webnovel

His Concubine

Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.

imsinaaa · History
Not enough ratings
41 Chs

Chapter 08

Mairy Alois Hernandez

"Rilen, I need your help."

She needs Rilen. Kailangan na niyang lumayo at umalis sa lugar na 'to lalo na't alam na ni Ismael kung saan siya nagtatago— no, alam ng kanyang ama at ng ampon nito kung nasaan siya.

"Kailangan kong maka alis sa bansang 'to. Please, help me." Alam niyang nagtataka si Rilen sa sinasabi at ikinikilos niya. Mukhang kailangan niya ng mahabang oras para magpaliwanag—

"Okay, I'll help you."

Napa nganga siya sa narinig. Hindi man lang ba ito magtatanong? Hindi man lang ba ito mag tatanong kung bakit kailangan niyang umalis sa bansang ito?

"H-hindi mo ba itatanong kung bakit?"

Umiling si Rilen bago guluhin ang buhok niya. "Nope. It's none of my business."

Hindi makapaniwala si Alois. Ang inaasahan niyang magiging reaksyon nito ay magugulat, sisigaw at tatadtarin ng mga katanungan. Hindi talaga makapaniwala si Alois sa isinagot ng kaibigan. Hinanda pa naman niya ang sarili sa mahaba-habang pagpapaliwanag.

"Thank you." She said.

Dumating si Thana sa kusina nangmatapos ang pag-uusap nila. She trust Thana, her friend. Kailangan niyang masigurado ang kanyang nakita.

"T-thana, you have a dagger right?" She asked.

Tumango ito bilang sagot. Gusto niyang tingnan ang hawakan nito. Gusto niyang makasiguro dahil baka namamalikmata lang siya noon.

"Can I borrow your dagger? Dala mo ba?"

Tumango ang kaibigan bago ilabas ang patalim. Kaagad niya itong kinuha sa kamay ng kaibigan. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon, sinuri niya ang hawakan nito.

"Where is it?" Bulong niya. Bakit walang marka? Nasaan ang markang nakita niya noong may bumunggo sa kanya? Iisa lang naman ang itsura ng patalim ngunit wala siyang makitang marka. She saw the mark of Aeternam empire— ang imperyo ng kanyang ama. Nakita nita ito sa hawakan ng dagger ng kaibigan. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Namamalikmata nga lang siya. Hindi niya dapat pinagsuspetyahan ang kaibigan. Nginitian niya ang kaibigan bago ibalik ang patalim sa kamay nito.

"Thank you."

"Ito ba ang hinahanap mo, Melisa?" Aniya bago ilabas ang isa pang patalim.

Tila nawalan siya ng lakas nang makita ang isa pang patalim na kahawig ng patalim na tiningnan niya kanina, ang ipinagkaiba lang ay may marka ito ng imperyong iyon. Hindi makapaniwala niyang tiningnan ang kaibigan. She's now pale and her hands are trembling in fear.

"I-is this yours? Thana?"

Please say no, please! She's hoping that Thana will say no. Imposible na maging pagmamay-ari ng kaibigan ang ganung klase ng patalim!

"Yes, it's mine."

Thana Betrayed her. She's one of them!

"THANA!" sigaw ni Rilen.

Hindi niya pinansin ang pagsigaw ni Rilen. Nanatili ang attensyon niya sa kaibigan.

"Y-you're one of the— "

"Bigay ito sa akin ng isa sa mga costumer ng kinainan ko noon. He said that it's dangerous to go outside nowadays, kaya binigay niya sa akin 'yan in case na may mangyaring hindi maganda." Putol nito sa sinasabi niya.

Teka, tama ba ang narinig niya? Ibinigay lang ito sa kanya.

"I-ibig sabihin ay hindi talaga ikaw ang may-ari ng patalim na 'yan?" Tumango si Thana.

"Yes. Bigay lang ito sa akin." Thana said bago itago ang dalawang patalim.

Nakahinga ng maluwag si Alois. Akala niya ay may nagtraydor nanaman sa kanya. Than and Rilen is her friend, she trust both of them at alam niyang matutulungan siya ng dalawa.

….

Bitbit ni Alois ang malaking bag na naglalaman ng mga damit at importanteng bagay. Mananatili muna siya sa bahay ni Rilen, Hindi naman nagagamit ni Rilen ang bahay na iyon dahil palagi itong nasa bahay aliwan na pagmamay-ari nito. Doon na nga rin natutulog at parang 'yon pa nga ang bahay ni Rilen kaysa sa totoo nitong bahay.

Binuksan ni Alois ang gate. Kinuha niya ang susi sa bulsa at kaagad na sinusuian ang pintuan. Sigurado siya na hindi siya mahahanap ni Ismael. Kailangan niya ng kaunting panahon. Kailangan niyang magtago sa loob ng apat na araw. Apat na araw ang itatagal ng pag proseso ng mga papeles niya para makaalis ng bansa. May naipon na siya kaya makakabili na siya ng ticket para sa barkong sasakyan niya. Alam ni Alois na mahihirapan siya sa gagawin niya dahil kukulangin ang ipon niya para buhayin ang sarili sa ibang bansa, ngunit mas gugustuhin pa niyang maghirap at bumalik sa pagiging palaboy kaysa sa manatili sa lugar na 'to at maging preso sa emperyo ng ama niya.

Sana lang ay hindi siya mahanap ni Ismael at sana ay hindi niya na ulit ito makita dahil baka masaktan niya na talaga ang lalaking 'yon. Naiyukom ni Alois ang kamay. Nananahimik siya, wala na siyang koneksyon sa epmeryong 'yon. Wala na siyang pakialam sa mga taong kabilang sa palasyo. She's no longer the princess and the daughter of King Aeternam.

Mapait na napangiti si Alois. Hindi na siya ang prinsesa dahil ipinagpalit na siya ng ama sa isang ampon. Nagawa pa nga silang itakwil ng ina. Umigting ang panga ni Alois nang maalala ang mga nangyari noon. Kahit kailan ay hinding hindi niya mapapatawad ang ama dahil ito ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang kanyang ina. Kasalanan ng hari at ng ampon nito ang lahat.

Alam niya na gusto lamang siyang gantihan ng ampon ng ama. At first, she treated him like her own brother, a friend. But when she knew what was happening, she changed into a monster. She asked him to beg for forgiveness, she makes him cry everyday, she let the other kids call him by names, she chained him like a dog. Naging halimaw siya nang dahil kay Ignis.

Pumasok na sa loob ng bahay si Alois at siniguradong nakasarado ang pintuan. "Hindi ako babalik sa kaharian na 'yon, never!"

Ignis Connor Alexandre Aeternam.

"Your Highness."

Ibinaling niya ang tingin sa dalawang tauhan na nakaluhod sa kanyang harapan. Mukhang may mahalaga itong sasabihin.

"Nagbabalak na umalis sa bansa ang prinsesa."

Umigting ang kaniyang panga sa narinig. Nabasag din ang hawak niyang wine glass sa sobrang higpy ng pagkakahawak niya rito. Kasabay ng pagtulo ng red wine ay ang pagtulo ng dugo niya sa sahig. Hindi niya ininda ang mga sugat na natamo at ang mga bubog na bumaon sa palad niya.

"She's planning to escape again, huh?"

"Yes, your highness. She even asked for my help."

Mas lalong naiyukom ni Ignis ang kamay. He's mad. Bakit ba gustong-gusto siyang takasana ni Alois? Hindi pa ba sapat ang binigay niyang kalayaan dito? Marahas na tumayo si Ignis. Dali-daling lumapit sa kanya ang isa sa mga tauhan niya para linisin ang sugat sa kanyang palad.

"Nasaan siya ngayon?" He asked.

Inangat ni Rilen ang kanyang mukha. Tama, si Rilen ang isa sa mga tauhan niya at ang babaeng nakaluhod din sa tabi niya ay si Lithana— Thana. 

"Kasalukuyan siyang nagtatago sa aking tirahan."

Ngumisi si Ignis. Hindi na siya magsasayang ng oras. Kailangan niya ng makuha si Alois. He wants the throne, as soon as possible.

"Your highness, Ismael is here. Siya ang dahilan kung bakit gustong umalis ni Alois sa bansa."

Tumaas ang kilay ni Ignis sa narinig. Hindi ba't sinabihan niya na ang mga tauhan ng hari na huwag ng makialam sa mga plano niya. Nang dahil sa Ismael na 'yon ay nasira ang plano niya.

"Pumunta kayo sa meeting room. I want all of you to be there." He said.

Sabay-sabay na tumayo ang mga tauhan niya, kabilang na sina Lithana at Rilen bago ito lumabas sa silid.

Nasira man ang plano niya ay sisiguraduhin niyang sa kanya pa din ang bagsak ni Alois. Inilabas niya ang isang litrato kung saan magkasama sila ni Alois. Bata pa sila noon at ito hindi pa ito galit sa kanya. Alois was smiling at the picture. Nakaakap ito sa kanya. Ganoon rin siya. Sisiguraduhin niya na babalik na sa kanya si Alois. Ikukulong niya sa kanyang bisig ang dalaga at hindi na ito pakakawalan pa. He'll take Alois back in his arms, again.

Nakangiti niyang hinaplos ang litrato. "Trying to escape again, huh?"

I won't let you escape, Alois. You will be my concubine.