webnovel

I Love you, Always and Forever.

Bibliophile_ · Urban
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 2

~Sarah~

Lumabas nako ng mall at iniwan ko na si kate kasi kailangan ko na pumunta sa trabaho ko. May kasama naman na ngayon si kate, sakto din kasi na nakasalubong namin kanina yung isa naming kaibigan na si jasmine. Ipinaubaya ko na si kate sakanya at pumayag naman siya ganun din si kate kaya nagsama na silang dalawa at nag paalam na'ko. Halos hindi ko nagamit yung perang binigay ni mommy kasi nilibre ako ni kate.

Nag lakad na'ko papunta sa crosswalk at nilagay ko yung earphones sa tenga ko.

Habang nag hihintay ako, hindi ko inaakalang biglang mag f-first snow fall. Napatingala kaming lahat sa langit habang pinapanood namin ang pagbaba ng mga snow mula sa langit. Tinignan ko lang ito ng saglitan at tinignan ko na yung oras sa phone ko at napatingin din ako sa traffic light dahil ang tagal!

Ilang sandali nag green na yung traffic light na nakaharap saaming lahat, habang yung mga sasakyan naman ay huminto dahilan para makatawid kami.

Habang nag lalakad ako, may nakasalubong akong lalakeng nakatitig sakin at agad namang nakuha niya yung attention ko.

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapatitig din sakanya dahil namukhaan ko ito bigla. Biglang bumilis din yung pagtibok ng puso ko kasabay ng pagkirot nito, kinakabahan ako.

Hindi ko akalaing makikita ko siya ng personal ngayon, at agad nanumbalik lahat ng mga ala-ala ko nung mga nakaraang taon.

December 16, 2013. Yan yung pang 10th birthday ko. December 13, 2013, yan naman yung araw na may taong nangako sa'kin na babalikan niya ako at yun din yung araw na nangako kami sa isa't-isa na hindi niya ako iiwan at hindi kami mapaglalayo sa isa't-isa.

Kinaumagahan, Ginising ako ni mommy at daddy dahil birthday ko na, at sobrang excited ko nung araw na yun dahil syempre kaarawan ko na.

Maraming dumating na tao nung kaarawan ko, pero kahit sa dami ng tao iisa lang yung taong hinihintay kong dumating.

Hindi nag tagal, kumupas lahat ng saya ko nung hindi pa dumarating yung kaisa-isang taong hinihintay ko.

Natatandaan ko pa yung huling sinabi niya sa'kin nung araw na bago dumating yung birthday ko, "Dito tayo mag kita sa terrace bukas, hintayin mo 'ko. Pangako dadating ako at sasamahan kitang kumanta." Sobrang saya ko nung gabing yun dahil sa sinabi niya at sobrang pinaghandaan ko talaga yung kantang kakantahin naming dalawa para sa mga bisita at pamilya ko, pati na rin sa kasama kong kakanta na si.... Andrew.

Pero nung kaarawan ko na, ang buong akala ko dadating siya at tutuparin niya yung pangako niya sa'kin nung gabing bago siya umalis. Ganun din yung pamilya ko at mga bisita akala din nila, may kasama akong kakanta.

Pero ang kinalabasan, mag isa kong kinanta yung sobrang pinaghandaan kong kanta na dapat kakantahin naming dalawa ni andrew. At syempre ako naman nag hintay parin ako mag damag sa terrace hawak hawak yung ginawa ko ding bracelet para kapalit nung binigay niyang puting bracelet sakin bago siya umalis. Halos umabot ako dun hanggang 9 ng gabi na nakaupo at nilalamig habang nag hihintay parin kay andrew, kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa mata ko.

Pinapapasok na ako nila mommy at daddy sa loob pero hindi ako pumasok at ipinipilit ko parin sakanila na dadating si andrew dahil nangako kami sa isa't-isa. Wala nakong ibang ginawa nung gabing yun kundi umiyak. Araw araw akong pumupunta sa terrace, sa garden at halos lahat ng lugar kung san kami nag lalaro ay pinuntahan ko, nag babaka-sakaling dumating siya.

Nag hintay parin ako kahit nung mga sumunod na mga birthdays ko. Hanggang makarating kami dito sa america hindi parin siya nawala isip ko tuwing birthday ko.

Pero, bakit? Bakit ngayon lang siya nag pakita sa'kin? Naaalala pa kaya niya ako?

Gusto kong lumapit sakanya para kausapin at gustong gusto kong tanungin sakanya kung bakit niya nagawa yun sa'kin, pero baka hindi ko mapigilan yung pag patak ng luha ko kapag nag harap kaming dalawa.

Hindi ko akalaing mararamdaman ko parin yung ganito. Akala ko tapos na, akala ko okay nako. Mahigit 7 years na ang nakalipas pero bakit parin ako nakakaramdam ng sakit na ganito.

Yumuko ako at nagpatuloy na'ko sa aking pag lalakad na parang walang nangyare, na parang wala akong nakita.

Matapos kong tumawid, napatigil ako sa pag lalakad at lumingon ako sakanya at nakita ko siyang pumasok sa mall kung saan ako nang galing habang dinudumog siya ng maraming tao.

Nag lakad na ako papunta sa convenience store na kung saan nag papart time job ako, malapit lang naman yun sa pinang galingan ko kaya nilakad ko na.

Habang nag lalakad ako hindi parin nawala sa isip ko si andrew at ang hindi ko inaasahang pagkikita naming dalawa kanina. Ayos na yung nakikita ko lang siya sa billboard or social media wag lang sa personal. Pero teka, anong ginagawa niya dito sa america? Hindi ba't nag momodeling siya sa london. Ah oo nga naalala ko birthday nga pala ng daddy nila.

Ilang sandali habang nag lalakad ako nakita ko si steve na nakasandal sa labas ng kotse niya na nakapark sa harap ng convinience store na kung saan ako pupunta. Ilang sandali napansin niya na ako at kumakaway naman siya sakin at tumatakbo na ito papalapit sakin.

Si steve nga pala, kapatid siya ni andrew. Nag kita kami sa school na pinapasukan ko nung grade 8 ako. Naging sobrang close kami simula nung first day ko dun sa school, siya agad yung unang taong lumapit sakin at tinulungan niya ako sa lahat ng bagay na kailangan ko ng tulong at sobrang protective niya at itinuring na din niya akong kapatid. Walang araw na hindi ko siya nakikita kahit walang pasok lagi niya akong pinupuntahan sa pinag tratrabahuan ko. Sakanya ko din nalalaman yung mga impormasyon tungkol kay andrew. Pero hindi naman ako masyadong updated ng bonggang bongga kay andrew, tsaka bihira lang namin mapag usapan ni steve si andrew.

"What are you doing here?" Nag tatakang tanong ko sakanya.

"Napadaan lang ako. Where have you been?" Tanong ni steve habang hingal na hingal na siya dahil medyo malayo yung tinakbo niya papunta sakin.

"Sinamahan ko si kate mag shopping." Matamlay kong sagot sakanya habang nakayuko.

Tama na sarah parang awa mo na. wag mo nang isipin si andrew, tama na.

"Hey, are you okay? What happened to you?" Tanong niya sakin kasabay ng pag taas niya ng mukha ko dahilan para makita niya ako kung okay ba ako. Napansin niya siguro na ang tamlay ko.

Nakakatitig lang ako sakanya at kitang kita ko sa mukha niya na nag aalala siya.

"I saw your brother ealier, why didn't you tell me that he's already here in america?" Malungkot kong tanong sakanya. Bakit nga ba hindi niya pinaalam sa'kin na darating si andrew...

Dahan dahan niyang inalis yung kamay niya na nakahawak sa mukha ko, dahil sa narinig niyang sinabi ko. Habang ako naman, nakatitig parin ako sakanya at nag hihintay ng sagot niya.

"S-sorry, sasabihin ko naman talaga dapat sayo pero---" hindi na niya naituloy yung sasabihin niya kasi nag salita na ako agad, dahil ayoko na marinig yung sasabihin niya. Naiintindihan ko naman si steve, alam kong ayaw niya lang naman akong mag isip ng sobra at ayaw niyang ma-stress ako dahil kay andrew. Pero bakit nga hindi niya sinabi sakin. Hay nako sarah tumigil ka nga.

"Forget it, It's okay. Don't you have plans today? Birthday ng daddy niyo diba? Hindi ka nanaman ba pupunta dun?" Tanong ko. Hindi kasi gaano pumupunta si steve sa birthday ng daddy niya tsaka ewan ko din kung bakit.

"Ang totoo talaga kung bakit hindi ko na sinabi sayo dahil ayokong mag alala ka, at ayoko din nag overthink ka at baka ma-stress ka kaya hindi ko na sinabi." Sagot ni steve sa'kin. Pero dapat sinabi niya parin sa'kin para alam ko, hindi yung nasu-surprise ako.

Ilang sandali lumapit pa ng konti si steve sakin at tinanggal niya yung scarf na suot suot niya at binigay niya ito sakin.

"Next time don't forget to bring your scarf okay? Gusto mo bang mag kasakit." Pangeechos niyang sabi sakin habang nilalagay niya yung scarf sa leeg ko.

Matapos naman niyang ilagay yung scarf sa leeg ko, Tinanggal niya yung mga snow na nahulog sa buhok ko at sinuutan niya yung ulo ko ng beanie.

"I'm already 17 years old, Malaki na'ko kailangan mo pa ba talaga 'tong gawin sa'kin? Baka mamaya may mga paparazzi palang nakasunod sayo tapos hindi natin na papansin na pinipicturan na pala nila tayong dalawa, edi sobrang laking issue nun lalo pa ngayong kinababaliwan ka lahat ng mga babae. Steve kailangan mo din mag ingat, baka nakakalimutan mong sikat na sikat ka. " sagot ko sakanya. Sikat na sikat kasi si steve dito sa america, pati na rin sa... okay fine, kilala siya ng buong mundo. Sumikat siya dahil sa pagiging model niya at actor, magaling na actor steve at madami siyang mga natatanggap na awards. At hindi lang siya sumikat dahil dun, pati na rin syempre sa katawan at itsura niya.

Palagay ko nga ako na yung pinaka swerteng babae sa mundo dahil yung pinakamamahal ng mga tao close na close ko. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit never akong nagkagusto sakanya, siguro dahil kapatid niya si andrew. At simula din nung 14 years old palang ako, madalas niya na akong tratuhin na parang kapatid na niya at napaka alaga talaga ni steve. As in, sobra. Kung hindi lang siya kapatid ni andrew paniguradong mahuhulog at mahuhulog ako kay steve. Char hahaha.

Nginitian niya lang ako at pinitik niya yung noo ko.

"Oww! Stop doing that. It hurts!" Sabi ko sakanya habang hinahaplos haplos ko yung noo ko. Ang sakit haaaaa! Kanina pa ako sinasaktan sa mukha. Pag untugin ko na kaya silang dalawa ni kuya.

"Oh sorry, masskit ba? Ah, oo nga pala Call me if you need my help, at tsaka tawagan mo rin ako kapag pauwi kana." Bilin niya sakin.

"O-okay." Sagot ko sakanya. Mag sasalita na sana siya pero biglang may tumawag sakanya.

"Hello."

"What?! Where are you?... okay i'll be there, wait for me." Malakas niyang pagkasabi sa kausap niya.Grabe pati ako nagulat, at agad din niyang binabaan yung kausap niya. Mukhang importante nga naman.

"Osige na, umalis kana baka hinahanap ka na." Sabi ko at nginitian ko siya.

"I'm Sorry, I have to go, mag iingat ka.

Please don't make any trouble, and call me if something happens. Behave sarah." Sabi niya sakin at pumasok na ito sa sasakyan niya at kinawayan ko nalang siya habang papaalis. Siya nalang sana kuya ko, siguro napaka buti kong kapatid kung siya ang naging kapatid ko.

***

~Andrew~

Matapos kong tawagan si steve may nadaanan akong park at pinuntahan ko ito. Umupo ako sa mga upuan na nakaharap sa play ground, at may mga nakikita din akong mga bata na nag lalaro kasama yung mga magulang nila. Buti pa sila sila naranasan nila yung mga ganun kasama ang mga magulang nila. Kami kasi ni steve never namin naranasan yun dahil walang oras samin sila mommy at daddy.

Habang nag hihintay ako kay steve inilabas ko yung phone ko at nag picture picture ako. Hindi na ako napansin at nakilala ng mga tao dito sa paligid ko dahil nag suot ako ng mask. Grabe kasi yung nangyare sa mall kanina buti na lang may mga guard na humarang sa mga tao at tinulungan din ako ng ibang guard na makalabas ng mall ng patago.

Matapos kong mag picture pinatay ko na yung phone at nung saktong pag patay ko ng phone nakita ko sa screen na papalapit sakin si steve ng dahan dahan at mukhang may intensyon siyang gulatin ako. Syempre ako patay malisya kunware wala akong nakita.

"HEY!" Malakas na sabi ni steve sa likod ko, kasabay ng pag tapik niya ng balikat ko. At syempre alam ko na, na gugulatin niya ako kaya hindi na ako nagulat.

"Oh my, you scared me." Tamad kong sagot sakanya. Bakas sa mukha niya na disappointed siya kasi hindi ako nagulat sa panggugulat niya sakin.

"Come on, lets go. Dun na tayo mag usap sa kotse bago pa tayo durugin ng tao dito." Pabulong niyang aya sa'kin at tumayo nalang ako at nag umpisa na kaming mag lakad papuntang kotse niya.

Tinawagan ko na si steve kasi hindi ko na kayang gumala gala mag isa at lahat ng pera na nakuha ko sa bulsa ko kanina ginastos ko na.

"So how's your life in London? Ayos ka lang ba dun?" Tanong niya sakin kasabay ng pag sabit niya ng kamay niya sa balikat ko.

"Maayos naman buhay ko dun, but i'm not okay." Sagot ko sakanya. Paano ba ako magiging okay dun? Na-sstress na'ko sa mga projects kong ginagawa, sunod sunod! Kailangan ko din naman ng pahinga.

"Okay lang yan, ang mabuti nakabalik ka na dito. Ilang months ka nga pala mag sstay dito sa nyc? Balita ko may bagong project ka." Tanong niya sa'kin. May bago kasi akong project na gagawin, isa siyang series na uumpisahan naming mag shoot sa February at dito din kasi gaganapin yung mga pangyayare dun. Ayun nga lang napaaga yung uwi ko.

"Kailan ba ako nawalan ng project?" Biro kong pag yayabang na sabi sakanya na ikina tawa naman naming dalawa.

"Kung matatapos agad, siguro 6 months lang ako dito. Pero kung matatagalan naman, siguro 7-8 months lang ako dito. Pinag iisipan ko pa yung sinabi ni dad na dito na'ko mag stay for good at dito ko na rin ituloy yung career ko, at hanggang ngayon wala parin akong sagot dun." Sagot ko naman.

"Talaga?! Mag sstay ka dito for good?" Gulat na gulat na tanong niya sa'kin na ikina tigil namin saopag lalakad.

"Anong nangyayare sayo? Hindi ba sinabi ni dad? Wag ka muna umasang mag sstay ako dahil pinag iisipan ko pa." Natatawang sagot ko.

"Yeah, hindi niya sinabi sa'kin. By the way, are you ready for tomorrow?" Tanong niya sa'kin. Bukas kasi kailangan ko na din pumasok agad sa school na kung saan nag aaral si steve.

In-accept nila ako sa school na yun dahil may connections yung family namin sa school na yun. Pinilit ko si mommy na mag aral muna ako kasama si steve, dahil wala naman akong gagawin sa bahay.

Habang nag lalakad kami, may mga babaeng naghahabol samin para mag pa picture, at may mga ibang tao din na nag uusap usap sila tungkol samin ni steve. "Steve naman, bat hindi ka nag suot ng mask o kahit ano matakpan lang yang mukha mo." Inis na pagsabi ko sakanya at nginitian niya lang ako.

Habang nag papapicture yung mga babae samin ni steve napansin namin na parating na yung maraming tao para mag papicture samin.

"Oh shit!" -Steve

"Shit!" -ako

Agad na kaming tumakbo papunta kung saan nag parking si steve. Halos madapa kami sa sobrang bilis ng takbo namin, malayuan at matakasan lang yung mga tao.

Nang makapasok na kami sa loob ng kotse may mga tao parin na pinapalabas kami ng kotse para mag papicture sila samin pero hindi na kami lumabas ni steve. Bumusina siya at tumabi naman yung mga tao na nakapaligid sa kotse ni steve at binaba ko yung bintana ko at nag paalam sakanila at agad naman nag si hiyawan yung mga babae.

"Sorry everyone, we really have to go." Paalam ko sakanila at kinindatan ko naman yung mga babae habang si steve naman kumaway sakanilang lahat at umalis na kami.

Sa totoo lang ang hirap talaga nang buhay na ganito, tsaka hindi talaga namin pinangarap ni steve yung gantong trabaho. Wala na kaming privacy at hindi na rin kami nakakapag stay ng matagal sa labas dahil dinudumog kami ng mga tao kapag nakikita nila kami.

"What are you doing here? tinakasan mo nanaman ba si mr.kim?" Tanong niya sakin habang nag d-drive siya. Makatanong akala mo naman hindi rin tumakas.

"Alam mo namang ayaw na ayaw kong pumunta dun hindi ba." Sagot ko sakanya.

"Teka, san ka galing? Hindi ka rin ba umatted?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Yeah i didn't, may pinuntahan ako." Sagot naman niya sa'kin. "Where? Where did you go? Sa girlfriend mo?" Patawa kong tanong sakanya.

"Alam mo namang wala ako nun hindi ba." Patawa din niyang sagot sakin. Never pa kasi nag ka girlfriend 'tong si steve, inuuna niya kasi yung career at studies niya.

"Yeah right. So, san ka nga nag punta?" Tanong ko ulit sakanya habang kinukuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Napansin kong hindi siya sumagot agad kaya tinignan ko siya."hey, did you hear me?" Tanong ko.

"S-somewhere." Sagot niya sa'kin.

"Bakit hindi mo'ko sinundo kanina sa airport?" Tanong ko sakanya.

"Oh sorry, may shoot kasi ako kanina." Sagot niya naman sakin. Pero hinayaan ko na siya, at hindi ko na pinansin yung sinabi niya dahil biglang pumasok sa isip ko yung babaeng nakita ko kanina sa crosswalk.

"Hey dude, I saw a girl earlier and I think I know who that was." sabi ko sakanya habang nakatingin ako sa daan.

"S-Sino?" Tanong naman niya sa'kin.

"Sarah." Sagot ko at nag katinginan kami agad ni steve sa mata na pero inalis din niya ito agad. Nangako kasi siya sa'kin na tutulungan niya akong mahanap at makita ulit si sarah, pero mukhang hindi niya nga talaga nahanap. Bakas naman sa mukha niyang nagulat siya dahil sa sinabi ko. "But I'm not sure. I might've mistaken her for someone else." Sabi ko sakanya habang kinakain ko na yung mga pinamili ko. "Tingin mo ba, posibleng pumunta siya dito sa america?" Pahabol kong tanong sakanya.

"I don't think so." Sagot naman niya sa'kin.

***

~Sarah~

Kinagabihan, nag umpisa nakong mag ayos ng mga gamit ko dahil monday na bukas at pasukan nanaman.

Matapos kong mag ayos ng gamit ko, humilata naman ako sa bed ko habang nakatingin sa kisame. Ilang sandali pumasok nanaman sa utak ko si andrew nung pagpikit ko ng mata ko.

Grabe hindi ko talaga akalain na makikita at makakasalubong ko siya kanina. After 7 years nag kita ulit kaming dalawa. Kamusta na kaya siya?

Naaalala niya pa kaya ako? Kilala pa ba niya ako? Kahit kailan ba hindi ako nawala sa isip niya? Kahit kailan ba ginusto niya akong balikan sa pilipinas dati. Ahhhh! Ano ba sarah, ano ba yang iniisip mo. Syempre nawala ka na rin sa isip niya at syempre hindi ka niya naisip balikan sa pilipinas at hindi ka na niya naaalala. 7 years? Ano inaakala mo, kilala ka pa niya? Ang tagal na nun!

Pero bakit kami nag katitigan kanina kung hindi niya ako maalala? Bakit hindi niya inalis yung tingin niya sakin kanina? Bakit parang pakiramdam ko naaalala niya ako? Pero kung naaalala niya nga ako, bakit hindi siya lumapit sakin at kausapin ako?

Ilang sandali naalala ko yung binigay niyang bracelet dati at agad naman akong bumangon at agad ko din hinanap yung bracelet. Nakalagay ito sa box ng necklace ko kasama din yung ginawa ko ding bracelet para sakanya. Nakalagay yung box na yun sa loob ng cabinet ko at nang mahanap ko na, kinuha ko na ito at umupo na'ko sa bed ko. Dinala ko parin to hanggang dito sa america, at tsaka this year ko lang ito tinanggal sa kamay ko. Simula kasi nung birthday ko suot-suot ko na ito hanggang last year.

Habang tinititigan ko yung hawak kong bracelet ang dami kong naaalalang mga masasayang ala-ala namin dati. Ilang sandali, biglang nag salita si mommy kasabay ng pag katok niya at dahil dun, nagulat ako at agad kong tinago yung bracelet sa likod ko nung buksan ni mommy yung pinto ko. Alam niya kasi yung kwento namin ni andrew, at ang akala niya dij okay na'ko dahil hindi ko na sinusuot yung bracelet na ginawa niya. Ayokong ipakita 'tong bracelet na ginawa ni andrew dati at ayoko din sabihin kay mommy na nakita ko si andrew kanina dahil baka mag alala nanaman siya.

"Sarah, anak? May bisita ka. Halika at bumama ka muna." Aya ni mommy.

"Opo mommy!" Sagot ko sakanya at agad ko namang binalik sa box yung bracelet at binalik ko na ito sa loob ng cabinet ko nang maisara na ni mommy yung pintuan ng kwarto ko.

Nag salamin muna ako, para makita ko naman kung anong itsura ko at lumabas na'ko ng kwarto ko at bumaba na ako ng hagdan.

Nang makababa na'ko, napalaki agad yung mata ko dahil sa gulat dahil, hindi ko inaasahan yung makikita ko habang bumababa ako. Napatigil ako sa aking pag lalakad nang mamukhaan ko agad ang kanyang ayos ng buhok, maganda ang katawan, at napaka gara ng suot.

May lalakeng nakatayo sa salas namin at nakatalikod ito habang kinakausap niya si kuya harry at mommy.

Agad naman na pumasok sa utak ko kung sino ang lalakeng ito.

si andrew.

Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Pano niya nalaman kung san ako nakatira? Gulong gulo na isip ko...

Ilang sandali dahan-dahan siyang lumingon sakin.