webnovel

Would You Not Die Finishing Them?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1392: Hindi Ka Ba Mamamatay Doon?

"Kailangan ko matuto sa iba kasi wala kang kwenta!" Inirapan siya ni Ning Xi.

Matindi ang labang ng tatlo. Kahit may natutunang mga teknik si Ning Xi kay Han Xiao, nahihirapan siya. Natatalo silang dalawa laban kay Tang Ye.

Wala sa tamang isip si Tang Ye. Natamaan niya ang balikat ni Ning Xi, tapos aatakihin na niya ang fatal area ni Tang Lang...

Pero biglang may mabagal na boses na tumawag sa kanya.

"Ye."

Biglang tumigil si Tang Ye. Tumigil ang buong katawan niya sa gitna ng atake niya.

Puno ng pawis ang noo ni Tang Lang. Mabuti na lang, naiwasan niya ang fatal blow ni Tang Ye.

Hinihingal si Ning Xi habang nakayuko siya at nakita niya ang lalaking puti ang buhok.

Si Yun Shen...

Tapos na ang lahat. Bumalik siya.

Biglang bumalik ang malay ni Tang Ye. Mukha na siyang nawawala.

Nag-alala si Ning Xi nang makita niya ang ekspresyon ni Tang Ye. Ano nangyari?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com