Not So Simple
Binuksan ni Zhuang Keer ang kahon at tinignan ang laman. Naguguluhan siya at ipinilit ang pagkalito, "'Di akin 'to!"
Nagtaka din ang kasambahay. "'Di po inyo? Edi baka po kay Madam? Pero sa style po ng bracelet mukhang para po sa mga dalaga…"
"'Di akin 'yan. Ngayon ko lang 'yan nakita," sabi ni Meng Linlang.
"Weird naman…wala namang sumakay sa kotse ko…" Siniyasat ni Zhuang Keer ang bracelet. Halatang nagkakahalaga ito ng ilang milyong dolyar.
May biglang naalala si Zhuang Keer. "'Di kaya kay…Ning Xueluo?"
"Keer, sino kamo?" Nagsalubong nang kaunti ang kilay ni Meng Linlang nang marinig ang pangalan.
"Siya 'yung anak ng Ning family. Tatay niya si Ning Yaohua at Zhuang Lingyu naman ang pangalan ng nanay niya. Nito ko lang nalaman na pinsan ko siya…"
"Pinsan?" Lalong sumimangot si Meng Linlang. "Pa'no mo siya naging pinsan?! Teka…pa'no mo nalaman 'yung tungkol diyan? Sino'ng nagsabi sa'yo?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com