webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · Teen
Not enough ratings
54 Chs

Chapter 18

CHAPTER 18

--ALEX:

'Di ko ineexpect na sasaluhin ako ni Godyr para lang 'di ako matumba sa gitna ng laban namin.

Habang nasa bisig niya ako, biglang nag-flash sa isip ko yung moment na sinalo rin ako ni Jacob.

Aaaisssh, ba't ko iniisip ang unggoy na yun? Psh, buset kasi yung pagmumukha niya.

And the worst is, yung pakiramdam na naramdaman ko no'ng sinalo ako ni unggoy at nitong si Godyr are just the same, 'yon bang parang may umakyat na kuryente sa buong katawan ko.

Siguro pareho yung feeling kasi pareho nila akong sinalo.

Syempre, dahil matalino ako, habang hawak niya ako, ginawa kong way 'yon para umatake.

Sinuntok ko agad siya, dahilan para mabitawan niya ako, pero agad ko ring nabalanse ang katawan ko kaya hindi ako nabagsak sa sahig.

Laking gulat ko na lang kasi naiwasan niya ang suntok ko, kasi mostly ng mga nakakalaban ko, napupuruhan, eh siya, ni isang galos wala.

Inatake ko siya nang inatake, wala akong pake kung mapagod ako, malakas ang stamina ko kaya hindi ako agad napapagod pagdating sa laban na gaya ito.

Pansin kong wala talaga siyang balak na labanan ako, puro iwas lang ang ginagawa niya, kahit napaka bilis kong kumilos ay lagi siyang nakakalusot sa mga atake ko.

Nilalamig na rin ako kasi naka arconditioned itong pianagdadausan ng laban namin, remember, mansion kami naglalaban kaya ang sosyal lang.

At hindi rin kami nangangamoy sa pawis kasi may exhaust fan eh haha, tsaka kahit pawis na tong mga kalaban namin ay 'di parin nangangamoy.

Ang bango pa rin ng mga kalaban kahit tagaktak ang pawis nila. Ano'ng nilalabas ng katawan nila, pabango?

Iba na talaga kapag big time tsk.

Dalawang oras na akong umaatake kaya medyo napapagod na rin ako, kasi for the first time na may nakalaban ako ng ganito katagal and take note, hanggang nagyon ' di ko parin siya natatamaan.

Huminto ako saglit para makapag-ipon ng lakas para sa susunod kong atake.

Nakikita ko ring wala pa ring, planong umatake si Godyr.

Akala ko ba malakas siya?

Ba't 'di nya ako inaatake?

Kung wala pala syang planong makipaglaban edi 'di na lang sana siya sumali sa gang fight, kasi mukhang hanggang iwas lang kaya niyang gawin eh, hindi ata to marunong lumaban tsss.

Pati ang Exotic Phoenix at kalaban namin na bagsak kanina ay halatang nakakaramdam ng tensyon sa paligid.

Tinignan ko siya nang mabuti, at napansin kong medyo hinihingal na rin siya gaya ko.

Kating-kati na akong tapusin 'tong laban na 'to para makapagpahinga na ako kasi talagang gustong-gusto ko nang makita ang malalambot na unan para matulog.

Syempre,gusto ko na ding matanggap ang premyo ko.

Aatake na sana ulit ako nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Enough." Mahinahon ngunit maotoridad na sabi ng matandang boses na nakapag-pataas ng balahibo ko sheeezzz. May pakiramdam na ako kung sino 'to kung boses ang pagbabasehan.

Paglingon ko sa likod ko na tama ang hinala ko, na ang nagsalita lang naman ay ang isa sa iniidolo kong gangster sa buong buhay ko, si .....

Buzzer. Haha nakakatawa name niya noh, pero iniidolo ko 'yan wag kayo hehe.

Oo, tama kayo ng basa, INIIDOLO ko siya. Sa paraang isa siya sa mga pinakamalakas na gangster, at sa pagiging isa sa mga pinaka-maimpluwensyang tao sa mundo.

Kahit alam ko sa sarili ko na malakas ako, syempre meron pa rin akong idol.

Kahit 81 years old na siya ay 'di parin nagbabago ang lakas niya.

His abilities remains the same as the time passes by.

Kaya niya pa ring kumalaban ng hanggang 20 na kalaban nang sabay-sabay.

"W-what?" Sabi ni Godyr.

Hindi ako umimik kasi wala akong masabi, ikaw ba naman makita ng harap-harapan ang idol mo malamang ma-speechless ka.

Hindi naman kasi ako gaya ng mga iba na kapag nakita ang idol nila ay halos 'di sila magkamayaw sa pagsigaw, yung iba nga todo yakap at halik pa sa mga idol nila tsk.

"I said enough." Mahinahon ngunit maotoridad na sabi ulit ni Buzzer.

"Itigil niyo na ang laban kasi base sa nakikita ko, ayaw niyong atakihin ang isat-isa hahahah." Natatawang dagdag ni buzzer.

Ni isa sa mga tao dito sa hide out ay walang nagsasalita.

Sino ba naman ang hindi masho-shock na basta na lang tatawa sa harap mo ang isa sa mga kinakatakutan na gangster sa Pilipinas?

Alam kong nasa Pilipinas siya, pero 'di ko talaga ineexpect na makikita ko siya ngayon mismo sa araw at sa oras na to at sa ganitong lugar pa!

Mostly kasi sa mga nakakatakot ay hindi sila marunong tumawa eh.

0_0??

Di ko ineexpect na matatawa siya sa gano'n na sitwasyon, wow lang huh.

"Pero master Buzzer malaking halaga din ang pustahan namin." Mahinahon pero mababakas ang inis na sabi ni Todz.

"As of now, I just want to talk to these two sub from the different gang." Pamamalewala ni Buzzer sa sinabi ni Todz at pinalipat-lipat niya ang tingin niya sa'min ni Godyr.

At dahil nasa mataas na posisyon na ang nag-utos na tumigil na, kailangan na nilang tumigil.

At nang makaalis na ang dalawang gang, tinuro niya ang isang bench na nasa tabi, sign para umupo kami doon.

"I've watched your fight awhile ago." Pagsisimula niya agad nang makaupo kami sa bench at habang siya, nakatayo sa harap namin.

Walang umimik sa'ming dalawa ni Godyr at hinintay ang susunod na sasabihin niya.

Pero napapansin kong hindi mapakali ang katabi ko sa upuan niya, pero 'di ko na lang pinansin 'yon kahit naiinis ako sa kanya kasi nga 'diba pinatagal niya yung laban edi wala akong premyo.

Pero thanks to him din kasi kung hindi niya pinatagal ang laban, hindi ko makikita si idol. ^_^

"Did you know each other?" Dagdag ni Buzzer dahilan para magkatinginan kami ni Godyr at iniwas din ang tingin namin sa isat-isa.

"No." Sabay na sabi namin dahilan para magkatinginan uli kami at sabay iwas nanaman. >_<

"Then, what happened? Magkalaban kayo pero parang ayaw niyong labanan ang isat-isa." Seryosong tanong ni Buzzer dahilan para mapayuko ako at nakita ko rin si Godyr sa gilid ng mata ko na napayuko din.

Hindi ko nga din talaga alam eh kung ba't parang ayaw niya akong atakihin at parang ayoko din siyang atakihin.

"I don't know."

>>_>> ------- <<_<<

Sabay nanaman na sabi namin ni Godyr, kaya napatingin kami sa isat-isa ulit at bakas sa mga mata niya ang gulat kaya tinignan ko naman siya nang nanlilisik ang mata ko.

At matagal din bago ko iniwas ang tingin ko sa kanya.

Nakakainis, feeling ko tuloy nababasa niya ang isip ko or iisa lang ang laman ng isip namin tsss.

"Hahahahahaahhahahaa." Malakas na tawa ni Buzzer dahilan para mapatingin ulit ako or sabihin na nating kami ni Godyr sa kanya tss.

"Nakakatawa hahahah kayo hahaha!" Natatawang sabi ni Buzzer.

'Di ko ineexpect na ganito pala siya tumawa, akala ko nakakatakot siya, buti 'di siya atakihin sa puso kakatawa.

Hindi kami nagsalita ni Godyr at pinanuod lang namin siya tumawa, hanggang sa tumigil siya.

"Uhm okay, sorry for what I've acted earlier haha, kasi naman para kayong mga asong takot na takot sa leon haha, gano'n ko ba kayo natakot? Hehe sorry na talaga, sabay at pareho pa talaga kayo ng sinasabi kaya naiisip ko tuloy na parehas kayo ng iniisip o sadyang kaya niyo lang basahin ang isip ng isat-isa hahahahaha." At nagpakawala nanaman siya ng malakas na tawa. -_-

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts