webnovel

The Devil Was Just Too Sweet!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 758: Masyadong Sweet Ang Demonyo!

"Zhuang Liaoyuan...sino ang lalaking iyon?" Bakit pamilyar ang pangalan niya?

"Naalala mo si Zhuang Keer, isa sa mga karibal mo? Iyon ang tatay niya! Ngayon, alam mo na." sabi ni Mo Lingtian.

Narinig niya noon na gusto ng pamilyang Zhuang na ipares si Zhuang Keer kay Lu Tingxiao pero halata naman ngayon na wala na silang tsansa.

Sinong magaakala na makikita nila si Zhuang Liaoyuan dito ngayon? At talagang sinubukan pang nakawin ni Zhuang Liaoyuan ang kayamanan ni Lu Tingxiao...

Pero, mayroong benepisyo ang pangyayaring ito. Ngayon na alam na ni Zhuang Liaoyuan na may girlfriend si Lu Tingxiao, hindi na siguro niya susubukan magmatchmaking ulit!

"Ano? Zhuang Liaoyuan? Iyong maalamat na major general? Narinig ko na siya ang head sniper ng special task force noong bata pa siya. Ang tatay niya na si Zhuang Zhongren ay kakaiba din. Maraming sharpshooters sa pamilya nila!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com