webnovel

Practically An Evil Incubus!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 533: Para Siyang Evil Incubus!

Ang lalaking nagligtas kay Zhuang Keer ay nakasuot ng itim na jacket, medyo magulo ang buhok, at may nakakaakit na mukhang kayang bihagin babae man o lalaki. Ang nakakahipnotismo ay ang klarong mga mata nito, na may bahid ng kawalan ng sigla, at mukhang walang pakielam dahil wala namang makakapasok sa kanyang puso...

Gayunpaman, kahit siya ay malupit, siya pa rin ay nakabibighani...

Pero...pero itong lalaking ito...para siyang evil incubus na nandito para akitin ang mga tao!!!

Akala ni Zhuang Keer ay katapusan na niya. Sa ego na mayroon siya, mahirapan isipin kung anong maaaring mangyari kung nahulog talaga siya sa pool. Salamat sa Diyos at naiwasan niya ang kahihiyang ito!

Ang mahigpit na hawak sa kanyang beywang ay nakapagpakalma sa kanya. Nang tumingala siya, nakita niya ang pares ng nakabibighaning mga mata...

"Okay ka lang ba?"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com