Chapter 208: Kailan Ako Lumandi?
Mabuwal-buwal bumaba si Su Yan sa hagdan at nagmaneho ng walang patutunguhan sa bising mga kalsada. Ang naiisip lang niya ay yung araw na tinakpan ni Ning Xi ang sugat ni Ning Xueluo at humingi ng saklolo, at kung paano niya walang pakundangan itinulak siya papalayo…
Tungkol sa kung paano naging matigas ang ulo ni Ning Xi sa ospital, hindi pumapayag na ibaba ang kanyang ulo sa harap ng hindi makatarungan na akusasyon ni Ginoong at Ginang Ning…
Tungkol sa masasakit at mapangakusa na salita na pinadala niya sa kanya, salita sa salita, pangungusap sa pangungusap…
Pagkatapos ng insidente, hindi man lang niya isinasaalang-alang kahit isang segundo na tumayo sa tabi ni Ning Xi at makinig sa kanyang paliwanag. Sinabi na niya sa kanyang sarili na tratuhin niya ito na para niyang nakababatang kapatid na babae kahit pa wala na sila sa isang relasyon, ngunit sinasaktan niya ito sa lahat ng oras.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com