webnovel

So Cool!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1348: Ang Galing!

Karamihan sa mga taong nagpakita sa studio ngayon ayang mga pangunahing tauhan.

Ang mga pangunahing tauhan na kilala niya ay ang isang babae, Meng Shiyi, habang ang sa lalaki naman ay si Jiang Muye. Ang iba pang pngunahing tauhan ay magmumula sa Glory World Entertainment, Li Yiqing.

Nang makarating si Ning Xi sa bihisan, nakarinig siya ng malakas na sigaw mula sa loob.

"Hoy, ano ba ang problema mo? Simpleng bagay hindi mo pa magawa! Gusto mo bang patayin si Shiyi? Hindi mo ba alam kung gaano kalambot ang kanyang balat!?"

Nang pumasok si Ning Xi, nakita niya si Meng Shiyi na nakaupo sa harap ng salamin na parang reyna, at ang kanyang katulong ay pinapagalitan ang isang babae. Ang kanyang kuko ay halos masugatan ang mukha ng babae.

Napagtanto ni Ning Xi na ang babae ay si Li Yiqing na mula sa Glory World Entertainment. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata at halos maiyak na, ngunit hindi siya gumagawa ng ingay.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com