webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah ยท Urban
Not enough ratings
129 Chs

Kiss at Selfies

Naging regular na bisita ni Yen si Jason.

Araw araw pagkagaling nito sa trabaho ay dadaan ito kay Yen para sabay silang maghapunan. Dumalas na din ang kanilang paglabas tuwing week end. At tuluyan na ngang naging parte ito ng buhay ni Yen.

At kahit araw araw na sila nagkikita ay madalas pa din silang magkatext.

Lahat ng bagay na di pa nadadanas ni Yen ay nakita niya kay Jason. Lahat ng hinahanap niya noon kay Jeff ay nakay Jason. Wala na...pakiramdam niya talaga ay si Jason na. Sana... sana nga.

Gayunpaman ay hindi pa rin nabubura ang pangamba sa isipan ni Yen. Iniisip pa rin niya na isang araw ay magbabago ito at iiwan din siya. Advance siya mag-isip. Kahit napakaganda ng samahan nila, ay inihahanda na niya ang sarili. Ang lahat ng ito ay pansamantala. At ang ending? MAGBI-BREAK DIN SILA.

Hinahanda na ni Yen ang puso niya kung sakali man na mawala ito sa buhay niya. Alam niyang masakit iyon. Kung ang simpleng bagay nga na binigyan mo ng importansiya pag nawala malulungkot ka eh yung mahal mo pa kaya?

Oo. Mahal niya si Jason.

Nakaupo sila sa swing. Maliwanag ang buwan at maganda ang langit.

" pahiram nga pala ng cellphone ko baby " wika ni Jason

Inabot naman ito ni Yen sa kanya. Madalas pag magkasama sila ay pinahahawakan ni Jason ang phone niya kay Yen. Kahit na may magtext dito ay hindi niya pinapansin. Ang kinatutuwa pa ni Yen ay pag nasa labas sila si Jason ay palaging sa kanya lang nakatingin.

Nasilaw si Yen sa ilaw na nag flash sa phone nito.

" magpipicture ka pala di mo ako ininform" sabi ni Yen dito.

" pangit ng camera ko. " wika ni Jason.

" pangit ako? " bingi-bingihan blues. Pinandilatan ni Yen si Jason.

" Ui, hindi ah. wala akong sinabi. " nakangusong sabi naman ni Jason.

" sa phone mo nalang tayo mag selfie maganda camera mo ee " wika nito.

Pumayag naman si Yen. Inakbayan siya nito tapos click.

Niyakap siya nito, tapos click.

At pinaka huli ay Kiss. then click.

Nagsalubong ang kilay ni Yen na tinawanan naman ni Jason.

" bakit? " tanong nito habang nakatawa pa rin.

" girlfriend ko ba hindi pwede ikiss?? " muli siya nitong niyakap.

" anu ito remembrance? " tanong ni Yen.

Ewan niya kung bakit pakiramdam niya ay nag iiwan na ito ng remembrance. Parang ganun. Kinakabahan siya na baka kaya nito ginawa iyon ay para may mababalikan siyang alala pag iniwan siya nito. Bakit ba ganun siya mag isip?

" upload mo yan ha? tag mo ako. " wika nito.

Upload para anu? para ipakita sa ex ganon? Gayunpaman ay inisip nalang niya na dahil baka ok lang dito na i-announce sa mundo na may sila. Lantaran nga nitong ipinaalam kina Jonathan at sa buong compound ni Madam Lucille na sila na ee. At plano pa nitong ipa-meet sa kanya ang kanyang parents. Bakit pa ba siya magdududa?

" or gusto mo ako nalang ang mag upload?" wika nito.

Naglog in ito ng social media account sa phone ni Yen.

" hindi ko pa pala nabubura yung picture namen ni trixie." wika nito.

Walang reaksiyon si Yen. As in wala din talaga siyang maramdamang kahit ano. Parang wala naman siyang pakealam kung buburahin niya ito o hindi. Para sa kanya ay boyfriend palang ito. Kung anu man ang tumatakbo sa utak nito ay hindi niya kontrolado. Kung meron man siyang gustong gawin ay malaya siyang gawin. Bakit niya ba ito sasakalin, kung para sa kanya, para sa kanya. Kung iiwan siya, iiwan siya. Ganun lang. Kung sakali man na niloloko siya nito, hindi na niya pananagutan iyon. Ang mahalaga, totoong minahal niya si Jason at hindi siya nagloko kagaya ng ex nito.

Pero yon dahil hindi niya pa nakikita ang mga pictures na sinasabi nito.

Kahit iniiwan nito ang cellphone sa kanya ay never niya pa niya itong sinilip. Mabuti pa ito at nakaka-kalkal lahat sa phone niya. Pero siya ay never nag usisa ng phone nito.

" baby one more selfie" sabi nito.

" kiss" nakanguso nitong sabi.

Sinamaan niya ito ng tingin at humalakhak naman ito. At niyakap siya sa likod.

" harap ka saken" bulong nito.

Nagtindigan nanaman ang balahibo ni Yen. Gayunpaman ay sinunod niya ito. Nakahawak pa rin ito sa bewang niya.

" Sayaw tayo" sabi nito.

dug-dug, dug-dug, dug-dug, dug-dug

Tila may naghahabulan sa dibdib ni Yen. Nakakabingi ito. Pakiramdam niya ay napakaganda niya ngayon.

Walang tugtog. Tanging liwanag ng buwan, simoy ng hangin at malakas na tibok ng puso ni Yen.

Inangkla niya ang kanyang mga kamay sa leeg nito. At nagsayaw nga sila.

Masyadong malapit ang kanilang mga mukha. Hindi maintindihan ni Yen ang init ng pakiramdam na yon. Nararamdaman niya ang higpit ng pagkakahawak ng nito sa bewang niya at dahan lumuwag at humaplos sa kanyang likod.

Naktitig sila sa isa't isa. Hinalikan ni Jason ang kanyang noo, inilapapit nito ang kanyang mukha, dinikit ang noo nito sa noo niya. Ilong sa ilong...

" mahal kita" pabulong na sabi ni Jason.

Parang nalunod si Yen sa kung anong damdamin na hindi niya kilala. Saglit lamang iyon at kumintal sa kanyang labi ang isang halik. Magaan... mainit... puno ng pagmamahal napapikit si Yen. Hanggang ang halik na iyon ay lumalim nang lumalim... nang naramdaman ni Yen na kumilos na ang mga kamay nito sa kanyang katawan ay bigla siyang napatigil. Bahagya niya itong itinulak palayo.

" bakit? " tanong ni Jason.

" loko ka ah. Pakasalan mo muna ako. " natatawang inirapan niya ito.

Tumawa naman si Jason at muli siyang hinapit nito sa bewang.

" wag ka magbibiro ng ganyan. pag tinutoo ko yan wala nang atrasan. " sagot naman ni Jason.

" malalim na ang gabi. umuwi ka na. " pagtataboy ni Yen dito.

" pwedeng mamaya konti?" ani Jason.

Hindi na nakasagot so Yen dahil muli nanaman siyang hinapit sa nito sa bewang siniil ng mainit na halik. Anupat wala na yata silang ginawa kundi maghalikan nalang.

Malaking bagay kay Yen ang dignidad. Para sa kanya di baleng halikan siya nang halikan, wag lang kunin ang kanyang dangal.

Oo. Virgin siya.

Iningatan niya ito at ipinangako sa sarili niya na kung sino ang sisira nito ay yun din ang kanyang mapapangasawa.. Yon ang turo ng kanyang ina. Isang lalaki lang dapat. conservative ha?

Ang tanong... matutupad kaya?

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

nicolycahcreators' thoughts