webnovel

Chapter 23

Kumunot ang noo nila Axel at Dani ng madinig ang tawanan nila Aubrey at Cleo at lalong kumunot ang noo nila ng madinig ang boses ng isang lalaki.

"Napakaloko mo naman Blaze." Sabi ni Aubrey. "Gwapo na, may sense of humor pa." Sabi naman ni Cleo.

Sabay sabay silang tatlo na napatingin sa pinto ng bumukas ito at pumasok sila Axel at Dani. Naging seryoso ang mukha ni Axel ng makilala kung sino ang lalaking nasa loob ng opisina ni Dani.

"Blaze? Anong ginagawa mo dito?" Nakangiting sabi ni Dani. "I want to talk to you about business." Sabi ni Blaze na ikinataas ng kilay ni Axel. "Really. Please sit down." Sabi ni Dani.

"What about..." Hindi natapos ni Dani ang sasabihin dahil nagulat siya ng maupo si Axel sa upuan niya. "Axel?" Sabi ni Dani. "You can sit on my lap." Nakangiting sabi ni Axel. "I'm doing work here, could you please sit down on your chair." Sabi ni Dani na hinihila paalis si Axel. "I'm your future husband, so your business is my business." Sabi ni Axel na kinatawa ni Aubrey at Cleo. Si Blaze naman ay nagulat sa sinabi ni Axel pero hindi siya nagpahalata.

"So, you guys are getting married?" Tanong ni Blaze. "No!" "Yes!" Magkasabay na sabi ni Axel at Dani. Lalong natawa sila Aubrey at Cleo. Si Blaze naman ay nalito. "So, which is which?" Sabi ni Blaze. "You know that I'm his boyfriend, we're leaving in the same house, and sooner or later, we're going to get married especially when she gets pregnant." Sabi ni Axel na ikinapula ng mukha ni Dani. "Aray!" Sabi ni Axel ng kinurot siya ni Dani.

"Blaze, pasensya ka na, may pagka abnormal kasi itong taong to. If you want, we can talk personally sa office nila Dad and Mom. Tiyak na matutuwa sila to see you." Sabi ni Dani na lumayo na kay Axel. Tumango naman si Blaze at sumunod kay Dani palabas ng opisina niya. Nagmamadali naman humarang si Axel sa pinto.

"Honey, you're forgetting something." Sabi ni Axel na kinakunot ng noo ni Dani. Tumingin si Axel kay Blaze at pagkatapos ay hinila palapit sa kanya si Dani. Nagulat si Dani sa ginawa ni Axel at lalong siyang nagulat ng bigla siyang siilin ng halik nito. Hindi siya makapalag dahil hawak ng kanang kamay nito ang kangyang mga kamay at ang kaliwang kamay naman ay sa bewang niya.

Nanlaki ang mga mata ni Dani. Sila Aubrey at Cleo naman ay kinikilig. Si Blaze ay inilayo ang tingin sa dalawa.

Nang makuntento na si Axel ay pinakawalan na niya si Dani sabay takbo sa elevator. "See you later, honey, may meeting ako with the suppliers. I love you." Sabi ni Axel sabay pindot sa close button ng elevator.

Inis na inis si Dani sa kalokohan ni Axel. "Humanda ka sa akin pag-uwi natin mamaya." Bulong niya sa sarili. Hinarap niya si Blaze. "Pasensya ka na." Namumulang sabi ni Dani. "Ok lang." Sagot ni Blaze.

Pumunta na sila Dani at Blaze sa opisina nila Arthur at Esther at natuwa nga ang mga ito sa pagkakakita kay Blaze.

"Long time no see, iho. Kamusta ka na?" Nakatawang sabi ni Arthur. "Ok naman po, Tito. Kayo po?" Magalang na sabi ni Blaze. "Ok naman kami, iho. Ang Mommy at Daddy mo?" Tanong ni Esther. "Nasa States po sila ngayon. Pinuntahan po ang mga apo." Sabi ni Blaze. "May asawa na si Catherine?" Gulat na tanong ni Arthur. "Opo, at sa States nakabase ang asawa niya kaya dun na din sila nakatira." Sagot ni Blaze. "Eh ikaw naman iho, kailan ka magpapakasal?" Tanong ni Esther. "Wala pa po ko makitang ipapalit kay Dani." Seryosong sabi ni Blaze. Natahimik sila Arthur at Esther. Si Dani naman ay namula.

"Joke lang po, Tito, Tita. Wala lang po talaga akong time para sa lovelife ko as of now." Sabi ni Blaze para alisin ang tension na namagitan sa kanilang apat. "Sa gwapo mong iyan tiyak na madaming babae ang nagkandarapa sayo." Sabi ni Esther. "Madami nga, Tita. Babaeng aso at pusa." Sabi ni Blaze at nagkatawanan sila apat.

Lumipas ang isang oras at nakabalik na si Axel matapos makipag-usap sa mga suppliers. "Wala pa si Dani?" Tanong niya kay Aubrey. "Di pa sya bumabalik. Baka hindi pa tapos ang business proposal ni Blaze." Sabi ni Aubrey. "Ang tagal naman." Sabi ni Axel na ikinangiti ni Aubrey.

Umupo si Axel sa kanyang upuan at binasa ang mga plans and designs ng Karozza. Hindi pa man nag-iinit sa kanyang upuan ay tumayo si Axel at lumabas. Natatawang iiling iling si Aubrey.

"Nakasalubong ko si Axel, saan pupunta yun?" Tanong ni Cleo ng makapasok sa opisina nila. "Susunduin misis niya." Nakatawang sagot ni Aubrey.

"That's a good idea iho. Food business is really good. Ipapaayos ko ang contract then let me know kung kailan ka pwede magsign." Sabi ni Arthur. "Ok, Tito, thank you." Sabi ni Blaze.

Napatingin sila sa may pinto ng may kumatok at pumasok si Axel. "Oh, iho, tapos na ang meeting mo sa suppliers?" Tanong ni Esther. "Yes, Auntie, kakatapos lang." Sagot ni Axel. Walang nagawa si Dani ng sumingit sa pagitan nila ni Blaze ang makulit na lalake. Nagkatinginan si Arthur at Esther at nangiti.

"Kilala mo na si Blaze, iho?" Tanong ni Arthur. "Yes tito, back in Davao. One of his friend insulted Dani." Sabi ni Axel na ikinatingin ng masama ni Dani sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya.

"Binastos?" Tanong ni Esther. "I'm sorry, Tita. Sobrang lasing na kasi nung kaibigan ko and I wasn't able to stop him but I already gave a dose of his own medicine." Sagot ni Blaze. "It's ok iho. Wag na sanang maulit." Sabi ni Arthur. "Yes, Tito." Sagot ni Blaze.

Nagpaalam na si Blaze at sinabing babalik na lang para sa contract signing. Si Dani naman ay lumabas na din ng hindi pinapansin si Axel. "May problem ba Axel?" Tanong ni Esther. "Wala naman Auntie, my sumpong lang." Sabi ni Axel na ikinangiti ni Esther.

Hinabol ni Axel si Dani sa elevator. Tahimik silang dalawa sa loob. Inis na inis si Dani kaya hinampas niya si Axel. "Aray! Kanina kurot, ngayon palo. Ano ko, battered boyfriend?" Sabi ni Axel na hinihimas ang balikat. "Ano bang problema mo? Bakit mo ko hinalikan sa harap ni Blaze at bakit nagsumbonh kang parang bata kay Mommy at Daddy. Napahiya tuloy si Blaze." Sabi ni Dani.

"Para malaman niya na hindi ka na pwedeng ligawan." Sabi ni Axel. "I dumped him before and he's here for business at hindi kung ano pa man." Sabi ni Dani. "Lalake ako at unang tingin ko pa lang diyan sa Blaze na yan ay may balak na hindi maganda." Sabi ni Axel. "You're jumping into conclusions." Sabi ni Dani. "I'm not, gusto mo pustahan tayo?" Hamon ni Axel. "Sure!" Sagot naman ni Dani. "If one of this day nagpropose sayo si Blaze, you'll be mine in one night." Sabi ni Axel na ikinapula ni Dani. "Ok!" Sagot ni Dani kahit nag-aalinlangan siya. "If he will not then, we'll be having different rooms in your house." Sabi ni Dani. "Deal!" Tiwalang sagot ni Axel.

Nagkamay sila, nang babawiin na ni Dani

ang kamay ay hindi siya binitawan ni Axel. Lumapit ito sa kanya pero sabay atras naman siya. Nang maramdaman na ni Dani ang malamig na metal ng elevator ay tinakpan niya ang bibig. Natawa si Axel. Piningot ang ilonh ni Dani at pagkatapos ay hinalikan siya sa noo.

"I'll make sure, we will enjoy that night." Bulong ni Axel sabay labas ng elevator ng bumukas ito. "Manyak!" Sigaw naman ni Dani pero isang malakas na tawa lang ang isinagot ni Axel.

Next chapter