webnovel

Chapter: 39

" sige ingat ka... I miss you loisa..." Muli pang saad ni jordan sa kabilang linya.

Agad namang pinamulahan ng mukha si eloisa ng marinig niya ang sinabi ni jordan mula sa kabilang linya. Hindi niya alam ang isasagot dito. Ilang segundo ring namayani ang katahimikan sa kanila.

Hanggang sa ang binata na ang bumasag ng katahimikan.

" sige na loisa.. Baka ma-late ka.. Ingat ka palagi.. I love you... "

At nawala na ito sa linya. Habang ang dalagang si eloisa naman ay napahawak sa kanyang bibig gamit ang kanyang palad na animo'y nagulat sa ginawang pag-amin sa kanya ni jordan ng nararamdaman.

Nang mahimas-masan ay agad na itong tumayo at naligo. Matapos maligo ni eloisa at makapag-bihis ay agad na rin siyang gumayak para pumasok ng opisina. Naisipan niyang sa opisina nalang siya kakain ng agahan.

Pagka-rating niya ng opisina ay wala pa si joy kaya kumain na muna siya para pag dating ni joy ay tapos na siyang kumain.

Ngunit tapos na siyang kumain at makapag - toothbrush ay hindi parin ito dumarating. Habang nag tatali siya ng natuyo niyang buhok ay tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya muna tinapos ang pag-pupuyod ng kanyang buhok. Kinuha niya na muna ang kanyang cellphone na kasakukuyan pang nasa loob ng kanyang bag. Nang makuha niya ang kaniyang cellphone ay kaagad niyang tiningnan sa screen kung sino ang tumatawag. At nakita niyang pangalan ni david ang lumalabas na pangalan sa screen. Nang malaman niyang si david ay Agad niya namang sinagot ito.

Dahil kung si jordan ang tumatawag ay wala siyang balak kausapin ito.

" hello loisa good morning!..nasa office ka na ba? Na-istorbo ba kita?.."  Bungad nito kay eloisa.

"  good morning! Yes sir kanina pa po ako nandito sa office.. Hinihintay ko lang po si joy dahil may ibibilin ako dito. Naka-schedule po kasi ako na bumisita sa isa pang site na pinapa-manage niyo.. Bakit po sir may kailangan po ba kayong ipa-gawa?.." Tugon ni eloisa kay david.

" ahmm.. Wala naman loisa.. Gusto lang sana kitang imbitahan sa nalalapit na birthday party ni Mommy.. Nextweek na kasi yun.. Dito sa bahay gaganapin.. Isama mo na rin yang assistant mong si joy.. "

" ah okay po sir no problem.. Sige po pupunta po kami.. I-text niyo nalang po sa akin kung mga anong oras kami pupunta.. " tugon ng dalaga kay david.

" alright sige remind nalang kita bago ang araw ng kaarawan ni Mommy.. Thanks loisa! Ba-bye!.. "

Paalam nito kay eloisa at nawala na ito sa linya. Ang dalagang si eloisa naman ay ipinag-patuloy ang naudlot niyang pag-aayos ng kanyang mahabang buhok.

Matapos niyang makapag - ayos ng buhok ay nag-pahid siya ng Lipstick sa kanyang labi. Maya-maya pa ay bumukas na ang pintuan at iniluwa doon si joy na mukhang hinihingal pa sa pag-mamadali.

" good morning loisa! Sorry ngayon lang ako nakarating sinakitan kasi ako ng puson kanina.. Akala ko nga hindi ako makaka-pasok.. Kanina ka pa ba diyan!?"

Agad na paliwanag nito pagka-pasok palang ng pintuan. Dumiretso ito sa table niya at inilapag lang ang bit-bit nitong bag at naglakad sa mini kitchen nila upang kumuha ng maiinom.

" oo maaga akong dumating kanina dito na kasi ako kumain ng agahan.. Kinain ko yung tirang ulam natin diyan kahapon sa reff.. Nag baon lang ako ng kanin mula sa bahay.. Tumawag nga pala si sir david pina-papunta tayo sa bahay nila sa linggong darating dahil birthday daw ng mommy nila.. "

" ay ganun sige pag-hahandaan natin yan loisa.. Sa linggo ng umaga sama ka sa akin daan tayong parlor para magpa-beauty.. Sabihan ko rin si rina na sumama na sa atin para sabay-sabay na tayong maka-punta sa bahay nina sir david.." saad pa ni joy kay eloisa.

" okay sige no problem.. Ikaw na ang bahalang mag-sabi kay rina ha.. " tugon ng dalagang si eloisa dito.

Tinawag niya si joy na lumapit muna sa kanya. Nang makalapit naman ang babae ay i-diniscuss niya isa-isa dito ang mga ipapagawa niya. Nang masabi niya naman lahat ang mga dapat niyang ibilin dito ay kaagad na siya nag-paalam na pupunta na siya sa kabilang construction site dahil marami pa siyang aasikasuhin doon.

Sa kabilang site naman ay may assistant din siya doon. Ito ang nag-rereport sa kanya ng mga bagong update sa trabaho. Habang si eloisa naman ay pa bisi-bisita nalang doon every other day.

Samantala sa kabilang dako.

Nakapag-decide na ang binatang si jordan na ipag-tapat na sa kanyang nobya ang gusto niyang mang-yari. Buo na ang kanyang loob na makipag-hiwalay na dito dahil wala na talaga siyang nararamdaman dito. Maliban sa pagmamahal nalang bilang kaibigan dahil ilang taon din naman ang pinag - samahan nila bilang magka-sintahan.

Nang araw ding mismo na iyon ay pinuntahan niya si Roxanne sa hotel na tinutuloyan nito.

Nakaka-ilang katok na siya sa pintuan nito ngunit wala Paring sumasagot. Nag-hintay pa siya ng ilang minuto bago muling kumatok. Nang wala pa ring nag-bubukas ng pinto ay nag-decide na siyang tawagan ang babae upang ipaalam dito na  nandito siya sa labas mismo ng unit nito.

Habang idina-dial ni jordan ang ang numero ng kanyang nobya sa kanyang cellphone ay na pukaw ang kanyang atensiyon nang may marinig siyang dalawang taong nag-uusap na para bang nag-lalambingan habang nag-lalakad ito palapit sa gawi niya.

Parang nabo-bosesan niya ang babae. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niya si roxanne ang kanyang nobya na mayroong kaharutan sa pasilyo na isang lalake. Matangkad din ito ngunit maputi at maganda ang panga-ngatawan.

Naka-pulupot ang braso ng lalake sa balakang ng kanyang nobya. Hindi siya napapansin ng dalawa habang nag-haharutan. Mas lalo niya pang iniyuko ang kanyang ulo para hindi siya kaagad makilala ni Roxanne.

Nag-lakad siya ng dahan-dahan palayo sa pintuan ng unit ni roxanne ng may sampung hakbang na ang layo niya sa pintuan ng unit ni Roxanne ay huminto siya at nag panggap na may ka-text.

Pero ang totoo ay sa gilid ng kanyang mata ay palihim siyang naka-tingin sa mga ito at nag-mamasid. Nang tumapat na ang dalawa sa unit ni roxanne ay kaagad na binuksan ng babae ang pintuan ng kanyang unit.

Nang mabuksan ito ng babae ay Nakita niyang sabay na pumasok  ang dalawa sa loob ng unit. Nag-hintay pa siya ng kinse minutos nag-babaka sakaling may kinuha lang ang dalawa sa unit at biglang lumabas ulit ang mga ito. Ngunit tatlumpung minuto na ang naka-kalipas ay hindi parin lumalabas ang mga ito.

Nag-tiim ang bagang ni jordan sa isiping may ginagawa ng iba sa loob ng unit ang dalawa. Nasasaktan parin siya sa isiping nakikipag-talik ito sa iba bukod sa kanya.

Halos mag-iisang oras na siyang naka-tayo at nag desisyon na siyang katukin ang mga ito.

Naka-tatlong beses palang siyang kumatok ng may mag-bukas ng pinto. Ang lalaki ang nag bukas at naka-tapis lang ito ng tuwalya sa pang ibabang bahagi.

" anong kailangan nila?" sabi ng lalaki kay jordan.

Ubod lakas naman na itinulak ni jordan ang pintuan upang maka-pasok siya sa unit. Hindi naman kaagad naka-huma ang lalaki dahil sa pagka-bigla sa ginawa ni jordan. Nang tuluyan siyang maka-pasok ng unit ay hindi niya kaagad nakita ang kanyang nobya. Nag-tuloy siya papuntang banyo upang alamin kung nandoon si Roxanne.

Sinusubukan pa siyang pigilan ng lalaki ngunit mas malakas siya dito. Hindi pa niya naratating ang banyo ay lumabas ang kanyang nobya na naka hubo't hubad ito. Lumaki ang mga mata ni Roxanne ng makita siya nito. Hindi ito maka-paniwala na nasa harapan niya ngayon si jordan ang kanyang nobyo.

" Jordan mag-papaliwanag ako.."

Agad na saad sa kanya ng babae.

" hindi mo na kailangan mag-paliwanag pa roxanne nakita ko na ang dapat kung malaman.."

Naka-pamewang si jordan habang sinasabi niya iyon sa babaeng si Roxanne. Habang ang isang lalaki naman ay tahimik lang na na-kikinig sa usapan ng dalawa.

" dapat na talaga tayong mag-hiwalay roxanne. Ikaw na mismo ang nag-bigay sa akin ng dahilan para tapusin na kung anumang relasyon ang meron tayo ngayon! " muli pang saad ni jordan sa babae.

" hindi jordan let me explain first! Hindi ako papayag na mag-hiwalay tayo.. "

Tugon ng babae at dali-dali itong tumakbo palapit kay jordan. Nang makalapit ang babae kay jordan ay yumakap ito dito. Pilit na tinatanggal ni jordan ang dalawang braso ni Roxanne at nang tuluyan niya ng matanggal ang braso nito ay bahagya niya itong itinulak.

" hayaan mo muna siyang mag-paliwanag pre!"

Narinig niyang nag-salita ang lalaking kasama ni Roxanne. Tiningnan niya ito ng masama at nag-salubong ang dalawa niyang kilay.

" huwag kang makiki-alam dito kung ayaw mong madamay!" pa sigaw na tugon ni jordan sa lalake.

Wala namang na gawa ang lalaki kundi ang manahimik nalang muna at mag-hintay sa kung anong maaring gawing masama ni jordan sa babae.

Ang babaeng si Roxanne naman ay muling tumakbo papalapit sa gawi ni jordan at pilit parin siyang yumayakap dito. Sa puntong iyon ay napa-lakas  ang pagkaka-tulak ni jordan dito. tumilapon pa ito sa paanan ng kama. Bahagya pang nagulat si jordan sa kanyang na gawa. Wala naman talaga siya balak na saktan ito.

Doon na nag desisyong lumaban sa kanya ang lalaking kasama ng kanyang nobya at nag pam-buno sila. Iyak naman ng iyak ang babae habang pilit silang ina-awat.

Sa bandang huli ng pareho silang mapagod ay huminto sila at pareho silang hinihingal walang gustong magpa-talo sa dalawa. Ngunit duguan ang mukha ng lalaking kasama ni Roxanne habang ang kay jordan naman ay bahagyang namula lamang ang mukha nito.

" inuulit ko tapos na tayo roxanne! Hindi ko kailanman mata-tanggap na magagawa mo sa akin ito! Mula ngayon ay wala na tayong paki-alamanan sa isat-isa!"

Matapos sabihin iyon ay kusa nang lumabas ng unit si jordan.

Nag ngingit-ngit siya sa galit. Hindi niya matanggap na na-isahan siya ni Roxanne. Naisip niya na maa-aring dati pa iyon ginagawa sa kaniya ni Roxanne nung mga panahong okay pa sila.

Samantalang siya ay nag-pipigil na makipag-talik sa iba dahil alam niyang may kasintahan siya. Sa bandang huli ay naisip niyang maganda na rin ang nangyaring iyon para tuluyan na silang magka-hiwalay ni Roxanne at nang maligawan na niya ng pormal si eloisa.