webnovel

Seeing The Crazy Person Again

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1956: Makikipagkita Ulit Sa Baliw Na Tao

Trained ang dalawang tao. May mga baril pa sila. 

Pero, hindi natakot si Ning Xi. 

Sa left side ng kotse, may halimaw na mas nakakatakot pa kaysa sa cluster bombs. 

Sa sandaling iyon, nakaupo sa passenger seat si Han Xiao sa tabi ng driver, sinisimot pa rin ang fried drumstick. 

"Tingnan niyo sarili niyo, dalawang malaking lalaki, nangbu-bully ng babae. Hindi tama yun, 'di ba?" sabi ni Han Xiao habang nakatingin sa dalawang lalaki sa labas ng kotse. 

Nang marinig siya ng dalawa, lumapit ang maliit at mapayatn a lalaki at sinarado ulit ang passenger car door. Tumitig siya nang malamig kay Han Xiao. "Kumain ka lang. 'Wag kang magpakamatay." 

Ang utos sa kanila ay dalhin si Ning Xi. Kung hindi papayag si Ning Xi, aayusin nila nang mabilis. 

Para naman sa ibang tao, hindi nila kailangan pansinin. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com