webnovel

Security Camera Footage

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1386: Security Camera Footage

Sa loob ng Ren Ai Hospital, pagkarating ni Mo Lingtian, nakita niyang palabas si Ning Tianxin galing sa operation room at nakasakay sa wheelchair.

Tuyo ang labi ng babae at maputla ang mukha niya. Sa sobrang putla, parang transparent na papel na.

"Doctor, kumusta ang pinsan ko?" tanong ni Ning Xi.

Tagaktak ang pawis sa noo ng doktor. Pagod ang mukha niya at nagbuntong-hininga siya, "'Buti na lang, nakarating agad siya. Naligtas namin yung uterus niya, pero…"

Parang nagbibigay ng sermon ang doktor. "'Di ba sinabi ng doktor niya na delikado ang abortion para sa katawan niya, at baka hindi na niya kayang mabuntis ulit pagkatapos nito? Pumunta pa siya sa unauthorized clinic para sa abortion! Baka hindi na niya kayang mabuntis pagkatapos nito."

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com