webnovel

Chapter: 38

Nang biglang tumayo si jordan mula sa kanyang pag-kakaupo.

" please roxanne huwag ka na munang sumabay ngayon.. Masyado akong maraming iniisip.. Please ako nalang ang pupunta sayo kapag hindi na ako busy.."

Pag-susumamo ni jordan sa kanyang nobya. Bahagya pa itong umiling pagka-sabi niyon.

Umismid naman sa kanya ang babae at muling umupo ito sa kanyang table ng naka pa-ekis pa ang dalawa nitong braso sa dib-dib.

Habang si jordan naman ay unti-unti nang sina-sara ang butones ng kanyang polo at maging ang zipper ng kanyang pantalon.

" sige pag-bibigyan kita ngayon Jordan pero make sure na sa susunod ay nasa mood ka na at ako lang ang aasikasuhin mo!..

Tuparin mo yang sinabi mo na ikaw naman ang pupunta sa hotel na tinutuluyan ko dito.. Nawawalan ka na ng oras sa akin jordan.. Halos isang taon ka nang ganyan sa akin.. Hindi ko nga alam kung mahal mo pa ako eh.. "

Mahabang litanya ng babae kay jordan. Nang matapos niyang sabihin iyon ay tumayo na ito ng table at dahan-dahang lumapit kay jordan na inaayos parin ang necktie ng kanyang suot na pulo.

Nang makalapit ang babae dito ay ipinulupot nito ang braso sa leeg ni jordan at tinitigan nito sa mga mata si jordan.

Si jordan naman ay hindi maka-tingin ng tuwid sa babae. Dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin dito na gusto na niyang makipag - hiwalay dahil may mahal na siyang iba.

Humugot ng malalim na hininga si jordan mula sa kanyang dib-dib. At tumingin ng deretso sa mga mata ng babae.

" sige na roxanne please.. Promise nextweek pupuntahan kita sa hotel na tinutuloyan mo bago ka umalis papuntang italy.. Hectic lang talaga ang schedule ko ngayon.. "

Paliwanag naman ni jordan dito upang kumalma ang babae. Nang ma-ramdaman ng babae na sincere si jordan sa mga sinasabi nito ay ngumiti ito ng tipid dito at masuyong hinalikan si jordan sa labi. Gumanti naman ng tipid na halik si jordan dito.

" sure yun honey ha.. Pupuntahan mo ako okay.. At gusto ko bumawi ka sa mga pag-kukulang mo sa akin.. Ang dami mo na kayang utang sa akin!.."

Saad ng babae dito at bahagya pa itong Umismid kay jordan.

Nginitian naman ito ng tipid ni jordan bago tumugon dito.

" oo promise babawi ako.. "

Tanging na-isagot ni jordan dito upang tuluyan ng umalis ang babae dahil hindi parin siya mapakali sa ibinalita sa kanya ng secret agent kanina na kausap niya.

Gusto niya sana kontakin itong muli ngunit paano niya iyon gagawin kung kasama niya parin si roxanne.

Muli pa siyang hinalikan ni Roxanne sa labi bago tuluyang lumabas ng kanyang opisina.

Nang makalabas na ng office ni jordan ang babae ay nag-buga ng hangin si jordan mula sa kanyang bibig at dinampot ang cellphone na kanyang hinagis kanina.

Tiningnan niya ang harapang bahagi nito ng damputin niya mula sa sahig. Laking pasalamat niya ng hindi man lamang ito na basag. Tila walang bakas ito na naihagis niya kanina ng malakas.

Kakabili niya lang kasi ng kanyang cellphone isang araw palang ang nakakalipas. May kamahalan ang bili niya ng cellphone na nagkaka-halaga ng 3,500 dollars.

Marahil sa taas ng halaga nito kaya hindi man lang nasira ang kanyang cellphone. Wala naman kay jordan ang ganung laki ng halaga barya lang ito sa mga kinikita niya kada araw sa mga hotel at restaurant palang na mismong pag mamay-ari niya.

Gusto niya lang mailabas kanina ang inis na nararamdaman niya.

Pag-dating kasi sa babaeng lihim niyang minamahal ay nagiging malambot siya.

Agad siyang nakakaramdam ng selos kapag may iba itong kausap. Lalo na kapag may ibang humahawak dito. Ganun niya kamahal ang babaeng pa-sekreto niyang pina-babantayan.

Sa kabilang dako naman..

Ay masaya ang dalawang nag ku-kwentohan habang nag-lalakad pabalik ng parking area. Matapos kasi nilang kumain kanina sa restaurant ay napag kasunduan nilang mamasyal muna sa isang peryahan na malapit lang din sa mall na pinang-galingan nila kanina.

Masaya nilang nilaro ang lahat ng pa-laro ng naturang peryahan.  Kung kaya't hindi na nila namalayan ang oras at ala sais  na pala ng gabi.

Napag-kasunduan pa ng dalawa na muling kumain dahil nagugutom silang muli. Ilang oras na rin kasi ang lumipas ng huli silang kumain ng meryenda.

Nag-presinta pa ang lalaki na ihatid ang dalaga sa inuupahan nitong apartment. ngunit tumanggi ang dalaga dahil dala naman daw nito ang kanyang sasakyan.

Ganap na alas otso imedya na ng gabi ng maka-uwi ng apartment si eloisa. Kaagad itong nag-linis ng katawan bago ito nag-palit ng damit. At nang matapos na itong mag-bihis ay kaagad na rin itong pumasok ng kanyang kuwarto.

Bago siya humiga sa kanyang kama ay tsinek niya muna ang kanyang cellphone. Nagulat siya ng sunod sunod na nag-ingay ang kanyang cellphone at nakita niyang maraming text messages sa kanya si jordan.

malamang ay tumatawag din si jordan sa kanya ngunit hindi siya makontak nito. Marahil ay walang signal sa pinuntahang lugar nila kanina ni adrian.

Hindi na nag atubili pang mag reply si eloisa dito. Naisip niya kasi paano nalang kung kasama pala nito ang kanyang nobya. Mapag-kakamalan pa siyang babae ni jordan gayong wala naman talagang namamagitan sa kanila kung meron man ay ang pagiging kaibigan lang nila sa isa't isa.

Sa isang banda ay talagang na mimis niya ito. Pero sa isip niya siya lang din ang masasaktan kapag umasa siya na magiging sila sa huli.

Bumuntong hininga ng malalim ang dalaga bago pinatay ang ilaw ng kanyang cellphone at tuloyan na itong humiga ng kama.

Kinabukasan pagka-gising palang ni eloisa ay tinawagan niya agad si ella upang ipa-alam dito na mayroon na siyang cellphone na de camera at ma-aari na silang mag-videocall sa tuwing mag-uusap sila. Binanggit niya na rin dito na mayroon na siyang sasakyan dahil ni-regaluhan siya ng kanyang boss na si david.

" wow, ibang level na talaga ang beshy ko!.. May pa-video na siya ngayon kapag tumatawag!.. Idol na talaga kita loisa sana marating ko rin ang narating mo noh.. Para matuwa naman sa akin sina nanay at tatay..

Ang galing mo naman kasi talaga loisa.. You deserve kung anumang meron ka man ngayon.. Except sa pag-kawala ng nanay mo.."

Mahabang litanya sa kanya ni ella. Narinig niya pang Pumapalak-pak pa ito sa kabilang linya.

" baka next week ella lumuwang na ang schedule ko magpa-file ako ng leave para maka-uwi diyan.. Kamusta na nga pala wala parin bang balita sina kapitan sa nanay ko?"

" yun nga loisa.. Wala pa nga rin eh.. Mukhang napapagod na nga sina kapitan kaka-tanong.. Pero pina-titingnan parin naman niya sa kanyang mga tanod ang bahay ninyo.. Hindi na rin bumalik yung sinasabi ko sayo dati na dalawang lalaki na umaaligid sa bahay ninyo.. " tugon ni ella kay eloisa.

" ganun.. Siguro nga pagod na sila.. Isang taon na rin kasing nawawala si nanay.. Paki-sabi kina kapitan ella mag-papadala ako ng bente mil tulong ko na yun sa kanila sa pag-hahanap sa nanay ko kahit wala ako diyan.. Ikaw na ang bahalang mag distribute sa kanila.. Paghati-hatian nalang nila..

At mag-papadala din ako ng sampung libo para naman sa inyo ng mga magulang mo dahil palagi ninyong nililinis ang bahay namin kahit na walang tao.."

Saad din ni eloisa kay ella.

" naku maraming salamat loisa.. Malaking tulong iyan sa amin lalo na ngayon na graduating na ako mas marami ng gastusin sa school.. Tiyak na matutuwa nito sina inay at itay kapag nalaman nila.. Maraming salamat talaga loisa.." muli pang tugon ni ella dito.

" walang anuman ella.. Diba sabi ko naman babawi ako sa inyo.. At ito na yung time na makakabawi ako sa inyo.. "

Muli pang tugon ni eloisa kay ella. May ilang minuto pa silang nag-usap na dalawa. Maya maya ay nagpa-alam na sa kabilang linya di ella dahil malapit na daw itong umalis papasok ng school.

Nang mawala na sa linya si ella at akmang ilalapag na ni eloisa ang kanyang cellphone ay bigla itong tumunog. Si jordan ang tumatawag.

" good morning loisa.. kamusta ka? Mukhang nag-enjoy ka sa date mo kagabi ah.." bungad sa kanya ni jordan.

Nag-salubong ang mga kilay ni eloisa sa narinig kay jordan. Nag-tataka siya kung paano nito nalaman na may ka-date siya kagabi at si adrian yun.

Bakit ano bang paki-alam niya. Wala naman kaming relasyon. Kaya wala siyang karapatan na pag-bawalan ako dahil hindi niya ako pag mamay-ari.

Saad ni eloisa sa kanyang isip. Tumikhim muna siya bago mag-salita.

" bakit Jordan? Wala na ba akong karapatang makipag - date sa iba.. Wala naman tayong relasyon diba.. Kaya may karapatan parin akong tumanggap ng manliligaw kung gugustuhin ko. At tsaka bakit mo nga pala alam na may ka-date ako kagabi? Pina-susundan mo ba ako?! "

Pag-tataray ni eloisa kay jordan. Hindi parin nawawala ang pag-salubong ng kanyang kilay habang nag-hihintay ng sagot ni jordan sa kabilang linya.

" hindi kita pina-susundan loisa.. May naka-kita lang sayo na isa sa mga kasambahay namin.. sa mall na may ka-date ka nga daw.. Tumawag kasi ako sa bahay namin kahapon upang kamustahin sina daddy at yung kasambahay na yun na nag day-off kahapon ang mismong naka-sagot ng phone at nabanggit niya lang naman sa akin dahil natatandaan ka niya noong nag-punta ka ng bahay.. "

Pag-papa lusot ni jordan dito. Nag buga pa ito ng hangin dahil iniisip niya na baka hindi maniwala si eloisa sa sinabi niya. Alam niyang matalino ito at baka mag-duda na sa mga pinag-gagawa niya dito.

" hello loisa nandiyan ka pa ba?.. Bakit hindi ka na nag-salita?.."

" oo nandito pa ako. Sige na iba-baba ko na itong phone.. Mag-aasikaso na ako dahil maya-maya ay aalis na ako papunta ng office.."

Tugon ni eloisa dito na medyo kalmado na. Gusto niya na kasing iwasan si jordan hangga't maari dahil habang tumatagal na  sinusuyo siya nito ay palalim ng palalim din ang nararamdaman niya para dito. Nakapag-decide na siyang tuluyan ng iwasan ito.