webnovel

Oh God! He Was So Dead!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1408: Diyos Ko! Patay Siya!

Nanigas ang mukha ni Lu Jingli nang marinig niya ang tanong. Nagulantang siya. Pagkatapos ng ilang segundo, sumagot siya, "18th… ng August… August 18 din!"

Akala ni Lu Jingli mahihimatay na siya sa lahat ng nalalaman nila.

Limang taon ang nakaraan, ang lugar na drinoga niya ang kapatid niya, at ang lugar na drinoga ni Ning Xueluo si Ning Xi ay magkapareho! Pati na rin ang petsa!

Ang pinakanakatatakot ay, magkapareho rin ang araw na nakunan si Ning Xi at ang araw na dumating si Little Treasure sa Lu family!

Ano… Ano ibig sabihin nito?

Ang tagal na niyang tinatawag na gago ang tao na ito… Maaari ba…?

'Di na kayang isipin ni Lu Jingli!

"Ipagpatuloy mo ang imbestigasyon." Nanigas ang ekspresyon ni Lu Tingxiao. Walang lakas ng loob si Lu Jingli para tumingin dito.

"Okay… Titingnan ko ulit! Malamang mali ako. Hindi papasok si Xiao Xi Xi sa kwarto mo!" Mukhang nabagabag si Lu Jingli.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com