webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasy
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 8, part 3 : Vengeance of the wronged

Binalik ni Clyde ang tingin sa pinuno na mga ito. "As you can see or feel, binigyan ko kayo ng chance to be free. You can go up." Turo ni Clyde sa langit. Sinundan ng lima ng tingin ang hintuturo ng hunter.

Sa ibabaw ng mga mangkukulam, napansin nila ang makapal na bumabalot na liwanag. Bumalik sa alaala ng mangkukulam ang nangyari sa kanya ilang dekada na ang nakakakipas.

"Sino ka?" Kunot-noong tanong ng mangkukulam.

"Ako si Clyde, isang hunter." May malapad na ngiting sagot ni Clyde. Kumabog ang dibdib n'ya. Na-excite s'ya dahil mukhang nagkainteres sa kanya ang pinuno. Hindi n'ya mapigilang mas lumawak ang ngiti. Umabot na ito hanggang sa kanyang mga tenga. Hindi n'ya mapigilang tumaas ang expectation sa balak n'yang itanong.

"Pwede bang magtanong?" Nanliliit na matang tanong ng hunter sa mambabarang.

"E, ano bang ginagawa mo? Hindi ba nagtatanong ka na?" Matalas na tanong nito. Namula ang mukha ng hunter lalo pa at nagtawanan ang apat na mangkukulam.

Napakamot sa ulo si Clyde. "Ang sungit mo naman. Meron ka pang isang option. Actually kayong lahat." Baling n'ya sa apat.

"Kung ayaw n'yo pang umakyat sa taas, I can help you with that. Kung napansin n'yo marami akong summons. They can revive infinitely. You can say they are technically immortals. If you agree to form a soul contract with me, you can be like them. Hindi ba nakaka-tempt ang idea na pwede kayo ng maging imortal?" Pinagkiskis ni Clyde ang mga palad n'ya.

"Bastos ka rin talaga 'no? Tingin mo ba papayag kami sa ideyang maging tauhan mo? Matapos mo kaming paslangin? Sinong nasa tamang pag-iisip ang gagawa noon? At lalong walang papayag ni isa rito na huminga ng kaparehong hangin na hinihinga ng isang tao. Na-curious lang ako kanina kung paano mo na-control ang liwanag na 'yon. Hindi 'yon nabubuksan ng sino lang. Mga anghel lang o mas matataas sa kanila ang nakapagbubukas noon. Nakita ko na 'yon dati ng may sumundo sa'kin. No one will agree with you. Tandaan mo 'yan." Nakangiting turan ng mambabarang pero hindi ito abot sa mga mata n'ya. Kita mo pa n'ya ang nakatagong pinipigil na pagpupuyos rito.

"E, kalma lang. Sinubukan ko lang naman. Kung may pagkakataon kasi akong mapalabas kayo sa future sa harap ng ibang tao, pababayaan ko kayong gumala. Tingnan din natin kung pwede kayong kumain. Maraming masarap na pagkain sa labas. Cake, ice cream at marami pang iba. Pero parang ang tindi ng galit n'yo sa mga tao, wag na lang pala." Depensa naman sa argumento ng hunter.

"Pero anong ibig sabihin mo? Nakita mo na ang ganyang liwanag? Bakit parang galit na galit kayo sa mga tao?" Curious na taking ni Clyde.

Tumikhim lang ang pinuno bago ito nanahimik. Tila ba wala itong balak maki-cooperate. Pasuko na sana ang hunter ng umimik ang isa sa apat na mangkukulam.

"Bakit hindi mo ikwento sa kanya pinuno?" Pagputol ng katahimikan ng dilag na may maamong mukha. S'ya ang plant witch.

"Sang-ayon ako kay Rose, Brenda. Mukhang iba naman s'ya sa mga taong 'yon." Segunda ng matanda.

Kumunot ang noo ng pinunong ang pangalan pala ay Brenda. Bumuntong hininga ito at tumingin sa mangkukulam na may probokatibong pananamit. "Ano sa tingin mo Erika?"

"I don't really care. Aakyat na rin naman ako." Mataray na sagot nito sabay walang pag-aatubiling umakyat sa liwanag.

"Eba?" Tingin nito sa pinakabata.

"Kayo na pong bahala. Kung ano pong desisyon ng karamihan, doon ako." Sagot ng bata. Napansin ni Clyde na mas mature ang bata manalita kesa sa mga kaedad n'ya.

Bumalik ang atensyon n'ya kay Brenda.

"Nangyari 'yon bago sumabog ang Pinatubo." Isinalaysay ni Brenda ang paraan ng pagkamatay at kung saan s'ya namatay. Napagtanto ni Clyde na ang nasaksihan n'ya sa second floor ng dungeon ay ang kamatayan ni Brenda.

"Lahat ng nandito ngayon ay pinatay ng mga tao. Pinagbintangan kaming lahat ng mga walang katotohanang paratang. Na mga kampon kami ng kadiliman. Na kami raw ay mga mambabarang at mangkukulam. Lahat kami ay sinunog ng buhay sa sarili naming mga pamamahay." May poot na paglalahad ni Brenda sa istorya nilang lima.

"Nagulat ka ba? Oo, mga tao rin kami. Pero nagawa nila... ng mga taong 'yon na kami ay paslangin dahil sa buktot nilang mga paniniwala. Dahil lang sa hindi kami palasalamuha. At nakatira kami sa mga liblib na lugar ay nagawa nilang akusahan at gawan kami ng hindi tama. Sa tingin mo magtitiwala kami sa'yo gayong isa kang tao at pinaslang mo rin kami?" Matalas na tanong nito sa dulo.

Napayuko lang ang hunter. Wala naman s'yang magagawa sa sitwasyon. Kahit s'ya ay nagulat din sa rebelasyon. Mas pinili n'yang makinig na lang. Kahit ano pa kasing sabihin n'yang mga dahilan o mabubulaklak na salita ay wala ng mababago pa. Nakaranas sila ng pagmamalupit sa mga tao.

"Lahat kami ay piniling manatili sa mundo. Tinakasan namin ang mga anghel na dapat ay gagabay sa'min sa liwanag ng kami ay susunduin na. Dahil sa matinding pagnanasang magantihan ang mga nagkasala sa'min. Doon kami sa panahong 'yon nagkakilala. Matagal-tagal din kaming nanatili sa mundo bilang mga kaluluwang-ligaw. Hindi namin pinatahimik ang mga pumatay sa'min. Binibisita namin sila sa kanilang pagkakahimbing. Pinapaalala ang kanilang pagmamalupit. Kailangan nilang magdusa." Galit na tumatawang saad ni Brenda. Nakakatakot ang itsura nito.

"Hanggang sa dumating ang grim reaper. Pinagbantaan kami nitong sapilitang dadalhin sa impyerno kapag hindi namin tinigil ang ginagawa." Nabalot ng takot ang mukha ni Brenda habang sinasaad ang tungkol sa parteng iyon.

"Pero hindi kami nakinig. Tinuloy namin ang paghihiganti. Hanggang umabot sa puntong namatay ang isa sa mga pinaghihigantihan ko sa bangungot." Bunghalit ni Brenda ang sumunod.

Hindi mo maipagkakailang naging miserable ang buhay ni Brenda. Hanggang sa maging kaluluwa s'ya ay nanunoot sa kaibuturan n'ya ang poot. Nilamon ang pagkatao n'ya ng galit sapagkat kumikilos ito para lang sa isang adhikain. Ang maghiganti. Nakakatakot ito. Habang nagkwekwento, napagtanto ni Clyde na para itong isang nababaliw na kaluluwa dahil sa binalot na nga ang puso nito ng galit.

"Dumating s'ya! Ang grim reaper! Hindi ako nakapalag. Masyado akong mahina kumpara rito. Dinala n'ya ako sa impyerno." Nanginginig ang boses na kwento nito. Napayuko ito at hinawakan ang s'ya

"Anong nangyari pagkatapos?" Hindi mapigilang tanong ni Clyde.

"Tinuloy namin ang paghihiganti." Napabaling si Clyde sa nagsalita. Ang matanda. Itinuloy nito ang kwento matapos kunin ng grim reaper si Brenda.

Sa takot nila, pinagpaliban muna nila ang plano.

"Huminto kami saglit, pero hindi rin 'yon nagtagal. Masyado kaming galit sa mga tao para itigil 'yon ng matagal. Mababalewala ang pagtakas namin sa liwanag kung hindi namin itutuloy ang paghihiganti. Kasunod na nakaganti si Erika. Pero sa unang pagkaganti pa lang n'ya, kinuha na s'ya ng reaper. Doon napaisip kami. Dapat pa ba naming ituloy 'yon? Kung itutuloy namin, hindi naman namin makukumpleto ang paghihiganti. Kaya nagkasundo kaming kung isa lang ang mapapatay namin, ang mga leader ang pupuntiryahin namin." Duktong ni Rose, ang babaeng may maamong mukha.

Nagsalitan ang dalawa ng pagsasaad ng buong kwento. Habang si Eba, ang bata ay nasa isang tabi lang at tahimik na nakikinig.

Naikwento rin ni Rose na pamangkin n'ya si Eba. Na minalas lang ang pamangkin. Nadamay lang ito. Ihinabilin sa kanya ng kuya ang anak. May inaasikaso kasi 'yung ama ni Eba sa panahong nangyari ang nangyari. Wala kasi itong mapag-iiwanan dahil single dad ang lalaki.

Hindi nagtagal, isa-isa silang nagtagumpay sa paghihiganti. Isa-isa rin silang kinuha ng grim reaper. Una ay si Erika. Pangalawa ang matandang si Lita. Pangatlo ang batang si Eba. At ang pinakahuli ay si Rose.

Nang tinanong ni Clyde kung anong nangyari matapos silang kunin ng reaper, sumakit ang mga ulo nila. Wala silang rekoleksyon sa pinagdaanan sa impyerno. Nanginginig sila kapag pinipilit alalahanin ang pinagdaanan.

Mukhang kahit hindi maalala ng isip, ang kanilang mga puso ay tanda ang takot.

"Ang naalala na lang namin matapos ang pagdadala sa'min ng reaper ay may tumawag sa'min. Binigyan kami nito ng pabor upang makapaghiganting muli sa mga tao. Hindi namin maalala kung sino s'ya. At ganoon nga kami nakarating sa dungeon. Sa totoo lang, unang beses namin itong pakikipaglaban." Saad ng mga babaeng biktima ng kalupitan.

Napaisip ng malalim at hunter.

Galing sila sa impyerno?

Tapos may kumausap sa kanila kaya sila naging dungeon monsters?

Ganoon ba ang lahat ng dungeon monsters?

Galing lahat sa impyerno?

O isa lang itong paraan?

Ano ba ang dungeon monsters?

Mga halimaw ba silang talaga o mga biktima lang din sila?

Ano ba ang dungeon?

Inasunto ng maraming katanungan ang isip ni Clyde dahil sa isang bagay tungkol sa dungeon na nadiskubre.

Naputol ang malalim na pag-iisip ni Clyde at bumalik sa ulirat.

"Kung wala ka ng itatanong aalis na kami. Maraming salamat sa pagkakataong binigay mo sa'min." Yumuko ang matandang si Rose kay Clyde.

"Tara na!" Aya ng matanda kay Brenda. Tahimik na sumunod ang pinuno sa tatlong kasama.

Huminto ang pinakabata sa apat. May pag-aalangan itong humarap kay Clyde. "Pwede ba talaga akong kumain ng ice cream?" Namumula ang pisnging tanong ni Eba.

Nagulat ang hunter pero nakabawi rin agad. "Oo naman."

"Ugh! Tita Rose, tara na." Humingang-malalim na aya ni Eba sa tiyahin. Tumingkayad ito at hinila ang palapulsuhan ng tiyahin.

Hindi sumunod si Rose. Tiningnan nitong mabuti si Clyde habang nakakunot ang noo. Maya-maya pa, nginitian s'ya ng babae. Yumuko ito at nagsalita.

"Pwede bang humingi ng pabor? Pwede mo bang isama ang pamangkin ko? Masyado pa s'yang bata ng namatay s'ya. Nanakaw nito ang kabataan n'ya. Please show her the world." Pakiusap ni Rose.

Ngumiti ng tipid si Clyde. Nilingon n'ya ang bata. Hinihintay n'ya ang desisyon ng batang babae. Na agar namang naunawaan ng matalinong bata.

"Tita ano pong sinasabi n'yo? Tara na po! Di na po, promise natin na lagi tayong magkasama?" Natatarantang pangungumbinsi ni Eba.

"Hindi Eba. Let's tweak our promise a bit, okay? I'm tired of this world. Pero ikaw gusto mo pang makita ang mundo. You're still curious. Kilala kita. Hindi mo maitatago sa'kin 'yon. Stay here. I'll wait for you on the other side, okay? Promise me?" Ihinaya ni Rose ang hinliliit n'ya kay Eba. She wants a pinky promise.

Wala namang nagawa ang bata. Kita n'ya sa mukha ng tiyahin na desidido na ito. They did the pinky promise.

"Mr. Hunter, ikaw na ang bahala sa pamangkin ko. Hindi marami ang hihilingin ko. Hindi ko hihilingin na i-pamper mo s'ya o kung anuman. Just treat her right. Thank you!" May pumatak na luhang pakiusap n'ya kay Clyde.

"I don't do promises. But I'll do my best." Pinangako naman n'ya sa sarili na at least papakainin n'ya ng ice cream ang bata kapag nakakita s'ya ng chance.

"Lumapit ka sa'kin Eba." Tawag n'ya sa batang babae.

Inumpisahan ni Clyde ang soul contract. Binind n'ya ang pact nila gamit ang 2nd slot sa Holymancer general. Hindi ang binding scroll.

Sa tingin n'ya beneficial ang paggamit n'ya sa bata ng slot. Isang tao ang bata. Meaning intellectual type. Mas mae-execute nito kahit ang mas komplikadong mga utos. Intrigued s'ya sa potensyal ng kapangyarihan nito. Kung may limitasyon ba ang ability n'ya to replicate summons? Kahit naman merong limit, hindi naman disadvantageous sa kanya. At least makaka-create s'ya ng mas maraming shields para ma-lessen ang atakeng kailangan n'yang iwasan. The more, the merrier ika nga.

Hindi n'ya ginawa 'yon dahil sa hininging pabor sa kanya ng tiyahin nito. Hindi dahil naaawa s'ya sa pinagdaanan nito. Hindi dahil she find her smarts and looks adorable. Not that for sure.

Pinagpaalam na n'ya si Eba sa mga kasama. Pinaliwanag n'ya ring hindi makakapagsalita si Eba sa oras na ma-bind na n'ya sa soul contract. Nangamba pa nga s'ya na baka magbago ang isip nila. Pero wala s'yang balak itago ang katotohanan. Kung mag-backoff sila maiintindihan n'ya.

Nag-hesitate man, nagkasundo silang ituloy 'yon dahil hindi man nakakapagsalita ay alam naman nilang nakakaintindi pa rin ang mga summon.

Pagkatapos n'yang i-bind si Eba, pinapunta n'ya s'ya sa mga kasama para makapagpaalam. Habang abala ang apat, ininspect ni Clyde ang status ng ikalawang Holymancer general.

Napasinghap s'ya sa nakita. Higit ito sa inaasahan ng hunter.

...

Name : Eba Demaloca

Race : Witch

Level : 3

Stats :

Strength : 10

Vitality : 10

Agility : 10

Intelligence : 45

Perception : 30

Undistributed points : 0

Skills :

Special :

Holymancer's Attribute (Max Level/Passive) :

Adds Life and Death attribute to the holymancer and his summons.

Gives complete immunization against evil, demonic, death, holy, and life attribute or skills.

Amplifies the use of holy and life related attribute and skills greatly.

The boost is a hundred percent of every summon individual.

Holy and life attributed skills effectiveness doubles.

For example, a healing skill that heals ten percent would be twenty percent or a hundred health points recovered would instead be two hundred.

Racial Skill :

Hex (Passive) - A witch race specific skill. They proficient in using dark magic to cast a curse or spell that would inflict damage to that targeted individual. The process and effect varies from which variant they are from.

Individual Skill :

Witch Family (Active) (Level 1)  : Create a replica of someone else by using that individual's hair, skin, scale or any part of a living being genes to be used as a tool to create a minion through supernatural means.

It can materialize by using a voodoo doll. The doll together with the genes transforms to be a replica. The replica will have an unwavering loyalty to the witch. Those replicas' would have a tenth of the originals' power. The minions have the ability of growth. Can have an unlimited number of minions. It can be destroyed though.

Mana required : Half the amount of user's mana.

Cooldown : 5 seconds

Skills :

Slots open : 2 slots

1st Slot :

Passive :

Wizardry (Lv. 1) - Increases the user's intelligence by five percent.

Active :

(Empty)

2nd slot :

Passive :

(Empty)

Active :

Dimensional Realm - A dimension where the user can put his things including living being as long as the living being entered with his own volition. It was like Clyde's Holymancer Realm where it was a separated dimension where human and living things live. It's appearance was that of the nature. Night and day is working there. It was relatively smaller in space compare to Clyde's. Its actual size depends on the users intelligence and magical prowess.

Equipment :

Weapon 1 : (Empty)

Weapon 2 : (Empty)

Armor : Elemental Royal Robe (Spiritual-Growth)

- A robe made by the greater spirits for elemental world royalties. It have the highest affinity with nature being created by the best elemental craftsmen. It has great resistance to any element magic. Greater harmony and efficiency using magic and mana.

Other functions :

- Raises the wearer's intelligence by fivefolds when using it.

- Raises the wearer's magic resistance by fivefolds when using it.

...

Isinet n'ya ang distribution ng stat point na lahat sa intelligence. Binili n'ya ang isang free skill na sa tingin n'ya ay sobrang fit kay Eba. Ang rank 10 skill. Dimensional realm. At maging ang libreng rank 10 equipment na Elemental royal robe.

...

Matuling tumakbo ang isip ni Clyde. Plinano na n'ya kung saan n'ya ifo-focus ang stats. ni Eba. Ang tipo ng mga skills na idadagdag n'ya sa future.

Yung kakayahan pa lang mag-replicate infinitely as long as may source ng mana ay nakakatakam na. Iniisip pa lang ni Clyde ang pressure na mararamdaman ng kalaban ni Eba knowing na it can produce clones, at the fact na hindi nila alam kung gaano karami ang kayang i-replicate n'ya. Paniguradong madi-distract sila one way or another.

...

Tsinek din n'ya ang level ng mga summon. Ang lahat ng summon na nag-participate sa boss battle ay tumaas ang level ng isa.

Samantalang siya at si Alejandro ay tumaas ng dalawa.

...

[Holymancer System]

Player's name : Clyde Rosario

Sex : Male

Age : 26

Occupation : Holymancer

Level : 16

Stats :

Health : 200/200

Mana : 600/600

Strength : 10

Vitality : 20

Agility : 20

Intelligence : 60

Perception : 20

Undistributed stats : 0

Skills :

Special :

(Max Level)

Holymancer System (Main)

- Holymancer Attribute

- Holymancer Realm [119/260]

- Holymancer Summons [119/300]

Skills :

Conceal (Lv. 1)

Dungeon seeker (Lv. 1)

Lighting (Lv. 1)

Earth cage (Lv. 1)

Earth needle (Lv. 1)

Cleanse (Lv. 1)

Bouncing soul creepers (Lv. 1)

Lightning barrage (Lv. 1)

Treaty of equality (Max level)

...

Name : Alejandro

Race : Dwarf

Grade : Minion

Level : 5

Stats.

Health : 805/805

Mana : 200/200

Str : 30

Vit : 45(2+)

Agi : 10

Int : 20

Per : 10

Undistributed stat points : 0

...

"Aalis na kami. Ikaw ng bahala sa pamangkin ko." Anunsyo ni Rose.

Isa-isa ngang pumasok ang tatlong babae sa liwanag matapos kumaway sa tahimik ng si Eba. Hinimas ni Clyde ang ulo ng bata.

Napabuntong-hininga s'ya. Hindi n'ya kasing magawang magsaya ng lubusan. Knowing the fact na merong mga katulad nila Eba at Brenda. Na sa totoong buhay ay pinagmalupitan at pinaslang ng kapwa nila tao, para sa walang kapararakang kadahilanan.

Hinandugan n'ya ng isang sinserong dasal ang mga ito. Matinding hiling n'ya na sana ay makaakyat sila ng ayos sa kaharian sa langit, sa piling ng Ama. Na sana hindi na sila makaranas ng hinagpis at pagdurusa.

Dismayado s'ya sa mga taong kayang gumawa noon. Na may kakayanan silang ibintang ang masamang pangyayari sa iba.

Talagang sa ganoong mga panahon lumalabas ang tunay na kulay ng tao. Doon mo malalaman kung sino ang tunay na mabuti at kung sino ang masama.

Doon makikita ang makakasarili. Yung mga kayang isakripisyo ang iba para lang mailigtas ang sarili. Yung may kakayanang i-justify ang paggawa ng masama ng hindi nakokonsenysa.

Ngunit higit na mas galit si Clyde sa mga dungeon masters. Ang mga walang-awang nagpapatakbo ng mga dungeon. Nadiskubre n'ya sa dungeon na ito na hindi lang pala tulad n'yang mga tao ang biktima ng dungeon. Hindi lang tulad ng mga magulang n'yang namatay dahil sa outbreak. Mas nagitla s'ya sa posibilidad na maaaring katulad nila Brenda, na ang mga dungeon monsters ay maaaring mga biktima rin.

Naiinis s'ya sa sarili dahil wala s'ya ng nagawa kundi sundin ang kagustuhan ng dungeon. Kinailangan n'yang i-reenact sapilitan ang ginawa ng mga tao kina Brenda para lang mailigtas ang sariling buhay.

Paghupa ng inis, pinagmasdan ni Clyde ang sarili. Madungis s'ya. Puno ng dugo sa natamong mga sugat sa dungeon. Wasak-wasak ang  damit dahil sa mga insektong nakalaban. Maraming butas ang kaliwang bahaging pang-ibaba at pang-itaas n'ya.

Napamewang s'ya ng wala sa oras at napapalatak. Bumuga s'ya ng hanging at inumpisahang bulatlatin ang mga nakuhang damit sa ikalawang palapag ng dungeon.

Sakto ng matapos ang pagpapalit ng damit, bumukas ang lagusan palabas ng dungeon ngayon-ngayon lang.

...

ALAS dyes bente-dos na nakalabas ang hunter sa dungeon. Humigab si Clyde. Inaantok s'ya dahil sa preskong hangin.

Pinagmasdan n'ya ang kanyang suot. Hindi man komportable sa damit, napilitan s'yang magsuot ng hindi n'ya nakasanayan.

He sported a black fitted pants. Tinernohan n'ya ito ng black and red checkered, hooded jacket made of cotton. Nagsuot din s'ya ng isang cotton, black mask na tumatabing sa kalahati ng kanyang mukha.

Malayo ito sa nakasanayang n'yang uri ng pananamit. Mahilig si Clyde sa pagsusuot ng shorts. Sa pang-itaas naman, he would either wear loose shirts or sando. He values comfortability rather than fashion.

He need to bear with it for now. Required kasi ang suot n'ya para sa susunod na destinasyon.

Balak n'yang ibenta ang mga bangkay ng dungeon monsters. Magbabaka-sakali rin s'yang masolusyunan ang problema. Kung paano maibalik ang lamang nabawas sa kaliwang braso.

Kakailanganin n'ya ang tulong ng at least rank A hunter na healer. May kakayahang magbalik ng naputol na parte ng katawan ang mga rank A healers, at least sa mga midler cases. Samantalang ang rank S healers naman ay kayang ipa-recover ng buo ang isang grabeng kaso as long as humihinga pa ang pasyente.

Ang susunod n'yang pupuntahan ay isang black market para sa mga hunter. Nakita n'ya ang topic na 'yon sa forum ng hunter site. Base sa impormasyon sa forum, delikado ang lugar na 'yon. Maraming ilegal na transaksyong nagaganap sa black market. Pero they have much more to offer than normal markets.

Ang drawback nga lang, hindi imposibleng maka-encounter ka ng isang masamang hunter.

Kaya kailangan n'yang ingatan ang sariling identity. Lalo pa at itinatago n'ya talaga ang katotohanan na s'ya ay isang Holymancer.

Merong isang black market na malapit sa kinalalagyan n'ya. Yun ang kanyang pupuntahan. Hindi naman s'ya nag-aalala na sarado 'yon. Sabi sa forum, ang mga black markets ay mas aktibo sa gabi kesa sa araw.

...

"Vice leader, napatawag ka?" Masiglang bungad ni Mark Liu sa tawag ng vice leader ng kanilang guild.

"Nasaan ka?" Seryosong tanong ng vice guild leader ng Dark Resurgence kay Mark.

"Nasa misyon ko. Minamatyagan ko ang bahay ng target." Sagot ng hitman ng Dark Resurgence, habang nakatingin sa bahay ni Clyde mula sa mataas na posisyon.

Nakasandal s'ya sa katawan ng isang malaking puno. Nakapamulsa ang libre n'yang kamay. Nakade-cuatro s'ya habang namamahinga ang katawan sa isang matabang sanga.

Hindi

Hindi s'ya kita rito sapagkat madilim ang pwestong kinalalagyan noon.

"Medyo mahigpit din ang security dito. May mga undercover guards na nakakalat sa paligid." Kwento n'ya habang iginagala ang mata. Nakita n'ya ang mga nakatambay sa ibang-ibang lugar malapit sa bahay ni Clyde. Meron din s'yang napansing nakaparadang sasakyan na mukhang may tao rin sa loob.

"Okay, observe first and report to me if you see anything amiss. Paalala lang! Huwag ka ring madidistract dahil sa mga babae. Focus on your mission." Utos ng vice leader ng Dark Resurgence.

"Don't worry vice leader, I got this. Sa katunayan nga nadiskubre kong maganda pala ang kapatid ni Clyde. And you probably know na I only love two things in this world. First, women. Second, women who is especially beautiful. At pasok s'ya sa dalawang kategoryang 'yon. Wag kang mag-alala, hindi mawawala ang concentration ko sa misyong ito. To tell you the truth, I think I'm going to enjoy this." Bahagyang tumatawang assurance n'ya sa kanyang superior.

"Medyo worried ako kasi minor pa s'ya. Well, on the other hand age is just a number. Doesn't matter to me boss." Halakhak nito sabay dila sa kanya ng pang-itaas na labi.

This guy really has a twisted personality. Isip ng nasa kabilang linya.

Nag-adjust si Mark ng posisyon. Nakaupo pa rin ito sa sanga. Subalit ngayon, hangin na lang ang sinasandalan n'ya. Itinaas ang kaliwang paa sa sanga. Samantalang ang kanan ay nakabitin sa ere. "Vice leader? Boss? Natahimik ka?"

...

Bumaba mula sa jeep ang hunter, sa terminal malapit sa SM City Pampanga. Doon iginala n'ya ang mata. Hindi nagtagal naglakad s'ya para hanapin ang sinadya. Tiningnan n'ya ang screen ng phone n'ya.

Makalipas ang ilang pag-ikot, sa tingin n'ya narating na n'ya ang tamang lugar.

Sa bungad pa lang kumunot na ang noo n'ya. Nagpigil ng hininga ang hunter. Kasi masyadong nakakasulasok ang amoy. Pumasok s'ya sa isang pampublikong palikuran.

"Sigurado bang dito 'yon? Baka naman nagpa-prank lang 'yung nasa forum?" Pag-aalala ni Clyde sa nakikita.

"Pangatlong cubicle." Mahinang utas n'ya sabay tulak sa pinto noon.

Dyoskopo! C.R. ba talaga 'to? Akala ko imburnal. Inis na reklamo n'ya sa sarili. Hindi n'ya magawang magsalita. Pakiramdam n'ya masusuka s'ya 'pag may konti pa s'yang malanghap.

Sinulyapan n'ya ang screen ng phone. Tapos ibinalik n'ya ang tingin sa inodoro. Napalunok ang hunter.

Ihinto ko na lang kaya?

Napatingin s'ya sa kaliwang brasong natatabinggan ng jacket. Paano ko ito papaliwanag sa kapatid ko kung sakali? Kaya konting tiis lang Clyde. Kaya mo 'yan.

Bagamat may pagdadalawang-isip, nagawa naman n'yang hilahin ang pagkabigat na mga paa palapit sa inodoro. Napalunok ito na akala mo ay sisintensyahan s'ya.

Itinago n'ya sa bulsa ang cellphone. Kumuha s'ya ng dalawang tela mula sa system storage. Idiniin n'ya ang isang kamay sa madilaw na pader ng cubicle. Ang isa naman, kahit diring-diri ay naipatong n'ya sa maruming flush ng inodoro.

Sabay n'yang diniin ang mga 'yon gamit ang mga tela. Habag ginagawa 'yon, rinerecite n'ya ito sa isip. "Maraming salapi! Maraming salapi!"

Nang walang nangyari, inulit n'ya 'yon. Hanggang sa bumaon ang isang parte ng pader kasabay ng pag-flush ng toilet.

Bago pa s'ya makapag-react, nalaglags'ya.

Nawala ang tinutuntungan n'ya. Naramdaman n'yang naiwan ang kaluluwa n'ya kasabay ng pagbulusok n'ya pababa. Ang kanyang makapatid-litid na sigaw ay walang nagawa. Sa pagbukas ng sikretong lagusan, s'ya namang pagsasara ng ikatlong cubicle. Pansamantala itong naging soundproof. Sa muling pagsasara ng lagusan ay s'ya namang pagbabalik sa normal ng cubicle. Ang tubig sa loob ng inodoro ay papaikot pa rin pababa.