webnovel

Truth Or Dare

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 538: Truth Or Dare

"Hindi masayang makipaglaro sa inyo! Hindi kayo magaling at palaging talo! Bakit hindi na lang tayo maglaro ng truth or dare?" suhestiyon ni Small Qiao, sabik na sabik ang kanyang itsura.

Kahit sandali pa lang nilang nakikila ang lalaki, matindi na nila ang interes nila sa kanya.

Ang pinakamahalaga, napansin din niyang interesado rin si Zhuang Keer sa lalaki. Pero dahil sa social standings nito at sa koneksyon niya kay Lu Tingxiao, wala siya sa tamang posisyon para kumilos. Pinanood lamang sila nito mula sa sulok.

Hilig ni Small Qiao na pagtripan si Zhuang Keer, kaya tinawag niya ang kapatid at nagsimulang magplano ng gagawin nila/

Truth or dare ang pinakamadaling paraan para magsimula ng tensyon sa mga tao sa party, at magaling si Big Qiao sa larong ito. Kayang kaya niyang gawing target ang kahit sino basta intensyon niya ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com