webnovel

I Love you, Always and Forever.

Bibliophile_ · Urban
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 1

~Sarah~

"Mr sandman, bring me a dream. Make him the cutest that i've ever seen--" malakas kong ipinatugtog yung kanta at inalis ko na yung damit ko para makapag umpisa na akong maligo.

Matapos kong maligo, pinatay ko na yung tumutugtog kong phone at lumabas nako ng banyo at ihinagis ko yung phone sa bed at nag bihis nako.

Matapos kong mag bihis, nag umpisa na din akong mag ayos ng higaan ko at inayos ko na din yung mga gamit na dadalhin ko.

Habang nag aayos ako, tumubog yung phone ko kaya agad ko namang kinuha ito at nakatanggap ako ng message mula kay kate.

Si kate nga pala, Bestfriend ko. Naging mag kaibigan na kami simula pa nung dumating kami dito sa New York, 14 years old ako nang lumipat kami dito sa Manhattan. Siguro mahigit 3 years palang kami dito, sa pilipinas talaga kami nakatira pero simula nung namatay si daddy napag desisyonan ni mommy na pumunta at manirahan  na kami dito sa new york. Kami lang nila kuya at mommy yung pumunta dito, para makapag umpisa ng bagong buhay. Hanggang sa nag karoon ng kaibigan si mommy dito at yun yung mommy ni kate, yes filipino din sila parang kami tsaka single mother din si tita rose kaya naging super close sila ni mommy at dahil dun mas naging malapit kami sa isa't-isa ni kate.

"Nandito na'ko, where are you?"

"Coming..." reply ko sakanya.

May pupuntahan kasi kaming dalawa ngayon, dapat nga kasi siya nalang pumunta mag isa. kung hindi niya lang sana ako pinilit. Sasamahan ko daw siya mag shopping tsaka isa pa ano namang gagawin ko dun? Hindi naman kasi ako mahilig sa mga shopping shopping. char! Syempre mahilig din ako deep inside no!

"Oh! Goodmorning sweetheart." Bungad ni mommy sa'kin nang pag bukas ko ng pinto, at agad naman niya akong hinalikan sa pisnge.

Mag kaharap lang kasi yung kwarto ko at kwarto niya, may kinuha lang siguro siya kasi hindi naman siya ka

late magising ng ganitong oras.

"Goodmorning mommy" sagot ko.

"Where are you going? Ang aga pa ah?" Nag tatakang tanong niya sakin.

Mga 8am kasi tulog pa ako tapos magigising ako ng mga 10. Pero ayos lang naman na nagising ako ng maaga ngayong araw kasi may part time job din kasi ako ng mga 10am kaya ayos lang talaga.

"May pupuntahan lang po kami ni kate." sagot ko. "Ganun ba? Osige teka kunin ko lang yung wallet ko." Pumasok ulit si mommy sa kwarto niya para kunin yung wallet niya. Waaahhh! Naaamoy ko na yung ng peraaaa.

"Oh eto, gastusin mo sa maayos yan anak ha." Inabutan ako ni mommy ng pera. "Thankyou mommy." Pasasalamat ko, kasabay ng pagyakap ko sakanya.

"Ma alis na po ako." Paalam ko, pero pinigilan niya ako.

"Teka, kumain ka na muna bago ka umalis. hindi maganda ang walang laman ang tiyan sa umaga, halika kumain ka muna." Aya ni mommy.

Pero tinanggihan ko ito.

"Hindi na po, mamaya nalang mommy kakain naman po kami sa labas ni kate eh." sagot ko.

8:30am kasi yung usapan namin at 8:17am na. late kasi akong nagising kanina mga nasa 7:20 siguro. Tsaka ayoko na mag toothbrush ulit, tatamarin na akong umakyat papunta dito sa kwarto ko.

"Aba hindi pwede, Halika kumain kana muna." Inabot ni mommy yung kamay ko at hinila niya ako pababa ng hagdan hanggang sa kusina.

"Mommy kakain naman po kami sa labas eh." Pilit ko sakanya tapos nilalambing ko pa si mommy, pero hindi parin niya ako pinayagang umalis.

"Sit down." Utos ni mommy sa'kin. Kinuhanan niya ako ng makakain at inilagay ito sa harap ko. Kaya ko naman kasi kumuha mag isa, pero baka kasi inisip ni mama na hindi ako kukuha.

Tinignan ko si mommy at binigyan ko siya ng ~please let me go mommy look~ pero nginisian niya lang ako.

"Sarah anak, ilang minutes mo lang naman yan lalamunin. Sige na kainin mo na yan." Sabi ni mommy. Tapos chineck ko yung time. Gosh! 8:21am na. Oh no baka ma late din ako sa trabaho ko, i really need to go right now.

"Mommy please, i really need---" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil narinig ko si kuya na nag salita habang pababa ng hagdan.

"Ano nanamang kailangan mo? Ang aga aga kinukulit mo nanaman si mommy at anong klaseng suot yan? Aalis ka? Mag suot ka nga ng medyo makapal alam mong malamig, ito talagang taong to kala mo di tinatablan ng lamig. Ano ka? Cold blooded? Mag suot ka ng makapal!" galit na sabi ni kuya sakin. Yumuko nalang ako at tumitig sa pagkain ko. Ayan nanaman, ang aga aga bida bida nanaman. Gusto kong sumagot kay kuya pero baka pagalitan ako ni mommy. At isa pa, ayos lang naman yung suot ko ah. Naka sweatshirt naman ako tsaka naka jeans ah! Ano bang problema sa suot ko? Oa.

"Goodmorning mommy." narinig kong sinabi niya kay mommy at umupo na ito sa harap ko at naka crossed arms siya at tinaasan pa ako ng kilay nito.

Nakakairita talaga yung mukha ng kuya ko, kung hindi ko lang to kapatid-- haha chos syempre hindi ko parin magagawang patayin. Teka ano bang trip neto? Ang aga aga.

Madalas kaming mag away ni kuya pero syempre nag babati din kami agad at kahit araw-araw, o minu-minuto pa kaming mag away hindi parin nawawala ang pagiging kuya niya sa'kin, hindi lahat ng tao may kuya tapos yung iba ayaw nilang magka-kuya kasi palautos daw. Oo nga naman nakakainis din kasi kung ano yung iuutos ng magulang mo sa nakakatanda mong kapatid ipapasa sayo yung utos na yun syempre hindi mo naman matatanggihan kasi siya ang mas matanda at dapat ang panganay daw ang nasusunod sa mag kakapatid. Ughhh unfair ayoko na din mag ka kuya. Chos.

Tinignan ko si kuya at inirapan ko nalang ito.

"What do you need little sis? Masyado pang maaga para gumastos ka. At isa pa bakit ba kasi ang nipis ng sinuot mong sweatshirt? Ang lamig lamig sa labas ganyan lang isusuot mo?" Sabi ni kuya habang nag lalagay ito ng tubig sa baso niya at sa baso ko. Nag umpisa na kasi lumamig yung panahon pero hindi pa naman nag s-snow.

Tumayo siya at kinuha niya yung nakasabit kong winter coat sa coat rack sa pintuan namin, at ihinagis niya ito sakin at sumakto naman ito sa mukha ko.

Aray haaa! Itong taong to talaga pwede namang ibigay niya ng maayos eh.

"Isuot mo yan." Utos ni kuya, pero inirapan ko nalang ulit siya. Ang sakit kaya!

"Where are you going?" Tanong niya sakin.

"Somewhere." Sagot ko naman sakanya. Eh ano bang pake niya kung san ako pupunta.

"Mommy anong date ngayon?" Tanong ni kuya kay mommy pero ako na yung sumagot. "November 24, 2019" sagot ko sakanya.

"Si mommy ang tinatanong ko, hindi ikaw." Pang bwibwisit niya sakin. Konti nalang talaga bubuhusan ko na to ng tubig!

"Sarah bakit hindi mo pa nauubos yang pagkain mo kanina ko pa yan binigay ah, kainin mo na para makaalis kana." Sabi naman ni mommy. Eh ayoko nga kasi kasi mag to-toothbrush nanaman ulit ako.

"It's too early sarah, why don't you finish your breakfast before you go. At kung nag umpisa ka na sanang kumain nung pagkabigay sayo yan ni mommy edi sana kanina ka pa naka-alis. Hindi ba mommy?" Sabi naman ni kuya. Eh bat ba! Ayoko na nga mag tooth brush ulit! Gosh, baka ma late na din ako sa trabaho ko neto huhu. Chineck ko yung time 8:26am na jusko 8:30 yung usapan.

"Malalate din ako sa tr---" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko kasi biglang tumawag si kate. Eto rin kasing babaeng to eh hindi makapag hintay ang o.a

"Where are you? Kanina pa ako nandito. Hindi mo nanaman ba ako sisiputin?" Naiinis na sabi ni kate sakin, kasabay ng medyo malakas niyang pag sabi. Ang sakit sa tenga ha. Eh ano kung hindi ko siya sisiputin? Nag papasama lang naman siya ah! Shopping shopping kasi. Pero dahil mabuti akong kaibigan sige na nga, gusto ko din naman eh! hahaha

"I'll be there at 8:40." Sagot ko. Dali dali kong kinuha yung bag ko sa kabilang upuan at tumayo nako at hinalikan ko na si mommy sa pisnge.

"Sorry mom, i really need to go. Bye kuya! See you guys later. I love you both!" Mabilisan kong paalam sakanila.

Ilang sandali palabas na sana ako ng pintuan pero tinawag nanaman ako ni mommy.

Ughh enough!!! hindi ba nila ako tatantanan kakain naman kami sa labas eh.

"Sarah, ihahatid ka na ng kuya mo, at eto may sandwich akong inihanda para sayo."

"What the..?! It's too early mom. Hindi pa nga ako nakapag toothbrush at nakaligo. Kaya niya na yan." Narinig kong angal naman ni kuya.

"HARRY!" Malakas na pagsabi ni mommy na parang galit na. Seriously? Anong oras na kailangan ko pa ba silang panoorin?

Kinuha ni mommy yung susi ng sasakyan sa taas ng ref namin at ibinato ito kay kuya at ibinato naman sakin ni mommy yung sandwich ko.

"Harry, ngayon na!" Malakas ulit na pagkasabi ni mommy kay kuya.

Haha kawawa ang aga napagalitan.

"Fine." Tumayo na si kuya at hinalikan na din si mommy sa pisnge

"Mag iingat kayong dalawa." Sabi ni mommy at nag paalam na rin kami ni kuya.

Ilang sandali tumigil si kuya sa pag lalakad at tinignan ako nito. "Isusuot mo yan, o hindi ka makakalabas ng bahay." Pag tataray niyang sabi sakin. tapos binigyan ako ni kuya ng ~isuot mo na yan, ngayon na look~

Ah oo nga pala hindi ko pa kasi nasusuot yung ihinagis niya sakin kanina pero bitbi-bitbit ko naman ito.

"Eto na, eto na!" Sagot ko naman sakanya. Sinuot ko na yung coat at sumakay na kami sa sasayan.

Nang makarating na kami sa mall, sinalubong na agad ako ni kate. "Bye kuya, thankyou." Paalam ko sakanya at binuksan ko na yung pinto para makalabas.

"Hey kate! Alagaan mo yang kapatid ko okay?!" Malakas na pag sabi ni kuya kay kate. Close din naman sila ni kuya, pero hindi alam ni kuya na may gusto si kate sakanya. Kadiri diba? ang pangit kasi nilang dalawa at isa pa, magka-edad lang kami ni kate tapos yung kuya ko mas matanda siya sakin ng dalawang taon. Pero mukhang ayos lang din naman, kasi dapat sa isang relationship mas maganda kung mas matanda yung lalake para may mas matured sa relationship.

"Sure!" Narinig kong sagot ni kate kay kuya. Tapos tinignan ko si kate at binigyan ko ito ng ~ayiee kinikilig look~ at inirapan ako nito. Sus kunware pa siya, halata naman sa mukha niyang kinikilig siya.

"At ikaw sarah, umuwi ka ng maaga tawagan mo kami pag uuwi kana."

"Anong umuwi ng maaga may part time pa ako kuya, hindi ako makakauwi ng maaga may part time ako ng 10am-3pm tsaka 3pm-7pm." Sagot ko sakanya. Dalawa kasi yung pinapasukan kong part time job, isa sa convenience store tsaka sa isang cafe. Kailangan kong mag pag time para makatulong din ako kila mommy kahit konti lang. Well, nag papart time din naman si kuya tsaka tumutulong din naman siya kay mommy. Pareho palang kaming studyante ni kuya kaya nag papart time muna kami. Hindi naman pwedeng si mommy lang ang kakayod para saming dalawa ni kuya, malalaki na kami at kailangan na din namin mag tino at tumulog kay mommy lalo na't siya lang ang bumubuhay saming dalawa ni kuya..

"Okay fine, just call me after your part time or whatever and i'll pick you up okay. Ingat ka." Sagot naman ni kuya.

Madalas din kasi akong sinusundo ni kuya after ko mag part time para siguradong makakauwi ako ng buhay. Masyado na nila akong bini-baby kaya ko naman umuwi mag isa eh 17 years old nako tapos kung tratuhin 11 years old tsaka alam ko naman kung pano umuwi kabisado ko na dito.

"Okay bye." Paalam ko, At umalis na siya. tumingin naman ako kay kate na parang gusto nang mangagat sa galit. Pero isinabit parin niya yung kamay niya sa braso ko.

"Kanina pa ako nandito, kanina pa ako nag hihintay sayo." Inis at may halong paglambing niya sakin.

"Oh sorry." Tamad kong pag ka sabi sakanya at tumuloy na kami sa loob ng mall.

***

~Andrew~

Nang makalabas ako ng immigration, nakita ko na agad si Mr. Kim na may hawak na board na may nakasulat na Andrew Smith at todo yung ngiti niya sakanyang labi kasabay ng pag hanap at pag abang niya sa'kin.

Si Mr. Kim nga pala, he's my personal driver here in NYC. Half Chinese and half korean siya, pero lumaki daw siya sa korea. Half american, half filipino din ako tsaka mga kapatid ko. American si daddy at filipina naman si mommy. Kilala ko na si mr. kim simula pa nung 8 years old ako. Dati din kasing driver ni daddy si mr. kim, nakuha siguro siya ni dad sa seoul nung nag business trip siya. Marunong mag Tagalog at mag English si mr kim at ewan ko din kung pano siya natuto. Hanggang sa dumating ako dito sa newyork, ayun naging driver ko na siya.

I grew up in the Philippines kasama ang pamilya ko. Pero nung 8 years old ako umalis na si mommy at daddy at pumunta na sila dito sa nyc para mag tayo ng company. Simula nun, nanirahan na kaming dalawa ni steve sa lola ko. At nung 11 years old na'ko, umuwi ng pilipinas si mommy at daddy para sunduin ako at si steve para dalhin kami dito sa New York. Pag dating ko naman ng 14 years old, dinala ako ni daddy sa London para mag aral and para mag start ng career kong modeling. Mahigit 3 years ako dun. And i was very comfortable there kasi may sarili akong bahay, kotse, at higit sa lahat pera.

And now, I'm back.

"Andrew!" Salubong sa'kin ni Mr. Kim na halos madapa at maiyak sa sobrang sayang makita niya ako. Super close kasi kami parang mas kilala pa nga niya ako kesa sa mga magulang ko.

"Mr. Kim!" Malakas kong sigaw habang papalapit sakanya at nag yakapan kami nito. "Kamusta ka na? Ayos ka lang ba buhay mo dun sa london? Hindi ka ba napapagod ng sobra? Hindi ka ba pinapahirapan ng manager mo?" Sunod sunod na tanong ni mr kim habang nakayakap siya sa'kin at habang niyayakap niya ako parang naririnig kong umiiyak siya.

"Ayos lang ako dun. Tsaka hindi naman ako masyadong pinapahirapan ni clarisse kaya wag ka mag alala, ayos lang ako." Sagot ko naman sakanya at hinaplos haplos ko yung likod niya.

"Hey, are you crying Mr. Kim?" Tanong ko sakanya na may halong pagtawa.

Ihinarap niya sa'kin yung mukha niya at dahil dun mas lalo akong natawa nang makita ko yung mukha niya. umiiyak nga siya.

Habang umiiyak siya sa harapan ko, biglang may tumawag sakanya kaya pinunasan niya yung mga luha niya at biglang bumalik ito sa pagkaseryoso.

"It's your mom." Medyo lumayo si Mr.Kim sa'kin at kinausap si mommy.

Inilibot ko nalang yung mata ko habang hinihintay ko si mr kim, wala manlang nag bago sa lugar na to. Oh shit! naalala kong birthday pala ngayon ni daddy dapat pala bukas nalang ako umuwi.

"Yes ma'am, he just got here and I'm currently with him." Narinig kong sabi ni Mr.Kim kay mommy.

Okay, here we go again. Tinanggal ko yung scarf ko kasi nakaramdam ako ng init dahil sa asar ko.

"Mr.kim? Eh kung kumain muna tayo bago tayo tumuloy dun? I'm so hungry. What do you think?" Aya ko sakanya, dahilan para ma late kami.

"Kumain kana lang mamaya dun. Come on let's go, your mom and dad are waiting for you." Ughh please, i don't want to go there. Binuhat na ni Mr.Kim yung mga maleta ko at inilagay ito sa likod ng sasakyan.

"Wait, where's steve? Where is he now?" Nag tatakang tanong ko dahil bigla kong naalala si steve kasi hindi siya sumama para sunduin ako.

"Ipinaiwan na siya ng mommy mo para makapag handa siya." Sagot naman niya. Binuksan niya yung pinto pero hindi parin ako pumasok at tinititigan ko parin ito hanggang sa napansin na niya ako.

"What?" Tanong nito sakin at binigyan niya ako ng ~what are you wating for, get in look ~

"Do you have 20 bucks? Can i borrow it? i need to buy something for dad." Tanong ko sakanya. Bakas sa mukha niya na parang na weweirduhan na siya sa'kin kasi never naman ako bumili ng presents para kay dad. Well May pera naman akong dala pero kailangan kong mag dahilan kay mr.kim.

"Oh o-okay, here." Inabot niya sa'kin yung pera. "Thanks." Pasalamat ko sakanya at pumasok nako sa loob. Pero nung isasara na niya yung pinto biglang pinigilan ko ito.

"Ano nanaman ba yun andrew?" Tanong niya sa'kin na may halong inis. Haha ang saya talaga niyang asarin.

"Oh come on Mr.kim, Do you want me to wear this?" Tinuro ko yung suot suot kong damit. Dahilan para mag shopping pa kami ng isusuot ko. Naka casual lang kasi ako ngayon. Nag titigan kami at nginisian niya ako.

"Stop it already andrew, alam kong gumagawa ka nanaman ng paraan para hindi ka makapunta dun. Kahit ngayon lang umattend ka na sa birthday ng dad mo. Never ka pang umattend sa kaarawan ng dad mo at hindi gugustuhin ng dad mo kapag hindi ka nanaman umattend. Look andrew, 18 kana. Hindi ka na 11 years old para gawin pa yang mga bagay na yan. Hanggang ngayon galit ka parin ba sa daddy mo. At hindi ko na gustong sumuway sa kagustuhan ng mom and dad mo. Hindi ko na gagawin yung mga ginawa natin nung nakaraang tatlong taon." Nung 11-14 years old kasi ako nuon, never pa talaga ako dumalo sa birthday ni daddy, ayokong pumupunta sa kahit anong event niya. Ganun din si steve, si steve yung panganay saaming mag kakapatid. Pero 1 year lang yung gap namin. Pero siya kasi umaattend parin naman siya minsan sa birthday ni daddy kasama ang bunso naming kapatid na si sophie. Tapos dati lagi din sinasabayan ni mr kim yung mga trip ko, alam niya kasi na ayoko talagang dumadalo sa birthday ni daddy kaya umaalis nalang kaming dalawa para pumasyal, tapos nung makauwi na kami ayos lang daw kay mr kim na mapapagalitan siya nila daddy dahil sa ginawa namin na pag alis.

"Okay fine, i'll go." Pero joke.

"Dapat lang. Oh! by the way, sayo yang naka sabit jan na formal suit, suutin mo yan ngayong araw bago tayo tumuloy dun." Sabi ni Mr.kim at nginitian ako nito at nginitian ko din ko pabalik.

Tinignan ko yung damit at kinuha ko ito. isinara na ni Mr.Kim yung pinto at nakita ko itong sasakay na rin pero pinigilan ko siya dahilan para makatakas ako.

"Mr.kim? What are you doing? Get out. Stay outside, I need privacy." utos ko sakanya.

Tumigil ito na parang naistatwa at bakas sa mukha niyang bwisit na bwisit na talaga siya.

"Okay sure, make it fast." -Mr.kim

Sinarado niya yung pinto at napansin kong may tumawag nanaman sakanya at lumayo nanaman ito.

Tinignan ko yung damit at nakaramdam ako ng irita kaya ibinalibag ko ito sa tabi ko. Nilagay ko na ulit yung scarf ko sa leeg ko at dahan dahan kong binuksan yung pinto at dahan dahan ko din itong isinara habang sinusubaybayan si Mr.kim na may kausap. Nakatalikod naman ito kaya hindi niya ako mapapansin. Agad akong tumakbo pero mukhang napansin niya ako.

"Hey, hey hey! Andrew where are you going?!" Narinig kong sigaw ni Mr.kim habang tumatakbo ako at hinabol pa ako nito pero tumigil din siya.

Nang makalayo nako sa airport, walang sawang pag tawag ni Mr.kim at mommy sa phone ko kaya pinatay ko ito ay inilagay sa bulsa ko. Nag pahinga muna ako ng konti at kumalma ako dahil napagod ako.

Ilang sandali nakaramdam ako ng gutom at uhaw. Bigla ko din naalala na hindi ko nga pala dala yung bag ko.

"Shit!" Yung wallet ko, nilagay ko kanina sa bag ko. I'm so stupid!

Dahil hindi ko na alam gagawin ko at wala na talaga akong nagawa nilibot ko nalang yung lugar kung nasan ako. Nakatakip yung scarf ko ilong at bibig ko para hindi ako makilala ng nga tao, dahil mahirap na pag nakilala nila ako ngayon.

Tatawagan ko na ba si Mr.kim? O hindi. Pag tinawagan ko kasi siya papupuntahin at papupuntahin niya ako sa bahay para umattend ng birthday ni daddy. Ughh anong gagawin ko.

Ilang sandali habang nag lalakad ako naalala kong may binigay pala sa'kin na pera si mr kim kanina.. Agad kong ikinapa kapa yung mga bulsa ko at may nakuha akong 20 dollars dahil sa saya ko halos mapasigaw ako sa saya pero matauhan din ako dahil biglang natanggal yung scarf na nakatakip sa bibig ko, kaya agad naman akong umayos.

Habang nag lalakad ako, saktong may nakita akong mall pero kailangan pang tumawid para makapunta dun.

Pumunta ako sa crosswalk at nag hintay ako hanggang sa mag green yung traffic light para makatawid ako at ganun din yung mga ibang tatawid.

Nakaramdam ako ng init kaya inalis ko na yung scarf ko. Oo tama kayo, hahayaan ko nang makita nila yung mukha ko.

Habang nag hihintay ako, naririnig ko yung mga ibang babae dito na nag uusap tungkol sakin. Tama ba yung ginawa ko?

"Ohmygosh it's andrew smith! Look at him." Narinig kong sabi nung isa.

"Hey, its andrew smith ohmygosh he's so freaking handsome!!" Sabi naman nung isa. Ikr

"Oh my god, is that andrew smith?"

"Look at him, he's so freakin' hot and handsome, no wonder he's a super model in london." Sabi naman nung isa. Madami pang nag uusap tungkol sa'kin at may mga nag papicture din sakin. Mukhang mali yatang hinayaan kong makita nila yung mukha ko.

Model din kasi ako London, si daddy kasi may isa siyang sikat na modeling company sa london at dahil anak niya ako, isa na'ko sa mga sikat na model na hawak nung agency na yun. Ganun din si steve pero dito siya sa NYC nag momodeling. Habang si sophie naman.. bunsong kapatid ko nga pala si sofia, sophie for short. Pinag focus nalang siya sakanyang studies dahil 13 year's old palang siya.

Sa totoo lang ayokong maging model, pangarap ko talagang maging cardiologist hindi ang pag momodeling. Pero habang tumatagal, napapamahal na ako sa career ko ngayon.

Ilang sandali, habang nag hihintay kaming makatawid bigla namang nag first snow fall at napatingala naman kaming lahat sa sky at nung tinignan ko ito may pumasok sa isip ko na isang ala-ala nung 11 years old ako. Napangiti ako dahil sa naalala ko.

Naalala ko yung taong napaka importante sa buong buhay ko na pinangakuhan ko, minsan na nga ako mangako sakanya hindi ko pa natupad.

Simula pa lang nung mga bata pa kami mag kaibigan na kami dahil mag kaibigan yung mga parents namin. halos hindi na kami mapaghiwalay sa sobrang close namin at lagi siyang umiiyak kapag umaalis ako.

Sobrang pangarap niyang makahawak ng snow at makapag laro nito kasama ako, at nangako kami sa isa't-isa na matutupad yung pangarap niya kasama ako.

Hanggang sa dumating yung 10th birthday niya. madalas akong hindi nakakapunta ng birthday niya kasi december. sa tuwing december kasi pumupunta kami ng pamilya ko para mag bakasyon dito sa new york simula nung dito na naninirahan si mommy at daddy. At 4 days before nung araw ng kaarawan niya at nangako ako sakanya na dadalo ako sa birthday niya pag uwi ko galing america, at yun na din yung araw na nangako kami sa isa't-isa walang iwanan kahit anong mangyare. At nung araw na nangako ako sakanya yun din yung araw na pupunta kami dito sa new york nila mommy. Naalala ko habang mag kasama kami at nag k-kwentuhan sa terrace nila, kinuha ko yung mga sintas ng suot suot kong sapatos at ginawa ko itong bracelet, at kulay puti ito. Nakikita ko kasi yung classmate ko dati na gumagawa ng bracelet gamit yung shoelaces niya at natutunan ko namang gawin yun dahil madali lang naman.

Matapos kong gawin yung bracelet isinuot ko ito sakanya, at napaka saya niya habang tinitignan niya yung bracelet sa kanyang kamay. Naalala ko pa nga dati, umuwi akong walang shoelaces at dahil dun nahirapan akong mag lakad. Nang makauwi na'ko, pinagalitan ako ng lola ko dahil wala yung shoelaces ko.

At nung makarating kami dito sa NYC ang buong akala ko babalik pa kami ng pilipinas agad agad kasi yun yung sinabi sakin ni mommy dahil ayokong sumama, pero yung akala kong babalik kami ay hindi nangyare.

Naalala ko pa nga halos umiyak ako ng 1 week at halos araw araw ko din pinipilit sila mommy na iuwi ako sa pilipinas pero hindi parin nila ako pinagbibigyan. Hindi ko alam kung bakit pero simula nung araw na sinabi sakin ni daddy na kailangan ko nang kalimutan yung kaibigan ko dahil hindi na ako babalik ng pilipinas. Sobra akong nagalit sakanya dahil sa sinabi niya. Dahil sa sobrang galit ko kay daddy bihira ko siyang kinakausap at lagi ko siyang sinusuway hanggang ngayon.

Napayuko nalang ako matapos kong maalala yung ala-alang iyon.

Ilang sandali tumunog na yung traffic light at nag green na ito at nag umpisa nakong mag lakad.

Habang nag lalakad ako may nakasalubong akong babae na parang pamilyar ang kanyang itsura at napansin ko agad ang kagandahan nito, matangos ang kanyang ilong, katamtaman lang ang haba ng buhok niya. Naka suot siya ng earphones sakanyang tenga at color brown yung suot suot niyang coat at sweatshirt naman ang kanyang panloob na damit.

Hindi ko napigilang mapatitig sakanya at parang tumigil yung pag ikot ng mundo nung magtama ang aming mga mata.

Pamilyar talaga yung itsura niya kaya inisip ko agad yung hawig nung nakasalubong ko.

Matapos kong makatawid nag look back ako, pero yung inaasahan kong mag look back din siya hindi siya ay hindi nangyare, nag patuloy parin siya sa paglalakad.