webnovel

Unreal Feeling

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1777: Parang Hindi Makatotohanan

Habang pumapasok sa isipan niya ang impormasyon mula sa mga dyaryo at sa mga magazines, nalito siya at naguluhan.

Hanggang… nakita niya ang isa pang headline… 

Tungkol ito sa pagsimula ni Guo Qisheng ng TV series ng "The World", pero ang pamagat ngayon ay "After Two Years, Guo Qisheng Is Making The TV Series of 'The World'!"

Tumutok ang mga mata ni Ning Xi sa salitang "after two years"... 

Dalawang taon?

Paano nangyari iyon?

Hindi pa lumilipas ang isang taon simula noong natapos ang filming!

Nagkamali ba ang editor?

Napansin bigla niya ang mga petsa sa mga dyaryo… 201X?! Baka nga nagkamali ang editor, pero imposible na magkamali ang lahat ng mga dyaryong ito, 'di ba?

Nanginig nang kaunti ang boses ni Ning Xi, "Boss…"

"Miss, may kailangan pa kayo?" Hindi umalis ang titig niya sa babae sa harap niya buong oras. Agad siyang sumagot noong tinawag siya.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com