31 Chapter 31

Magkakaharap na sila sa opisina ni Dani, ipinakita ni Dalton ang cctv footage na nakuha nila mula sa hotel. Sa una ay hindi maintindihan ng mga kababaihan ang ipinakitang video ni Dalton pero ng ipaliwanag ng head bodyguard ang bawat galaw ng suspect ay nagulat silang lahat.

Ramdam ni Axel ang panlalamig ng kamay ni Dani. "Hey, ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Axel. Ngumiti lang si Dani na alam ni Axel na pilit lang. "Don't worry, hindi ka na niya ulit masasaktan." Sabi ni Axel at niyakap si Dani.

Nangilid naman ang mga luha sa mata ni Dani. Natatakot siya, nag-aalala, wala siyang maalala na nakagalit noon. Tahimik ang buhay niya noon, bakit nagkaganito ngayon.

"Sir, under surveillance na po ang lahat ng na-link kay Sir Axel at Ma'am Dani." Sabi ni Dalton na nakatingin kay Arthur. "Lahat ng packages na manggaling sa labas ay i-check muna bago ipasok sa loob ng mall. Aubrey, call for a general meeting. Kailangan kong makausap ang Board Of Directors at ang mga may-ari ng mga boutiques para ipaalam sa kanila ang paghihigpit na gagawin." Sabi ni Arthur. "Yes, President." Sagot ni Aubrey. "Cleo, write a memorandum about the tightened security para sa mga salemen and saleswomen." Patuloy ni Arthur. "Yes, President." Sagot ni Cleo.

"Iha, bakit hindi ka muna mag take ng leave?" Nag-aalalang sabi ni Esther sa anak. "I will think about it, Mom, pero alam ninyong hindi pwede dahil madami ng tambak na paper works at alam kong mahihirapan si Aubrey at Cleo na tapusin ang mga iyon. Besides, busy din si Dad at Axel sa Karooza and even sa Clothing Line ni Blaze. Tumaas ang kilay ni Sydney ng madinig ang pangalan ni Blaze.

"Auntie, don't worry, hindi ko iaalis ang paningin ko kay Dani." Sabi ni Axel na ikinangiti ni Esther. "Saka kasama naman po namin lagi si Dalton, Mom. Sa laki ng katawan ni Dalton, lahat ng soup na ihahagis sa akin ay kayang kaya niyang harangan. Di ba Dalton?" Tanong ni Dani na ikinatango ni Dalton kahit alanganin siya.

Natatakot man si Dani ay kailangan ipakita niya sa mga magulang na matapang siya para mabawasan ang pag-aalala nila sa kanya.

"Ang nagtapon sa iyo ng soup at nagpadala ng pusa ay tiyak na iisa. Wala ka bang matandaan na nakaalitan mo nitong mga nakakaraang araw?" Tanong ni Benjamin sa dalaga. "Sa dami po ng kaagaw ko sa anak ninyo ay wala po kong matandaan." Sabi ni Dani na nakatingin kay Axel na nagkamot ng ulo. Gustong bawasan ni Dani ang tension sa loob ng office niya kaya naisipan niyang magbiro.

"Ikaw kasing bata ka! Ang tigas ng ulo mo. Sinabi kasing magpakatino ka. Tingnan mo, pati si Dani ay nadadamay sa mga kalokohan mo." Sabi ni Eleonor na balak kurutin ang anak pero napigilan lang ni Benjamin. "Pero Dani, magmula noong i-aanounce ninyo na kayo ng dalawa ay wala na talaga siyang ibang babae na nakasama. Palaging kayo ang magkasama sa mga videos at pictures na na-upload sa social media." Patuloy ni Eleonor. "Alam ko po, Auntie." Nakangiting sabi ni Dani. "Good boy naman ako. Lagi lang talagang bad image ko ang nakikita ng iba. Di ba?" Tanong ni Axel na kinidatan si Dani. "Opo." Maikling sagot ni Dani na ikinangiti ni Axel.

Umalis na si Arthur at Esther para asikasuhin ang general meeting ng buong PGM. Nagpaalam na din sila Benjamin at Eleonor para bumalik sa kanilang Restaurant. Si Aubrey at Cleo naman ay kasama ni Arthur sa conference room. Si Sydney ay bumalik na sa Dress Up. Si Dalton kasama ang ilang bodyguards ay nasa labas ng pinto ng opisina. Naiwan sa loob ang dalawa. Busy si Dani na pumipirma ng mga documents samantalang si Axel ay kausap sa video call sila Jax at Roco.

"Kamusta ang Karozza?" Tanong ni Axel. "Mabuti naman, pare. Maganda ang bentahan ngayon. Huwag kang mag-alala at kami ang bahala dito." Sabi ni Jax. "Kamusta si Dani? Nakita namin sa balita ang nangyari sa Cebu." Sabi ni Roco. "Ok naman siya, pare, pero nasundan pa iyon pagdating namin dito." Sabi ni Axel. "Ha!?" Gulat na sabi ni Jax at Roco. "May nagpadala sa kanya ng patay ng pusa. Tumawag din yung nagpadala at nagbanta pa." Sabi ni Axel. Natulala ang dalawa niyang kaibigan.

"My idea ka ba kung sino, pare?" Tanong ni Jax. Umiling si Axel. "Sa dami kasi ng ex mo, di mo malaman kung sino ang amasona sa kanila." Nakatawang sabi ni Roco. Binatukan naman siya ni Jax. Natawa si Axel. "Kung kailangan mo ng tulong, pare, alam mo na nandito lang kami." Sabi ni Jax. "Isang tawag mo lang, lilipad agad kami papunta diyan basta yung jet mo gamit." Sabi ni Roco na nagpangiti kay Axel. "Wala ka talagang matinong masabi noh!?" Sabi ni Jax. "Hindi, pare, kidding aside, alam mo ang kaya namin gawin para sa iyo at kay Dani." Sabi ni Roco. Tumango si Axel. "Magsabi ka lang." Seryosong sabi ni Roco at tumango lang si Axel.

"Ok lang sa board ang gagawing paghihigpit sa security ng mall. Ganoon din sa mga may-ari ng boutiques. Naiintindihan nila ang situation mo ang ng parents mo." Sabi ni Aubrey pagbalik nila galing sa general meeting. "Ang gusto nga sana nila ay mag-leave ka muna pero sabi ni President ay ayaw mo." Sabi naman ni Cleo. "Kaya ba ninyo ang lahat kapag nag leave ako?" Tanong ni Dani. "Kaya naman pero syempre mas ok kung nandito ka." Sabi ni Aubrey. "Ok lang ako, saka anong ginagawa ng mga muscles ninyo if ever na may magtangka sa akin dito." Nakatawang sabi ni Dani. "Ay, friend, kung kasing laki ni Dalton ang magtatangka sa iyo eh sorry ka na lang. Ibibigay kita sa kanya ng maluwag sa loob ko." Nakatawang sabi ni Cleo. "Ah, ganoon! Aubrey, bawasan mo ang bonus nito ha?" Sabi ni Dani. "Approved!" Sagot naman ni Aubrey. "Di ka naman mabiro madam! Handa ko ibigay pati virginity ko masave ka lang!" Sabi ni Cleo na ikinatawa nilang tatlo.

"Sandali, remember Britney, di ba nagkasagutan kayo last week?" Tanong ni Aubrey. "Yeah, pero tingin ko naman ay di niya magagawa iyon." Sabi ni Dani. "Wag kang masyadong tiwala." Sabi ni Cleo. Napaisip si Dani. "Sige, sasabihin ko kay Axel mamaya." Sabi ni Dani.

"Ang alin?" Tanong ni Axel. Kataon na papasok na siya sa opisina matapos kausapin si Dalton na maglagay ng cctv sa loob at labas ng office ni Dani.

"Si Britney." Sabi ni Dani. "What about her?" Tanong ni Axel. "Remember, What happened last week?" Tanong ni Dani. Tumahimik si Axel at inalala ang nangyari sa site last week. "I doubt it. Mabait si Britney though minsan ay isip bata siya and spoiled." Sabi ni Dani. Nagkatinginan ang tatlong babae. "Sa tingin ko din." Pagsang-ayon ni Dani.

Biglang tumunog ang phone ni Dani. Ngumiti siya ng makitang si Blaze ang caller. Sasagutin na sana niya ng biglang kinuha ni Axel ang phone at siya ang sumagot ng tawag.

"Hello." Sabi ni Axel. Nagulat naman si Blaze ng madinig na si Axel ang sumagot ng phone. "Pwede ko bang makausap si Dani?" Tanong ni Blaze. "Hindi." Maikling sagot ni Axel. "Pwede ko bang malaman ang dahilan, Mr. Monteclaro." Sabi ni Blaze. "Walang dahilan, Mr. Florentino." Sagot naman ni Axel at tinapos na ang tawag.

Inis naman hinablot ni Dani ang phone. "Ano ka ba? Bakit kailangan mong bastusin si Blaze ng ganoon?" Sabi ni Dani. "Kasama siya sa under surveillance kaya huwag mo muna siyang kausapin lalo at kung hindi naman importante." Sagot ni Axel. Biglang may naisip si Dani at ngumisi.

"What if...?" Binitin ni Dani ang sasabihin. Tumingin si Axel sa kanya at maya maya ay naintindihan ang makahulugang ngiti ni Dani. Biglang nasapo ni Axel ang noo. Tumawa naman ng malakas si Dani. Si Aubrey at Cleo ay naguluhan naman sa inasal ng dalawa.

avataravatar
Next chapter