webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · History
Not enough ratings
41 Chs

Chapter 09

Mairy Alois Hernandez

Tatlong araw na ang lumipas. Hindi lumalabas ng bahay si Alois. Ni hindi nga siya sumisilip sa bintana. Natatakot siya na baka mahanap ni Ismael ang kainarooonan niya. She'll never go back in that kingdom. Mabuti na lamang at dinadalhan na lamang siya ng pagkain ni Rilen o hindi kaya ay ni Thana. Sa labas ay tila ba walang tao ang bahay na ito, na tila ba matagal na itong hindi inuuwian. Sinadya talaga ni Alois na pagmukhaing walang tao sa bahay na ito. Ayaw niyang mahalata. Kung nandito si Ismael ay nandirito rin ang iba pang tauhan ng kanyang ama kaya doble ingat ang ginagawa ni Alois.

Tiningnan ni Alois ang mga gamit niya. Bukas ay makukuha na niya ang ticket para sa barkong sasakyan niya. Wala ng rason para magtagal pa sa lugar na ito. Niligpit niya ang kinainan at kaagad din itong hinugasan. Papasok na sana siya sa kwarto nang may kumatok.

Biglang binundol ng kaba si Alois. Alam niyang hindi si Rilen o si Thana ang kumakatok dahil may mga sarili itong susi. Nahanap ba siya ni Ismael? Nahanap ba siya ng tauhan ng kanyang ama?

Napako si Alois sa kinatatayuan niya.

"Alois? It's Thana."

Nawala ang kaba ni Alois. Si Thana! Patakbo siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. Nagulat si Alois nang bigla siya nitong hatakin palabas at pasakayin sa karwahe.

"We're leaving."

We're leaving? Kami aalis?

Maya-maya lang ay ipinasok na ni Thana ang mga bagahe niya. Pagkasakay na pagkasakay ng kaibigan ay ang siya rin pag andar ng karawahe.

"Bakit ba bigla ka na lang nanghahataka?" Inis na tanong nito kay Thana.

Inabot sa kanya ni Thana yung brown envelope na nakalapag sa upuan. Kinuha niya ito at kaagad na tiningnan. Halos mapatalon siya sa tuwa nang makita ang laman nito.

"A-akala ko bukas pa? Nasaan si Rilen?"

"Nasa puerto na. Napaaga ang alis ng barkong sasakyan mo." Huminto si Thana sa pagsasalita.

Napangiti siya. Sa wakas! Makakaalis na siya sa bansang ito. She's finally free. Nakaramdam bigla si Alois ng kaba. It feels like something's wrong. Humigpit ang pagkakahawak niya sa envelop. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Nga pala, why are you wearing a cape?" Tanong niya sa kaibigan. Pinakatitigan niya ang suot nito. Himala at nakapants ito, she's also wearing a black boots. Hindi na niya nakita ang kabuoang pananamit nito dahil natatakpan ng cape.

"It's cold, alam mong ayaw ko sa lamig."

Tumango siya. Oo nga pala.

Masayang nagkwento si Alois sa kaibigan. Hindi niya rin kasi maitago ang saya na nararamdaman niya. Ngunit napapansin niya sa mga mata ng kaibigan ang…awa? Isinantabi niya ito at pinagpatuloy lang ang pagsasalita. She thanked her for everything she have done to her. Sa mga tulong nito.

"No need to thank me, Melisa." Sumilay ang ngiti sa labi ni Thana na siyang ikinagulat niya. She smiled at her.

Hindi na natiis ni Alois na yakapin ang kaibigan. Nangilid pa ang luha sa kanyang mata.

"Don't smile! Hindi ako sanay!" Aniya bago humiwalay. Pinunasan niya ang nangilid na luha sa mata. "I'll never forget you and Rilen."

Nginitian ulit siya ni Thana. Sinulit na ni Alois ang natitira niyang oras kasama ang kaibigan. Halos isang oras ang tinagal ng byahe papunta sa puerto. Hindi maiwasang hindi ngumiti ni Alois nang matanaw ang malaking barko kung saan siya sasakay. This is it, magiging malaya na siya.

"Thank you, Thana." She said.

"Huwag mo akong pasalamatan. Walang rason para pasalamatan mo ako, Melisa."

Kinilabutan si Alois sa lamig ng boses nito. Bakit tila naging seryoso at malamig ito? Kanina lang ay ngumingiti pa ito at masayang nakikinig sa kanya, anong nagyari? Kinuha niya ang bagahe at kaagad na bumaba.

Maraming tao at naririnig niya rin ang pag iyak ng mga bata. Ang pagpapaalam ng mga pasahero sa pamilya nila at ang pagtawa ng iba.

Natanaw niya sa Rilen na nakapamulsa sa hindi kalayuan. Naramdaman siguro nito na papalapit na siya dahil bigla itong lumingon. Nginitian siya ni Rilen at ganun din ang ginawa niya. Kumunot ang noo ni Alois nang mapansin ang suot nito. May suot din itong cape pero nakikita niya ang pants na suot nito. Parehas sila ng suot ni Thana.

Binitawan niya ang bagahe at kaagad na niyakap si Rilen.

"Thank you, Rilen." Humigpit ang pagkakayakap niya sa kaibigan. She'll miss this guy na walang ibang ginawa kundi ang makipaglampungan sa iba't-ibang babae.

Humiwalay na siya sa pagkakayakap niya. "I'll miss both of yo— "

"I'm sorry, Alois."

Kumunot ang noo niya sa narinig. "Huh?"

Hinubad ni Rilen ang suot na cape Nanlaki ang mga mata ni Alois nang makita ang suot nito. Hindi. Nanginig siya sa takot at sa galit. Bakit hindi niya napansin kanina? Bakit hindi niya nakilala ang uniporme at ang suot na cape ng mga tinuring niyang kaibigan.

Napa-atras siya palayo kay Rilen. "T-traitor." Puno ng galit niyang sabi.

Tiningnan niya si Thana na ngayon ay papalapit na sa kanila. Binuhat niya ang bagahe at kaagad na tumakbo. Traydor sila. Ang itinuring niyang kaibigan at pamilya ay isa palang traydor. Katulad sila ni Ismael— parehas na traydot at parehas na tauhan ng kanyang ama. Si Thana at Rilen na malapit na malapit sa kanya ay tauhan pala ng ama niya.

Nag unahang tumulo ang mga luha sa kanyang mata. Humahagulgol siya habang tumatakbo palayo sa dalawang tao na pinagkatiwalaan niya ng sobra.

"HABULIN ANG PRINSESA!" Sigaw ng kung sino.

Mas binilisan pa niya ang takbo. Alam niyang nakasunod sa kanya ang dalawa at ang iba pa nitong nga kasama. Hindi siya babalika sa lugar na 'yon! Magkamatayan na!

"I'm not a princess! so stop chasing me!" Sigaw niya.

Narinig niya ang pagtawag sa kanya ni Rilen at Thana. Mabuti na lang at maraming tao sa puerto. Kung saan naglulusot si Alois, makalayo lang sa tauhan ng hari.

Niloloko lang pala siya ni Thana at Rilen. Ang akala niya ay kaibigan niya ang dalawa ngunit mga traydor pala. Bakit hindi kaagad niya naisip na traydor ang dalawa lalo na noong nakita niya ang patalim ni Thana. Kung naisip niya kaagad 'yon ay baka natakasan na niya ang dalawa. Masyado siyang nagtiwala kay Rilen at Thana.

"Fvck!" Napamura si Alois ng madapa siya dahilan para tumama ang ulo niya sa simento.

Napapikit si Alois. Sobrang lakas ng pagkakabagsak niya. Napamura siya nang manlabo ang paningin niya. Kahit nanghihina siya ay pinilit niya pa rin na tumayo. Binuhat niya ulit ang bagahe at nagsimulang maglakad. Napahawak siya sa noo niya. May naramdaman siyang likido na tumutulo pababa sa kanyang pisngi. Dugo!

"A-ayoko…" Nabitawan ni Alois ang bagahe nang biglang dumilim ang paningin niya.

Napaupo na lang siya at sumandal sa mga nakatambak na karton. Unti-unti na siyang nilalamon ng dilim. Ito na ang katapusan niya. Mas gugustuhin pa niyang maubusan ng dugo kaysa sa makulong siya sa palasyo.

Bago pa man tuluyang mawalan ng malay si Alois ay naramdam niya ang pagbuhat sa kanya ng kung sino. Hindi niya makita ang mukha nito.

"P-please...d-don't s-save me." She said.

Mapait na ngumiti si Alois. "D-don't save me. L-l-let me sleep...forever— "