webnovel

My Dear Son

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1411: Mahal Kong Anak

Sasamahan dapat ni Zhuang Liaoyuan si Elder Zhuang para mangisda, pero narinig nila na niyaya ni Zhuang Rongguaqng si Ning Xi sa shooting range at naintriga sila, kaya sumama na lang sila doon.

Pagkarating nila, masayang ipinagmamayabang ni Zhuang Rongguang kay Ning Xi, "Sis Xi, na-master ko na yung blindfold shot mo!"

Kumuha siya ng itim na tela at tinakpan ang mata niya. Kampante niyang kinuha ang baril niya at itinutok ito sa target.

Bang!

Bang!

Bang!

Pagkatapos ng pangatlong putok, nakita nila ang score: 10 points, 10 points, 10 points.

Tumaas ang kilay ni Ning Xi. "Not bad!"

"'Di ba?!" Sobrang saya ni Zhuang Rongguang nang marinig niya ang puri ni Ning Xi. "Sabi ko sayo magaling ako! 'Di ko lang gustong matuto dati. Nagugulat ako sa sarili ko pag seryoso ako!"

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com