webnovel

Seducing Me! Seducing Me Again!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 410: Inaakit Ako! Inaakit Niya Ulit Ako!

Narating niya sa wakas ang kanyang opisina.

Bam! Malakas na binuksan ni Lu Tingxiao ang pintuan.

Nakita niyang tahimik na nakaupo sa sofa si Ning Xi habang hawak ang makapal na pulang album...

Nang makita niya na hawak ng babae ang album, kinabahan ang madalas na kalmadong si Lu Tingxiao, nanginginig pa ang kanyang boses, "Ning Xi…"

Nagitla si Ning Xi sa biglang pagdating ni Lu Tingxiao, na mukhang natatakot at hingal na hingal. Ang tie at buong suot pa niya ay magulo na...

"Uh, boss...anong...anong nangyari sa'yo?"

Lumapit si Lu Tingxiao patungo sa kanya, nakatitig sa album na hawak niya...

Agad na humingi ng paumanhin si Ning Xi, "Ah! Naku...I'm sorry...nakita ko kasi nakapatong lang dito...ang akala ko hindi naman confidential...kaya kinuha ko at tinignan…"

Binalik niya kaagad ang album.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com