may nakagalit si Dani." Sabi ni Arthur. "Uncle, sorry po, mukhang ako ang may kasalanan." Sabi ni Axel na ikinakunot ng noo ni Arthur. Ngumiti naman si Benjamin.

"Masyado ka kasi pasaway, anak, kaya tuloy ngayon nagpapakatino ka na, saka ka naman hinahabol ng mga ex mo." Sabi ni Benjamin. Nagkamot ng ulo si Axel. Alam niyang tama ang ama niya.

"Uncle, huwag po kayong mag-alala. Gagawin ko po ang lahat para maprotektahan si Dani." Sabi ni Axel. "Aasahan ko iyan, iho, pero sa ngayon ay kailangan natin malaman kung sino ang gustong saktan ang anak ko." Sabi ni Arthur na sinang-ayunan ng lahat.

Gabi na ng umalis ang mag-asawang Arthur at Esther at ang mag-asawang Benjamin at Eleonor sa bahay ni Axel. Tapos ng magshower at magbihis ng pantulog si Dani ay hindi pa din pumapasok si Axel. Lumabas siya at sumilip sa sala. Nakita niyang seryosong nag-uusap si Axel at Dalton. Kumunot ang noo niya.

"Kung kailangan magdagdag ka ng tao ay gawin mo lalo at kung nasa labas si Dani pero kung maaari ay huwag kayong magpapahalata. Ayokong mag-alala si Dani kung bakit madami ang nakasunod sa kanya." Bilin ni Axel kay Dalton. "Lahat ng papasok sa mall lalo na sa opisina niya ay kailangan mascreen ninyo ng mabuti. Kung kailangan maglagay nag-additional na cctv ay gawin ninyo." Patuloy ni Axel. "Asahan nyo po na gagawin namain ang lahat para sa kaligtasan ni Ma'am Dani." Sagot ni Dalton. "Salamat." Maikling sagot ni Axel pagkatapos ay lumabas na si Dalton.

Pagpasok ni Axel sa kwarto ay nakita niyang tinatanggal ni Dani ang gauze sa kanyang sugat. "Ako na." Nakangiting sabi ni Axel na hinayaan naman ni Dani. Habang nililinis ni Axel ang sugat niya ay seryosong nakatingin sa kanya ang dalaga.

"Baka matunaw naman ako niyan." Sabi ni Axel na nakangiti. "Anong problema?" Seryosong tanong ni Dani. "Wala naman." Sabi ni Axel na pinagpatuloy ang pagpapalit ng gauze. "Bakit feeling ko may tinatago ka sa akin?" Sabi ni Dani. Nagulat ang dalaga ng bigla tumingin sa kanya si Axel.

"Yes, you're right, I have something to tell you." Seryosong sabi ni Axel. Kinabahan naman si Dani. "May kailangan kang malaman pero huwag kang magugulat." Patuloy ni Axel. "Ano ba, huwag mo nga akong bitinin!" Inis na sabi ni Dani.

"May...may...gusto..." Bitin ni Axel. Gustong matawa ni Axel sa itsura ni Dani pero pinigilan niya ang sarili. "May gusto sa iyo si Blaze kaya magpapareserve na ako ng suite sa hotel." Sabi ni Axel sabay tayo at pasok sa CR. Hahabulin sana ni Dani ang binata pero nailocked na ni Axel ang pinto saka tumawa ng malakas sa loob.

Gigil na gigil si Dani at gustong sapakin ang binata. Naupo siya sa gilid ng kama at tiningnan ang pinto ng CR. "Ramdam ko na may hindi ka sinasabi sa akin. Kung anuman iyon, sana ay sabihin mo para matulungan kita kung problema man iyon." Bulong ni Dani sa sarili.

Kinabukasan ay nagulat si Dani ng may mga kinakabit na cctv sa bahay ni Axel. Nakita din niya ang mya bagong mukha na sa palagay niya ay mga bodyguards ulit dahil kausap ni Dalton at Axel ang mga ito. Nang makita siya ni Axel ay ngumiti ito at nilapitan siya. Pinakilala siya sa mga bagong mukha na halata ang paghanga sa kanya.

"Sir, ang ganda po pala ng asawa ninyo." Sabi ng isang batang bodyguard. Kumunot ang noo ni Dani at bago pa man siya makapagsalita at itama ang "asawa" ay inakbayan na siya ni Axel. "Gwapo ako, siyempre, maganda ang misis ko." Sabi ni Axel at tumawa ang lahat. Siniko ni Dani si Axel at lumabas na. "Kaso ang sungit kaya kayo, huwag ninyong gagalitin si misis." Sabi ni Axel na hawak ang tagiliran. Ngumiti naman ang mga bagong bodyguards.

Pagdating sa PGM ay ganoon din ang naabutan ni Dani, nagkakabit ng mga cctv ang kanilang mga electricians. Binati siya ng mga ito at pagkatapos ay itinuloy na ang mga ginagawa. Kakausapin niya sana ang head security kaso ay hinila na siya ni Axel papasok sa elevator. Lalo siyang nagtaka ng pati si Dalton at dalawang bodyguards ay kasama nila sa loob. Dati-dati ay naiiwan lang ang mga ito sa first floor. Tiningnan niya si Axel ngunit ngumiti lang ito sa kanya.

"Morning mad... anong nangyari sa iyo!?" Gulat na tanong ni Aubrey. Alam niyang nakabalik na ang kaibigan pero hindi niya alam na nasaktan ito. Natawa si Dani sa itsura ni Aubrey. "Malayo sa bituka 'to." Sabi ni Dani. "Sira ka talaga!" Sabi ni Aubrey na tinitingnan ang braso niya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Cleo na may dalang box. "Morning mad...anong nangyari sa iyo!?" Tanong ni Cleo. Doon na natawa si Dani. "Ano kayo? Twins?" Nakatawang tanong ni Dani. Napansin ni Axel ang box na dala ni Cleo. "Ano iyan?" Tanong ni Axel. "Galing sa information deck. Package para kay madam." Sabi ni Cleo. Nagtaka naman si Dani. "May ini-expect ka bang package." Tanong ni Axel. Umiling si Dani. Sinenyasan ni Axel si Dalton na kunin ang box pero bago pa maabot ni Dalton ang box ay nakuha na ito ni Dani.

Kumuha ng cutter si Dani at hiniwa ang tape. Pagbukas niya ay nagulat silang lahat ng ihagis ni Dani ang box. Bumagsak ang box na ang laman ay duguan pusa. Nilapitan agad ni Axel si Dani na biglang namutla. Pinulot naman ni Dalton ang box at dali dali nilabas.

"Si Timmy...si Timmy..." Nanginginig na sabi ni Dani. "Sssshhhh, that's not Timmy. She's safe inside the house." Sabi ni Axel habang pinapakalma si Dani.

Biglang tumunog ang phone sa opisina ni Dani. Kahit nanlalambot ay pumunta si Aubrey sa lamesa para sagutin ang phone.

"Hello?" Sabi ni Aubrey. "Nagustuhan ba ni Dani ang regalo ko?" Tanong ng isang boses na halatang ginamitan ng voice changer. Namutla si Aubrey. Nakita ito ni Axel kaya tinawag niya si Cleo para suportahan si Dani. Kinuha niya ang phone kay Aubrey.

"Hello?" Sabi ni Axel. Nabosesan agad ng caller kung sino na ang kausap niya. "Kung hindi ka din lang mapapasa akin ay hindi ka din pakikinabangan ni Daniella lalo at kung patay na siya." Sabi ng boses at sinundan ito ng nakakatakot na tawa. Pabagsak na binaba ni Axel ang phone.

"Aubrey, please call our parents as well as Sydney. May pag-uusapan tayong mahalaga." Seryosong sabi ni Axel. Sumunod naman agad si Aubrey. Nilapitan niya si Dani. "I'm sorry, kasalanan ko ang lahat ng ito." Sabi ni Axel saka niyakap ng mahigpit si Dani. Nagtataka man si Dani ay tinugon niya ng isang mahigpit din na yapak si Axel.

Next chapter