513 Unable To Control Himself

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 513: Hindi Napigilan Ang Sarili

Binuksan ng lalaki sa kama ang kanyang mga mata. Ang kanyang mga mata ay klaro at walang intensyong matulog...

Sinubukan niya lang umidlip kanina sa kama.

Nang kumatok si Ning Xi sa pintuan, hindi niya talaga ito narinig. Ngunit nang pumasok si Ning Xi, gising na siya ngunit napagdesisyunan niyang huwang imulat ang mga mata.

Maingat na inalis ni Ning Xi ang kanyang coat at inayos ang pillow saka siya kinumutan.

Kahit alam niyang inaalagan lang siya nito dahil siya ang boss at supervisor, nakaramdam pa rin siya ng init sa kanyang pag-aaruga. Biglang nawala ang kanyang pagod.

Sa oras na handa nang umalis ang babae, napansin ng lalaki na nawala ang tunog ng mga yapak nito.

Hindi siya naglalakad o gumagalaw at ramdam niya ang titig sa kanya ng babae...

Anong...anong ginagawa niya? Anong tinitignan niya?

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter