webnovel

Holymancer (Tagalog-English)

Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga bagay na akala niya ay imposible ng mangyari ay magiging abot kamay niya sa isang iglap.

Kurogane_Hiroto · Fantasy
Not enough ratings
29 Chs

Chapter 9, part 1 : Ang misteryosong masked hunter

Kadiliman ang tanging bumabalot sa paligid. Kahit anong pilit, walang makita ang hunter.

Patuloy ang makapatid-ugat na hiyaw ng hunter habang bumabagsak s'ya. Dumaan ang ilang segundo na pakiramdam ng hunter ay sobrang tagal. Nahinto lang ang malakas na pagsigaw n'ya dahil sa paghinto ng kanyang pagbagsak.

"Argggh!"

Bahagyang na-shock ang hunter. Malayo sa inaasahan n'ya ang nangyari. Padapa s'yang lumanding. Imbes na masaktan sa paglagapak, lumubog s'ya sa binagsakan. Pero sa ilang saglit ay may kung anong pwersa ang nagpatalsik sa kanya pataas. Matapos ang ikatlong pagtalbog ay huminto na s'ya at napirmi sa malambot na lapag.

Kasabay ng paghinto, ang s'ya namang pagliliwanag ng paligid.

Matapos makapag-adjust ng mga mata ni Clyde, nagustuhan n'ya ang nakita. Ang quantum light na may dalawang purpose na naka-fix sa pader. Ang magsilbing disenyo sa kwarto at magbigay liwanag. Ang malamlam na dilaw na ilaw mula sa quantum light na nagco-complement sa light brown na pintura ng pader. Gustong-gusto ito ni Clyde. Hindi kasi ito masakit sa sentisibo n'yang mga mata.

Iginala n'ya ang paningin sa kabuuan ng paligid. Maliit na pa-cuadradong silid. Kung susuruing mabuti, mapapansin n'yang hindi hihigit sa ten by ten meters ang lawak ng espasyo.

Sa pagtingala, pilit n'yang tiningnan ang pinanggalingan. Napagtanto n'yang hindi abot ng malamlam na liwanag mula sa quantum light ang itaas. O marahil masyado ring malalim ang pinagbagsakan n'ya.

Sa pagyuko, napansin n'yang gawa sa makapal na tela ang sinasalampakan n'ya. Na-curious tuloy s'ya kung saan gawa ang malambot na nakatago sa ilalim ng tela. Nang pumihit s'ya, napansin n'ya na rin sa wakas ang isang pares ng pinto. Kulay brown din ito, na may kakitiran. Sa upper half nito ay may dalawang salamin. May katamtamang laking hugis bilog na salamin.

Kinailangan pang n'yang i-maintain ang bahagyang pagtingala para makita itong mabuti.

Tumayo si Clyde. Naglakad s'ya tungo rito habang binabalanse ang sarili. Masyado kasing malambot ang nilalakaran. Nang makarating sa tapat ng pinto ay inihakbang n'ya ang kaliwang paa. Itinapak n'ya sa unang baitang ng mababang kahoy na hagdanan ang paa.

Sa pagdating n'ya sa pinakadulo, hinawakan n'ya ang nagsasalubong sa gitnang mala-teleponong hawakan. Mainit-init. Indikasyong gawa ito sa kahoy. Sabay n'yang itinulak ang dalawang pintuan ayon sa instruction na nakalagay dito.

...

Marahan at wala sa sariling naglakad ang hunter sa loob. Hindi n'ya maiwasang igala ang mga mata dahil sa ganda ng lugar. Hindi n'ya rin namamalayang bahagya ng nakaawang ang kanyang mga labi. Mabuti na lang naitatago ito ng suot n'yang maskara.

Hindi mo naman masisisi si Clyde. Wala sa expectation ito ng hunter. Nang marinig n'ya ang black market, at dahil ilegal iyon, ang inaasahan ni Clyde ay isang maliit na tagong lugar, kung saan napakagulo, sobrang dumi at baho.

Maliban sa tago itong lugar, puro kasalungat na ng kanyang pag-aakala ang nasaksihan.

The place is vintage that perfectly blends with the modern times. The motif of the place is beige, cream and dark brown. It has great visuals combined with its classic and peaceful ambiance.

Malaki at mataas ang lugar. Sa bungad pa lang, pansin na ang circular shape ng lobby. Makaagaw pansin din ang grandiyosong mga disenyo; sopistikadong mga ukit sa marmol na mga haligi, at magagarbong mga muwebles at kagamitan.

Maaliwalas ang lugar. Maliwanag ito dahil sa puno ito ng mga ilaw. Mga standing at table lamps sa ground floor. Sa second floor naman ay maraming hanging lights. Mahalimuyak ang hangin dahil sa mga magaganda't mayayabong na halaman.

Sa gitna ng lobby, nakakapukaw atensyon ang bilugan at makulay na carpet. 

Naputol ang pagkahumaling n'ya sa lugar ng marinig ang yabag na gawa ng mga takong. Sinulyapan n'ya ang pinagmulan ng tunog. Doon nakita n'ya ang isang naglalakad palapit at nakaposturang babae. Nang mapansin ng babae na nakita s'ya ni Clyde, binigyan n'ya ang bisita ng isang matamis na ngiti.

Sa paghinto nito sa harap ng bisita, magkaputong ang mga kamay na yumukod ang babae. Magalang s'yang binati ng empleyado ng lugar.

"Welcome to our humble establishment, sir! Is this your first time in our place? And may I know the purpose of your visit?" Magalang na pagtatanong nito sa wikang Ingles.

"Yes, bago lang ako rito. At may mga kailangan akong ibenta." Sagot ni Clyde. Pilit n'yang iniiba ang tunog ng boses.

"Then follow me, dear customer." May lambing na tono sa boses na hinaya nito ang kamay sa harapan. Inakumpanyahan siya nito. Isang hakbang sa harapan n'ya ang pagitan nila.

Sumulyap sa sa kaliwa. Doon nakita n'ya ang front desk at dalawang receptionist. Nginitian s'ya ng dalawa. Tinanguan n'ya sila bilang tugon.

Dagling binalik ni Clyde ang tingin sa harap. Lakas takbo ang ginawa ni Clyde. Lumaki ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Matuling maglakad ang babae.

Sa pagbaybay sa pasilyo, namutawi ang katahimikan. Tanging ang tunog lang ng takong ng babae ang mauulinigan. Nakatanaw si Clyde sa likuran nito habang sila ay naglalakad.

Hindi n'ya maiwasang mapatingin sa likuran ng babae. Bumaba ang mga mata n'ya sa puwitan nito. Napansin n'ya ang magandang hubog nito sa pormal na kasuotan. Nakaitim na terno ito ng blazer at pencil skirt. Sa bawat hakbang ng babae ay mas naaaninag n'ya ang magandang kurba ng balakang nito.

Hindi n'ya namalayang narating na nila ang pagdadalan sa kanya ng babae, kung hindi pa s'ya nito tinawag.

Namutla s'ya. 

Hindi na ako katulad ng bata-bata pa ko.

Hindi na ganoon kahina ang tolerance ko sa mga kababaihan.

Lalo na ng naging hunter ako.

I let my guard down!

Malaki ang posibleng na hunter ang babaeng ito.

Para akong na-hypnotize sa katawan n'ya.

Posible kayang ganung uri s'ya ng hunter?

In rare cases, may mga hunters na walang offensive abilities, but that doesn't mean they are harmless.

Actually, they have special capabilities envied by others.

In the right circumstances they might be ten times more dangerous.

Hindi sila nagfa-fall sa kahit anong hunter category.

Hindi sila kasing kunat ng mga tank type hunter.

Hindi sila kasing tindi ng fighter o assassin type na mag-deal ng damage using physical attacks.

Hindi rin sila mage type na may showy magical attacks.

Hindi rin sila nag-eexcel sa team battles tulad ng mga auxiliary type gaya ng healers.

Pero they can also change the tide of a battle dahil sa unique ability nila.

What is scary about them?

They use sensory type of attacks.

Hindi man sila nagdi-deal ng direct damage.

Pero kaya nilang i-control ang sinumang naisin nila.

Their attack focus is the senses.

The sense of sight, hearing, taste, smell and touch.

Their enemies' perception is always at their mercy. 

Ang pinaka-notorious na sensory abilities ay illusion at seduction o charm skill.

Napaka-rare ng mga sensory type, pero it doesn't mean they don't exist.

Hindi man sigurado, napagpasyahang magdobleng-ingat ni Clyde.

...

"Sir, let's enter!" Sabi ng babae.

Sumunod na pumasok sa kwartong walang pinto si Clyde. Pinigilan n'ya ang sariling tumingin sa babaeng empleyado.

"Tom, customer!" Tipid na usal ng babae pagpasok sa kwarto. Sinundan ng tingin ni Clyde ang boses na sumagot.

"Paupuin mo muna, Luna." Sabi ng lalaki na seryosong nakayuko sa ginagawa n'ya. Nakatayo ang lalaki. Kalahati lang ng katawan n'ya lang kita. Natatabingan ito ng mahaba at mataas na na mesa. May nakatapat na isang appraisal device sa isang mata n'ya. Ang isang kamay n'ya ay may hawak na kung ano at sinusuri iyon gamit ang device.

Matapos noon pinaupo s'ya ng babaeng nagngangalang Luna sa sofa.

Sapagkat bored na, naglibot ang mata ng hunter sa kwarto. Konti lang ang mga kagamitan doon. May ilang nakasabit na paintings, mga antigong gamit at mga hindi n'ya kilalang bagay sa pader.

Nang matapos ang naunang customer ay tsaka pa lang pinalapit si Clyde.

"Next!" Walang ganang sigaw ng lalaki sa kabilang dako ng table.

Tumayo si Clyde sa pagkakaupo. Ibinuka n'ya ang bibig para magtanong. "Bumibili na kayo ng mga bangkay ng dungeon monsters?"

Napaangat ang tingin sa kanya ng lalaki. Mukhang nagkainteres ng kausapin si Clyde dahil sa tinuran. Ngumiti ito sa kanya at nagtanong pabalik. "Anong klaseng dungeon monster? At nasaan?" Naniningkit ang mga matang titig nito sa kay Clyde. Na para bang sinusuring mabuti ang mukha ng maskaradong hunter.

Sa pagdating nito sa tapat ng mesa ay muling sumagot si Clyde. "Rather than the annoying explanation, mas mabuti pa sigurong ipakita ko na lang sa'yo." Tsaka n'ya inilabas sa system storage ang isang bangkay ng Laughing stallion.

"Laughing stallion?" Wala sa sariling bulalas ng lalaki.

Napalagay ang loob ni Clyde. Nasiguro n'yang alam ng lalaki ang ginagawa. Napangalanan nito ang nilabas na dungeon monster ni Clyde sa unang sulyap pa lang.

"Let's do business." Turan ni Clyde.

Hindi agad nakasagot ang lalaki. Hindi maka-focus ang mga mata ni Tom. Nagulo ang isip n'ya sa sunod-sunod na nasaksihan.

Isang rare na spatial storage! Isang intact na Laughing stallion. Walang kasugat-sugat na namatay. Matuling nag-isip si Tom. Kumalma s'ya. Narating n'ya ang isang solusyon.

"Sir?" Pinatunog ni Clyde ang mga daliri sa harap ng tulalang tauhan ng black market.

Kumurap-kurap si Tom. At bigla na lang itong tumawa na kinabigla ni Clyde. "Okay, sir. Let's do business." This time, lubos na mas magalang ang pakikipag-usap niya sa hunter.

Sinulyapan n'ya ang empleyadong si Luna. Sa pagtatama at senyasan ng mga mata nila, agar silang nagkaunawaan. Nag-arrive silang pareho sa isang conclusion, a major client.

"Luna, papuntahin mo rito si manager." Utos ni Tom. Nagmaadaing umalis ang babae para sunduin ang kanilang superior.

Magiliw na in-interview ni Tom ang hunter. Sa bawat pagtatanong naman sa kanya ng maskaradong hunter, maagap n'yang sinasagot ang mga katanungan nito.

...

Wala pang limang minuto ng lumitaw kasama ni Luna ang isang may katabaang babae. Pagdapo ng paningin nito kay Clyde ay agad itong nagbigay-galang.

Mukhang ito na ang manager nila.

Pasimpleng inobserbahan ni Clyde ang bagong dating. Kahit na nakangiti sa kanya, may palagay s'ya ng matalas ang babae base na sa itsura nito.

"Sir, narinig kong nagbebenta raw po kayo ng mga bangkay ng dungeon monsters? Pwede ko bang malamang kung gaano 'yon karami?" sabi ng manager ng black market.

"Oo naman. Pero kailangan ng malaking espasyo. Preferably sa isang empty warehouse." Suhesyon ni Clyde.

Nagkatinginan ang tatlo. Ang kanilang mga mata ay nagsikislap.

...

Dinala s'ya ng tatlo sa isang warehouse.

Tumango si Clyde, satisfied. Sakto lang ang laki para magkasyang lahat ang mga bangkay. Nilingon n'ya ang tatlo.

"Lumabas muna kayo. Ilalapag ko ng lahat ng mga dungeon monsters mula sa storage ko." Utos n'ya sa mga ito.

Walang reklamong nagsipaglabasan ang tatlo. Doon sila nag-abang sa bungad ng nakabukas na pinto ng warehouse. Nakasiwang ang kanilang mga ulo. Naiintriga sa gagawin ng hunter. Unang pagkakataon din nilang makakita ng isang hunter na may spatial storage.

Makalipas ang ilang saglit ay namangha na lang sila sa nasaksihan.

Dahan-dahan ngunit bulto-butlong napuno ang kanilang warehouse. 'Di nila agad namalayang natapos na sa pag-iimbak ng mga bangkay ang misteryosong hunter sa kanilang pagkagulat sa dami.

Hanggang sa napansin na lang nilang nasa harapan na nila ang hunter. Narinig nila ang pagsasalita nito. May pagkahumal lang ang rehistro ng salita n'ya sa kanila dahil sa suot nitong maskara. Pinapapasok sila ng hunter para suriin, bilangan at presyuhan ang mga dala n'ya.

At nang makabawi ang tatlo, nagmadali silang pumasok sa loob ng warehouse. Pasimple silang nagbunyi. Swinerte sila sa gabing 'yon. Isang malaking transaksyon ang dumating sa kanila.

Bilang isang appraiser, maigting na inumpisahan ni Tom ang kanyang trabaho. Ang manager naman ay inutusan ang empleyadong si Luna sa labas. Matapos noon ay tahimik at pasensyosang umantabay ang manager sa kanyang appraiser.

"Killer cockroach, Metallic carabao, Ramming boar, Lazy cat, Martial bunny..." Pabulong na pagpapangalan ng appraiser sa mga dungeon monster.

Nakamasid lang si Clyde sa ginagawa ng appraiser. Napalingon s'ya sa may pinto ng may biglang magsalita.

"Aurora pinapatawag mo raw ako?" Tanong ng bagong dating sa manager.

Isang balbasaradong lalaking may kaliitan. Wala pa siguro sa five feet ang lalaki. Mukha siyang isang high school student.

"Big Ben." Banggit nito sa pangalan ng bagong dating.

"Ben." Mariing pagtatama ng lalaki sa manager. Namula ang mukha nito sa hiya ay inis.

Ang lalaki ay may height complex. Ayaw na ayaw n'yang napag-uusapan ang kahit anong bagay na may kinalaman sa height. Mas lalong ayaw n'yang sinasarkastiko o binibigyan s'ya ng mga kakatwang palayaw.

"Anong kailangan mo, taba?" Parang batang ganti nito sa manager.

"Kita mo naman siguro yang nasa likuran ko? Bantayan mo. Sasamahan ko muna ang VIP natin para i-tour." Sagot ng matabang manager na patay-malisya sa ganti ng balbas-saradong maliit na lalaki.

"Sige." Matipid na sagot ni Big Ben.

"Follow me, sir." Giniya s'ya palabas ng manager. Sinabi nito kay Clyde na bibigyan s'ya nito ng tour sa loob ng black market.

"Paano 'yung mga dala ko?" Tanong ni Clyde.

"Matatagalan pa po iyon. Kaya minabuti kong i-tour ka. Baka sakaling may magustuhan kang bagay. And feel free to buy it." Pang-eengganyo ng manager kay Clyde.

"Do you have anything specific in your mind?" Tanong ng manager.

Nagka-ideya si Clyde. Imbes na sumagot ay inililis n'ya ang kaliwang long sleeve pataas. Nakita ng manager ang bawas na laman sa braso ni Clyde.

Doon naigkaintindihan sila. "Lucky for you, sir. Meron kaming kasamahang rank A healer dito. Dadalhin kita sa kanya."

Nagkasundo ang dalawa. Tahimik na sumunod si Clyde rito.

...

"Toni!" Pasigaw na tawag ng manager. Katok ito ng katok sa isang kwarto.

Busangot na mukha ang bumungad sa pagbukas ng pinto.

"Tsk! Anong kailangan mo, manager?" Aburidong tanong ng lalaking may hikaw sa isang tenga.

"May pasyente ka." Masungit na sagot ng matabang manager. Saglit na tinapunan ng bored na tingin ng lalaki si Clyde, na nasa likod ng manager.

Nilakihan ng lalaki ang bukas ng pinto. Pagkatapos, tumalikod ito at pumasok sa kwarto. Sumunod ang manager sa lalaki na nagngangalang Toni. Naturally, sumunod din si Clyde sa dalawa.

Dumeretso ang lalaki sa higaan. Pinabagsak nito ang sariling katawan at tamad na tamad na humilata.

"Nasaan ang sugat?" Saad nito, nakatitig sa kisame.

Tinapunan ng nahihiyang tingin si Clyde ng manager. Nagkibit-balikat lang s'ya. Lumapit s'ya sa aburidong healer.

Inangat n'ya ang long sleeve na tumatabing sa kaliwang braso. Nang makita iyon ng healer ay pabigla itong naupo. Hinawakan ang baba. Binalu-baluktot ang leeg para patunugin.

Pagkatapos, kinuha ng healer ang braso ni Clyde. Tinapat nito ang isang palad sa braso at nag-concentrate. Wala pang limang segundo ay bumalik ang braso ni Clyde sa rati nitong anyo.

Napangiti si Clyde sa pagkalutas ng problema. Nagpasalamat s'ya sa healer na ngayon ay namamaluktot na sa higaan. Nakatalikod kay Clyde.

"Labas na. 'Wag mong aksayahin ang oras ng pagtulog ko. Ibigay mo sa manager ang bayad, isang milyon." Naiiritang saad nito, atat na sa pagtulog.

Hindi na nakapagpigil ang nagtitimping manager. Sumambulat ang galit nito at sinigawan ang healer.

"Ayusin mo ang pakikitungo mo sa mga customer. Lalo na sa mga VIP. Mag-uusap tayo mamaya!" Bulalas ng manager sa healer.

Lumabas sila ng kwarto ni Clyde. Humingi ito ng dispensa sa naging bastos na pakikitungo ng kanilang healer.

"Sir, I promise to reprimand him later." Pangako ng manager.

"Doesn't matter." Walang interes na turan ni Clyde.

Nag-iba sila ng topic. Nais iwaksi ng manager ang awkwardness dulot ng encounter. Sinuggest ng manager na i-check ni Clyde ang mga tinitinda nila. Nakuha ang atensyon ni Clyde sa dalawang topic.

Pinagmalaki nito ang mga tindang equipment; mga sandata at protective gears. Binanggit din nito ang isang bagay na nagpakunot sa noo ng hunter. Ang salitang alipin.

"Sa estimate mo, magkano ko maibebenta ang lahat ng 'yon?" Tanong n'ya patungkol sa mga bangkay ng dungeon monsters.

"Hindi ko expertise ang field na 'yon, pero kung estimate lang naman, I think hindi baba ng ten million pesos."

"10, 000, 000 million?" 'Di makapaniwalang tanong ni Clyde.

Bahagyang tumaas ang labi ng manager. May tingin itong kumbinsido.

"Yes."

...

Sa loob ng pinakamalaking kwarto dinala si Clyde. Doon busy s'ya sa pagtingin ng mga sandata at kagamitan.

Naka-display ng organisado ang bawat isa sa mga rack. Magkakahiwalay ang mga gamit depende sa uri.

Mula sa mga melee weapons gaya ng espada, dagger, palakol, maso at kung anu-ano pa. Mga range weapons, bow and arrow, guns, etc. Hanggang sa gamit ng mga mages tulad ng wand at magic guns. May mga shields at armor din. Mga accessories; singsing, bracelet, kwintas at mga hikaw.

Sa ilalim ng bawat isang display ay may description. Nakalagay doon ang pangalan, function at presyo.

Dalawang bagay doon ang nakakuha ng interes ni Clyde.

Isang singsing. It has a very convenient function for mages.

...

Ring of good riddance!

- A ring that can forcibly expel one target away from the user.

Mana required : 300 

Cooldown : Once a day

Price : 10, 000, 000 pesos

...

At isang pares ng sapatos.

...

Phantasmal Boots

- When wearing, it gave the skill blink to the user. When used, it leaves a real life afterimage of the user causing confusion to everyone.

Mana required : 500

Cooldown : Once a day

Price : 10, 000, 000 pesos

...

Mabigat ang kamay na dinampot 'yon ni Clyde. Hindi n'ya mapigilan ang sarili. May kamahalan man, hindi n'ya ma-resist ang naka-attach na life saving skills sa mga equipment. Inabiso n'ya sa 'yon manager.

"Kukunin ko ito kung aabot sa 20, 000, 000 ang mabebenta ko."

Tapos noon bumalik na sila sa warehouse.

...

Brineakdown ng appraiser ang total amount ng mga binenta ni Clyde.

"There are 10, 561 dungeon monster corpses in total. Ang standard price ay 1,000 pesos for the lowest quality goods, that is if minimal ang damage. If not itinatapon na lang. As the monster corpse became rarer, mas mataas ang presyo. In your case, may lima kang humanoid type monster na hindi ko alam ang origin, but I still think 10,000 pesos each is quite profitable for you. Karamihan sa binenta mo ay minimal to no damage at all, which I found weird. But still, I gave you a reasonable price." Paliwanag nito.

"20, 825, 500 pesos for the corpses." Nakangiting sabi nito kay Clyde. Napahigop ng malamig na hangin ang hunter.

"As for monster cores which rare find, I'll give you 6, 580, 000 pesos for 658 monster cores at standard price. 10, 000 pesos. Meron ding isang higher quality monster core, 30, 000 pesos. 6, 610, 000 for every monster core then. Bebenta mo bang lahat ng mga 'to?" Tanong ng appraiser.

Tumango si Clyde na kina-excite ng appraiser.

"27, 435, 000 pesos in total." sabi ng appraiser.

"Minus 20, 000, 000 pesos sa dalawang equipment. 1, 000, 000 para sa pag-heal ng braso mo. In the end meron ka pa rin namang 6, 435, 000 pesos." Suma ng manager.

...

Nagdesisyon si Clyde na puntahan ang binebentang mga alipin.