webnovel

Stop Mocking Us Single People

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 745: 'Wag Mong Asarin Ang Mga Single

Matapos nilang marinig ang kumpirmasyon mula kay Lu Tingxiao, nasurpresa ang lahat.

Girlfriend nga talaga ito ni Lu Tingxiao! Ang lalaking walang makamundong pagnanais...pinaguusapan lang nila kanina kung anong klaseng babae ang makakakuha sa puso niya.

Mahinhin o maganda?

Mapagbigay o romantika?

O baka naman isang malakas na businesswoman tulad niya?

Maraming posibilidad ang naisip nila pero hindi nila inasahan...na magkakagusto si Lu Tingxiao sa isang little bunny.

Ang fluffy at cute na ito ay nakapirmi sa tabi ni Lu Tingxiao. Hindi sila bagay! Pero kapag mas sinuri mo, mapapansin mo na kapag nasa tabi ni Lu Tingxiao ang babae, mas umiinit ang madalas na malamig nitong aura. Kapag tinitignan niya ang babae, parang tagsibol na....

Isang himala!

"Nabuhay ako ng ganito katagal para makita ang babaeng nakakuha kay Lu Tingxiao! Ang babaeng ito...ay tunay na kakaiba!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter