webnovel

Personal Property, No Trespassing. Do Not Even Look

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 544: Personal Property, No Trespassing. Bawal Kahit Tingin

Tuloy pa rin ang party sa loob pero mukhang hindi na lahat ay nasa mood para magsaya.

Nakita ni Lu Jingli na may ilang babaeng tahimik na umalis. Lahat sila ay nagpunta dito para mapalapit kay Lu Tingxiao pero sumuko na sila ngayon.

"Bro, ang galing ng naisip mo! Hindi mo lang napatalsik ang mga pwedeng maging karibal mo, napatigil mo pa pati 'yung babaeng humahabol sa'yo! Ang talino!" pangungulit ni Lu Jingli sa kapatid.

Sa oras na ito, hindi naisip ni Lu Jingli na habang totoo ngang wala nang problema ang kanyang kapatid, mas sasama naman ang mga pangyayari sa susunod...

Pinagtitinginan ng mga tao si Ning Xi pagbalik niya mula sa banyo. Bukod sa kanila, agad na tumakbo si little bun papunta sa kanya.

Klaro ang mensahe sa mukha nito: galit si Little Treasure!

Maraming yakap!

At mga halik!

Para gumaling ang wasak niyang puso at kaluluwa!

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com