webnovel

Unique Way Of Interacting

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 327:Unique Way Of Interacting

Sa oras na 'yun rin, nanonood nang maigi sina Lu Chongshan at Yan Ruyi mula sa surveillance room sa courtyard.

Biglang gumaan ang mukha ni Yan Ruyi mula sa pagiging mahigpit nito nang makita niya ang pag-uusap ng dalawa pati na sa dalawang linyang isinulat ni Little Treasure. Natawa siya, "Siguradong tinuro sa kanya 'yun ni Tingxiao!"

Napatingin lang si Lu Chongshan nang mapanuya at walang sinabi habang maigi niyang pinapanood ang nasa monitor. 'Di lang para panoorin ang babae pero pinakaimportanteng malaman niya ang dahilan kung bakit nagagawa niyang pasunurin si Little Treasure!

Pero…

Nakatadhanang mabigo si Lu Chongshan.

Dahil ang totoo niyan, simple lang naman ang pagkilos nina Ning Xi at Little Treasure kapag magkasama.

Sa madaling salita, ginagawa lang nila ang kanya-kanya nilang gusto.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com