CHAPTER 19
--ALEX:
"Ano'ng kailangan mo?" Matigas na sabi ni Godyr kay Buzzer habang nakatingin ito nang masama sa kanya.
"Hoy! Idol ko 'yan, 'wag mo nga siyang ganyanin! 'Kala mo naman kung sino ka, mas matanda sa'yo ang kausap mo pero kung umasta ka parang kaedad mo lang!" Gusto kong sabihin sa kanya 'yan pero hindi ko na lang tinuloy kasi baka magbangayan kami sa harap ni Buzzer.
Nakakahiya yun sa idol ko 'pag nagkataon.
"Papadala ko kayo sa isang mission." Seryosong sagot naman ni Buzzer at hindi na niya pinansin ang kabulastugan na pagtrato sa kanya ni Godyr.
"W-what?! What the hell are you thinking old man?!" Pasigaw na sabi ni Godyr.
Kanina pa siya huh, ngayon naman sinisigawan niya si idol, kainis.
"Yes, mission... You have no choice but to follow me young man." Sabi ni Buzzer habang nakakunot na ang noo
Sige lang Buzzer, magalit ka at pagalitan mo ang walang galang na 'yan hahah.
"For what reason?" Tanong ni Godyr sabay buntong hininga ng malalim.
Wait, kanina ko pa napapansin na out of place ako sa usapan nila huh.
Akala ko ba kaming dalawa ang kakausapin ni Buzzer, but then sila lang ang nag-uusap.
Bago pa talaga akong ma-OP sa kanila, nagsalita na ako.
"Buzzer, If you don't mind, I'll just want to ask why do you want tosend us ona mission? We don't even know each other, and besides, we don't know your reason. Also, we're both fighter, not a detective." Mahabang sabi ko na dahilan para mapalingon silang dalawa sa'kin.
"Nice question Azhrect, but before that, I just want to tell you na hindi talaga magkalaban ang dalawang ga--" Hindi na niya natapos ang sabihin niya nang sumigaw ako
"What?! What do you mean?!"
"Let me finish my sentence first miss." Mahinahon na sabi ni Buzzer kaya nakaramdam ako ng kaunting hiya.
"Uhm, sorry." 'Yan lang ang nasabi ko sa kanya habang nakatungo.
Tumikhim muna siya bago ulit magsalita
"It's okay miss. As what I've said earlier, hindi totoong magkalaban ang dalawang gang na sinalihan niyo. Magaka-kampi sila kumbaga. Naglalaban sila, pero hindi ibig sabihin no'n na magkaaway sila. Mahilig lang talaga silang magpustahan. And ang main reason kung bakit sila naglalaban kanina ay, para makausap ko kayong dalawa. Naging mahirap sa'kin na hanapin kayo kasi masyadong private ang personality niyo, lalo ka na Azhrect." Sabi ni Buzzer sabay tingin sa'kin.
At pinagpatuloy niya ang sinasabi niya.
"Kumakailan ko lang din nalaman ang totoong identity mo Azhrect. I wonder kung paano mo naitago ang identity mo sa loob ng ilang taon. So hindi na ako nagsayang ng time para makaharap ka. And before I forgot, kaya kayo nandito ay dahil gusto ko talaga kayong makita lalo ka na Azh, madaming nagsasabi na malakas ka raw sa pakikipag-laban. Kaya naisip kong ikaw ang kasama ni Godyr para sa mission. And I hope papayag ka Azh." Dagdag pa niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Magtataka pa sana ako kung paano niya nalaman ang identity ko pero hindi na ako nag-abalang magtanong kasi alam ko namang isa siya sa mga pinaka-maimpluwnesiya na tao.
Madami siyang koneksyon dito sa Pilipinas.
"Okay." Sabi ko na lang.
Pero bigla na lang akong may naalala kaya sinundan ko agad ang sinabi ko.
"Pero hindi ako sigurado kung pupunta ba talaga ako sa mission na sinasabi mo Buzzer. Kasi in the very first place, naguguluhan pa rin ako kung para saan ang mission na sinasabi mo at paano ako pupunta kung nag-aaral ako. At masasabi kong mahirap humabol sa lessons, and baka hindi ako payagan ng magulang ko na umabsent sa school. Panghuli, hindi ko kilala kung sino ba talaga itong si Godyr kasi ngayon ko lang din siya nakita." Sabi ko habang nakaturo kay Godyr na nasa tabi ko.
Sa totoo lang, nung sinabi ni Buzzer na papadala niya kami sa isang mission ay talagang hindi na ako nagdalawang isip para hindi sumama.
Una, siya si Buzzer na idol ko.
Pangalawa, alam kong masaya ang mission.
Pangatlo, gusto ko lang talagang sumama sa mission kahit naguguluhan ako at 'di ko alam kung para saan ba iyon.
Yun nga lang, madami akong proproblemahin kung nagkataon.
Lalo na sa school at sa parents ko, baka hindi nila ako payagan.
"Bago pa kita ipatawag dito, naayos ko na 'yang problema mo Azh. Una, ang mission niyo ay hanapin ang taong ipapahanap ko, panagalawa, naipaalam na kita sa parents mo about sa mission and pumayag naman sila. Nasabi ko na rin sa school na hindi ka makakapasok ng ilang linggo at pumayag din naman sila, you are excused na daw sabi ng dean at may-ari ng school, at panghuli, ipapakilala ko sayo si Godyr mamaya kaya wag kang mag-alala." Sagot naman ni Buzzer.
"Wait, alam ko pong maimpluwensiya kayong tao, pero hindi ko ma-imagine na basta-basta niyo na lang napapayag ang mga magulang ko at nagawa niyong kumbinsihin ang may-ari ng school na liliban ako sa klase ng ilang linggo agad-agad." Mahabang sabi ko naman.
"I have my ways Azh." Sabi naman ni Buzzer sabay kindat sa'kin.
Grabe si Buzzer oh, nagfi-feeling bagets kasi kung makakindat wagas haha.
Tsaka nagtataka lang talaga ako, kasi kung ako nga, sasabihin ko sa parents ko na may pupuntahan ko ang mga kaibigan ko sa States, nahihirapan akong paki-usapan sila.
Eh ngayon, eto namang si Buzzer na hindi naman sila kilala eh, pinayagan agad nila na ipadala ako sa isang mission. Tsk.
"Ahhhhh." 'Yan lang ang nasabi ko habang tumatango-tango.
"So, ano na?" Tanong ni Buzzer sa'kin.
"Wait, ano pala ang mapapala ko kapag nagawa ko na I mean namin ang mission?" Tanong ko.
Syempre, 'di ako magsasayang ng oras at araw para lang sa isang mission na wala naman akong mapapala.
Kaya mas mabuti nang maging wise ako para naman may inspiration ako habang ginagawa ko ang mission.
Ayo'ko kasing umasa, yun bang ginawa mo ang lahat ng makakaya mo, pero sa huli wala ka din lang mapapala, ikaw din lang ang masasaktan.
"You'll find yourself." Nakangiting sabi ni Buzzer sa'kin.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.