Chapter 99: Maagang pagkalabog ng bintana
Gabing gabi na, sa Public Relations Department ng Glory World Group.
Pinoproblema ni Liang Feixing ang scandal ni Su Yimo dahil sa pagmamaneho nang lasing at may nabundol na tao, nang biglang mag-ring ang cellphone niya.
Handa na sana siyang ibato ang cellphone, pero bigla siyang pinagpawisan nang malamig nang makita ang caller ID. Bigla siyang napaupo at sinagot agad ang tawag –
"Hello, President Lu, sorry po! Inaasikaso na po namin ang problema, mareresolba po agad 'to hanggang bukas ng gabi!"
"Ano?" Mmririnig sa telepono ang malamig at mapagwalang bahalang boses ng lalaki.
"Ah? Tungkol po sa drunk driving issue ni Su Yimo…'di po ba 'yon ang dahilan ng pagtawag niyo?" Naguluhan si Liang Feixing. Bale hindi tumawag ng ganitong oras ang boss niya para i-interrogate siya?
"Hindi."
Support your favorite authors and translators in webnovel.com