webnovel

Chapter 24

Nang dumating sila Axel at Dani sa car racing arena ay madami ng ang mga sasakyan nakapila para sa gagawin karera. Sakay si Dani ng kanyang Porsche Carrera S samantalang si Axel ay dala ang kanyang Chevrolet Corvette. Madami pang magagarang sasakyan ang nahandoon sa lugar pero ang lahat ay namangha sa kanilang pagdating lalo na ng makita kung sino ang mga sakay ng mga kotseng bagong dating.

"Dani!" Tawag ni Phoebe sa kanyang kaibigan ng makita niya itong bumaba sa kotse. Kumaway naman si Dani at nagsimulang maglakad papunta sa pwesto ni Phoebe. Di pa man siya nakakalayo at bigla na lang may umakbay sa kanya.

"Ano ba?" Angil niya ng makilala kung sino ang umakbay sa kanya. "Ang sungit naman ng girlfriend ko." Sabi ni Axel at ubos luwang ang pagkakangiti. "Alisin mo yang kamay mo. Tandaan mo, ang dami mo ng atraso sa akin ha?" Sabi ni Dani na pilit inaalis ang kamay ni Axel sa balikat. Patay malisya naman si Axel.

"Ang sweet ninyo namang dalawa. Kakainggit!" Sabi ni Phoebe. Ngumisi si Axel ngunit nawala ito bigla ng makita kung sino ang palapit sa kanila.

"Hi, Dani!" Sabi ni Blaze. "Hi, kasama ka din sa karera?" Gulat na tanong ni Dani. "Oo, first time." Nakangiting sagot ni Blaze. "Goodluck!" Sabi naman ni Dani. "Goodluck to me talaga. Balita ko hindi ka pa natatalo kahit minsan." Sabi ni Blaze. "Late na ang info mo. Natalo ko na siya the last time she raced sa Davao." Sagot ni Axel na may pagmamayabang. Umikot naman ang mata ni Dani. "And that was the time na she became my girlfriend." Patuloy ni Axel. "I see." Maikling sagot ni Blaze.

"Phoebe, if I win, same prize pa din ha?" Pag-iiba ng subject ni Dani. "Sure, no problem. As you wish." Nakangiting sagot ni Phoebe. Kumunot ang noo ng dalawang lalaki na kaharap nila. "Anong prize?" Takang tanong ni Axel. Di sumagot si Dani at naglakad na palayo sa kanila. Hinarap ni Axel si Phoebe at ngumisi naman ito sa kanya.

"Everytime na mananalo si Dani sa race, she's asking every participant na magdonate, any amount will do. She had supported an orphanage ever since she joined racing." Sabi ni Phoebe. Tumingin si Axel at Blaze kay Dani na may mga paghanga sa kanilang mga mata.

Tumunog na ang alarm, hudyat na magsisimula na ang karera. Ang lahat ng driver ay nagsisakay na sa kani-kanilang kotse at naghanda. Sa kabuuan ay mayroong 25 na magagara at mabibilis na mga kotse ang nasa field. Nag-start na ng engine ang bawat sasakyan. Magagandang tunog ng mga tambutso ang ingay na madidinig sa buong arena. Itinaas na ang flag at maya maya lang ay "GO!" At nagsimula ng umarangkada any mga sasakyan.

Liko dito, liko diyan. Lagpas dito, lagpas diyan. Ang mga manonood ay mga nagsisisgawan. Kanya kanyang bet, kanya kanyang suporta. Ang iba ay naka livestreams samantalang ang iba ay kumukuha ng video para i-upload pagkatapos ng karera.

Nagring ang telepono sa opisina ni Dani at si Aubrey ang sumagot. "Hello?" Sabi ni Aubrey. "Nandiyan pa ba sila Dani at Axel?" Tanong ni Arthur. "Mr. President, maaga po silang umalis. My invitation po sila para sa isang karera." Sagot ni Aubrey. "Magkasama sila?" Tanong ni Arthur. "Opo, sir." Sagot ni Aubrey. "Ok, sige, salamat." Sabi ni Arthur at tinapos na ang tawag.

"Ha'ay, ang anak mo talaga, nakakita pa ng kakampi ngayon." Sabi ni Arthur. "Bakit? Wala sila sa opisina?" Tanong ni Esther. "Nagpunta daw sa karera." Sagot ni Arthur na halatang hindi gusto ang hobby ng anak na babae. "Hayaan mo na, alam mo naman kung saan napupunta ang nakukuha niyang prize doon, di ba?" Sagot ni Esther. "Oo nga pero delikado ang ginagawa nila. Madami naman paraan para makakuha ng fund para sa Holy Angels Orphanage." Sabi ni Arthur. "Gusto ng anak mo iyon kaya suportahan na lang natin saka may kasama na siya ngayon." Sabi ni Esther at bumuntong hininga na lamang si Arthur.

Lahat ng sasakyang nasa harapan nila Axel at Dani ay walang kahirap hirap nilang nilagpasan. Ang mga manonood ay nagsisigawan kapag nakakalagpas ang sasakyan ni Dani sa mga kotse na halos sagad na ang bilis sa pagpapatakbo. Umaani ng views, share, at likes ang mga livestreams na nasa social media. Dahil kilala na ang dalawang car racer na nag-uunahan ay lalong dumadami ang kanilang mga taga-hanga.

Ngunit may isang kotse na halos sumasabay sa bilis ng dalawa. Isang itim na Gumpert Apollo ang nakabuntot kay Dani. Nangiti si Dani ng makita na sinusubukan lumagpas sa kanya ng kotse. "Nuh uh, can't do that." Sabi ni Dani sa sarili. Dahil busy si Dani sa pagharang sa Gumpert Apollo ay nalagpasan na siya ni Axel at lumagay ito sa harapan niya. Tumaas ang kilay ni Dani.

"Naka - isa ka lang sa akin sa Davao pero hindi na mauulit yun." Bulong ni Dani at pagkatapos ay parang bulang nawala sa pagitan ni Axel at ng Gumpert Apollo. Napanganga si Axel at ang driver ng Gumpert Apollo sa ginawa ni Dani. At dahil sa pagkagulat ay pareho silang bumagal sa pagtakbo. Nagulat lamang sila ng halos pantay na ang kanilang mga kotse. Sabay silang umapak sa accelerator at sinimulang habulin si Dani. Pero dahil ang partner in crime ni Dani ang minamaneho niya, di na nila inabutan ito.

"Congrats, Dani! Iba ka talaga!" Nakatawa sabi ni Phoebe. "Thank you." Maikling sagot ni Dani. Bumaba na si Axel sa kanyang kotse at initay na bumaba ang driver ng Gumpert Apollo. Parehong nagulat si Axel at Dani ng makilala ang driver.

"Blaze?" Gulat na tanong ni Dani. Ngumiti si Blaze. "I thought it was your first time but you drove like a pro." Nakangiting sabi ni Dani. "Yeah, it is my first time. Sa virtual car racing lang ako sumasali." Nakangiting sagot ni Blaze. "Pero, pare, ang galing mo." Sabi ni Axel. "Thanks, pare pero talo pa din ako sa inyong dalawa. "Being the third is not bad at all." Sabi ni Dani. Ngumiti lang si Blaze.

Umakyat na si Dani, Axel, at Blaze sa stage para kunin ang kanilang mga trophies at cash prizes. Si Dani bilang champion, si Axel ang second, third si Blaze. Inabot ng emcee ang microphone kay Dani.

"Hello, everyone. Most of you here knew me already because of a recent scandal with that guy." Sabi ni Dani na ikinatawa ng lahat. "And most of you also knew na I'm supporting an orphanage so I'm asking a little bit of your blessings to be shared with my little angels." Sabi ni Dani.

Ayaw pa sanang ipaalam ni Dani ang ginagawa niyang pagsuporta sa Holy Angels Orphanage pero sa sitwasyon nila ni Axel ngayon ay mahirap ng itago iyon. Inisip din niya na kung malalaman ng iba ay baka mas dumami pa ang donations para sa mga bata.

Umikot si Phoebe at ang mga kaibigan nito na may dalang mga boxes na may nakasulat na Holy Angels Orphanage. Ang lahat ay naglagay ng pera. Ang pinakahuling nilapitan ni Phoebe ay sila Axel ay Blaze. Walang pag-aalinlangan na nilagay ng dalawa ang mga sobreng natanggap mula sa pagkakapanalo. Ngumiti naman si Dani at nilagay na din niya ang sobre sa kahon.

"Thank you very much for all your kindness. See you on the next race." Sabi ni Dani at nagpalakpakan ang lahat.

Nagsimula na ang mga tao na lapitan si Dani at Axel para magpa-autograph ang kaso ay sumulpot na naman ang mga bodyguards nila at pinigilan ang mga ito. Niyakap naman ni Axel si Dani para maiwasan na masaktan ito. Nagkatulakan, nagkaipitan, halos lahat ay gustong malapitan sila Dani at Axel. Lahat ng ito ay nakuhanan ng video at na-upload sa social media.

"Yaan na nga ba ang sinasabi ko eh. Paano kung wala ang mga bodyguards nila, eh di nasaktan na silang dalawa." Sabi ni Arthur ng ipakita ni Esther and video. "Mas mabuti pa siguro pare ay pigilan na natin ang mga bata na pumunta sa mga matataong lugar gaya niyan." Sabi ni Benjamin.

Nasa isang restaurant sila Arthur at Esther kasama sila Benjamin at Eleonor na naghahapunan. Dapat kasama sana sila Axel at Dani kaya nga lamang ay nasa karera ang mga ito.

"Alam ninyong hindi papayag ang dalawang bata lalo na si Dani." Sabi ni Esther. "Daig pa nila ang mga artista ngayon." Sabi ni Eleonor na patuloy na pinapanood ang video. "Kailangan siguro dagdagan ang kanilang bodyguards lalo at paglalabas sila." Sabi ni Arthur. "Lalo na kapag lumipat na sila sa bahay ni Axel." Sabi ni Benjamin. "Pero mahigpit naman ang security sa subdivision na yun di ba?" Tanong ni Eleonor. "Oo pero mabuti na yung nag-iingat." Sagot ni Benjamin. "Kausapin na lang natin ang mga bata bukas para malaman din ang side nila." Sabi ni Esther at tumango naman ang tatlo.

Nakasakay ng maayos ang dalawa sa kani-kanilang kotse. Pinasakay muna ni Axel si Dani sa kotse nito habang katulong ang mga bodyguards na pumipigil sa mga tao. Nang safe na nakasakay si Dani ay si Axel naman ang sumakay sa kanyang kotse. Sabay silang umalis kasunod ang mga sasakyan ng kanilang mga bodyguards. Naiwan sila Blaze at Phoebe na nakatingin sa mga kotseng papaalis.

"I want to invite you, tiyak naman na ganoon din ang gagawin ni Dani kasi you're one of the highest donors sa orphanage. On Sunday, we will bring the money to the Orphanage. Usually kami lang nila Dani, Aubrey, Cleo, at ako ang nagpupunta doon but now I think siyempre kasama ni si Axel. If you want, you can join too. You will enjoy the children's company. Babalik ka sa pagkabata." Nakangiting sabi ni Phoebe. "Is it ok if I barge in?" Nag-aalangan tanong ni Blaze. "The more, the merrier. Saka para mashare din namin ang pagod namin sa inyo." Sabi ni Phoebe. "Ok!" Sagot ni Blaze. "Then see you on Sunday!" Sabi ni Phoebe at sabay na silang umalis ni Blaze sa lugar.

Next chapter