webnovel

What A Dogfight

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 2018: Ibang Klaseng Dogfight

"Dang, nagpapanggap pa talaga siya ngayon! Talagang nasira niya ang record ng bottom line!" 

"Hindi talaga mapapantayan ang mga walang hiya! Kanina, ang gaganda pa ng sinasabi ko tungkol sa kanya dahil pinagtatanggol niya ang hustisya! Nabulag ako! Han Zixuan, umalis ka na ng entertainment industry!" 

"Han Zixuan, umalis ka na ng entertainment industry!" 

… 

Kanina perpekto ang pagpapanggap ni Han Zixuan. Kasing tindi noon ngayon ang galit ng mga tao sa kanya. 

Lahat sila ay nangungutya may iba pang nagsasabing umalis na siya sa entertainment industry. Lahat ng microphone at flashing lights ay nasa mukha niya. 

Magulo na ang buhok ni Han Zixuan. Nadumihan na ang makeup niya at gusot na ang elegante niyang gown dahil sa pangsisiksik ng mga reporters sa kanya. Natanggal pa nga ang heels niya. Paulit ulit niyang sinasabi ang mga salitang, "Hindi ako, hindi ako!" 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter